Kabanata 1—Project

2486 Words
SIGURO sa mga oras na 'to, buhay prinsesa sana ako. Sana, pinagpaplanuhan na namin ni Geoff ang kasal naming dalawa. Pero hindi. Naiinis ako! Napapaligiran nga ako ng mga nagga-gwapuhang nilalang, hindi ko naman mapakinabangan.      Bagkus, sila ang nanginginabang sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit dinukot nila ako at pinapahirapan ng ganito. Pero sana naman, si Farrah na lang ang dinukot nila. 'Di sana, tuwang-tuwa pa ang gaga na iyon at pinagpipyestahan na ang katawan nila!      G na G ako sa quadruplets na kasama ko dito sa bahay na hindi ko alam kung saang lupalop na lugar. Akala mo kung sinong mga hari at masyadong inaalila ang kagandahan ko. Nakakainis talaga sila. Gusto ko nang umiyak! At magsumbong sa mga magulang ko! Charot!      "Hey Anacynth, are you done na ba sa paglalaba?” saad ng baritono ngunit maarteng boses.      Kumuyom ang kamao ko at nanggigigil na na piniga ang boxer brief na nilalabhan ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung kaninong brief 'to, pero masyadong malaki pero wala akong pake. Sa dalawang linggo ko dito, kahit sobrang magkakamukha nila, nakikilala ko na sila dahil sa bawat pag-uugali nila.      "Bakit, may ipapalaba pa ba kayo?!"  inis na tanong ko. Mga putanginang 'to, meron namang washing machine, gusto nila mano-mano ako sa paglalaba at hindi raw nalilinisan kapag makina ang gamit sa damit nila.      "Hmm. Meron pa. Actually you have madami pang lalabhin. But anyway, pinapatawag ka ni Silas sa dining.”      Katulad ng isang ‘to. Alam kong si Amos Agostini itong kaharap ko base na lang din sa pananalita niya. Ang arte lang!  Siya rin ‘yong katabi ni Alistair (yung daks na sinasabi ko) nung gabing dinukot nila ako. At si Silas. Si Silas ang punyetang binantaan akong papatayin ang fiancé ko kapag hindi ko sinunod ang bawat iuutos nila. Sa kanilang apat, mukhang si Perry (ang katabi naman ni Silas ng gabing ‘yun at inilagay ang mga kamay sa pagitan ng hita niya nang mapalingon ako sa kaniya) lang ang matino dahil ito lang ang tahimik at mukhang mahiyain. Ni hindi nga ako pinapansin.      “You heard me ba, Anacynth?” ani Amos nang hindi ko siya pansinin.      Napapadyak na ako sa sobrang inis. Gusto kong sumigaw at magtitili! Alas dose na ng tanghali at ang init-init na dito sa likod ng mansyon. Namumula na ang balat ko dahil nabibilad na ako sa araw pero hindi pa ako matapos-tapos sa paglalaba. Nakakainis lang at sabado ngayon, ibig sabihin lang ay lahat sila nandidito.      Kapag kasi lunes hanggang biyernes ay hindi ko mahagilap ang pagmumukha ng mga punyeta at pumapasok sa trabaho nila. Naiiwan akong mag-isa dito kasama ang mga guwardya sa labas.      "Bakit kasi kayong apat kayo, ang aarte ninyo! Mahawakan lang kayo ng isa sa inyo, magpapalit na kaagad kayo ng damit. Saka ano itong mga boxers niyo? Bakit sobrang dami! Oh my God! In my twenty two years of existence, ngayon lang ako nakapaglaba. And I damn hate it! I super hate it!" eksaheradang tugon ko. I just couldn’t accept it. Prinsesa ako sa pamilya namin pero dito, I become a maid. Inaalila nila ang ganda ko!      "Basta you go na lang sa dining. Sige. I’ll bring here pa the bed sheet,” Amos uttered then bid his goodbye.      "Putangina mo, Amos! Mabaog ka sana!" galit na galit na ani ko pero ang gago ay tinawanan lang ako.      "My semilya is healthy kaya,” pamimilosopo pa nito.      Napaismid ako. At dahil sa sobrang frustration ay napasigaw na ako. "Eh di putangina ninyong lahat! Makabuntis sana kayo ng maaga! Lalo na ang punyetang Alistair na ‘yan! Nakakainis!" Na wala nang ibang ginawa kundi ang nakawan ako ng halik sa pisngi sa t'wing magkakalapit kaming dalawa. Pasimpleng manyak ang gago!      "Hey! I heard my name! You want me to lick you?"      Kasasabi ko pa lang! Napapikit ako at pinipigilan ang tuluyang pagsagbog. Sa inis ko sa manyak na nakadungaw ngayon ang ulo sa may pinto ay hindi na ako nakapagpigil pa at binato ko na sa mukha niya ang boxers na hawak ko.        Samantalang si Amos naman ay walang pakeng pumasok sa loob at sinamaan pa ako ng tingin nang may bulang tumalsik sa damit niya kaya hinubad niya ito at tinapon din sa mukha ko.      "You make laba na rin to that,” aniya at dumiretso sa loob. Napamura ako sa sobrang gigil ko.      "Yuck! Kaninong boxer ito? May pubic hair pa! f*****g yuck!" nasusukang ani Alistair at tumakbo sa loob saka binato ulit ang boxer sa akin.      Napairap na lamang ako at inis na tinapon ang boxer sa washing machine saka pumasok sa loob ng bahay. Mga punyeta talaga ng apat na 'yon. Sinusumpa ko, kumalat sana lahi nila!      "What took you so long?"      Nagtangis ang bagang ko nang maabutang nasa dining si Silas at tulala lang sa pagkaing naka-hain sa ibabaw ng mesa. Umupo ako sa gilid niya at hindi pinansin ang tanong niya. Naglagay ako ng pagkain sa platong nasa harap niya at sumandok ng kanin.      "I’m talking to you. Pansinin mo ako," salubong ang kilay na anito sa 'kin.      Umirap ako. "Pinapansin na kita. Ayos na?" bagot na ani ko.      "Pinagloloko mo ba ako?!" biglang sigaw nito na ikinangiwi ko.      Napairap naman ako. "Bakit kita lolokohin? ‘Yong jowa ko nga, hindi ko niloko. Ikaw pa na wala naman tayong relasyon. Asa ka naman! Oh dali nganga na!”      "What the f**k—” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil iniumang ko sa bibig niya ang kutsarang hawak ko.      Bwesit ang Silas na 'to. Akala mo naman walang kamay. Sana talaga weekdays na lang lagi nang hindi ko makita ang pagmumukha nilang apat.      "Nguyain mo!" asik ko at sumandok ulit at iniumang ulit sa bibig niya. Natawa pa ako nang mabilaukan ito. Sinamaan naman ako nito ng tingin.      "f**k! Nandidiri talaga ako! Hey f*****g Silas! Dumikit iyong f*****g pubic hair mo sa mukha ko na galing sa f*****g boxer brief mo," ani ng bagong dating na si Allistair at hinalikan ako sa pisngi. "Hey f*****g Anacynth."      Tinampal ko naman ito sa braso at lumayo sa kaniya dahilan para mas mapalapit pa ako sa pwesto ni Silas kaya sinamaan ako nito ng tingin. Sinamaan ko din siya ng tingin. Nagtinginan kaming dalawa at halos magpatayan na.      "Stop staring!" masungit na anito. Napaikot naman ako ng mga mata ko. Siya kaya ang naunang tumingin sa akin ng masama.      Sakto namang dumating si Amos at pumwesto ng upo sa harapan ni Alistair. Paano kong nasabi siya si Amos? Wala kasing damit pang itaas. Isa pa ito sa palatandaan ko. Mahilig maghubad ang conyong si Amos.      "The bed sheet is already there, Anacynth. You make laba na lang at may naiwan pang healthy semilya ko kagabi. And I’m not going to make hingi ng tawad dahil doon," tila bagot na anito.      Gusto kong magmura! Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Sperm nga ni Geoff, di ko pa nakikita tapos yung kaniya. Punyeta talaga!      "Ang bababoy niyo! Mga punyeta kayo!" sigaw ko.      "Mas piggy si Perry. He's on his room right now and currently nagja-jakol."      Natawa si Alistair sa sinabing iyon ni Amos maliban kay Silas na nakatingin lang sa 'kin. Stop staring daw pero siya naman itong tingin nang tingin. Parang gago lang!      "Tingin-tingin mo? Dukutin ko iyang mata mo sa kanan!" masungit na saad ko. G na Ga pa rin ako sa kanila. Muli akong sumandok ng kanin. Isinubo ko iyon sa kaniya pero umiling lang siya.      "Linisan mo ang kwarto ko matapos mong maglaba," anito at tumayo saka umalis sa dining.      Napa-sentido na lamang ako. Katulong na katulong talaga ang status ko dito sa pamamahay na ito. Lechugas.      "Hey f*****g Anacynth, can I have your tahong? I wanna lick it!"      Punyeta talaga! Naiinis na ako pero kaylangan kong kumalma. Alam ko namang ginagalit lang ako ng gagong si Alistair.      Pilit akong ngumiti at inabot sa kaniya ang ulam nilang tahong. Nilagyan ko pa siya sa pinggan niya at tahimik na kumain na rin. Maya-maya pa ay dumating na si Perry at tahimik na kumuha ng pinggan at nagsandok ng kanin matapos niyang pumwesto ng upo.      "You satisfied na sa pagja-jak*l, Perry?"      Hindi pinansin ni Perry si Amos kaya napahalakhak si Alistair. "Why so f*****g grumpy today, Perry? Didn't you reach your org*sm?" gatong pa na saad ng manyak na si Alistair.      Napangiwi ako. Hindi ko kaya ang mga pinasasabi nila. Maypagka-green minded naman ako pero itong harap-harapan ko silang maririnig, ang yuck lang!      "Hey Anacynth, where are you going na? You'll wash the pinagkainan pa."      Minsan, napapaisip ako kung hindi ba naiirita ang tatlo kay Amos dahil sa kaartehan nitong magsalita. Dinaig pa ang mga babae sa pagka-conyo niya. Nakakabaliw ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.      “Tapatin mo nga ako Amos—”      "I don't gusto you, Anacynth. Patawad,” pagpuputol nito sa akin.      Napairap naman ako. Ang kapal lang ha! "Duh! Hindi rin naman kita gusto. Asa ka naman. Gusto ko lang malaman kung bading ka. Ang arte-arte mo kasi."      Natawa si Alistair sa sagot ko. Samantalang si Perry naman ay parang wala lang narinig at abala pa rin sa pag kain.  Habang si Amos naman ay salubong na ang kilay.      "What do you mean by that ba, ha? Me? Gay? You want me to halik you lang kaya mo sinasabi 'yan. Asa ka din. My lips is precious para lang halikan ka," naiinis na anito saka sinamaan ako ng tingin.      "Whatever!" Napa-irap na lang ako at nag-walk out. Sasakit ang ulo ko sa kanila. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng lalakeng ganyan kung magsalita. Sobrang arte! Hindi naman malambot ang tono ni Amos kapag nagsasalita. Nagiging conyo lang kasi. Sa kanilang apat, siya lang ang ganoon. Tuwid naman ang tatlo kung magsalita kaya minsan iniisip ko na lang na sinasadya niya.      Bumalik ako sa likod para maglaba. Sobrang pagod na pagod din ako nang matapos ako. Nagpahinga lang ako ng kalahating oras bago dumiretso sa kwarto ni Silas. Mabuti na lang at wala siya at wala akong pake kung nasaan siya. Natapos ako ng matiwasay na walang umaabala sa 'kin.       Pasado alas sais na ng hapon nang matapos ko ang lahat ng gawain. Pero hindi ako naghugas ng pinggan kagaya ng sinasabi ni Amos. Asa naman siya.      Hindi na rin ako lumabas ng gabing 'yon sa kwarto ko kahit panay ang katok ni Alistair. Nagkunwari na lamang akong nakatulog na.      Kinabukasan naman ay araw ng linggo nang binulabog ako ni Perry. Halata pa sa mukha nito na napipilitan lang na kausapin ako.      "Why? It’s still early,” saad ko sabay hikab.      "Gumayak ka na. We will go to church,” aniya saka tumalikod na at lumabas ng kwarto.      Napipilitan naman akong bumangon kahit sobrang sakit ng likod ko. Naligo ako at nagbihis at matapos ay lumabas na sa kwarto. Naabutan ko ang apat sa dining at kung may anu-anong pinag-uusapan. Nang makita ako'y tumayo na sila.      Naunang lumapit sa ‘kin si Alistair at inakbayan ako. "We will go to church, para mabawasan iyang kasalanan mo."      Nagsalubong ang kilay ko at siniko ito. "Hindi ka ba natatakot na pumasok doon? Baka masunog ka Alistair."      Ngumisi ito bago sinuot ang aviator glass niya sa mata. Hindi ko naman maitatangging ang gwapo nila. Kahit simpleng polo at jeans lamang, dalang-dala na nila ang sinusuot nila.      "I know I'm hot, f*****g Anacynth."      Napairap na lamang ako sa sobrang yabang ni Allistair.      Isang sasakyan lamang ang ginamit namin papuntang simbahan habang ang mga securities naman ay nakasunod sa ‘min gamit ang isa pang sasakyan.      Hindi ito ang unang beses na nakalabas ako ng mansyon nila dahil nung una ay sinama ako ni Perry sa pamamalengke. Pero kahit ganoon ay wala pa rin akong idea kung nasaan kami. Basta ang alam ko lang ay nasa malayong lugar kami dahil sa tuwing papasok sa trabaho ang apat ay sinusundo pa sila ng chopper. Ganoon sila kayaman.      Hindi rin naman nila sinasabi sa 'kin kung anong lugar ito. Kung nasaan ba kami. Hindi rin nila ako hinahayaang makipag-usap sa kahit na kanino.      "Ah, you f*****g saw the f*****g chick earlier, f*****g Amos?" ani Alistair.      Pauwi na kami at katatapos pa lamang namin kumain sa labas. Nang matapos kasi ang misa ay napagdesisyunan ng apat na sa labas na rin mag-brunch.      "Your mouth Alistair. Kagagaling pa lang natin sa simbahan," suway ni Perry mula sa driver seat.      Umasta namang walang narinig ang huli at kinausap muli si Amos. Samantalang ang katabi ko namang si Silas ay tahimik lamang na nakatingin sa labas.      Maya-maya pa ay lumingon ito sa 'kin at humikab. "I'm sleepy."      "So?" ani ko, tinaasan ito ng kilay pero hindi na ito naimik at nagulat ako nang humiga ito at inunan ang hita ko.      "Hoy Silas! Anu ba!" suway ko dito. Bigla kasi akong nailang dahil naka dress ako.      "Shut up!" asik nito at pinikit ang mga mata. Nakakainis!      Konting tiis na lang naman at laking pasasalamat ko at lunes na bukas. Magiging buhay prinsesa ako sa loob ng limang araw at pwede kong kumbinsihin ang mga guwardya na sabihin sa 'kin kung nasaang lugar kami.      Napabuntonghininga ako. I miss my fiance already. Kahit ang parents ko. Gusto ko na silang makita pero wala akong magawa.  Hindi ko alam kung anong rason at bakit dinukot nila ako. Hindi ko naman sila kilala para gawin sa 'kin 'to. Hindi ko alam kung masasabi ko bang hindi sila masasamang tao dahil sa hindi nila ako sinasaktan. But the fact that they kidnapped me, alam kong dapat hindi ko sila pagkatiwalaan. Mabuti na lang din at inaalila lang nila ako, at hindi sinasaktan. Baka sila pa ang makatikim sa 'kin. Subukan lang nila.      "What's with your buntonghininga, Anacynth?"      Napalingon ako kay Amos. "Hindi niyo ba talaga sasabihin kung bakit ninyo ako dinukot?" ani ko.      Natigilan naman sina Amos at Alistair. Samantalang si Perry ay napatingin din sa 'kin mula sa rear view mirror.      "Sigurado ba talaga kayo na ako dapat ang idudukot niyo nung gabing 'yon? Pinagtitripan ninyo ba ako? Utang na loob naman, ikakasal na ako!" dagdag ko pa pero hindi pa rin nila ako sinagot. Napaluha ako dahil sa inis. Uwing-uwi na ako sa ‘min. Nag-aalala ako sa mga magulang ko.      Nawalan ng imik sa loob ng sasakyan. Natahimik. Hanggang sa bumangon si Silas mula sa pagkaka-unan sa hita ko at malamig ang kulay asul na matang ibinaling nito sa 'kin.      Sa kanilang apat, sa kaniya talaga ako umiiwas. Hindi ko alam pero kahit na kasi ang tapang-tapang kong tingnan, natatakot ako sa kaniya. The way he look at me, there's something that makes me want to stay away from him. I just feel like he's a dangerous man.      Bumuka ang mga labi nito at seryos akong tinitigan.  "Let's just say, you're our next project," mapanganib na sagot nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD