"Hindi mo pa rin nagagalaw ang pagkain mo. Ilang araw ka ng ganiyan. Baka magkasakit ka niyan," puna ni Ayesha kay Zandra ng mapansing tinititigan lang nito ang pagkain. Naroon sila ngayon sa school cafeteria para kumain ng lunch pero hindi rin siya makapag-focus sa pagkain dahil nalulungkot din siya para sa kaibigan.
Zandra's grandfather passed away at sobrang affected ito dahil nga ang abuelo nito ang nagpalaki sa kaniya. She understand the feeling dahil nawalan din siya ng mahal sa buhay at her young age. Kaya nga mas lalo siyang nagdalawang isip na iwasan ito. Ayaw niya iwan ito mag-isa habang nasa ganoong sitwasyon ito.
"Why is the world so unfair? Hindi pa naman ganoon katanda si Lolo. I didn't even notice that he's sick. He seems very lively sa tuwing kausap ko siya kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na mawawala na siya. If I only knew, I should have spend more time with him." Her voiced cracked. Alam niyang pinipigil nito ang pag-iyak dahil hindi ito sanay na nagmumukhang kawawa.
"He didn't tell you dahil ayaw ka niyang masaktan. And I'm sure hindi siya matutuwa dahil pinapabayaan mo ang sarili mo. Look at yourself, pumapayat ka na."
Umiling-iling si Zandra. "I can't. Pakiramdam ko ay may nakabara sa dibdib at lalamunan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko mapigilang isipin na sana ako na lang."
"No, huwag kang mag-isip ng ganiyan, please."
"Siya lang ang parating umiintindi sa akin. He's the only person na hindi ako hinusgahan. Siya lang iyong nakikinig sa akin. Paano na lang ako ngayong wala na siya?"
Doon ay tuluyan na ngang kumawala ang luhang kanina pa pinipigil ni Zandra ngunit agad rin nitong pinunasan iyon at saka sunod-sunod na suminghot.
"You have me, Zan. I will always be here for you. So you have to be strong. My parents died when I was eight at wala sa mga kamag-anak namin ang gustong mag-alaga sa akin. Mabuti na lang at nagmagandang loob ang kaibigan ni Mommy at sila ang kumupkop sa akin."
"I am sorry. I didn't know that."
"Wala rin akong ibang kaibigan maliban sa iyo so I understand where are you coming from. When I was in high school, parang isang mababang nilalang ang turing nila sa akin dahil alam nilang kinupkop lang ako. At buong buhay ko pakiramdam ko I wasn't belong to where I am right now.
"But despite of what we are going through, we need to live and survive para sa kanila. Dahil wala man sila sa tabi natin ngayon, hindi man sila visible sa paningin natin, mananatili naman silang buhay sa puso't-isipan natin. At sigurado ring kung nasaan man sila ngayon ay sinisubaybayan at gagabayan pa rin nila tayo. Kaya para sa kanila, para sa lolo mo, kailangan kong magpakatatag."
"Thank you, Yesha. I will try my best to heal as soon as possible. Sadyang mahirap lang talaga para sa akin na tanggapin ngayon because all my life, pakiramdam ko ay siya lang ang meron ako. Just like you, hindi ko rin maramdamang kabilang ako sa kinaroroonan ko." She paused. Tila ba nagdadalawang-isip pa ito kung itutuloy ba ang sasabihin.
Zandra took a deep breath first pagkatapos nitong uminom ng tubig at bago magsalitang muli. "Anak ako sa labas ng daddy ko and my mother died while giving birth to me kaya naman ang Lolo ko na ang nagpalaki sa akin. But when I was in high school, pinilit ng daddy ko na mag-stay na lang ako sa bahay nila. Ni minsan hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng asawa ni Daddy. Pero never ko ring naramdaman na tanggap niya ako. Para lang akong hangin sa mansion na nararamdaman nila pero hindi nila nakikita."
Tila may kamay na pumiga sa puso ni Ayesha nang makita ang lungkot sa mga mata ni Zandra. Hindi niya inakalang mas grabe pala ang pinagdadaanan nito. "Kapag lumalabas sila ay hindi nila ako sinasama. Ni hindi nga nila ako nililingon kaya nagkukulong lang ako sa kwarto kapag nasa bahay ako. O kung hindi man ako uuwi ay hindi rin nila ako hinahanap. Sinadya kong magkaroon ng mga bagsak na grades, I even got a tattoo and piercings to see kung pagagalitan man lang ba ako ni Daddy but he didn't say anything. Papasa na sa telenovela ang kwento ng buhay ko 'di ba? Leading man na lang ang kulang," biro nito kapagkuwan.
"Who knows? Baka mamaya ay iyong leading man mo naman ang makilala mo. Sabi nga nila 'diba, sa tuwing may nawawala. May dumarating."
"Thanks, but not thanks. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Baka mamaya ay makatagpo pa ako ng cheater na katulad ng tatay ko."
"Grabe ka naman. Huwag ka namang masyadong judgemental. May mga lalaki pa ring hindi kayang manakit at manloko ng partner nila. Just like Tito Benedict. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Tita Margaret kahit ilang taon na silang magkasama."
"Kumain na nga lang tayo. Nauumay ako sa sinasabi mo. Kaunti na lang at iisipin ko na talagang in love ka." Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kaniya ni Zandra."Kanino ba? Kay Cloud?"
Namula ang magkabilang pisngi ni Ayesha sa hiya ng banggitin ng kaibigan ang pangalan ng binata. "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka mamaya ay may makarinig."
"So, may gusto ka nga sa kaniya?" tudyo pa rin nito.
"W-Wala, ah. At saka, imposibleng magkagusto sa akin iyon."
"Bakit madalas ka niyang puntahan kung wala siyang gusto sa iyo?"
"Because he see me as his younger sister."
"Maybe not. Kung---" Tumusok ng carrot si Ayesha mula sa kinakaing vegetable salad at saka isinubo kay Zandra kaya naman natigil ito sa pagsasalita.
"Masarap 'di ba?" tumatawang sambit niya habang si Zandra naman ay maluha-luhang iniluwa sa tissue ang carrot. Hindi kasi kumakain ng gulay ito.
"Do you want to murder me?" nakasimangot pa na sambit ni Zandra matapos inisang lagok ang laman na tubig ng tumbler nito.
"Bakit? Masarap naman, ah."
"Malapit ka na ngang maging kambing kakakain mo ng dahon, eh."
"Oo na. Kaya kumain na tayo bago pa tayo ma-late sa susunod nating subject."
Napangiti si Ayesha nang magsimula ng kumain sa wakas ang kaibigan. Masaya siya dahil kahit papaano ay napagaan niya ang loob nito. This is the first time na nagawa niya iyon kaya proud siya sa sarili. All her life ay natatakot siyang magsalita dahil nga baka ma-invalidate lang ang kung ano mang sasabihin niya. Pero dahil kay Zandra, naramdaman niyang may sense ang mga sinasabi niya.
----