Chapter 7

2115 Words
Chapter 7: Migreign That is read as migraine. Migraine + Grey + Deign. Gets? Ok! Grey’s POV Kinabukasan ay on time lang ako dumating sa school. Hindi ko talaga inaasahan yung nangyari kagabi. Vinandalize ang buong lugar namin. Nagsisimula na sina Elixir. Pero pwede rin namang hindi sila ang may gawa. Pero sino pa ba ang ibang pwede? Hindi kami magpapadala sa pananakot nila. They are trying to trigger us pero hindi kami sasabit sa sapot nila. If we can still manage, we can always ignore. Huwag lang mananakit ng miyembro namin. Ibang usapan na ‘yun. After dismissal ay nagpunta ang grupo namin sa gilid ng Ylagan Hall. “So nagpabili si Jessica sa Mama niya ng mga materials na need natin.” wika ni Deign. Haaaaaay… I wish I can just ditch them. Hindi ko rin alam ba’t napapunta ako rito kahit na madalas ay wala ako sa mga groupings dati. “Based sa poll kagabi, jeepney art ang gagawin natin. Kailangan meron tayong tag-iisa and magkakaiba tayo ng design.” Pagpapatuloy ni Deign. Habang sinasabi ‘yun ni Deign ay nag-t-trace at nag-gugupit na ang iba naming mga kagrupo para maging mas mabilis kami sa paggawa. “So half ng jeep ay related sa culture natin and the other half must describe yourself. So sa other half, I can give you references. Then you may do the other half at home. Or if kaya niyo, tapusin niyo na rito.” Paliwanag ni Deign ng gagawin sabay abot sa amin ng isang piraso ng short bond paper na may naka print na isang Pinoy festival. I am not actually artistic. That means I can do anything here. Heck they don’t know me so I can put random things or paint any abstract illustration or something. Pero bakit ko nga ba ito pag-aaksayahan ng panahon? I can pay someone or even let other people do the work for me. At least for this project only. I will never touch that art alley. It’s just too much for me. Napansin ata ni Deign na wala akong ginagawa kundi tumunganga o ‘di kaya ay mag-phone. “Hindi sana kita papakialaman sa TRIP mo.” She gave emphasis to the word trip. “Kaso leader ako and nakakahiya naman siguro sa iba na nagsisipag tapos may isang manghihila pababa sa grupo.” She surely said it in a way that will rub on my face. Hindi ko siya pinansin. That way she’ll be more embarrassed. I just also want to avoid her but that’s not the case. Leader nga pala namin siya. “So hindi ka makikinig?” Pagtataray niya sa akin. “Let me just leave and bring this at home.” Sagot ko. “Can we talk? Like the two us, only.” Humina ang boses niya and there’s a sudden sadness of tone in her voice. I didn’t think anymore. I don’t know why but that just made me say yes in a snap. She turned around her back and started walking towards the other side of the hall. I followed her quickly and quietly. She’s keeping her head low. I am intermittently looking at her then looking down then back at looking at her just so I know when we will stop walking. And she did stop walking just around the path walk towards the school’s gate and parking lot. She faced me and I am startled with the way her brows are frowning. She is definitely mad. “Ano ba ang problema mo sa ‘kin?” Tanong niya nang sobrang seryoso. Now, I can’t help it but to be serious as well. “Why did you do that?” She went straight ahead with it. “Did what? I am just not feeling it to do a group work today.” I answered profoundly. “You know what I am talking about.” She even got more furious. “Ok, chill. What are you even trying to say?” I really sounded so clueless. “The audacity! Wow, santo ka? May amnesia? Manhid?” “Just go straight to the point. Aren’t we here to talk about the project?” “Oh, well hindi tungkol doon ang sasabihin ko. Sa project, take your time. But about your ugali, I have a big problem with that. Are you happy with humiliating me?” I am taken aback. The truth is I was happy doing it because I really didn’t want to share things about myself. And for the record, I even expected that she knew me already but I was wrong. Hindi ko naman aakalaing may taong taga bundok dito na mailap sa social media at hindi ako kilala. “No, I was not.” She started crying. “I felt like I was cheated. The most embarrassing thing was that I was humiliated by myself who was lied to in the first place. But I expect nothing less of you. You’re a horrible person.” I admit that that hurt me. It is because I am not that kind of person. I feel like someone sees me so little right now. That I am somewhat a garbage or a futile person. I would like to say sorry but myself couldn’t. I don’t know why. It’s like a little me is stopping me from doing it. To provoke her more and get into her more. “Wow, and you will really say nothing.” She slapped me and then she left me and went back to our groupings. Masakit, I’m not gonna lie. Now, I feel guilty. It is like I am frozen right where I am standing. Should I go back? Should I just leave? Should I talk to to her? Should I make amends? What should I do? At rumesbak sina JV at Belinda. Now, I’m being ganged up. “Magsinungaling is one thing and magpaiyak is another. Anong klaseng lalaki ka?” He roasted me. At mas naapakan pa lalo ang p*********i o pagkatao ko. Basta ang alam ko lang ay wala akong dapat patunayan sa kanila. I can keep my mouth shut. “I’ll go.” Ayun na lamang ang nasabi ko. “Diyan ka naman magaling ‘di ba? Mahilig kang lumayo.” Parinig ni Belinda habang naglalakad ako palayo sa kanila. Hindi muna ako sumagot sa mga text o tawag ng tropa. Napag-isa muna ako sa park. Walang tao, walang mga bata. Nasa paaralan lahat. Tsaka ‘di pa siguro time ng groupings ng mga bata. I decided to go to their house. Pero buti na lang ay available sa buong klase ang information ng section namin. Unethical it may seem but I just have to. I have to say sorry now. Grabe ang mga babae ‘no? Mayroong mga sobrang sungit. Tapos mayroong mga sobrang taray. 'Di ko tuloy napigilang huwag na lang magsalita para hindi makasakit. Pero kabaligtaran pa pala ang nangyari. Mas nakasakit pa pala ako ng damdamin. Pero hanggang movies na lang ba talaga yung mga ganun na may mababait na babae? I guess kaya nga “ideal” ang tawag. Naalala ko lagi ang mukha at pag-iyak ni Deign. Hindi nga talaga makatarungan yung ginawa ko sa kaniya. Usap-usapan pa tuloy siya ng mga kaklase namin. I should’ve known better. Hala, oo nga pala pupuntahan ko nga pala siya. Bakit papunta ako sa bahay namin. At nagmadali akong lumiko para makabalik sa daan at agad kong pinuntahan ang bahay nila Deign na isang kanto lang ang layo sa apartment na tinutuluyan ng isang kakilala ko. Dapat ba humingi muna ako ng payo sa mga kaibigan ko? Pero ang alam ko ay ito ang mas tamang gawin. Kumatok ako sa pinto nila. At umulit ulit akong kumatok matapos ang ilang segundong walang nagsasalita. "Sino yan?" tanong ng isang babae. Baka mama ni Deign. "Si Grey ho ito, Mrs. Galvez." Biglang bumukas yung pinto. Tama ako na si Mrs. Galvez ang tao. "Oh, sino ang hanap mo, iho? Anong pinunta mo rito?" "Ah, gusto ko lang po sanang makausap si Deign." Sagot ko. “How are you two related?” “Magkaklase po kami.” “Tawagin ko lang siya, ah. I’ll ask her first if she’d like to talk to you.” “Yes po.” "Oh sige pasok ka muna. Hintayin mo na lang siya sa salas. Nasa kwarto siya, eh. Tanungin ko muna." "Sige po." Sabay pasok ko sa loob ng bahay nila. "Maupo ka muna. May gusto ka ba? Juice? Tubig?" At naupo muna ako. "Sige po ok na po ako. ‘Wag na po." "Sige pupuntahan ko lang sa taas si Deign." Sabay alis ni Mrs. Galvez. Maya-maya pa ay bumaba na si Mrs. Galvez. "Pasensiya na Grey. Ayaw muna niyang makipag-usap." "Bakit daw po?" tanong ko. "Walang sinabi, eh. Nagkukulong siya sa kwarto." "Pwede ko po ba siyang puntahan sa taas?" "Ayaw niyang magpapasok sa kwarto niya.” "Kailangan ko po siyang makausap. 'Di ko po alam kung magiging ayos po kami pero kailangan ko lang po kasing humingi ng tawad sa kaniya." "Oh sige puntahan mo na siya. Sasamahan na kita. 'Di ka niya pagbubuksan ng pinto panigurado. Kaya ako muna ang kakatok at magsasalita." "Oh sige po. Salamat po." At sabay kaming umakyat ni Mrs. Galvez sa hagdan papuntan sa kwarto ni Deign. Kumatok si Mrs. Galvez. "Bakit po, Ma?" tanong ni Deign. "'Nak! Pwede ba kitang makausap?" sagot ni Mrs. Galvez. At may narinig akong mga yabag at bumukas ang pinto. "Ano pong pag-uusapan natin?" sabay napatingin sa akin si Deign. Nagulat siya. "Ba’t nandito ka?" tanong niya. "Umalis ka na!" "Anak, kailangan niyong mag-usap. 'Di ko nagugustuhan ang pananalita mo, ah. Daanin ito sa ayos kaya ayusin niyo na ito. Mag-usap kayo." Sabi ni Mrs. Galvez. "Oh sige, iho, maiwan ko na kayo." At bumaba na si Mrs. Galvez. "Tara lumabas tayo." Sabay hila sa akin ni Deign pababa sa hagdan at palabas ng bahay. "Nak, sa’n kayo pupunta!!!" sigaw ni Mrs. Galvez. "Sa tabi-tabi lang po, Ma! Babalik din po ako agad!" sagot ni Deign. "At sa’n mo ba talaga ko dadalhin?" tanong ko. 'Di sumagot si Deign at patuloy lang kaming naglakad habang nakahawak siya sa braso ko. "Teka nga bitawan mo ‘ko." Bigla kong nasabi. Sabay napatingin si Deign sa pagkakakapit niya sa braso ko. "Eh, ‘di ayan." Sabay bitaw niya. At patuloy kaming naglakad habang siya ay sinusundan ko. Natanaw ko yung dalawang batang regular kong dinadalaw. "Teka papunta ba tayo sa kanila?" tanong ko sabay turo sa mga bata. "Ahuh." Sabay tingin niya sa akin. "Anong koneksyon nila sa pagsampal mo sa kin kanina?" mas lalo akong nalito at napaflashback na naman ng biglaan at mabilisan. Kilala rin ba niya yung dalawang bata? Siguro naman oo kasi ilang taon na rin naman kaming nag-aaral sa Demnley University. Pero bakit nga kami pupunta sa kanila? Mababaliw na ko maya-maya nako po. Tumawid kami sa pedestrian lane at sinalubong kami ni Kyle at Jen. "Hello po Kuya at Ate!" masayang bati ni Jen sabay yakap sa akin. "Hello rin Kyle at Jen!" bumati ako pabalik. "Ba’t po kayo nandito?" tanong ni Kyle. "Actua-" bago pa ko makasagot ay pinutol na agad ni Deign ang sasabihin ko. "Sorry kaya kita nasampal kasi masyado lang akong nadala ng emosyon ko. Sobrag 'di ko na napigilan pa ang sarili ko kaya nagawa ko ‘yun. But you’re still not out of the woods, yet." Paliwanag ni Deign "Bakit ka naging emosyonal? At bakit tayo nandito? Bakit kailangan sa harapan pa nilang dalawa mo sasabihin ang lahat ng ito?" sunud-sunod kong tanong. "'Di ko alam. Baka baliw na ‘ko. Baka wala na ‘ko sa wisyo. Baka 'di ko na alam ang ginagawa ko. Baka 'di na ako ito. Baka sobrang nag-iisip lang ako. Pero itong lahat ay dahil sa ginawa mo.” "Ah sige po alis po muna kami." Biglang singit ni Kyle. "Tara na Jen." Sabay naglakad sila papalayo sa amin. "Huwag ka nang magsalita. I am really sorry. Hindi na ako magbibigay pa ng kahit anong excuse because wala na yun sa naramdaman mo. I am sorry." At napayuko ako. Muntikan ko na siyang yakapin at buti na lang ay hindi ko ginawa dahil that’s very uncharacteristic of me. Pero hindi ko na siya pipilitin na tanggapin ang sorry ko. Baka hindi pa siya handang magpatawad. Mas ok na rin na wag na muna or wag na lang niya muna sabihing napatawad na niya ako. It’s up to her. "Tara hatid na kita pauwi." Matapos ko siyang ihatid sa kanila ay dumiretso na rin ako pauwi sa bahay. Nakatulog na lang ako nang 'di ko namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD