Chapter 5: Sleep Well
Deign’s POV
Nararamdaman kong para akong isang bulkan na naglalabas na ng usok or something. Ready na ‘ko para mag-alert level 4. Kung totoo man ang sinasabi nitong si Ate gurl sa akin, it’s just outright so evil. Masyado siyang mautak. Akala ko nasa akin na ang huling halakhak.
I CANNOT!
Pinipilit kong bigyan muna siya ng benefit of the doubt at ibinabaling ko muna ang atensyon ko kina JV para naman maka-relate ako kung bakit nagtatawanan ang lahat.
But I am really feeling sad right now. I act dumb in front of everyone. That is so messed up. Like why would you do that?
Natapos na sina JV at bumalik na sila sa upuan nila.
“May tanong ako.” Agad-agad na sabi ko kay JV.
“Bakit nakakunot na naman ang noo mo?” tanong niya sa akin.
“Mali-mali ba yung mga sinabi ko kanina?” I said furiously while waiting for him to answer immediately.
“Actually kakausapin nga kita dapat kaagad about sa mga sinabi mo kanina sa harapan. Kaso nakalimutan ko na next na pala kami.”
“So, mali?”
“Oo. Hindi ko nga alam bakit ‘di mo alam yung ibang info niya kasi kalat na kalat naman siya sa FB.”
“Eh, malay ko ba sa kaniya.”
“Siya may sabi sa ‘yo ng mga ‘yun?”
“Syempre… kanino pa ba manggagaling. Grabe siya.” Nangibabaw yung lungkot sa sarili ko kasi I feel betrayed in some way or yung as in to be lied to. Yung harap-harapan. Pagmukhain kang tanga. And for what?
“Bakit naman niya kaya gagawin ‘yun sa ‘yo?”
“Hindi ko rin alam.”
“Confront him later.” Suggestion ni JV.
“Para saan pa? Ako ba ang gumawa ng mali? Wala na ba siyang konsensiya? Bakit parang kasalanan ko pa?”
“Chill! Nagta-try lang magbigay ng payo. Baka naman may valid reason?”
“Ano namang valid reason ‘yun? Parang wala namang karapat-dapat na dahilan para gawin mo ‘yun sa isang tao. Bahala siya riyan. I won’t be related to him in any possible way, shape, or form.” And I ended our conversation with that.
I just want what happened to be left in this moment. I am no longer hopping on his train. At oo nga pala, yung naka-motor kanina. If siya ‘yun, I am so done with him. He deserves to be in hell.
Matapos ang unang subject ay medyo naghintay muna kami ng ilang minuto bago pa dumating ang next na teacher. Pagkalingon ko sa likuran ko ay may natutulog. Walang gumigising sa kaniya.
Pero hinayaan ko muna si Sir na magpatuloy sa orientation discussion niya. Tapos ay saktong nagtaas ako ng kamay nung naghahanap si Sir ng mag-v-volunteer para mag-recite.
“Yes, Ms.?”
“Deign Galvez po.”
“Yes, Ms. Galvez.”
Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko pero tinuro ko ang nasa likuran ko.
Lumapit si Sir sa lugar ni Grey at kinalabit ito nang ilang beses.
“Please stop.” He mumbled.
Kinalabit muli siya ni Sir habang kaming lahat ay nakatingin lang sa kaniya. Tawang-tawa talaga ako. Nakakahiya.
“I said!” Biglang iniangat na niya ang ulo niya mula sa pagkakapatong nito sa kaniyang arm rest.
Gulat na gulat siya. Nakatingin lang sa kaniya si Sir.
“I’m sorry, Sir.” Sabay yuko niya.
“Let this be your first and last time na matutulog sa klase ko.” Pagbabanta ni Sir sa kaniya. “Ok, so..” wika ni Sir habang naglalakad siya pabalik sa may board.
…
During lunch break ay pumunta kami sa dorm ni JV na nasa loob lang din ng campus. Yayamanin kasi ‘tong si friend. Iilan lang silang kayang maka-afford ng dorm dito sa loob. Karamihan ay teachers tapos teachers na may anak na nag-aaral dito or mga kamag-anak nila. Pero meron din mga administrative staff. Mga taga probinsya sila halos.
May tumadyak sa likod ko. Hindi naman sobrang lakas. Sakto lang para mayugyog ako at magising sa katotohanan.
"Ay grabe!" sabay napagising agad ako at idinilat ang aking mga mata. "Masaaaaquettte!" at humarap ako kay JV. Yes po ganun ang spelling. Wala po tayong pakialamanan.
"Oy grabe kailangan talaga maging mapanakit sa taong natutulog? Ikaw na talaga, fren!" sabay tawa ko naman. "Ay dedma pa rin ang ate mo. Magtulug-tulogan daw, oh." Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya.
“Maang-maangan pa po kahit huling-huli na.”
Tumalikod siya sa akin na akala mo ay walang nangyari.
"Kulang pa tulog ko, bakla. Pwede mamaya ka na mantrip? ‘Wag sa taong tulog please. Bagay na bagay nga talaga kayo ni Grey.”
"WOW! Ako pa talaga, ah. Ayan ang dami kasing alam." At napatawa na naman ako. "Kaya raw magpuyat, oh, eh para naman siyang tulog na mantika. Dali na! Mamaya mahuli pa tayo at ma-absent."
"Mauna ka nang kumilos please. After mo babangon na ko." Pakiusap ni JV.
"Sige, ah. Babalikan kita. Grabe talaga, ah. Yung nanggising ang tulog. Basain kita riyan, eh."
At nagmadali akong bumangon para dumiretso sa bathroom. May naisip na naman akong gawin. Bakit hindi natin totohaning basain siya?
Binasa ko yung mga kamay ko at patakbo akong bumalik sa kama ko. Nilamutak ko yung mukha ni JV.
"Aba ganiyanan pala, ah!" sabay bumagon siya bigla.
"Edi ayan gising ka na."
"Kanina pa ho boszxs." At tumawa kaming dalawa.
Tumayo bigla si JV at pumunta sa bathroom. Lumabas siyang hawak yung tabo at winisikan niya ako ng tubig. Tamang ganti lang siya.
Well ayun we ended up na nauna siyang gumamit ng bathroom tapos syempre ay naligo. Ako naman, hilamos lang muna tapos kakain pa kami kaya later na mag-toothbrush.
Naalala ko lang sabay kami lagi ng pinsan kong babae maligo. Yeah siguro para sa marami nakakahiya yun. Pero wala eh sanay na kami. Tsaka kapag bata ay wala namang malisya so I think para pala sa marami ay hindi ‘yun nakakahiya.
Jusko kabisado na namin ang bawat nunal at peklat sa katawan ng isa't isa. Cousin goals na ba? Pero don'tcha worry, nakabathtub naman kami parati. Saglit lang kami sa batsa era. Nakaluwag-luwag agad kaya may paganun na.
We don't usually see the body of each other. Ang defensive ko ‘di ba. Hirap talaga ipagtanggol ang sarili sa harap ng mga judgemental people. Kaya guys always be responsible with your acts.
Ok, back to the story na. Baka kung saan pa tayo mapunta nito. This story is rated PG.
So after naming mag-ayos ay lumabas na kami ng kwarto at nagtanghalian / meryenda. 20 minutes lang kasi ang break namin sa hapon. Whole day nga pala ang schedule namin. Ang hectic ‘di ba? Hindi ko rin alam paano ko ‘to nakayanan mula Grade 7 kami.
Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako at nakita sina Tita at JV.
"JV, I will go first na. Wash the dishes, ah. Your money is on top of the fridge. Always take care." Sabay halik ni Tita Beauty sa pisngi ni JV. "’Wag nang kung sa’n-sa’n pa pupunta, ah."
"Yes po. I got it! Thanks. Love you!" Bati ni JV sa mommy niya.
"I love you too, honey." Sabay lumabas na ng dorm house si Tita.
"Oh, bakla maghugas daw ng pinagkainan." Sabay ngisi ko kay JV. "Ikaw? Naghuhugas ka pala ng pinggan? Nice! Di siya yung rk na sosyalin."
"Bakit? Ano ba’ng tingin mo sa ‘kin? Yung mga nag-iinarteng yayamin diyan sa kapitbahay? Well responsable naman ako with class and of course maturity."
"Oh, edi ikaw na. Ikaw na ang mature and wealthy and nice and the most gorgeous bff in the world!" Papuri ko sa kaniya. "Iba talaga ang nagagawa ng break ups no. Nakakapagabago talaga ng tao."
Natahimik siya bigla. Pero may point naman talaga ‘ko ‘di ba? Pero tama rin pala si Taylor sa “I’m only 17, I don’t know anything but I know I miss you.” Or para lang ‘yun sa mga lalaki… hmmm…
"Oops! Sorry, V. Pasensiya na talaga." Sabay hawak ko sa kamay niya.
"Nako ayos lang yun. Hello naka-move-on na nga ako ‘di ba." Paliwanag niya. "Oh, akin na ‘yang pinagkainan mo at nang mahugasan na."
“Hindi ba kakain muna tayo? Para isahang hugasan ka na lang. Nagluto naman ata si Tita.”
“Ay, oo nga. Sige maghain muna ako.”
Ang sarap ng Kare-kare. Kinain ko ‘yun kasama ng baon ko para naman ‘di ba hindi ako palamunin. May ambag pa ring kanin para ‘di maubos ang bigas nila.
Masaya lang kaming nagkwentuhan about sa experiences namin nung bata na naliligo nang sabay sa iba naming kamag-anak o ‘di kaya ay kaibigan.
Tumunog bigla ang alarm ko at ibig sabihin ay 30 minutes na lang ay simula na ng next subject namin. No rush naman
Dinala ko na sa lababo yung mga hugasin at nagsimulang sabunin yung mga pinggan. Biglang nag-back hug ako kay JV kasi alam kong na-sad siya bigla sa insensitive kong biro kanina.
"Uy, bakla. Alam ko iniisip mo na naman siya. Ang tabil kasi nitong dila ko nako. ‘Di na mauulit promise." At niyakap ko pa siya nang mas mahigpit.
"Ang kulit nito. Ok nga lang ako. Tsaka ba't ko pa iisipin si Paul eh wala na lang naman sa ‘kin yung nakaraan. ‘Di ba nga ako yung kumalas. So wala na."
“Kumalas? Akala ko ba ‘di naging kayo." Pagtataka ko.
"Bakla nako tara na mahuhuli na tayo. Ay hindi baka ma-traffic tayo. Malay mo may mangyari pa sa daan. Kaya tara na!"
"Anong traffic? Traffic ng tao? Eh, kung tapusin mo na kaya ‘yan at nang makaalis na tayo."
"Opo. Eto na nga, eh." sabi niya.
Bumalik na ako sa kwarto para kunin ang mga gamit namin at siya naman ay nagpatuloy sa paghuhugas.
"Oh, tara na. Alis na tayo." Yaya ko.
"Hindi ba pwedeng gamitin na lang natin yung sasakyan niyo? Sayang naman yung gas nun mabubulok lang." mungkahi ko kay JV
"Hello sinong magddrive? Tsaka ginagamit lang yan sa trabaho nila Papa and family affairs. Ang tamad naman nito." Sabay hinila na ako ni JV palabas ng dorm. "Tara na at maglakad, girl."
Pagdating namin sa may lagusan papuntang school namin ay maigsi lang ang pila ng tao. Super check kasi sila sa uniform at ID namin.
"Grabe ang haba na ng pila nito mamaya. Buti nakaalis tayo kaagad." sabi ko.
"Mag-cr lang ako Bakla, ah. Tsaka tatawagan ko lang si Mommy. Sabihin ko nakabalik na tayo sa school." Paalam ni JV
"Oh sige Bes. Hintayin na lang kita dito sa canteen.”
Tumingin ako sa taas at tinanaw ang asul na kalangitan. Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi maaraw at hindi rin makulimlim.
"Ano ba yan Deign? Ba’t ka ba nagiging emosyonal?" tanong ko sa sarili ko. "Bakit ba ako yung nasasaktan? Bakit ba ‘ko nasasaktan in the first place?"
Hindi ko alam. Ang drama ko na lang bigla.
Patuloy akong tumingin sa kalangitan. Ang daming memoryang bumabalik sa isip ko. Sobrang bilis ng flashback sa utak ko. Wala akong naintindihan na kahit anong scene. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ko.
Nagulat ako nang may biglang luhang tumulo sa mga mata ko.
"Oh, ba’t ka umiiyak?" tanong ni JV sa akin pagkabalik niya mula sa CR.
"Inaantok lang ako. Hikab ako nang hikab, eh. Ikaw kasi nanggising agad." Sagot ko.
"Sus ginusto mo naman eh."
"Oy ano na ‘yan. Grabe siya." Sabay tawa ko.
"Ang green mo talaga nako. Kung anu-anong iniisip mo, ah. Napaghahalataan ka na. Tsk, tsk, tsk." Sabay tawa rin niya. "By the way, ang tagal pa pala nang slight ng next class. Meron pa pala tayong 15-20 minutes. Ang bilis natin maglakad.”
"Edi kumain muna tayo. Ibibili kita. Ano bang gusto mo?" tanong ko kay JV
"Ay ‘di na, Deign. Ako na ang bibili ng pagkain natin. Ano bang gusto mo?" binalik sa kin ni JV ang tanong ko sa kaniya.
"Pinatulog mo na nga ako sa inyo, gagastos ka pa ngayon. Leave it to me Bakla. Mag-ice cream na lang tayo.”
"Oh, sige ba. Sabi mo, eh." Sagot niya.
"Got it. Wait ka lang diyan." Sabay pila ko sa canteen.