Chapter 6: Scholar
Grey’s POV
Late na naman akong nakarating sa meet up. I actually fell asleep kanina after our class. Now I only have 3/4 of the lunch break.
Ang haba na naman ng pila sa kinakainan namin ng barkada ko. If only we could stay here and not attend our classes but I know we can’t. No, I mean we have a choice but we should not. We must not.
“How’s being in the star section so far?” Rence asked me with some hints of annoying me.
“How’s being in the star section so far?” I copied what he just said. “I didn’t ask for it. Please take my slot. Ako na lang sa section niyo.” I actually meant that. It’s the first time na napunta ako sa isang arena na hindi ako sanay, hindi ko gamay, at hindi ko ginusto.
What is it for me to be in here? Well I guess if my parents will know about it, they’ll go easy on me. But they can also push me harder than ever and I don’t want that to happen. Maybe I should just not tell them.
Nagbayad na ‘ko sa cashier matapos kong mamili ng kakainin ko. Nakita ko yung nasa tabi ko na tinitignan ako. I am feeling something odd pero hindi ko na pinansin.
I spot a table na walang ibang tao. Nauna na ‘kong pumunta roon para habang bumibili pa yung iba kong kasama. Biglang may naunang umupo.
Namukhaan ko siya. Kasama siya sa grupo ni Elixir. It’s really unusual that nothing has happened since early this morning. But as long as we are not doing anything bad or starting anything affecting people, we’re good.
Tinignan niya ako at biglang tumayo at umalis. We can sit here now.
Grabe yung nasa harapan namin. Ang ingay nila. Mga younger batch siguro. Kung mga bago kasi sila ay for sure hindi ganito kaingay, unless mga magbabarkada na sila ever since at mapalad na nakapasok sa parehong school.
Tapos maya-maya pa ay umalis yug isa ta’s yung isa rin ay umalis. Mga nakatambay na lang pala sila at kanina pa siguro tapos kumain.
Makalipas ang minuto ay wala pa rin si Royce. Binibilhan pala kami ng maiinom. Nakaramdam ako na naiihi na 'ko so ayun nag-cr muna ako.
Pagkabalik ko ay nakaupo na si Royce.
“What do you think they are planning?” tanong ni Kiel sa lahat.
“Panigurado namang hindi titigil ang mga ‘yun. Baka nga sundan pa tayo kung saan tayo mag-college.” wika ni Rence.
“Just don’t mind them. If they do nothing then it’s for the best. If they aggravate other people, we will not think twice to get back at them.” I answered.
Nanahimik lang ang lahat. It’s a sign that they agree with me. Masarap yung ulam kong nabili. Kare-kare na may alamang. Naalala ko yung luto ni Ate sa bahay. Yun na lang yata ang nilu-look forward ko sa bahay.
Matapos kaming kumain ay pumunta kami sa usual spot namin. Sa ikatlong plant box mula sa may parking lot.
"Anong gagawin natin sa recruitment? Dadami na naman ang mga newbie natin. Parang gusto ko may thrill ang gawin natin. Kailangan natin ng astig at matapang.” Mungkahi ni Kiel.
“Mas ok yung mautak. Meron na naman tayong matapang. Pero kayo bahala.” Sabag ni Rence.
“Pag-isipan ko. Malapit na naman ang mem drive. Isabay na lang natin.” Sagot ko.
Nakatambay lang kami. Madalas naman ay hindi kami ganito pero wala pa namang ganap kaya hindi na rin ako nagrereklamo.
“Kung gusto niyo na mauna, mauna na kayo. Tatambay muna ako rito. Mahihiga siguro.” wika ko.
“Sige. Puntahan lang namin yung ibang miyembro natin. Baka may balita na sila.” Sabay tayo ni Rence at hila kina Kiel at Royce.
Pagtayo nila ay nahiga ako sa sementadong bahagi ng plant box. Napikit muna ako sandali. Nang makalayo sila ay bumangon ako.
“Puntahan ko na siguro sila.” Kausap ko sa sarili ko.
Naglakad-lakad ako papunta sa lagusan papunta sa may dormitory. Medyo nagmadali na rin ako dahil kanina pa siguro nila ako hinihintay. Malapit na rin matapos ang lunch break.
Dinaanan ko muna yung dalawang batang regular kong binibigyan ng packed lunch araw-araw.
"Kyle at Jen nandito ‘na ko." Salubong ko sa kanila.
"Kuya Grey!" Sabay takbo nilang dalawa papunta sa 'kin. Tuwang-tuwa sila. Kaya naman napangiti rin ako.
"May dala ulit akong pagkain." Sabay abot ko sa kanila nung pagkaing kinuha ko sa bag ko.
Patago ko silang binibisita dahil ayokong pagdiskitahan sila ng mga taong trip ako.
"Kuya maraming maraming salamat po talaga." Sabi ni Kyle. Yung batang lalaking nasa edad 13. "Pagpalain pa po kayo ni Lord."
"Hayaan niyo. Kapag ako nakagraduate at nagkaroon ng trabaho papag-aralin ko kayo. Pero ang tagal pa pala nun. Siguro kahit matitirhan niyo muna pala. Ginagawan ko na ng paraan." Sabay akbay ko sa kanilang dalawa. "Kaya pagdasal niyo ko, ah. Pagbubutihan ko pa lalo ang pag-aaral ko. Tsaka nako ‘wag na ‘wag kayong gagawa ng masama, ah. Promise niyo yan."
"Opo kuya! Makakaasa po kayo." Sabi ni Jen. Yung batang babaeng nasa edad 12.
"Oh siya magsikain kayo, hah at magpalaki. Mag-iingat kayo parati. Mauuna na ko ah." Sabay hawak ko sa ulo nilang dalawa.
"Sige po Kuya. Ingat din po kayo. Salamat po ulit!" sabay ngiti ni Kyle.
At dumiretso na agad ako pabalik sa room. May nakasabay akong babaeng sobrang bilis tumakbo. Tapos maya-maya narinig ko pang sumisigaw. Sabi niya yata sama ako diyan. Parang ganun. Baka mamaya may nangbuburaot pa sa kanila.
Sa kabilang side ng sidewalk ay nandun yung babaeng nakasabay ko at ako naman syempre di ko kilala yun so nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Dumiretso ako sa admissions office dahil naalala kong nag-email sa akin kahapon ang admin. Hindi ko talaga inaasahan itong mga nangyayari. Kinuha ko na yung scholarship request result letter ko. Agad kong binuksan yung letter and guess what... NA-GRANT YUNG REQUEST KO! MAY 100% SCHOLARSHIP NA ‘KO! Baka ito na yung sign para kina Kyle at Jen. Iipunin ko yung makukuha ko rito. Fyi, academic scholarship yung na-grant sa akin.
Agad akong lumabas ng campus at binalikan ko si Jen at Kyle. Nung makita ko sila sa bangketa sa tapat ng school sa isang tindahan ay agad ko silang niyakap.
"May scholarship ako! Biglaan lang din." masaya kong binalita sa kanila.
"Talaga Kuya?! Wow! Ang galing mo talaga!" Sabi ni Kyle. "Ikaw na talaga."
Naabutan kong palabas na yung mga babaeng nakita ko nung papasok pa lang ako kanina.
So as expected since di ko naman sila kilala edi ayun dinaanan ko na lang. Patuloy lang akong naglakad at dumiretso na agad sa room. Buti na lang ay wala pa ang teacher namin.
Kaya naman naisipan ko na lang munang lumabas ulit at tumambay sa plant box. Papasok na lang ako ‘pag nakita kong papalapit na ang teacher namin.
Nakahiga lang ako at nakatingin sa ilaw na lumulusot mula sa mga dahon at tangkay ng puno. Ngayon lang ata ako naging ganito kakalmado. Wala akong iniisip. Gusto ko lang ay ang ikabubuti ng mga deserving.
Biglang may pumitik sa noo ko.
“Aray!”
At may nanira pa nga ng kapayapaan ko.
“Hanggang dito ba naman? Trip mo talaga ‘ko ‘no?” Pagalit kong sabi kay Deign.
Biglang umihip ang malakas na hangin.
"Grey si Deign ‘to." Sabi ng isang babaeng nasa harapan ko habang nakahiga pa rin ako at nasisilaw sa maliliit na liwanag.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa plant box. Nagulat ako. Anong ginagawa niya rito?
"Ano ba kasi ‘yun?" tanong ko kay Deign.
"Gusto lang sana kitang makausap." Sagot niya.
"Tungkol saan?” At naupo kaming dalawa.
"May gusto ka ba?" tanong ko.
"Gusto? Saan?" Naguluhan siya.
Pinagpag ko ang bag ko at pagkatapos ay isinukbit ko sa braso ko.
"So tungkol saan ba yung pag-uusapan natin?" tanong ko ulit.
“So tinatanong mo ba ‘ko kung gusto kita?”
Napabaling siya ng tingin sa ibaba.
"Oo. Ay hindi. Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?"
At hindi pa rin siya sumasagot.
"Hindi ako manghuhula Deign kaya sabihin mo na. Tungkol ba saan?"
Napadantay yung kamay niya sa hita ko. Nanlalamig yung kamay niya. Mas lalo akong kinabahan.
Ano ba naman 'to lalo akong pinapakaba. Pa-suspense pa nga.
"Kasi ano –" pinutol niya yung sasabihin niya at napaluha siya.
Mas lalo akong kinabahan. Nagulat ako sa pag-iyak niya.
"Hala, hala bakit ka umiiyak? 'Wag ka nang umiyak. Tahan na." Sabay punas ko sa luha niya gamit ang kamay ko. "Dali na... ‘wag ka nang mahiya pa. Ilabas mo na. Sabihin mo na."
"Galit ako sayo!" nagulat ako. Pero naalala ko ‘yung ginawa ko sa kaniya kanina.
"Bakit naman? Anong nagawa ko? Anong nagawa ko sa ‘yo? Sabihin mo."
Sinampal niya ‘ko sabay mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo.
"Ano ‘yun, Deign?!" sabay hinabol ko siya.
Naabutan ko siya at hinawakan sa braso.
"Ano yun? Galit ka? Sasampalin mo ‘ko? Tapos aalis ka? Anong meron?" Takang-taka na talaga ako.
"Bitawan mo ‘ko."
"Bakit muna. Anong nagawa ko sayo?"
Nakakawala siya mula sa pagkakahawak ko sa kaniya at patakbong bumaba sa hagdanan. Hindi ko na siya hinabol pa.
Ano na namang nagawa ko? Bakit nagkaganun siya?
Sobra akong napaisip. Finlashback ko tuloy lahat ng mga nangyari simula kanina.
Wala naman akong nasabing masama sa kaniya. Wala naman akong nagawang masama sa kaniya. Hindi ko naman siya ginahasa o binastos. URGHHHHH Sumasakit na ang ulo ko.
Umalis na lang siya bigla.
Nagising ako. Panaginip lang pala ang lahat.
Tinignan ko ang oras sa relo ko at OH MY! Patapos na ang oras ng klase namin. Yung ibang year ay nag-uuwian na.
Pero ayos lang. First day pa lang naman. Wala namang mawawala. Tsaka ayoko rin naman ng mga pakilala na ‘yan.
Biglang may sumagi sa isip ko.
Bat umiyak sa harapan ko si Deign? Bakit sinampal niya ‘ko? Bakit niya ‘ko pinuntahan? Haaaaay 'di ko talaga maintindihan ang nangyayari? Ano ba’ng problema niya? Ano ‘yun baliw na ba siya? O baka naman wala lang siyang magawa? Hay, grabe pinapasakit niya ulo ko, ah. Ah! Mapuntahan nga siya mamaya or tawagan ko na lang.
Parang kinakausap ako ng konsensiya ko.
“Talaga ba na wala kang ginawa? Parang alam mo naman kung bakit.”
Hindi ko na lang pinansin ang sarili ko dahil alam kong tama naman siya.
Pagbalik ko sa room ay wala na yung teacher namin at nagsisialisan na ang mga kaklase namin. Nakita ko si Deign kasama si JV at yung babae sa kanan niya.
Lumapit sa akin si JV.
“Pinapasabi ng leader natin sa Contemporary Arts na may meeting tayo mamayang gabi. Tapos sa bukas after ng early dismissal ay tatapusin na natin para hindi na tayo mag-weekend. Kaya gagawa na tayo agad. Sana hindi ka mahirap hagilapin and you’ll cooperate.”
Tumango na lang ako. Tapos ay dinaanan lang nila ako at lumabas ng room.
“Ok. Uwian na. Ang boring ng first day.” Kausap ko sa sarili ko.
Ayoko munang umuwi. Pero saan ako pupunta? Siguro sa hideout na lang muna namin. Kailangan ko silang makausap.
Tinignan ko ang phone ko at baka may mga notifications na ako.
Kiel: Grey code!
Nagmadali agad akong pumunta sa parking lot at sumakay sa motor ko.
Masaya ka na ba, self? Ayan na ang kanina mo pang hinihintay