" Let's just chill tonight gurl. " sambit sa akin ni Max .Nakaupo ito sa aking tabi ngunit nang makitang may paparating na bisita ay tumayo ito at lumapit sa mga ito. Mga kasamahan sa trabaho ang pawang naroon at may mga ilang kalalakihan na hindi ko kilala. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang maikling seremonya.May mahabang mesa sa gitna ng private room ng bar na puno ng pagkain at regalo para kay Max. " Eloisa, si Franc nga pala! Franc this is Eloisa, my friend." pagpapakilala ni Max sa bagong dating na lalaki na malakas ang appeal. Nakita ko ang pagkurot ni Max sa tagiliran ng lalake at ang matamis nitong ngiti na ngayon ko lamang nakita. Ngiting inlove ang nakikita ko sa mukha ni Max ngayong gabi. Nakipagkamayan sa akin si Franc .Binati ko ito bago ako pumunta sa buffet table upang

