HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin ang sinabi ni Silas na next project nila ako. Naloka lang ako bigla. Alam kong si Alistair at Amos ay architect at si Silas naman at si Perry ay engineer. Pero ano bang mapapala nila sa 'kin? May gusto ba silang apat sa 'kin? Asa naman! Taken na ako at hindi ko sila papatulan. Like duh!
Humikab ako. Pasado alas onse na ng gabi at malakas ang ulan sa labas. Mula dito sa kwarto ko ay tanaw na tanaw ko ang pagkidlat at dinig ko rin ang pagkulog. Ang sarap lang matulog. Kung nandito lang sana si Geoffe, malamang ay magkayakap kami nu'n buong magdamag. Kaso wala. Punyeta kasi ng Agostini quadruplets na 'yan. Ang ga-gwapo naman pero mukhang may sira sa ulo.
Muling kumulog at kumidlat. Kaya napayakap ako sa unan ko. Sobrang dilim sa kwarto ko. Ganito ang gusto ko. 'Yong tipong malamig at madilim. Muli kong niyakap ang unan ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napabangon ako at binuksan ang lampshade.
"S-sino ka?" tanong ko sa pumasok. Hindi ko kasi alam kung sino sa apat ang kaharap ko ngayon.
"Tch! Shut up!" masungit na saad ng kung sino. Napaikot ako ng mga mata. Alam na kung sino ang punyeta.
"Ano ba! Pwede ba, Silas—aray! Ano bang problema mo!?" asik ko dahil bigla na lamang itong sumampa sa kama at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Silas! Anu ba!" pagpupumiglas ko. Kinakahiya kong nandito siya sa kwarto ko. Baka ano pang isipin ng punyetang si Alistair kapag nalaman 'to.
"S-shut up!" asik nito at napapitlag nang kumulog na naman. Niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa gilid ng leeg ko.
"Silas—”
"f**k! Don't move! Just shut the f**k up!" suway nito sa akin.
Napa-ikot na lamang ako ng mga mata nang mapagtanto kung bakit siya nandito at bigla na lamang nang-aakap.
"Takot ka sa kulog at kidlat? Punyeta!" Humalakhak ako pero hindi niya naman ako pinansin. Bagkus, mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa 'kin.
"Kalalake mong tao! Ang tangkad-tangkad mo pa tapos!" Hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil tumawa na ako nang tumawa. Akalain mo nga naman. Kulog at kidlat lang ang isa sa mga kahinaan ng masungit na si Silas Agostini.
"Bakit ba dito ka sa kwarto ko pumunta? Pwede ka naman doon sa kwarto ng mga kapatid mo!" ungot ko at sinubukang lumayo pero mas humigpit ang pagyakap niya sa 'kin.
"Shut up! Don't tell this to them tomorrow!" paos na aniya dahilan upang kilabutan ako.
Sa isip-isip ko'y napapamura na ako. Paano ba naman kasi ramdam ko ang pagtama ng labi niya sa leeg ko. Dagdagan pa ng mainit niyang hininga at ang braso niyang nakayakap sa bandang t'yan ko.
"S-Silas, hindi na ako makahinga," protesta ko na agad ko din namang pinagsisihan dahil pinatalikod niya ako sa kanya ng higa saka niya akong muling niyakap.
"Now, shut up, woman!" asik niya.
Punyeta! Ba't siya pa ang galit.
Kinabukasan ay napuyat ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa takot na baka halayin ako ni Silas. Sayang naman kung sa kaniya lang mapupunta ang virginity ko. Hindi pwedeng ganun na lang. Hindi porque siya si Silas Agostini na asul ang mga mata, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, kulay tsokolate ang buhok, matangkad at may abs pa, ay basta ko na lang ipapaubaya ang katawan ko sa kaniya. Saka hindi ko pa na-check kung daks siya! Charot!
Mabuti na lamang at nang bandang alas kwatro ng madaling araw ay umalis na ito sa kwarto ko. Napairap pa ako nang batuhin ako nito ng unan sa mukha.
"Maswerte ka at natabihan mo ang isang Silas Agostini. Bibihira ang mga babaeng nakakalapit sa 'kin," mayabang na aniya.
Napaismid ako. "Malas kamo at takot pala sa kulog at kidlat—”
Hindi na ako nito pinatapos at sinamaan lang ako ng tingin bago dumiretso papalabas ng kwarto ko. Pabagsak pang sinara ang pinto. Ang kapal lang ng mukha ng lechugas. Sino ba ang basta na lang pumasok sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi? Hayop na 'yan! Hindi isang pribilihiyong makatabi siya! Isang bangungot at hindi ako pinatulog ng maayos.
Ang malas ko din ngayong araw dahil imbes na makakapagpahinga ako mula sa quadruplets, hindi dahil may bagyo pala kaya hindi sila makakaluwas para sa trabaho nila. At isa lang ang ibig sabihin nu'n, makakasama ko ulit sila ngayon. Imbyerna talaga! I swear.
"Makisig pa ako sa morning, Anacynth. What's our almusal?" humihikab na bungad ni Amos saka naghila ng upuan at pumwesto sa dining. Katulad ng nakagawian, wala na naman itong saplot pang itaas. Tanging boxers lang ang suot kaya nakabalandra na naman ang—oo na, maganda niyang katawan.
"Wala pa!" asik ko saka tumalikod at nagprito ng itlog at hotdog.
"Oh damn! I couldn't get laid tonight because of this f*****g typhoon. What's our signal now, f*****g Anacynth?"
Itinirik ko ang mata ko sa bagong dating na manyak. "Hindi ko alam. Mukha bang alam ko kung nasaang lugar tayo?" pambabara ko kay Alistair na ngayon ay naka-upo na sa tabi ni Amos habang may hawak na cellphone.
"I just thought you f*****g knew. Please watch the news later and tell us kung anong signal na tayo," kibit balikat na anito.
Napabuga ako ng hangin. "Punyeta Alistair! Hindi ko nga alam kung nasaang lugar tayo paano ko malalaman kung anong signal na?!" Pabagsak ko pang itinukod ang mga kamay ko sa mesa pero tila wala man lang itong narinig at hawak na ang sariling cellphone at may suot pang earphone.
Lechugas talaga! May cellphone naman siya! May net! Bakit hindi na lang siya ang manuod at makinig ng balita at bakit iaasa pa sa 'kin. Ibinalik ko ang atensyon sa pagprito. Bubulong-bulong pa ako nang si Perry naman ang dumating.
Sa malayo ito pumwesto at tumingin sa kawalan. Nang mapansin nakatingin ako sa kaniya ay bigla akong inirapan. Umirap din ako para fair. Attitude din 'tong isang 'to eh. Akala mo naman hahalayin ko.
Hindi ko masasabing gusto ko ang ugali ni Perry. Sa kanila kasing apat, siya lang 'yong bihira akong pansinin. Para lang akong hangin na dinadaan-daanan. Siguro nga mas mabuti na 'yong ganoon.
Ilang minuto pa at natapos na ako sa pagluluto. Naghain ako sa mesa. Sakto namang akmang kukuha si Amos ng hotdog nang tapikin ko ang kamay niya.
"Ouch! What the hell is your problema ba?" maarteng asik niya sa 'kin.
Umirap ako. "Go, wash your hands! Ang balasubas mo!" Nakita ko kasi kanina na kumakamot ito sa may boxers niya. Kadiri lang.
Sinamaan ako nito ng tingin bago tumayo. "Don't kain my hotdogs, Anacynth! I am warning you!"
"Whatever!" Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ng apat. Hindi ko rin pinapansin ang nakakalokong ngisi sa 'kin ni Alistair.
Mayamaya pa'y bumalik na si Amos. Sakto naman ang pagdating ni Silas. Pumwesto ito sa gitna at tahimik na naupo, hindi pinapansin ang pagkausap sa kaniya ni Alistair.
"Where did you sleep last night, dude? Takot ka sa kulog at kidlat di'ba?" ani Alistair, hindi talaga tinigilan si Silas. Samantalang ang huli ay umaktong tila walang naririnig at nagsandok lang ng pagkain.
"Yeah. Where did you sleep ba? For sure hindi ka nakontento sa pillow at blanket lang," gatong naman ni Amos.
Pero katulad kanina, umaktong walang narinig si Silas at tumingin ito sa 'kin. Umirap ako at pinaikot ang mga mata ko.
"Problema mo?" asik ko habang may kagat-kagat na hotdog.
"I don't like this. Sa 'yo na ang hotdog ko," aniya at inabot sa 'kin ang hotdog na nasa pinggan niya.
Alam ko naman na walang double meaning ang sinabi ni Silas. Pero punyentang utak ko 'to, biglang naging berde. At katulad ko, alam kong mas malala sa 'kin si Alistair dahil bigla itong napahalakhak ng malakas.
"You can have my hotdog, too, f*****g Anacynth. It's bigger than f*****g Silas." Tinaas-baba nito ang kilay niya.
Nagsalubong ang kilay ko. Alam kong iba ang tinutukoy ni Alistair dahil pare-pareho lang naman ang size ng hotdog na niluto ko. May double meaning pa iyon.
"Ayoko ng hotdog mo, Alistair. Ayoko ng maliit. Kontento na ako sa hotdog ni Silas," usal ko saka sinubo ang hotdog na binigay ni Silas saka sumulyap dito. Napaiwas naman ito ng tingin habang si Alistair naman ay nagsalubong ang kilay, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"We’re talking about hotdog pala. I;m sorry Anacynth but I can't offer you my hotdog. You want my itlog na lang?"
Bigla akong nasamid sa sinabing iyon ni Amos. Pinanlisikan ko ito ng tingin pero parang wala lang ito sa kaniya dahil nakikipagtawanan na ito kay Alistair. Maingay ang hapag dahil sa dalawa. At nabasag lamang iyon nang si Perry ang magsalita.
"I saw Silas last night entering that woman's room," anito saka tumayo at iniwan kaming nakanganga. Panandaliang namayani ang katahimikan sa hapag hanggang sa binasag ito ni Amos.
"You make patol to that woman, Silas? You don't have a tongue pala. Wala ka nang taste," naka-ngising anito.
Aba't! Pakiramdam ko'y umakyat ang dugo ko sa mukha ko at ramdam ko ang pag-iinit nito dahil sa galit.
"Punyeta ka Amos!" Hindi ko na napigilan pa at binato ito ng saging. Ayun, saktong tumama sa kaniyang noo. Lechugas na 'to. Ano ang gusto niyang palabasin? Hindi ako pasado sa standard ng masungit na si Silas? Well wala naman akong pake! Pero kasi nakaka-hurt 'yong sinabi niya! Maganda kaya ako!
"Hey! How dare you!" asik nito. Nanlilisik pa ang mga matang pinukol sa 'kin. "You don't bato me this saging! Who do you think you are ba?"
Umismid ako. "You don't bato me this saging," pang-aasar ko sa kaniya. "Ayusin mo iyang baluktot mong dila! Para kang bakla! Pwe!" Bumalik ako sa pagkaka-upo saka sumubo ng hotdog. Naghahabol pa ako ng hininga sa sobrang galit sa conyong lalake na ito. Nang lingunin ko naman sina Alistair at Silas, parang mga wala lang pake at isa-isa nang umalis sa hapag.
"Alis na ako. Mahuli sa pagkain, siya ang maghuhugas," ani Alistair saka tumalikod.
"Me? Bakla? Excuse me, Anacynth—”
"Dadaan ka?" putol ko kay Amos dahil nagsisimula na naman sa pagdada. Nakaka-pikon din ang gagong 'to eh.
"I've bedded a lot of babae for your information lang Anacynthia. I don't want to prove it to you verbally kasi you are not my type. For sure, you don't know naman how to halik!" anito saka umalis din ng hapag.
Kami na lamang ni Silas ang naiwan. At dahil sa inis ay tumayo na rin ako para umalis. "Ikaw ang nahuling kumain. Ikaw ang maghuhugas ng mga pinagkainan," ani ko pero bagot lamang ako nitong tiningala. Imbyerna talaga ako! Kung hindi lang siya pumasok sa kwarto ko kagabi, di sana hindi nasira ang umaga ko ngayon. Punyetang Amos 'yan, makakaganti rin ako sa kaniya.
"And who is the slave here? You, right? So you'll do the dishes." Tumayo si Silas at nilagay sa ulo ko ang table napkin na ginamit niya dahilan para matakpan ang mukha ko.
"Nakakainis!" asik ko nang hindi ko na rin siya makita sa dining nang tanggalin ko iyon sa mukha ko.
Buong maghapon ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Mas lalo rin lumakas ang ulan. Kumulog na rin at kumidlat kaya ni-lock ko pa ang pinto ng kwarto ko dahil baka pasukin na naman ako ni Silas.
Hindi rin ako bumaba para magluto ng pananghalian kahit kinatok ako ni Perry. Hindi niya rin naman ako pinilit nang sinabi kong bahala sila sa buhay nila magluto.
Nang sumapit lang ang gabi ay saka ako bumaba. Madilim na sa kabuuan ng mansyon. Wala ng ilaw sa living room nang bumaba ako ng hagdan.
Dumiretso ako sa dining para tingnan kung may pagkain pa ba at meron nga. Kumain ako at matapos nun pumunta ako sa kusina. Nagulat pa ako nang walang isang hugasin. Ganito pala ang solusyon. Kaya naman pala nila kumilos ng sila lang.
Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog na sana pero napamura na lamang ako nang maabutang isa na naman sa quadruplets ang nandudoon.
"Sino ka?" ani ko pero hindi ako nito inimik. Bagkus, hinila nito ang kamay ko palabas ng kwarto at dinala pa sa isang kwarto. At ganun na lamang ang gulat ko nang maabutan ang tatlo pa doon.
Ang tatlo ay naka-upo sa couch habang may hawak na kopita ng alak sa mga kamay nila.
"Hey f*****g Anacynth," bati sa 'kin ng isa na alam kong si Alistair. Naka-upo ito sa pinaka-sulok ng couch habang sumisimsim ng alak. Nagawa pa nitong dilaan ang pang-ibaba niyang labi.
"Do you like our surpresa ba, Anacynth?" tanong naman ng isa na sigurado akong si Amos. Katabi nito si Alistair. Pareho silang may hawak na kopita at pareho ring naka-itim na t-shirt. Maong na pantalon rin ang suot nila pang-ibaba. Ang isa pa sa Agostini quadruplets ay nasa sulok rin ngunit naka-sandong puti. Samantalang ang nasa gilid ko ngayon ay walang saplot pang-itaas.
Napalunok ako at biglang kinabahan. Hindi ko alam pero nanginig ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay hindi sila ang quadruplets na nakasama ko ng dalawang linggo. May kakaiba sa kanila ngayon.
"Tell her now what to do f*****g Silas," muling ani Alistair sa katabi ko ngayon.
Muli akong napalunok. "A-anong gagawin ninyo sa 'kin?" Gusto ko nang mapa-iyak. Maliban nung gabing dinukot nila ako, ngayon na lamang ako nakadama ng takot sa kanila.
Agad na tumalima si Silas at pumwesto sa harapan ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at mariing tinitigan sa mga mata.
"This is the reason why we kidnapped you. You are not just only our slave... you are also our entertainer, our w***e,” he uttered, ang kamay nito ay nagsisimula ng lumakbay sa balikat ko. “It's so cold tonight… right?" dagdag pang saad nito. Paos ang boses ni Silas at kakaiba dito.
Gusto kong mapaatras nang tmindig ang mga balahibo ko nang haplusin ni Silas ang braso ko sa senswal na paraan. Hindi ko rin maiwasang masaktan dahil sa sinabi nila. Hindi ako p*ta.
"S-Silas…" Sinubukan kong umatras pero hinapit niya ako sa aking beywang at dumukwang palapit sa puno ng aking teynga.
"Don't worry, they won't touch you. Kaylangan mo lang painitin ang apat na sulok ng kwartong ito ngayong gabi. We will watch you dance."
Umiling ako. "H-hindi ko iyan magagawa." Kahit marunong akong sumayaw ay hindi ko susundin ang gusto nila. Sinong baliw ang gagawin 'yon sa kwartong ito at silang apat ang manunuod? Tag-l*big ba sila?
"Well… you should. Or else, you won't see your fiancé breathing,” nakaigting ang pangang saad ni Silas.
Kumuyom ang mga kamao ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at kumawala na iyon sa mga mata ko at tuluyan nang dumaloy sa magkabilang pisngi ko.
Pinanlisikan ko siya ng tingin. "f**k you!" asik ko pero humalakhak lamang siya sa leeg ko nang dumukwang ito. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman ang pagdampi-dampi ng labi niya sa balat ko.
"That's enough! Dance now, Anacynth!" tila naiinip nang saad ng isa sa quadruplets.
"Perry's really impatient when it come to this thing huh," Silas whispered.
"Putangina niyo talaga!" madiing ani ko at sinubukang kumawala sa kaniya pero muli na naman itong may sinabi dahilan para tuluyang kainin ng takot ang buo kong sistema.
"I forgot to tell you that after your performance, you will come with me in my room tonight at ako naman ang ta-trabaho sa 'yo. You are mine tonight and I will f**k you till I get satisfied," mapanganib na bulong ni Silas bago pumalinlang ang isang senswal na tugtugin sa apat na sulok ng kwarto.