Chapter 13

1217 Words
"Hey! Do you still have class for today?" Bahagyang napaatras sa gulat si Sky nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Kirah. "Wala na," maikling sagot ng binata. "Any plans?" tanong pa ng dalaga at saka yumakap sa braso niya. "Nothing. Actually pauwi na kami," sagot ni Sky at saka pasimpleng inalis ang kamay nitong nakapulupot sa kaniya. Kirah is one of his blockmates and her family is one of their company's major stockholder kaya naman kahit naiinis na siya minsan sa pagiging clingy nito ay hindi niya ito pinagtatabuyan dahil ayaw niyang mapahiya ang dalaga. Knowing that she's the only child at may pagka-spoiled ito ay baka magkaroon pa siya ng issue o problema sa pamilya nito. Aware rin naman si Sky sa kumakalat na issue na may relasyon silang dalawa kaya ganoon ito umakto pero wala siyang balak na umalma dahil mas gugustuhin niyang mai-link kay Kirah kaysa malaman doon sa eskuwelahan ang tungkol sa kanila ni Ayesha. That's my worst nightmare. Sky grimaced. Talagang nasisira kasi ang mood niya sa tuwing pumapasok ito sa isip niya. "Can I come? Magpapatulong kasi sana ako sa isa sa mga activities natin kasi hindi ko masyadong naintindihan ang discussion kanina since I was having a migraine." "Sure." "Great! I'll go get my bag. Wait for me here, okay?" matapos tumango ng binata bilang tugon ay kaagad na tumakbo si Kirah papasok sa classroom para kunin ang gamit nito. "I have a bad feeling about this, Bro. Are you sure isasama mo siya sa inyo?" salubong ang kilay at kunot-noong kompronta sa kaniya ni Thunder nang silang dalawa na nga lang ang naroon sa may hallway. "Why? Don't tell me nahawa ka na sa maduming utak ni Atorm?" Sky laughed as he tapped Thunder's shoulder. "Don't worry, Bro. I don't feel h*rny today," biro na lamang niya sa kaibigan. "Alam mong hindi iyon ang iniisip ko," nakangiwing sagot naman ni Thunder. "Tita---" "Out of town sina Mommy." "And how about Ayesha?" "Ano namang pakealam ko sa babaeng 'yon? And it's not as if she care too." "Why do I hear bitterness?" "You are hallucinating.Magkapatid nga talaga kayo ni bagyo," iiling-iling na sagot na lamang naman ni Sky at muli na naman ngang napangiwi ang binata nang maalala ang pang-aasar sa kaniya ni Storm noong nakaraang araw. "Anyway, if you are worried na baka pikutin niya ako, pwede ka namang mag-stay na lang din muna sa bahay with us. And I won't take no for an answer," aniya at nauna na ngang maglakad patungo sa parking lot nang makitang palabas na sa pinto si Kirah. Patakbong sumunod ang dalaga para masabayan siya sa paglalakad habang si Thunder naman ay iiling-iling na lang ding sumunod. "Why the f*ck he's acting like a rebellious teenager? Is my friend going through puberty late?" nakangiwing sambit ni Thunder sa kawalan. Minsan kasi ay hindi niya na rin maintindihan kung bakit napaka-immature nito kung minsan. ----- Nasa hardin si Ayesha at pinagmamasdan ang mga rosas na tanim ni Margarette nang dumating sina Cloud at Storm. "Hey!" sabay na bati ng dalawa. "Nandiyan na ba sina Langit at Kulog?" tukoy ni Storm kina Sky at Thunder. "Kanina pa ako narito sa labas pero hindi ko pa sila napansin na dumating. Wala pa rin ang sasakyan ni Sky sa garahe kaya for sure ay hindi pa sila naka-uwi." "Wala ka bang klase today?" tanong naman ni Cloud. Umiling ang dalaga bilang tugon. "Isa lang ang subject ko every saturday and masama raw ang pakiramdam ni Sir Pai kaya wala kaming klase." "Oh, I see." "Anyway, baka nagugutom kayo. Gumawa ako ng waffle kanina, iinitin ko na lang." "Kaya gustong-gusto kong tumambay rito, eh. Iyon talagang mga pagkain na hinahanda mo ang habol ko," malawak ang ngiting sambit ni Storm. Animo'y isang batang biglang nagningning ang mga mata at sumigla ang itsura nang makarinig ng pagkain. "Let's get inside then. Nagutom din ako bigla, eh," tumatawang sabi naman ni Cloud. Hindi na nga siya hinintay ng mga ito. Nauna ng pumasok ang dalawa. Papasok na rin sana si Ayesha para sumunod kina Cloud kaya lang ay nakarinig siya ng sunod-sunod na busina At dali-dali niyang tinungo ang gate nang matanaw ang sasakyan ni Sky sa labas para mapagbuksan ito. At nang maisara niya ang gate matapos pumasok ito ay dali-dali na siyang tumakbo papasok sa loob ng mansion para hindi na sila magkasalubong pa ni Sky dahil paniguradong iinit na naman ang ulo nito. "Is that Sky?" napapitlag pa sa gulat ang dalaga nang salubungin siya ni Cloud. Muntik niya nang makalimutan ang mga ito dahil lang sa takot niyang baka masira na naman ang araw ni Sky kapag nakita siyang pakalat-kalat doon. "Y-Yes." "Are you okay?" Tumango na lang naman siya at saka ito nginitian. "Ihahanda ko lang muna iyong waffle." "Excuse me, Girl." Papunta na sana si Ayesha sa kusina nang bigla siyang tawagin nang babaeng kasama ni Sky. "Get me a cold water. I am thirsty kasi, eh. Kaya pakibilisan, ha." "She's not---" "Go and get her a water," naputol ang ano mang sinasabi ni Cloud nang bigla na lamang sumingit si Sky. Kaya hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol niya sa pinsan. "Seriously?" Cloud asked in disbelief. "Sige po," sagot naman ni Ayesha at saka nagmamadaling nagtungo sa kusina. "That's too much," matigas na sambit pa nga ni Cloud bago sumunod kay Ayesha. "Magbibihis muna ako. Wait for me here," sambit naman ni Sky nang bumaling kay Kirah na tila ba wala itong narinig. Maging ang magkapatid na Storm at Thunder ay hindi makapaniwala sa inasta ni Sky. "Okay," kibit-balikat na sagot ni Kirah at saka umupo sa may sofa. "Anyway, what's going on?" tanong pa ng dalaga nang makaalis na si Sky at mapansin ang makahulugang tinginan ng magkapatid. "None of your business," masungit na sagot naman ni Thunder at saka sumunod kay Sky. Si Storm naman ay umupo rin sa isa sa mga sofa na naroon. "Just nevermind them." Nagkibit-balikat na lang naman ang dalaga bago itinuon ang atensyon sa hawak na cellphone. Samantala, Si Cloud naman ay hindi alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Naiinis siya sa ginawa ni Sky. Alam niya namang ayaw nitong may makaalam sa tunay ma relasyon nila ni Ayesha pero para sa kaniya ay mali pa rin ang inasta nito. If he really don't want people to know about their engagement, dapat ay hindi na siya nagdadala ng kung sino-sino rito sa bahay nila. Aniya sa isipan habang nakamasid kay Ayesha na naglalagay ng tubig sa baso. "Ayos lang ako, ano ka ba. Hindi naman mabigat na bagay ito," pagpapakalma ng dalaga sa loob niya nang mapansin ang pananahimik niya. "It is still so rude of him to let her think that you are a maid when you are actually his fiancé." "Hinaan mo iyang boses mo. Baka mamaya ay marinig ka pa nila," saway ni Ayesha sa kaniya."Ihahatid ko lang ito tapos ay babalik ako rito para maihanda iyong waffle." Hindi na rin siya hinintay pang makasagot nito. Basta na lang itong lumabas sa kusina para iabot kay Kirah ang tubig. "Why does he hate you so much when he have all the reason to like you," Cloud said with bitterness habang nakasunod pa rin ang tingin kay Ayesha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD