Chapter 4: Man of my dreams
Deign’s POV
“Ok, class. Alam kong sawa na kayo sa taon-taon na kayo ang nagpapakilala sa sarili niyo,” wika ni Mrs. Francisco.
Yes! Wala na bang pa-intro? Mukhang gusto ko na ‘tong teacher namin. Hindi magiging pahirap. I mean yung tambak ba magbigay ng gawain. O ‘di kaya ay super aga ko lang naging judgemental.
Pero totoo naman kasing sawa na kamisa introduce yourself mula elementary pa kami. Pero ‘di rin naman ako magrereklamo sa kung para saan ‘yung ganung type ng activity. Gusto ko rin naman malaman anong pangalan ng mga kaklase ko pero para sa akin, para sa akin lang, ah, baka mamaya puro kayo kung ano-ano na ang sinasabi riyan. I think, mas nagkakakilala ang lahat sa groupings. Madalas pa nga ay nag-aaway, ‘di ba? Pero ayun, yung na-sh-shuffle kayo kada activity, nakikilala niyo talaga lahat. Unless na lang ay block section kayo tapos ayun by friends na lang lagi since kilala niyo na ang lahat.
“So para maiba naman tayo ngayong taon, dahil balita ko rin ay halos kayo-kayo pa rin naman ang magkakaklase, ang ipapakilala niyo sa akin ay ang kung sino ang nasa likuran niyo,” patuloy na sabi ni Mrs. Francisco.
Ok. I spoke too soon. Mukhang si Ma’am ang tipo ng teacher na laging with a twist sa mga gawain. Yung tipong may pakulo laging maiisip. In short, this subject will not be easy. Or maybe I did spoke too soon again.
“So row 1, ipapakilala niyo ang nasa row 2. Kayo ang magka-partner ng nasa likuran ninyo. So row 3 and row 4, kayo ang magkapareha,” paliwanag ni Mrs. Francisco.
“Bes!” Excited na tingin sa akin ni JV.
Nagulat ako sa kaniya kaya napatingin kaagad ako sa kaniya.
“Bakit?” mahina kong bulong sa kaniya.
“Edi si kuya ang partner mo?” Sabay ngiti niya sa akin na akala mo ay gusting-gusto niya ang nangyayari pero hindi na ‘ko natutuwa. Sa lahat ng twist ay ito ang pinakaayoko.
Promise, nung na-realize ko na tama si JV, gusto kong itaas ang kamay ko at mag-suggest na isa-isa na lag o ‘di kaya ay ‘wag na lang magpakilala dahil magkakakilala na ang majority sa amin tapos mag-a-attendance naman si Ma’am so in that way na lang niya kami kilalanin.
Pero hindi ako ‘yun. Ang selfish at KJ ko naman masyado kung gagawin ko ‘yun. Mananahimik na lang ako. Parang mas ok pa. Basic info lang naman ang need so mabilis lang ‘to. Easy!
Ayan, tamang pampalubag-loob lang ako sa sarili ko.
“Get to your partners na. Pwede niyong iikot ang upuan niyo para maging magkaharap kayo ng partner niyo.” Utos ni Mrs. Francisco.
Nagsimula na ‘kong kabahan. Dinampot ko ang bag ko sa sahigat isinukbit ko sa likod ng upuan ko.
Heto na… Haharap na ako ay kuya mo. Dapat ba magingmataray ako? Bahala na nga.
So tumayo ako at iniikot ang upuan ko. Nakita ko siyang natutulog lang sa desk niya.
Well, hindi ba ito ang gusto mo, Deign? ‘Wag na lang kausapin. Kaso wala tayong masasabi mamaya sa harapan. Gusto mo bang ang unang impression mo sa teacher mo ay napakapangit kaagad?
Kaya naman kinalabit ko na siya.
“Tutulugan mo lang talaga ako? Sana hindi ka na lang pumasok at nag-stay ka na lang sa kama mo.” Pagtataray ko sa kanya.
Ewan ko ba. Naurally na lang lumabas ‘yun. Pero may point naman ako ‘di ba?
Umayos siya bigla ng upo.
“Ganito ba ang mga taga section 1? So mean.” Sabay akto niyang kala mo ay nasapul ng bala sa dibdib. Napaka-corny.
Parang gusto pa nito itaas ang level ng inis ko sa kaniya.
“Alam mo, hindi sapat ang matalino ka lang. Section 1 nga pero tamad naman.”
Ok, nadama ko ang biglang intense na init ng sagutan. But I am just telling the truth. It’s not easy to maintain being on section 1. Syempre dapat ipakita mo ring deserving ka na mapunt rito. And in his case, I am in doubt. Pero first day pa lang naman so maybe paparating pa lang ang redemption arc niya. We’ll see. I hope na dumating ang araw na ‘yun but I wouldn’t be surprised if he proves me right, though.
“Oo na ang dami pang sinasabi. Ilang minuto na lang ‘oh.” Reklamo niya.
Eh, sino ba ang nagawa pang magtulug-tulugan? So sino ang nagsasayang ng oras? Nabaligtad pa ako, ah. I am really not feeling this guy.
Inihanda ko ang likod ng notebook ko at ballpen.
“Name.” I really said it in a declarative tone and not in a question form.
“Grey Guerrero. Ikaw?”
“Deign Galvez. Age.” I am making sure that I am continuing the cold treatment.
“17. Ikaw?”
“17 din. Location?”
“Ano ‘to, Omegle? Gusto mo bang hook-up?”
Na-shook ako sa sinabi niya. Naramdaman kong namula kaagad ako.
“Alam mo ikaw lang ang nag-iisip niyan. Halatang sanay na sanay sa paggamit ng Omegle, ah. Bakit, ilan na ba ang naka-meet up mo?”
“Eh, bakit interesado ka? Diretsuhin mo na lang ako kung gusto mong malaman if may experience na ako o wala.”
“Alam mo, napaka mo. Where do you live? Oh, ayan baka naman lagyan mo pa rin ng malisya?”
Ang bilis namin magsagutan, grabe. Ang feeling niya masyado.
“Bel Monte City. Ikaw?”
“Sandalwood Village.”
“Number mo.”
“Anong number ko? Bakit mo naman hihingin number ko?” Iritang sabi ko.
“Baka lang gusto mo ng hook-up?” Sabay ngiti niya sa akin na nang-aasar.
Gusto ko siyang hampasin. Well, ginawa ko. Hinampas ko siya sa braso niya.
“Bastos mo!”
“Bakit? Baka ako na pala ang hinahanap mo?” Sabay kindat niya sa akin.
“Tigilan mo na nga.” Napapatingin na sa amin sina JV at Belinda. Ang lakas na ata ng mga boses namin.
“Anong hobbies mo? Mang-trip? Makipagbasag ulo?” Tanong ko sa kaniya.
Oo nga pala! Leader ng gang ‘to. Baka naman baitan mo nang onti ‘yang ugali mo, Deign.
“Ano pong hobbies niyo, Sir?” Pag-uulit ko.
“Why the sudden po?” Balik niya ng tanong sa akin.
“Sagutin na lang, please. Malapit na mag-time. Ang dami pang pinagdaanan masabi lang ang basic info, ah.”
“Dancing, playing games, just the usual. Ikaw ba?”
Napaisip ako bigla. Ano nga bang mga gusto kong ginagawa?
“Siguro mag-bake. In general, magluto. Ayun na lang.”
Napansin kong kanina pa pala siya hindi nag-no-note.
“Tinatandaan mo lang lahat?”
“Yep. Para iilang piraso lang ng impormasyon. I can manage. Don’t worry. Gusto mo ban g number ko?”
“Isa pa.” Tinignan ko siya nang masama. Ayaw ako tantanan nito, ah.
Bumalik na si Ma’am mula sa faculty dala ang tupper ware niya na lama nang whiteboard marker, chalk, at eraser.
“So let’s start. The girl from the left, you may start.” Utos ni Mrs. Francisco.
Matapos ang lahat sa row 1 at 2 ay sumunod na ang batch namin. Nagsimula mula sa pinakakanan ko. Tapos sumunod na si Belinda. Ibig sabihin ay susunod na kami so nag-f-final look lang ako sa notes ko para wala akong makalimutan o mamali.
“Hi! So this is Henry De Leon. He is 16 years old. His birthday is tomorrow!”
Oo nga pala, birthday! ‘Di ko natanong.
Nilingon ko kaagad si Grey.
“Birthday mo?” I mouthed to him.
“Ano?” Bulong niyang sabi.
“Birth-day-mo.” Inisa-isa ko para sa kaniya.
“November 19, 2003. Ikaw?”
Napa-oh my gosh ako in a Karen Davila way! I didn’t really expect na itong mokong na ito ay ka-birthday ko pala! I am surprised once again. But I don’t know if in a good or bad way.
“Same.” Sagot ko.
So kami na ni Grey ang sunod. Tumayo na ako tapos sumunod siya sa harapan.
Nauna siyang magsalita. Akala ko pa naman ako ang mauuna.
“Hey…” he lamely greeted everybody as if he is really hating what we are doing right now. “I am here with Deign Galvez. I know you all know her because she’s been that A-student for quite some time now like her life depends on it solely.”
Not gonna lie, I was about to commend him for that good introduction about me but he chose violence and I’m here for it to take it back to him.
Ayoko na lang mag-talk. He is talking on his own kaya naman I should not be affected about it. It’s his mouth and image, not mine. He’s the bad guy? Well, then let’s see. I’m the fair person that’s about to give you what you deserve.
“She lives in Sandalwood Village and her number is 09-“
Napatingin ako sa kaniya.
“Just kidding. I don’t know her number pero makikita naman sa masterlist file ‘no?” Pagpapatuloy niyang pang-aasar sa akin.
How petty! Ako ang nahihiya para sa kaniya, honestly. Ano-ano na lang pinagsasasabi niya.
“She loves cooking. And by the way, she is 17 and doesn’t know anything… but to be a good person.” And then he looked at me as if he is so proud of what he had just said about me.
“Her birthday is on November 19. Just so you knwo.” He added.
That’s the weirdest thing ever! Ako lang ba ang nakakakita at nakararamdam nun? Please tell me I’m not the only one. I am not crazy, it’s him.
So it’s my turn now.
“Hello guys and Mrs. Francisco. I am here with Grey Guerrero who is an omegle enthusiast. He lives in Bel Monte City.”
Napatigil akong magsalita dahil may kakaibang tingin sa akin ang mga kaklase ko. Tapos may nagbubulungan pa. Sobrang na-distract ako.
“He actually loves to show people his talent in dancing and singing. He can give us a sample.” I really laughed on the inside. Ang sadista ko ata masyado. Pero hindi naman ako madalas na ganito. Sadyang na-pull niya ang trigger ko.
“Sample! Sample! Sample!” Sigaw ng buong klase.
Tinignan niya ako nang masama na para bang nagbabadya na balak na siyang gumanti. But who cares? Malay niya, ma-discover pa siya ngayon. It’s high time and magpapasalamat pa siya sa akin. Pero, this can go very very very wrong. It’s his choice. Ego? We don’t know him.
“Sorry, mahal po ang talent fee ko. Lapag po muna.” He dodged a bullet just like that.
The whole class sighed and are disappointed.
“He is also 17 and his birthday is November 19.” I continued.
“Ay! Same birthday! Ship! Ship! Ship!” tukso ng isang kaklse namin na sinundan ng marami.
I am cringing so hard. Like can they stop?
So para matapos na ang pang-aasar nila ay naupo na kaming dalawa.
Sumunod na agad sina JV. Tapos yung nasa harapan ko naman ay nilingon ako at pinalapit ako sa kaniya. Ginawa ko naman.
“Totoo ba yung mga sinabi mo about kay Grey?” She whispered at me.
“Oo?” Napatanong na lang din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
“Kasi mali-mali ata yung mga sinabi mo?”
“What!” Napalakas ang boses ko pero buti na lang at sumabay ito sa tawanan ng klase dahil sa mga punchline ni JV.
I am so pissed right now.
“Talaga ba? Eh siya ang may sabi ng mga ‘yun, eh.” I reckoned.
“You ask him that question. You will see. Because his social media information says otherwise.”