Chapter 1

1409 Words
"Where is that loser? Dumating na kaya siya? Hindi ko pa kasi nagawa 'yong assignment ko. Nakalimutan ko kagabi." Palabas na sana si Ayesha sa cubicle sa banyo ng eskwelahan nang bigla siyang matigilan dahil sa narinig na pamilyar na boses. Bahagya niyang binuksan ang pinto upang silipin kung sino ang mga nasa labas. And she was right. Ang mga kaibigan niya iyon. "Hindi ko pa siya napansin. Don't worry I told her na gawing tatlong copies ang sagot niya para sa atin," tumatawang sambit ni Chelsea. "Talaga? Grabe 'no? napaka uto-uto talaga ni Ayesha. I really can't believed na hindi man lang siya nagre-react whenever we asked her to do our assignments," tila nangingilabot namang sabi ni Rita. "Well? What do you expect sa katulad niyang sampid lang sa isang pamilya? malamang kulang sa atensyon 'yon kaya she's willing to do everything para lang ma-feel niya na hindi siya nag-iisa." Napahigpit ang hawak ni Ayesha sa lock ng pinto dahil sa narinig na sinabi ni Chelsea lalo na nang tumawa pa ito. Kasabay rin noon ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. "Oh my gosh! I don't want to be a loser like her. Baka mamaya nakakahawa ang pagiging uto-uto," maarteng tugon naman ni Rita habang nakatakip pa ang isang kamay sa bunganga. "Pagtyagaan na muna natin, Sis. Ayaw mo ba no'n? May taga sagot tayo ng assignments at taga-gawa ng projects." "Kung wala lang talagang pakinabang sa atin 'yon hinding-hindi ko siya gugustuhing maging kaibigan. I don't even know kung saan siya galing. Ano kaya ang nakain ni Tita Margaret at kinupkop niya iyon." "Bahala sila sa buhay nila. Let's go! Puntahan na natin ang Ayesha na 'yon sa room. For sure nandoon na iyon at hinihintay ta'yo." Nanghihinang napaupo na lang si Ayesha. Maybe they are right. She is craving for attention. She doesn't wan't to feel na nag-iisa siya. Ayaw niyang maramdamang hindi siya mahalaga. Pero kung ganoong klase rin lang naman pala ng mga tao ang makikilala niya. Mas mabuti pang hindi nalang siya magkaroon ng kaibigan. Mabilis na pinusan ng dalagita ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Matapos kalmahin at ayusin ang sarili ay naglakad na siya pabalik sa classroom nila. Ayesha is sixteen years old now and currently on her third year in highschool. She met Rita and Chelsea when she was in elementary. Anak ito ng mga kaibigan ng kanyang Tita Margaret kaya naman sila na rin ang itinuring niyang mga kaibigan. Naalala niya tuloy ang sinabi sakaniya noon ni Margaret. "Hindi ka dapat kung kani-kanino nakikipag kaibigan. Rita and Chelsea are both a good person. They came from a rich family kaya family oriented sila at siguradong hindi gagawa ng kalokohan. For sure ay makakasundo mo sila at sigurado rin na magiging good influence sila sa'yo." She sighed. She was betrayed and used by those people na akala niya ay kakampi niya kaya naman sobrang bigat sa pakiramdam. Ang totoo nga ay naiiyak pa rin siya hanggang ngayon pero ayaw niyang ipakita sa mga ito na miserable siya. "Yesha! W-Where have you been?" tila kinakabahang tanong ni Rita ng makita siya. Alam naman kasi ng mga itong hindi siya pumupunta kung saan-saan. Hindi rin naman siya madalas sa canteen dahil parati siyang may packed lunch na si Margarette mismo ang naghahanda. Kung wala siya sa room ay nasa library lang siya. And they aren't that stupid para isiping galing siya sa library ng ganoon kaaga. Maging si Chelsea ay sunod-sunod din ang paglunok. May kutob kasi ang dalawa na sa cr din siya nanggaling at baka narinig nito ang usapan nila. Isang alanganin at pekeng ngiti naman ang ibinigay ni Ayesha sa dalawa. "I dropped my handkerchief kaya sinubukan kong hanapin pero hindi ko na nakita," pagsisinungaling niya. "I left your assignments sa table niyo kanina. Nakita niyo na ba?" "Yes, thank you so much, Sis!" tuwang-tuwa na sambit naman ni Chelsea at bumeso pa nga sakaniya. Hindi makapaniwala si Ayesha sa taglay na kaplastikan ng mga ito. Maya-maya lang din ay dumating na ang teacher nila kaya naman umupo na sila sa designated seats nila. Alphabetical order kasi iyon kaya hindi sila magkakatabi. Buong klaseng lutang si Ayesha dahil pre-occupied siya at masyadong affected sa nalaman. Pilit tuloy sumasagi sa isip niya ang mga ala-ala noong bata pa siya na ayaw niya na sanang balikan. "Hindi pa rin po ba dumarating sila mommy, Yaya?" "Hindi pa, Iha. Siguro ay nag-overtime ang mommy sa work kaya hindi pa sila nakaka-uwi ng daddy. Halika na sa kwarto at matulog ka na. Alas diyes na ng gabi. Magagalit si Ma'am Aya kung madadatnan ka pa niyang gising. 'Di ba ang sabi ng mommy dapat maaga mag sleep kapag may pasok sa school kinabukasan?" Kahit labag sa kalooban ay sumunod nalang ang bata sa sinabi ng kaniyang yaya. Ayaw niya rin kasing mapagalitan ng mommy niya. Lingid sa kaalaman ni Ayesha na pag gising niya sa umaga, sa halip na ang nakangiting mukha ng mga magulang ay isang malagim na balita ang sasalubong sakaniya. "How about Ayesha, Tita? Saan siya titira ngayong wala na ang mga magulang niya? Naisanla na ang bahay na ito sa bangko and anytime soon ay maiilit na ito," dinig ni Ayesha na sambit ng kaibigan ng kanyang mommy na si Margaret. Kausap ito ng kinikilalang lola ng bata sa labas ng silid nito. "I don't know either. I am too old para mag-alaga pa ng bata. Maybe I should just get her a yaya na lang." "I am willing to take care of Ayesha. Pwede rin naman pong ako na ang tumayong guardian ng bata." "It's fine with me kung iyan ang gusto mo. Tutal naman ay matalik mong kaibigan ang mommy niya." "Where is mom and dad?" clueless na tanong ng bata. "They're dead. Wala na ang mommy at daddy mo," diretsong sagot naman ng kanyang lola na hindi man lang inisip ang mararamdaman niya. "No!" ani Ayesha na nagsimula ng tumangis. Agad namang nilapitan ito ni Margarette upang aluhin at yakapin ng mahigpit. Mula nang mamatay ang mga magulang ni Ayesha ay ang pamilyang Go na ang kumupkop at nag-alaga sakaniya. Even her grandmother doesn't love her. She always give her a cold treatment sa tuwing dinadala siya ng lolo niya sa bahay ng mga ito. Ngayon lang din nalaman ni Ayesha na kaya pala ganoon ito ay dahil anak sa labas ng lolo niya ang kanyang ina. Walong taon pa lamang siya ng maulila matapos ma-ambush at mapatay ang mga magulang ng pinagkakautangan ng daddy niya na nalulong sa casino. Lahat din ng ari-ariang mayroon sila ay naibenta at naisanla rin nito kaya naman kung hindi dahil may Margaret ay hindi alam ni Ayesha kung anong klaseng buhay kaya ang nag hihintay sakaniya. Margaret and Ayesha's mother are best of friends. Sabay na lumaki ang dalawa dahil na rin magkaibigan din ang ama ng dalawa. Iyon ang dahilan kaya parang magkapatid na ng turingan ng dalawa. Kaya naman ng mawala ang kaibigan ay hindi pumayag si Margaret na kung saan lang mapunta si Ayesha. Batid na kasi nitong mapapabayaan lang ang bata dahil sa family issues ng ina kaya naman nag presinta na agad siyang maging guardian nito. --- Paglabas pa lang ni Ayesha sa gate ay nakita niya agad na bumaba ang sundo niya mula sa saksakyan para salubungin siya. Agad ding kinuha nito ang kanyang bag nang makalapit. "Thank you po!" magalang pang sambit ng dalaga matapos siyang pagbuksan nito ng pinto. Bahagyang natigilan si Ayesha nang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. "Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Sumakay ka na!" masungit na sambit nito. Walang imik na tumalima na lamang tuloy siya. Maya-maya ay napasulyap siya sa gwapong binatilyong katabi. Mula noong dumating siya sa mansyon ng mga Go ay naging mainit ang pagtanggap ng lahat sakaniya roon maliban dito. He is Sky Lander Go. Ang nag-iisang anak at tagapagmana ng pamilyang kumupkop sakaniya. He doesn't like her kaya parating salubong ang kilay at nakakunot ang noo nito sa tuwing nasa paligid siya. "Will you please stop staring at me?! Nakakairita ka!" Napapitlag pa si Ayesha ng umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang malakas na sigaw nito. "Sorry," maikling sagot na lamang ng dalagita tsaka ibinaling ang paningin sa may bintana ng sasakyan. Matapos silang kausapin ni Margarette tungkol sa kagustuhan nitong makasal silang dalawa in the future ay mas lalong naging mainit ang dugo nito sakanya. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD