THIRD PARTY POV " By the way, mauna na'ko ha.Magpapaalam na muna ako kay Max!" saad ko kay Eloisa bago ako pumunta sa kinaroroonan ni Max. Mabigat ang loob ko nang iwan si Eloisa. Alam ko kasi na unti-unti nang tumatalab ang gamot na inilagay ko sa inumin nito. At anumang oras ay mawawalan na ito nang ulirat. Plano ko na talaga na magpaalam kina Eloisa at Max para hindi sila maghihinala na ako ang pasimuno ng pagkawala ni Eloisa ngayong gabi. "Lovely?" sagot ko sa tawag ni Lovely. Nakasandal ako sa isang malaking puno na malapit lamang sa bar at pasimpleng inaabangan si Eloisa. "Change of plan Jethro. Dalhin mo siya rito sa lumang hideout sa oras na nasa kamay mo na ang babaeng 'yan." " Pero bakit?Hindi ba' t iseset-up lang dapat natin siya?" "Huwag ka nang magtanong. Basta't

