Kabanata 9-Responsibility

2159 Words
MATAPOS ang pangyayari sa loob ng library ay maghapon lang akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas at pilit iniintindi sa isipan ko ang mga naging pinag-usapan namin. Hindi pwedeng magbunga ang kahayupang ginawa sa 'kin ni Silas. I can accept the baby. But the father? I don't think na makakaya kong isipin na si Silas ang ama ng bata. Ang taong paulit-ulit binaboy ang pagkatao ko. Bumuntong hininga ako at ipinilig ang ulo. Alas syete na ng gabi at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa loob ng kwarto. Nakakaramdam na ako ng gutom pero wala akong planong bumaba. Mamaya na lamang kung tulog na silang lahat. Hindi ko alam kung nandito pa si Mister Agostini at hindi ko rin alam kung anong plano na nila ngayon. Ang gusto ko na lamang ay makabalik ako sa pamilya ko. Gusto kong puntahan si Geoff at linawin sa kanya ang lahat. Matapos ang nangyari at ang nalaman ko, wala na akong planong makipagbalikan pa sa kanya. Gusto ko na lamang magpakalayo mula sa mga Agostini at sa kanya. Gusto kong mag bagong buhay na wala sila. I wanna forget them. This nightmare. Gusto ko na lamang ibaon sa limot ang lahat. "S-sino 'yan?" Napalingon ako banda sa may pinto nang may kumatok. Bumangon ako sa kama at tinungo iyon. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa 'kin ang isa sa mga quadruplets. May hawak itong tray ng pagkain pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang mukha niyang puro pasa at sugat. May bakas pa ng dugo ang gilid ng kanyang labi. "A-anong nangyari sa 'yo?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang tugon dito at nagtuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa loob. Hinarap niya ako at matapos ay nameywang. "Eat Anacynth." Dahil sa sinabi niyang 'yon ay muli kong naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura. Tumango ako sa kanya at sinunod ang sinabi niya. Sa kalagitnaan ng pag kain ko'y pakiramdam ko'y hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mariing titig nito. Kapagkwan ay nagsalita ito. "Do you know who I am? I mean can you recognize kung sino ako sa aming apat?" seryosong aniya. Uminom ako ng tubig saka tumango. "Perry," ani ko. Sigurado ako dahil siya lang naman ang nagdadala sa 'kin ng pagkain kapag nagkukulong ako dito sa kwarto. At isa pa sa palatandaan ko ay ang pananalita nila. Conyo si Amos. Parating may kasunod na mura kay Alistair. Habang si Silas ay matalim ang dila kung magsalita. At siya, parating seryoso kung kausapin ako. Tumango si Perry at tumayo. Naglakad siya palapit sa 'kin at naupo sa tabi ko. Halos mapausog pa ako paatras nang ilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin. "Look at me," bulong na aniya dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. "Look at my face Anacynth para makita mo kung ano ang pinagkaiba naming apat." Bumuga ako ng hangin at sinunod ang sinabi niya. Bagaman naiilang, pilit kong nilabanan iyon. Pinakatitigan ko ang mga mata niya pababa sa tungki ng kanyang ilong hanggang sa kanyang labi. "I have mole in my chin. You see it?" Bumaba ang tingin ko sa baba niya. Tumango ako. Ngayon ko lamang iyon napansin sa kanya dahil hindi ko naman madalas titigan ang mga mukha nila. "Alistair has a mole too. But it's on his lower lip. On the left side. And he has piercing on his tongue. While mine, it's on my left ear." Dumako doon ang tingin ko. At ngayon ko lang nakita ang kulay itim niyang piercing na krus ang disenyo. "While Amos and Silas, they both have mole on the neck. You can't notice it kung hindi mo tititigan ng maayos." Tumango ako, walang naitugon sa sinabi niya. "I have electric blue eyes, same with Silas. While Amos and Alistair have sapphire." Muli akong tumango. Nag-iwas ako ng tingin kahit patuloy pa rin sa pagbanggit si Perry ng mga pagkakaiba nila. "Silas and I are both engineer while Amos and Alistair are architect. I have--" "Tapos na akong kumain," ani ko at tumayo kahit sa tingin ko'y parang hindi ko naman iyon nabawasan. Para saan itong mga sinasabi niya? Sa tingin ko kasi ay hindi naman 'yon importante. Bumuntonghininga si Perry at kinuha ang mga pinagkainan ko. Tahimik itong lumabas ng kwarto ko. Habang ako naman ay pinikit ang mga mata at muling naupo sa sofa. Hindi ko kaylanging alamin pa ang pagkakaiba ng mga taong sumira sa buhay ko. Nang pumatak ang alas dyes ay napagdesisyunan kong matulog na. Madilim sa buong kwarto ko. I even locked the door sa takot na baka pasukin na naman ako ni Silas mamaya. At hindi nga ako nagkamali dahil isang oras pa lamang ang nakakalipas ay nakaramdam akong may pumaibabaw sa 'kin. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang mabigat na paghinga nito banda sa may teynga ko. Tinakpan nito ang bibig ko gamit ang kamay niya saka bumulong. "I will be back, Anacynthia. This won't be the last time we'll gonna see each other. I will still have my revenge. Isabela's so precious to me that I don't get satisfied just by only torturing your f*****g fiance. Sorry but I will not say sorry for including you in my revenge. I will keep an eye on you. I'll be watching you," aniya at umalis sa ibabaw ko. Umalis ito sa kwarto ngunit sa bintana dumaan. Nanghihina at habol ang hiningang napabangon naman ako sa kama dahil doon. Pinunasan ko ang mga luha ko at inabot ang tubig sa bed side table. Nanginginig ang mga kamay na tumungo ako at pinakatitigan lamang iyon. Natatakot ako dahil alam kong hindi lamang banta ang sinabing iyon ni Silas. Alam kong tototohanin niya ang sinabi niya. "Are you ayos lang, Anacynth?" Napaangat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si Amos. Kasama pa nito ang dalawang kapatid niya. Binuksan nila ang switch ng ilaw saka lumapit sa 'kin. "Does Silas came here?" ani Perry. Napakurap-kurap ako saka tumango. Napamura naman ito at ginulo ang buhok. "Kung ganun tama ang nakita ng securities na lumabas galing sa bintana ng kwarto mo si Silas." "Did he gahasa you again?" walang pakundangang ani Amos dahilan para samaan ito ng tingin ni Perry. Binatukan naman ito ni Alistair na kahapon ko pang napapansin ang pananahimik. Umiling ako, akmang magsasalita nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "B-binantaan niya ako. He said, he'll... he'll be back and have his revenge." Wala na akong naintindihan pa sa mga pangyayari. Masyadong lutang ang isip ko. Basta ang alam ko lang ay tumakas si Silas at nagtago. Tinakasan na nito ang kasalanang ginawa sa 'kin. Marahil ay totoo ang sinabi ng tatay nila kahapon na ipapakulong niya ito. "I'm very sorry, hija," dismayadong sambit ni Mister Agostini sa 'kin nang kausapin niya ako kinabukasan. Tanging boses niya lamang ang maririnig sa apat na sulok ng library. "The securities tried to run after Silas pero hindi na nila naabutan." Tumungo ako. Pilit tinatago ang pagtutubig ng mga mata ko. Gusto kong pagbayaran ni Silas ang ginawa niya sa 'kin. Pero paanong mangyayari iyon kung bago pa man siya maipakulong ay tumakas at nagtago na ito? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pasimple kong pinunasan ang mga mata ko. Tumikhim si Amos dahilan para iangat ko ang aking ulo upang tingnan siya. "You don't have to make alala, Anacynth. We're going to hanap him para sa 'yo. We are doing our lahat ng aming makakaya." Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi pa rin umimik. Bumuga ako ng hangin. Gusto kong magalit sa kanilang tatlo at hindi lang kay Silas dahil sa ginawa nilang pagdukot sa 'kin. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi sila pumayag sa gusto ng kapatid nila. "Shut your mouth, Amos! 'Wag kang umasta na parang wala kang kasalanan! Kung tutuusin ay pwedeng-pwede kayong sampahan ng kaso ni Anacynth!" galit na asik ni Mister Agostini. Napaiwas naman ng tingin ang tatlo. Hindi na makatingin sa 'kin. "What's your plan now, hija? Do you want to file a case against these three fuckers?" Namayani ang katahimikan. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang tatlo. Nagulat ako nang makita ang mga pasa at sugat sa mukha ni Perry kagabi. Pero mas nagulat ako nang makitang ganun din ang itsura ni Amos at Alistair. Lahat sila ay putok ang nguso at nangingitim ang mga mata. "G-gusto ko na lamang ho silang humingi sa 'kin ng tawad," ani ko. Desisyunado na ako. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng ito. Ang tanging hustisya na gusto kong makuha ay mula kay Silas. Gusto kong pagbayaran niya ang lahat. Gumuhit ang pagkamangha at pagkagulat sa mukha ni Mister Agostini dahil sa sinabi ko. "Hija, you're so kind," tila hindi makapaniwalang anito. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Hindi ako mabait. Mas pinili ko na lamang manahimik. "Salamat so much, Anacynth--" "I said shut up, Amos! Go kneel. Kayong tatlo! Lumuhod kayo sa harap ni Anacynth at humingi ng tawad! Napakagago ninyo! She really do not deserved all of these. Lahat ng katarantaduhan ninyong apat!" Katulad ng sinabi ni Mister Agostini, walang pagda-dalawang isip na lumuhod nga ang tatlo sa harapan ko at humingi ng tawad. Gusto ko silang patigilin sa ginagawa pero hindi ko magawa. Kahit dito man lang ay makaganti ako sa kanila. "Sorry," ani Perry hindi makatingin sa mga mata ko. "I'm f*****g sorry," ani Amos, nakatungo. "I am taos-pusong nag-a-ask ng iyong kapatawaran, Anacynth," diretsa sa matang ani Amos. Mapait akong ngumiti. Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo sa harapan nila. Inangat ko ang kamay ko at isa-isang pinadapo sa mga pisngi nila. "This is for kidnapping me!" puno ng lakas ko iyong ginawa. Naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na iyon pinigilan pa. "This is for ruining me and my..." Umiling ako at itinakip ang kaliwang kamay sa aking bibig. "For ruining my life!" Hindi ko sila tinigilan hangga't hindi ko nailalabas ang lahat ng galit ko. Gusto kong malaman kung sino pa ang isa sa humalay sa 'kin. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko na kakayain pang malaman iyon dahil baka tuluyan na akong mabasag. Siguro kapag kaya ko na. Tanga na kung tanga. Duwag na kung duwag. Pero natatakot ako. Baka tuluyan ko nang kamuhian at pandirian ang buhay ko. Muli ko silang sinampal. Hindi ko inintindi ang mga sugat sa kanilang pisngi. At tumigil lamang ako nang pakiramdam ko'y namamanhid na ang kamay ko. Napaluhod ako sa harap ng tatlo at humagulhol. Agad akong dinaluhan ni Perry at binuhat sa sofa pero tinabig ko ang kamay niya. Kahit nailabas ko na ang galit ko'y pakiramdam ko'y mabigat pa rin ang dibdib ko. Hindi ako makontento. "P-palayain ninyo na ako," ani ko mayamaya. "Gusto ko nang bumalik sa pamilya ko." "Hija." Umiling si Mister Agostini. "Hindi pa pwede. Kaylangan ka naming bantayan mula kay Silas." Natawa ako ng pagak. Nakatatawang mga anak niya mismo ang gumawa sa 'kin ng katarantaduhan. Ngunit mas nakatatawang sila pa mismo ang poprotekta sa 'kin laban isa sa miyembro ng kanilang pamilya. "Kaya ko na ho ang sarili ko," malamig kong turan. Gusto ko nang magpakalayo mula sa kanila. Tumayo ako mula sa sofa, handa nang lumabas sa library nang muling magsalita si Mister Agostini, "What if Silas really got you pregnant?" Natigilan ako. Pero nang makabawi ay muli akong nagpakawala ng sarkastikong tawa. Hindi ko gustong bastusin si Mister Zeus. Pero hindi ko mapigilan. Bakit ba pakiramdam ko ay ayaw nila akong pakawalan? "Talaga ho bang hinihiling pa ninyo na magkaroon ako ng anak sa hayop na 'yon?" Alam kong malaki ang tyansa na mabuntis nga ako ni Silas dahil parati niya iyong ginagawa sa loob ko. At iyon ang nagdadala sa 'kin ng alinlangan. Umiling ako. "'Wag ho kayong mag-alala. Kung sakali mang may mabuo... I won't get rid the baby. Kahit demonyo ang tatay niya, bubuhayin ko pa rin siya. Anak ko pa rin iyon. Sariling dugo at laman ko. Pero 'wag na ho kayong umasa na makikita niyo ang bata." Nagpatuloy ako sa paglalakad pero muli na naman akong pinigilan ni Mister Agostini. "Pasenya na hija pero hindi ako makakapayag sa gusto mo. Kung nagkataon man, hindi ako papayag na lumaki ang bata na walang kinikilalang ama." Bumuga ako ng hangin. Pinipigilan ko na lamang 'wag sumigaw. Bakit ba iyon ang pinag-uusapan namin dito? Wala pa naman. Hindi pa sigurado. "Pero ayokong makilala niya ang ama niya. Ayokong lumaki rin siyang demonyo... I'm sorry Mister Agostini. But please, respect my decision." Hindi na ako nagpapigil pa. Tuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Pinihit ko na ang seradura ng pinto nang kusa naman akong matigilan nang si Perry naman ang magsalita. "There's a baby or none, I will take the responsibility. I'm willing to marry you, Anacynth," seryosong aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD