Chapter 16

2053 Words
Katatapos lamang maligo ni Ayesha at kasalukuyan siyang abala sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok nang sunod-sunod na katok sa pinto ng kaniyang ang bumulabog sa kaniya. Nagmamadaling pinatay ng dalaga ang hawak na hair dryer bago pagbuksan ang hindi inaasahang bisita. At hindi na siya nagulat pa nang makitang si Sky ang nakatayo sa labas ng kaniyang kwarto. Sa klase pa lang kasi ng pagkatok ay natukoy niya na agad kung sino iyon. Isa pa ay alas onse na ng gabi. Malamang ay tulog na ang mag asawang Benedict at Margaret dahil kadarating lang ng mga ito galing sa Spain. "Let's talk outside. I don't want people to get the wrong idea if they ever saw us talking in front of your room," he said in a very cold voice. Walang imik na sumunod na lang si Ayesha nang tumalikod na si Sky hanggang sa makarating sila sa may veranda ng mansion. Tila isang haring umupo ang binata sa hanging chair na naroon at saka siya tinitigan mata sa mata. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi maganda ang kutob niya. She's always uncomfortable around Sky dahil alam niya kung ano ang epekto ng presensya niya rito. "Do you like me?" Napaangat ng tingin ang dalaga sa tanong ni Sky. Hindi siya sigurado kung tama ba siya ng dinig. "Look, I really have no intention na pakasalan ka. At hindi ka rin pasok sa standard ko so I am warning you, just give up. Kahit kailan ay hinding-hindi kita magugustuhan. Not even in my dreams." "I-I'm sorry if I ever offended you again. Tungkol sa nangyare noong nakaraang araw, hindi ko kasi alam na may kasama ka. I also don't mean to offend Kirah. I'll be careful next time. Sisiguraduhin ko na lang na hindi kami magkasalubong sa school para hindi siya mag-isip ng kung ano. I am really sorry," aniya at saka muling yumuko. Iyon lang kasi ang naiisip niyang dahilan kaya galit ito. "If you don't like me, bakit hindi ka na lang umurong sa kasal? Anyway, don't bother answering. I saw you talking to that girl with tattoo earlier." Doon ay muling napatingin si Ayesha sa binata. Napalunok na nga lang siya sa kaba habang hinihintay ang kasunod na sasabihin ni Sky. "Is she your friend?" "Y-yes." "Bigla ka yatang namula? Bakit? natatakot ka ba na sabihin ko kay Mommy na hindi mo sinunod ang sinabi niya na layuan ang babaeng iyon?" Sky smirked. "Akala ko ba hindi mo kayang suwayin si Mommy?" "S-She's my only friend and---" "I don't need your explanation. Wala naman akong pakealam sa iyo at sa mga desisyon mo sa buhay. Actually, hindi kita kinausap para pagalitan. I wanted to ask you a favor." "A favor?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayesha. "Yes. I want you to tell Mom that you like Cloud and that you will not marry me." "You know, I can't do that." "Of course you can. Unless ayaw mo lang dahil may gusto ka talaga sa akin? Nagawa mo ngang makipagusap pa rin sa babaeng iyon kahit sinabi ni Mommy na huwag. So don't use your old excuse na ayaw mo siyang suwayin because you already did." "That's two different thing." "How is that different? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Mommy kapag nalaman niyang hanggang ngayon ay nakakasama mo pa rin ang babaeng 'yon?" "What are you two doing here? Sky, are you bullying Ayesha again?" sabay na napalingon ang dalawa kay Margaret. Bigla na lang kasing sumulpot ito. Hindi man lang nga nila narinig ang footstep nito. "I am not. But I think she have something to tell you," patuyang sagot ng binata habang nakatingin sa kaniya. "What is it, Yesha?" malumanay namang baling sa kaniya ni Margaret. Lumapit pa nga ito at hinawakan ang braso niyo. Umiling-iling pa siya bago tumugon. "Nothing, Tita. It's not that important." Pumalatak si Sky kaya kunot ang noong binalingan itong muli ni Margaret. "What's wrong with you? You are older than Ayesha so I am actually expecting you to help her but what are you doing? Ni hindi nga siya makatingin ng diretso sa iyo because you are scaring her." "You are getting mad at me again without hearing my sides first. Mom, I don't know how many times do I have to tell you that I don't like her and that I don't to marry a girl I don't love." "Enough, Sky Lander. You will not marry unless it's Ayesha." "Why? Is it because you are afraid na kapag nakapag-asawa ako ay may ibang pamilyang makinabang sa yaman ng pamilya natin?" Isang malakas na sampal ang naging tugon ni Margaret sa sinabi ni Sky. "I always wanted the best for you. I wanted you two to be together dahil nasisiguro kong magiging mabuting ina at asawa si Ayesha sa iyo. And of course I wanted you to be the best one for her too para hindi niya maranasan ang nangyari sa mga magulang niya. I am doing this dahil mahal ko kayong dalawa---" "Kung mahal mo kami, bakit mo kami pipiliting gawin ang ayaw namin?" putol ni Sky rito at saka muling binalingan si Ayesha. "Stop being a puppet and say something. You like Cloud right? Tell her and ask her that you wanted to marry him instead." Nadoble pa ang inis na nararamdaman ni Sky nang sa halip na sumagot ay muli lang na nangiwas ng tingin si Ayesha. Ngayong naroon na ang kaniyang ina ay tila ba mas lalong naging pipe at bingi ang dalaga. "Fine! I won't say anything anymore. I just hope that your minion won't betray you. Don't expect too much, Mom. Or else you'll end up getting disappointed. She's no perfect for sure because no one is. Para sa akin ay wala naman siyang pinagkaiba sa mga typical na babae at my age around me---" "Stop it, Sky. Go to your room now," matigas na utos sa kaniya ni Margaret ngunit hindi niya pa rin ito pinakinggan. "To be honest, she's even worst for me, she's like a leech waiting for a chance to suck blood. Hindi niya rin naman ipagsisiksikan ang sarili niya rito kung wala siyang napapala. You are giving her luxurious life and obviously, ayaw niyong mawala ang ginhawang tinatamasa niya sa ngayon kaya hinding-hindi siya hihiwalay sa pamilya natin for sure." "I said stop! You are getting overboard now!" Hindi na nagsalita pa si Sky nang makitang halos lumabas na ang litid sa leeg ng ina sa sobrang galit. Iniwan niya na ang mga ito at saka dire-diretsong lumabas ng mansion. Umalis siya at nagmaneho kahit hindi niya rin alam kung saan siya pupunta. At nang bahagyang kumalma ang binata ay kinuha nito ang cellphone para tawagan si Storm. "Where are you?" tanong niya kaagad pagkasagot nito. (Just chillin' like a villain here at home.) "Get up and meet me at The woods." Tukoy niya sa paborito nilang bar doon sa Makati." (It's already late. Did you have a fight with Tita Margaret again?) "Just tell me if you want to come or not." (Alright, chill! Magbibihis lang ako. Should I bring Thunder and Cloud?) "Kaya nga ikaw ang tinawagan ko dahil alam kong ikaw lang naman ang mahilig lumabas. Knowing your brother, he rather spend his free time sleeping than drinking at nakalimutan mo na bang maagang natutulog parati si Cloud? Kasasabi mo nga lang na late na 'di ba?" (You have a point.) Halakhak nito ang kasunod na narinig ni Sky sa kabilang linya. Napailing na lang tuloy siya. Hindi niya alam kung may nakakatawa ba talaga sa sinabi niya o sadyang nababaliw na ang kaibigan niya. "So what now? Malapit na ako roon." (Magbibihis na ako. I'll be there in less than half an hour. Basta libre mo, ha.) Hindi na siya hinintay pang sumagot ni Storm. Kaagad na nitong pinutol ang tawag. Nakaalis na at lahat si Sky pero malalim pa rin ang pagkakakunot ng noo nito. Sobrang sama kasi talaga ng loob niya dahil pakiramdam niya ay sobrang sarado na talaga ang isip ng kaniyang ina at wala itong balak na makinig sa kaniya. Tanging si Ayesha na nga lang ang nakikita niyang pagasa para subukang kumbinsihin ang ina na pabayaan na silang dalawa na pakasalan ang kung sino mang mapupusuan nila. Pero dahil sa nangyari kanina, mukhang hindi na siya aasang matutulungan siya nito. ---- Samantala, wala pa ring imik si Ayesha kahit na nakaalis na si Sky. Ni hindi nga rin siya makatingin ng diretso kay Margaret because she feels guilty. "Are you okay?" maya-maya ay tanong ng ginang. Tumango naman siya bilang tugon. "Pasensya na po Tita. naistorbo pa po kayo." "Okay lang, iha. Nagutom kasi ako bigla. Papunta ako sa kusina ng natanaw ko kayong dalawa ni Sky rito. Pagpasensiyahan mo na siya, ha? Huwag mong intindihin ang mga sinabi niya. Walang katotohanan ang mga iyon." She sighed. Bigla siyang nakonsensya dahil tila ba nagmukha na namang masama si Sky. Akala niya nga kanina ay babanggitin nito ang tungkol kay Zandra pero hindi kaya kung tutuusin ay may utang na loob pa siya rito. Kasi kung nabanggit ito ng binata, malamang ay siya ang kinukuwestiyon ngayon ni Margaret. "Naiintindihan ko rin naman po si Sky. Knowing him, he always wanted freedom." "As I've said earlier, I am doing this for the both of you. To make sure na hindi kayo magkakamali ng taong pipiliin. So that you will have a perfect family in the future. At saka matagal pa naman ang panahon na iyon. Maybe by that time ay naiintindihan na ni Sky ang intensyon ko. So for now, mas mabuti siguro kung huwag mo na rin munang masyadong isipin at mag-focus ka na lang muna sa pag-aaral." Tumango na lamang ang dalaga bilang tugon. Mukhang kahit anong sabihin nila ay hindi pa rin talaga magbabago ang isip nito. Kaya nga hindi niya na rin sinusubukang magreklamo dahil alam niya namang mahirap baliin ang desisyon nito. "Tara na po, Tita. It's getting late na rin. Magpapahinga na po ako," anyaya niya rito at saka ito giniya paalis doon sa may veranda. Pero hanggang sa makabalik siya sa kwarto ay mabigat pa rin talaga ang pakiramdam niya. Alam niya kasing ikasasama ng loob ni Margaret ang pagsisinungalinh niya rito pero hindi niya naman pwedeng iwan sa ere si Zandra. Lalo na ngayon at may pinagdadaanan ito. ---- "Ano na naman bang nangyari at napakalalim na naman ng kunot niyang noo mo? Is it because of Ayesha again?" tanong ni Storm kay Sky nang mapansing wala itong imik at dire-diretso lang ang pag-inom ng beer. "Ano pa nga ba? Magmula naman talaga nang dumating ang babaeng iyon ay hindi na natahimik ang buhay ko." "Hayaan mo na muna kasi. Malay mo, sooner or later at magbago rin ang isip ni Tita. Saka mo na lang problemahin once na ma-announce na talaga ang engagement niyong dalawa," anito at saka sumimsim sa inumin nito. Nang walang makuhang tugon mula kay Sky ay muli itong nagsalita. "Or maybe it's better to find yourself a girlfriend as soon as possible tapos ay buntisin mo kaagad. For sure ay wala ng magagawa sina Tita pag nagkataon at siguradong hindi na rin matutuloy ang kasal niyo ni Ayesha." Matalim ang tingin ni Sky nang bumaling siya sa pinsan. "Kahit kailan talaga ay wala akong makukuhang matinong sagot saiyo." "Suggestion ko lang naman 'yon," kibit-balikat na sagot ni Storm kaya naman napailing na lang si Sky. "Manahimik ka na lang." "Tinawag-tawag mo ako rito tapos ay patatahimikin mo ako? Sana pala ay si Kulog na lang ang tinawag mo kung gusto mo ng kasamang hindi nagsasalita." "Sesermunan lang ako panigurado ni Thunder kung narito siya. You knew Cloud and Thunder, they are both bewitched by that girl." "Well, to be honest ay wala rin naman akong problema kay Ayesha. She's beautiful, smart and she also have a nice sexy body. Kaya kung siya rin lang naman ang mapapangasawa ko, hindi na rin ako tatanggi." "Hindi ako katulad mo." "Sabi ko nga, hindi na lang ako magsasalita." Inirapan na lang naman ito ni Sky. Kahit anong sabihin ng mga ito ay hindi niya pa rin gugustuhing maikasal kay Ayesha. At isa pa, he doesn't find her attractive at all. Para sa kaniya ay walang espesyal rito kaya hinding-hindi niya ito magugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD