Prologue

303 Words
"You better behave from now on, Sky. Hindi na ako natutuwa na kung sino-sinong babae ang dinadala mo rito. Last month it was Jenny and yesterday is Marie. You are just eighteen for goodness sake!" galit na sambit ni Margarette kay Sky. Hindi lang naman umimik ang binata. Napayuko na lang naman si Ayesha. This is the first time na nakita niyang nagalit si Margarette kaya naman natakot siya. Hindi rin kasi maintindihan ng dalaga kung bakit pati siya ay ipinatawag nito. Naroon sila ngayon sa library room sa mansyon. Para tuloy silang studyanteng ipinatawag sa guidance office sa itsura nilang dalawa ni Sky. Wala naman siyang matandaang ginawa niyang kasalanan. In fact, she always do what she told her to do dahil ayaw niya talagang magalit ito sakaniya. "Hindi ka naman namin pinagbabawalan na magkaroon ng kasintahan. Pero hindi naman tamang kung magpalit ka ng babae ay para ka lang nagpapalit ng damit," mahinahon ngunit madiin namang turan ng ama nitong si Benedict. "Uulitin ko. You better behave, Sky. Dahil si Ayesha ang babaeng pakakasalan mo in the future." "What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Sky. Halos mag-echo pa nga ang boses nito sa loob sa sobrang lakas ng pagkakasabi. Maging si Ayesha at Benedict ay nakangangang napatingin kay Margarette. Lahat sila ay nagulat sa deklarasyon nito. "Hindi ako makakapayag na kung sinong babae lang ang mapangasawa mo so you better marry someone na kilala ko. And Ayesha is the only person I know that is very fitted to be your Perfect bride." Nawalan ng imik ang lahat ng tao sa silid na iyon. Sky glared at Ayesha na para bang sinasabi nitong she have to say something but she just looked away. Saan siya kukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukhang suwayin ang taong nagbigay sakaniya ng maayos na buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD