"Sky, alam mong parang isang tunay na anak na ang turing ng mga magulang mo kay Ayesha. Hindi mo dapat hinayaan si Kirah na basta na lang utusan siya ng ganoon," sita ni Thunder kay Sky habang nakasunod sa kaniya papaakyat sa hagdan ng mansion patungo sa kwarto.
"It's just a water. Don't make it a big deal, Bro. Hindi naman siya mahihirapan doon. It's not as if inutusan siya ni Kirah na magbuhat ng isang galon na tubig," sagot naman ni Sky na hindi man lang nilingon ang pinsan. Dire-diretso lang ito sa paglalakad.
Napailing na lang tuloy Thunder. "Stop being rude to her. Just like you, wala rin lang choice kung hindi ang sumunod sa kung ano man ang gusto ni Tita Margarette."
Doon ay tuluyan na ngang nainis si Sky kaya huminto siya sa paglalakad at salubong ang kilay na hinarap niya si Thunder. "Hindi ko maintindihan kung bakit lahat kayo ay pinapaboran si Ayesha. Kaya hindi siya marunong tumayo sa sarili niyang paa dahil masyado niyo siyang ginagawang bata."
"Ginagawang bata? How about you? Aren't you acting like a kid too? You are bullying her."
"I don't want to waste my time arguing because of that girl. Just go back downstairs if you are done talking." Bakas sa itsura ni Sky ang inis. Salubong na ang mga kilay nito at matalim pa ang tingin kay Thunder. Kung naglalabas nga lang ng laser ang mga mata nito ay malamang kanina pa bulagta ang pinsan.
"Fine. I won't say anything anymore," sagot ni Thunder at saka iiling-iling na tumalikod para bumalik sa may sala.
Napabuntong-hininga na lamang naman si Sky. "Why do I feel like I am the villain here? Hindi naman sana kami ganito kung una pa lang ay tinanggihan niya na ang kagustuhan ni Mommy. At paano ko naman siya magugustuhan? Hindi lang siya parang isang puppet na sunod-sunuran. Para rin siyang isang lintang kumakapit kay Mommy para magkaroon ng magandang buhay," himutok pa ng binata bago tuluyang pumasok sa silid para magbihis.
Samantala, tila wala namang balak si Kirah na patahimikin ang buhay ni Ayesha ngayong araw. "You looks familiar. I think nakita na kita somewhere."
"Let her go, Kirah. She has nothing to do with you," saway rito ni Storm ngunit sa halip na makinig si Kirah ay tumayo pa ito at lumapit sa kaniya para pakatitigan siyang mabuti.
Napayuko na lang si Ayesha. She felt uncomfortable nang tingnan siya ni Kirah pataas pababa. Pakiramdam niya kasi ay gustong husgahan nito ang buong pagkatao niya sa klase ng tingin nito.
"You look young. How old are you? Are you working here? Why are you wearing a branded shirt?"
"Kirah, what are you doing?" singit ni Cloud at saka pumagitna sa kanilang dalawa.
"I'm just asking her. Why are you over-reacting," pairap na sagot nito at saka muling umupo.
"You go now, Yesha," singit na rin ni Thunder nang mapansin marahil na tila nanigas na siya sa kinatatayuan.
Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay muli na namang nagsalita si Kirah. "I'm hungry. Go get me something to eat."
"What do you want? I'll ask the other maids to prepare it for you," ani Cloud.
"Why ask the others when I already asked her? It's her job so let her do it."
"I already ordered food for us. Don't waste your energy on her. She's not worth it."
Napalingon ang lahat kay Sky nang magsalita ito. Thunder, Storm and Cloud once again looks at him in disbelief. Si Ayesha naman ay nanatili lamang na nakayuko, she really didn't want to cause a trouble pero nangyare pa rin.
"Okay!" malawak ang ngiting sagot naman ni Kirah habang nagniningning ang mga matang nakatingin kay Sky na ngayon ay nakaupo na sa mahabang sofa katabi si Storm at abala na nga sa harapan ng laptop nito. "You may go now," mataray na sambit pa nito nang bumaling kay Ayesha.
Tahimik na umalis na lamang doon ang dalaga para bumalik sa kusina. Ngayon ay namomroblema naman siya kung paano aakyat sa kwarto ng hindi napapansin ni Kirah. Baka kasi sa oras na makita siya ulit nito ay kung ano na namang maisip itanong sa kaniya.
"Naku, Ma'am. Bakit kayo pa po ang nagdala ng tubig sa bisita ni Sir. Sana po ay tinawag niyo na lang ako," sambit ni Marla isa sa mga kasambahay nang salubungin siya nito para kunin ang bitbit niyang tray na pinaglagyan ng tubig.
"Okay lang 'yon, Ate," sagot niya at saka ito nginitian.
"Hey." Napalingon si Ayesha kay Cloud. Sinundan pala siya ulit nito.
"Excuse me po," pasintabi ni Marla bago sila iwan.
"C-Cloud," nauutal na sambit ng dalaga. Nahihiya kasi siya rito dahil nga parati na lamang siyang pinagtatanggol nito. Baka mamaya ay siya pa ang maging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan ni Sky. Syempre ay ayaw niyang mangyari iyon.
"Are you okay?" Sunod-sunod na tumango siya bilang tugon. "Then can I have my waffle now?" he said as he smiled at her widely. "Kanina pa ako excited matikman iyong ginawa mo. Hinahanap-hanap na kasi talaga ng tiyan ko ang mga desserts na ginagawa mo."
"I want it too!" sabay na napalingon ang dalawa nang bigla ring sumulpot si Storm at nauna na ngang umupo sa dining table.
Doon ay napangiti na ng tuluyan si Ayesha. Kahit hindi diretsong sabihin ng mga ito ay alam niyang naroon sila to comfort her. "What do you want for toppings? Strawberry or banana? Whipped cream or chocolate syrup?"
"Strawberry with chocolate syrup, please," sabay na sagot naman ng dalawang binata.
"Okay, sure. For a while."
"Do you need any help?" tanong ni Cloud.
"No need, ready naman na ang mga strawberries and iinitin ko lang saglit iyong waffle."
"Okay," sagot nito bago umupo sa tabi ni Storm.
"What's wrong with Sky? He seems like a different person when in front of Ayesha." Dinig niyang bulong ni Storm kay Cloud habang abala siya sa paglalagay ng waffle sa may oven.
"Hindi ko rin alam. All I know is he's being unreasonable."
Lihim na napabuntong-hininga na lamang si Ayesha sa narinig na sagot ni Cloud. He can't blame Sky for treating her that way. At alam niya namang ayaw nitong may makaalam sa sitwasyon nilang dalawa kaya normal lang para sa kaniya ang inasal nito kanina. Isa pa ay sanay na siya sa cold treatment nito sa kaniya.
Kilala niya ang binata dahil halos sabay naman silang lumaki kahit na hindi sila malapit sa isa't-isa. Alam niyang ang pinaka ayaw nito sa lahat ay ang may magdesisyon para sa buhay nito pero wala lang talaga itong magawa dahil nga ayaw rin nitong pasamain ang loob ng ina. She knows that Sky is a good person kaya hindi niya magawang magtanim ng sama ng loob rito.
Sana lang ay dumating ang araw na magbago ang isip ni Tita Margarette. Sky deserves to be with someone he loves. He deserves to be happy.