"WHAT'S your plan now with my daughter?" galit pa ring ani papa, pilit lamang pinapahinahon ang kanyang boses. Ngumiti si Perry at inabot ang kamay ko. Hindi nito iniinda ang mga sugat at pasang natamo niya. "I will marry her, Sir," mababakasan ng pinalidad sa boses na anito. Gusto kong tumutol. Gusto kong bawiin ang kamay ko na hawak ni Perry pero hindi ko kayang gawin dahil baka magtaka lamang si Papa kung gagawin ko iyon. Natatakot ako sa maaaring mangyari kung umayaw ako sa gusto ni Perry. Sarkastikong tumawa si Papa. "And you think after what happened, I will give you my blessings? You think I will let you marry my daughter? The audicity of you to say that." Naramdaman kong mas lalong hinigpitan ni Perry ang pagkakahawak sa kamay ko. I don't know why he is doing this. Hindi niya

