Chapter 12

1276 Words
"Mukhang malalim ang iniisip natin, ah. Sa pagkakatanda ko, wala naman tayong exam ngayong araw," biro ni Storm kay Sky nang madatnan siya nito sa paborito nilang tambayan doon sa may rooftop. Bukod kasi sa mahangin doon ay tahimik din kaya naman madalas sila roon. Silang dalawa pa lamang ang nandoon dahil si Thunder ay umalis para bumili ng libro samantalang si Cloud naman ay naglalagalag at malamang ay hinahanap na naman si Ayesha. "I'm just thinking kung ano kaya ang pwede kong gawin para ang babaeng iyon na mismo ang umurong sa kasal namin." "Hanggang ngayon ay iyan pa rin ang iniisip mo? How about you give it a try naman para maiba lang? I mean, you've been thinking about how are you going to ditch her from the very start pero wala namang nangyayari hanggang ngayon. Ayesha is not a bad catch at all, wala ka rin namang stable girlfriend, siguro---" "I'd rather die single kaysa maikasal sa babaeng iyon. Wala na akong ibang narinig na lumabas sa bibig niya kung hindi opo at yes po sa tuwing kausap niya si Mommy. Kahit sumusobra na ang pangenge-alam sa kaniya ni Mommy ay sumasang-ayon pa rin siya. She's like a puppet or a robot. Hindi ko alam kung paano niyang nasisikmura na may kumo-control sa buhay niya," iiling-iling pa ngang sambit ng binata habang nakangiwi. Nagulat si Sky nang bigla na lamang ngumisi si Storm at saka iiling-iling rin na sumagot. "Why do I have this feeling na concern ka sa kaniya?" "Are you crazy? Why would I?" "Well, that's how you sounded while saying those things. I mean, it feels like you feel bad that she doesn't have any freedom at all." "You are just imagining things, Bro. I don't care about her at all. I just want her out of my life." "Okay, if you say so," kibit-balikat na sagot na lamang naman ni Storm. "Where is your brother?" "I'm not sure. Maybe in the library?" "Minsan talaga ay nagtataka na ako kung paano kayong naging magkapatid. He's the exact opposite of you. He loves books while you loves girls. He's one of the top students and you are always on top of the girls," Sky said teasingly. Storm then shrugged his shoulder off. "Hindi mo ba hahanapin si Cloud?" "What for? Eh, magmula noong dumating ang babaeng iyon dito ay hindi na niya nilayuan si Cloud. So, for sure ay magkasama na naman sila." "Are you jealous?" nakangising tudyo muli ng kaibigan. "Not even in my dream." "And correction, Bro. Hindi si Ayesha ang lapit ng lapit kay Cloud. It's the other way around." Muling tumawa ng nakakaloko si Storm. "I do have this feeling na kung hindi mo lang fiancé si Ayesha ay baka matagal na siyang niligawan ni Cloud. Hindi ako naniniwalang he only see her as a younger sister." "Huwag mong itulad sa iyo si Cloud na papatol sa lahat ng uri ng babae." Nginisian niya pa ito. "And I believe mataas ang standard niya sa babae kaya---" "Don't underestimate Ayesha too much, Pare. She has all the quality of a girl na dapat ay ipinaglalaban ng mga kalalakihan. Kaya huwag ka ring magsasalita ng tapos. Who knows? Baka mamaya ay mauna ka pang ma-inlove sa kaniya." "Stop hallucinating, Storm. Baka magkaroon ng bagyo," sagot naman ni Sky bago tumayo at tuluyang iwan ang kaibigan. Napapailing na sumunod na lamang tuloy si Storm dito. "Ke-Lalaking tao pero ang hilig mag-walk out." ----- "Yesha, should we go eat outside? I am suddenly craving for pizza," bulong ni Zandra kay Ayesha habang nasa kalagitnaan sila ng klase. Malapit na kasi ang lunch time at nakakaramdam na siguro ng gutom ito. "Sorry, ha? May aasikasuhin kasi ako mamaya kaya I don't think makakasabay ako sa iyo na kumain. Pupunta kasi si Tita Margaret dito mamaya, eh." Hindi siya makatingin sa kaibigan habang sinasabi ang kasinungalingang iyon. Mabigat din naman talaga kung tutuusin sa loob niya ang pagiwas dito dahil ito lamang ang nag-iisang kaibigan niya ngunit wala naman siyang magawa dahil natatakot siya na baka ikagalit iyon ni Margaret. "Okay. I'll go by myself na lang. Will take out na lang din for you," nakangiting sambit nito kaya mas lalo pa ngang na-guilty si Ayesha. She's always been so good at her kaya hindi naman talaga makatarungan na basta na lang niya iwasan ito. "Don't bother, Sis. Alam mo naman, diet ako," she said in a nice way para 'di naman ma offend ito. "Yesha, are you okay?" Cloud snapped his finger in front of her at iyon nga ang nagpabalik sa dalaga sa kasalukuyan. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ah. Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." Ibinaba ni Ayesha ang hawak na kutsara at tinidor bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi niya na alam kung ano ang ipapalusot kanina kay Zandra nang hanapin nito si Margaret pero mabuti na lang at sumulpot si Cloud kaya nakalusot siya rito. "Nakita ni Tita Margaret ang mga pictures namin ni Zandra online and then she told me that she doesn't like her kasi mukhang magiging bad influence lang daw siya sa akin kaya dapat habang maaga pa ay iwasan ko na siya. And you know I can't disobey her kaya kahit mabigat sa loob ko ay kailangan ko siyang sundin. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi malungkot because Zandra is the only friend that I have." She sighed once again. "First of all, hindi lang si Zandra ang kaibigan mo because I am also here for you." Napa-angat ng tingin si Ayesha sa sinabi nito. Alam niya namang tinuturing siya nitong kaibigan at nakakabatang kapatid ngunit iba pa rin talaga sa pakiramdam niya kapag sa bunganga mismo nito nanggaling. Ngunit muli rin siyang yumuko para subukang mag-focus sa pagkain nang maramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. She doesn't want him to see that she's blushing. "And second, you don't have to do something against your will. Tita Margaret is not a villain so I think maiintindihan niya kung susubukan mong ipaintindi." "Alam ko naman na mabuting tao si Tita Margaret. Just that, I don't have the courage to go against her decisions. At nahihiya ako dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya at sa buong pamilya nila sa pagkupkop at pagbibigay sa akin ng magandang buhay." "If you can't go against her then just do it secretly. Wala namang magsusumbong saiyo, eh." Muli ay napaangat ang tingin niya para salubungin ang tingin nito. Kinindatan naman siya ni Cloud."Sometimes it's exciting and fun to break some rules lalo na kung alam mong hindi naman ganoon kabigat ang batas na lalabagin mo, " anito pa nga at saka tumawa. "Pero what if malaman niya pa rin? She's very resourceful kaya hindi impossible iyon. Mas lalo siyang magagalit sa akin kapag nalaman niyang nagsinungaling ako." "Then I'll tell her that it's me who told you to do that." She frowned. "It's not that easy." "Pag-isipan mo munang mabuti, okay? For now, kumain ka muna. Puro gulay na nga lang iyang laman ng lunch box mo hindi mo pa kainin. Ikaw rin, baka mamaya ay himatayin ka sa gutom," anito at saka tumusok ng lettuce sa kaniyang baon na green salad para isubo sa kaniya. "Eat well, okay?" Tumango-tango na lamang naman si Ayesha habang ngininguya ang lettuce. Kulang ang kahit na anong salita para maipahayag niya ang labis na pasasalamat sa pagiging mabait at sa lahat ng tulong ni Cloud sa kaniya. Swerte ang kung sino mang babaeng makakatuluyan niya because he is so loving and caring. Aniya sa isipan nang pasimpleng tignan niya ito habang abala na ito sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD