Chapter 3: Pancake
Deign’s POV
Kinabukasan ay napakaganda ng gising ko. Nakaligo na ako at nakapagpatuyo ng buhok. Nakasuot na rin ako ng uniform namin.
“Hays, another first day in school.” Kausap ko sa sarili ko pero ngumiti rin ako para more good vibes mula umaga pa lang.
Paglabas ko ng kwarto ko ay amoy ko na agad ang masarap na niluluto ni Mommy. May bacon at itlog at sinangag. Medyo kakaiba today dahil bacon at hindi tocino ang niluto ni Mommy. Siguro wala ng stock. Pero ayos lang. At least may masarap na makakain pa rin naman. Ayun ang mahalaga. Iwas choosy para happy!
“Oh, nakaayos ka na pala. Upo na at kakain na tayo.” Ngiti sa akin ni Mommy.
“Papasok na rin ako maya-maya. Makalimutan mo ‘tong baon mo, ah. Tapos ito pala ang allowance mo.” Sabay abot sa akin ni Mommy ng pera ko.
“Thank you po!”
Nag-sign of the cross kami ni Mommy tapos kumain na kami. Grabe, no regrets talaga tumaba kung ang sarap lagi ng pagkain na nakahain. Super thankful and blessed talaga ako kay Mommy.
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin tapos ay nag-toothbrush na rin ako. Tapos ay kinuha ko na ang mini back pack ko at inilagay ang maliit kong baunan. Ready for first day na tayo mga sis!
Bumeso na ako kay Mommy at lumabas na ako ng bahay.
“Ingat, ah!” sigaw ni Mommy habang nagsusuot ako ng sapatos sa labas ng bahay.
“Ikaw din po mamaya!” Sabay tayo ko matapos magsuot ng sapatos. Naglakad ako papunta sa terminal ng mga jeep at UV. Syempre sa jeep na tayo kasi mas mura and malapit lang naman ako. Medyo mahaba na agad ang pila pero mas mahaba yung pila sa UV. Ang daming work force, char.
Katakot, ganun din ako soon.
Anyways, ang dami kong kabaro na mga nakauniform. Nakaka-miss din pala yung ganito na halo-halo kami sa jeep na kulang na lang ay maging school service na namin ‘to dahil halos puro studyante ang laman.
Makalipas ang mga higit kumulang 25 minuto ay bumaba na ako ng jeep at naglakad. Mga 5 minutes pa bago ako makarating sa school. Aabangan ko pa sa may gate si JV. Walang paramdam ang bakla. Baka mamaya tulog pa pala.
Habang naglalakad ako ay hindi gaanong mainit dahil malakas ang hangin. Buti na lang at nakapagtali ako ng buhok. Ayoko na lang sana mag-pusod pero ang gulo ng buhok ko. Kung hindi ko nakakain ay nagugulo naman. Hindi pa man ako nakakapasok ay mukha na akong pauwi.
Nakarating na ako sa may parking area ng katapat naming government establishment. Tatawid na lang ako para makarating sa may gate. Pero hinintay ko muna si JV. Dagsa na ang mga studyante. Kumusta naman na 3 years kaming magiging seniors sa school na ito. I mean mula grade 10 ‘til grade 12 ay kami-kami pa rin unless may lumipat o dumagdag.
Kinuha ko ang phone mula sa bag ko. Ilalagay ko na sana sa bulsa ko nang biglang mag-vibrate ito. May text pala si JV.
JV: Gusto mo ba ng pancake?
Me: Aba syempre lalo na kung libre mo.
JV: Sige, nasa Mcdo kasi ako. Sa room na lang ako kakain. May oras pa naman.
Me: Sige dalian mo. Nasa may parking lang ako.
JV: Sige madaliin ko ‘tong staff teka. Mag atribida muna ako.
Hindi na ako nag-reply sa kaniya. Napa-scroll na lang ako sa Twitter at sa trending list. Gusto ko sana mag Youtube kaso ayoko naman dito manood tapos naka-earphones pa ‘ko.
Maya-maya ay nakarating na siya. Kinuha niya mula sa paper bag yung akin at Iniabot niya sa akin ang isang lalagyan na may pancake.
“Thank you!”
“You’re welcome.” Masayang sagot niya.
“Kung ganito ba naman lagi kapag naghihintay ako edi lagi na akong maghihintay sa ‘yo.”
“Sige, sabi mo ‘yan, ah!”
“Basta ba may palibre lagi. ‘Di na ‘ko magagalit. Pero medyo magpapa-late na rin ako para naman hindi ako ganun katagal naghihintay sa ‘yo.
Naglakad na kami sa tawiran nang may biglang sumulpot na motor sa kaliwa namin matapos naming hintaying makadaan ang sasakyan mula sa kanan.
Binusinahan kami ng driver. Sobrang lakas nito at medyo mahaba. Sa sobrang gulat ko ay naihahis ko ang hawak kong pancake kaya naman natapon ito sa kalsada.
“Ay putspa!” Parang naiwan talaga ang kaluluwa ko sa kung saan man dahil sa busina na ‘yun.
“Grabe nasa pedestrian lane kami, oh!” Hinarap ni JV and driver na naka-helmet.
“Yung pancake ko.” Ayun talaga ang inisip ko kesa sa magalit. Tinignan ko lang ang pancake ko na nasa kalsada na. Napatingin ako sa driver ng motor. Ngayon ako nainis sa kaniya.
“Bayaran mo ‘to!” Sabay turo ni JV sa pancake ko.
Hindi kami pinansin ng driver. Ni hindi man lang tumabi tapos bumaba para makipagdayalogo sa amin.
Kami na ang nahiya sa ibang mga tumatawid at paparating na mga sasakyan. Iniwan na namin ang pancake ko at dumiretso na sa pagtawid.
“Hayaan mo na ‘yun. Meron pa naman ako rito. 3-pc to.” Pampalubag-loob sa akin ni JV.
Pero habang tumatawid kami ay dinaanan lang kami ng naka-motor. Papasok din pala siya sa school. Hindi halata dahil naka jacket siya. Hindi ko alam kung teacher siya o studyante.
‘Pag nakilala ko talaga ‘to tapos studyante ‘to, sisingilin ko talaga ‘to with free trial ng pagtataray ko.
Edi nauna siyang makapasok sa amin dahil naka-motor siya. ‘Pag pasok namin sa loob ay nagkakagulo ang mga freshies at ibang year level sa may bulletin board para tignan ang list ng sections. Na-post na naman ‘yun sa page so alam ko na na magkaklase kami ni JV. Hindi pa siguro sila member sa group.
So kaming dalawa ay dumiretso na sa room namin. Pagpasok namin ay tahimik ang mga tao. May magkakakumpol na magkakaibigan pero mahina lang sila mag-usap. Nakakapanibago kasi kada taon ay maingay ang section namin. Kaso ngayon may mga lumipat at may mga bago na dahil unang taon ng senior high school.
Naghanap kami ng mauupuan namin. Sa likuran na lang kami tapos ayun nagsalo na kami sa pancake niya. Ayan tuloy, tahimik lang din kami at nagbubulungan.
20 minutes pa bago magsimula ang first class. Chinika na lang mamin ang katabi namin na mukhang bago sa school. Hindi namin nakita for the past four years si ate gurl, eh. May bangs siya tapos medyo singkit at ma-cheek bones. Hindi halata ang jaw line niya pero makinis si ate mo.
“Ano name mo?” tanong ko sa kaniya.
“Belinda po,” sagot niya.
“Ito naman. ‘Wag ka na mag po. Magkaklase naman tayo,” sabi ni JV sa kaniya.
“Ako si Deign tapos siya si JV.” Pakilala ko sa aming dalawa kay Belinda.
“Hello!” Masayang bati niya sa amin.
“Taga saan ka?” tanong ko sa kaniya.
“Taga Antipolo pero may tinutuluyan kami ngayon dito-dito lang.”
“Ah, malapit ka lang din pala rito. From what school ka?” Akala mo ay nasa isang talk show si Belinda sa mga tanungan namin ni JV.
“Sa Antipolo ako nag-aral, eh. Nito lang kami lumipat dito. Dahil kasi sa trabaho ni Papa.”
So sa mga nalalabing minuto bago magsimula ang klase ay kinilala muna namin si Belinda tapos syempre panay chika rin kami tungkol sa sarili namin ni JV.
Maya-maya ay may pumasok na lalaking studyante sa room namin. Sakto para sa iisang natitirang bakanteng upuan sa likuran namin.
Hindi ko na tinignan pa kung sino ‘yun dahil against the light ang pwesto ng pinto ng room namin. Kinuha ko na lang ang notes ko at ang ballpen.
Pero napatingin ako muli sa harapan dahil naging maingay ang paligid.
“Hala! Bakit nandito siya?” gulat na tanong ni JV.
“Sino? Sino ba siya?” Naguguluhan ako at curious.
“Siya yung leader ng gang na kilala sa school natin,” mahinang bulong niya sa akin.
“Hala, ano? Sino raw siya?” tanong sa akin ni Belinda.
“Leader daw ng gang,” bulong ko sa kaniya.
“Eh bakit siya nandito?” tanong ko.
“Baka may connections?” sagot ni JV.
“Baka naman nagbago na yung tao tapos nagsipag na.” Pagbibigay ni Belinda ng benefit of the doubt kay kuyang leader ng gang.
“Ano ba pangalan niya?” tanong ko kay JV.
“Grey. Bakit hindi niyo siya kilala?”
“Aba malay ko ba sa mga gang na ‘yan. Siguro naiiwasan ko lang sila. Pero ngayon, mukhang hindi na kasi nandito na ang pinuno.”
Nakaramdam ako ng konting takot. Hindi ko alam kung bakit. Siguro impression ko lang sa titulo niya bilang pinuno raw ng gang. Grabe, buti hindi pa siya napapaalis na school namin kung puro gulo sila ng gang niya. Nako po, kailangang lumayo-layo tayo para hindi mapahamak.
Nang dumaan na siya sa gilid namin, nasa may aisle kasi kami, napatingin ako sa jacket na nakasukbit sa bewang niya. Pamilyar ito pati ang kulay. Katulad siya nung suot ng driver na binusinahan kami sa labas! Hindi kaya, siya yun o marami namang may tulad niyang jacket na ganun?
“JV, hindi ba katulad ‘yun ng jacket nung nakaharap nating driver?” kausap ko kay JV sabay nguso sa jacket ni Kuya.
“Hala, oo nga! Tanungin ko ba ‘to?”
“Huwag na muna. Pero kung siya ‘yun, nanggigigil talaga ako.”
Patuloy lang na nag-uusap-usap ang mga kaklase namin. Para bang nawindang bigla ang lahat. Pero oo nga naman, isang gang leader ang napunta ng section 1, how interesting?
Gusto ko na lang maging payapa ang buhay ko pero parang sinusundan ako ng gulo ngayon.
Naiintriga tuloy ako ngayon. Parang gusto ko rin tuloy siyang i-guest sa aming talk show ni JV.
Pero ngayon pa lang ay kumukulo na ang dugo ko sa kaniya kahit pa wala akong alam na eksaktong dahilan. Siguro yung sa jacket ‘to.
Pumasok na ang teacher namin sa first subject. Puro introduce yourself lang kami nito buong araw. Pero at least, maririnig ko ang boses ni kuya. Tapos may malalaman kaming ibang impormasyon tungkol sa kaniya.