"Okay ka lang ba? Kanina pa mukhang malalim ang iniisip mo," puna ni Zandra kay Ayesha habang naglalakad sila patungo sa banyo para makapagbihis. Galing kasi sila sa school gymnasium at katatapos lang ng kanilang Physical Education subject. "Okay lang ako," sagot naman ng dalaga at saka nginitian ang kaibigan. Ngiting hindi man lang umabot sa mga mata niya. Bothered pa rin kasi talaga siya sa nangyari kagabi. "Ikaw, kamusta ka naman? Baka mamaya ay hindi ka pa rin kumakain hanggang ngayon?" "Salamat sa iyo dahil kahit papaano ay nalinawan ako. To be honest, sumagi rin sa isip kong magpakamatay na lang kasi pakiramdam ko wala na akong kakampi at wala ng nagmamahal sa akin kaya ano pang silbi ng buhay ko. Pero pagkatapos ng mga sinabi mo kahapon, naisip ko na kahit mamatay ako ay panigurad

