Chapter 2

2207 Words
  Chapter 2: Notebook Deign’s POV Deign: JV! Buti naman sumagot ka. Nasa’n ka na ba? Kanina pa ko rito, ah. Ang VIP. JV: Wait ka lang. Nag-grab na ‘ko. May dinaanan lang kami ni Mama. Dinaan pa siya sa bahay. Ako pa pinapagbayad. Deign: Sige mamaya na ang chika. Ilibre mo ko, ah. Tagal kong naghihintay. ‘Di ko ‘to deserve. Char. JV: Oo na. Sorry na po. Sige, bye na. At ibinaba ko na ang cellphone ko. Minsan na nga lang mag-mall ay paghihintayin pa. Kaya naman umupo na lang ako sa may bench sa may entrance ng mall. Bumili ako ng buko shake para naman ‘di uminit ang ulo ko. Tamang scroll lang muna sa Twitter at f******k. Tapos mapapatingin sa mga tao na naglalakad papasok ng mall. May isang bata nga na tuwang-tuwa. Siguro mga nasa 7 o 8 years old siya. Bitbit siya ng magulang niya tapos tinatanong siya if anong gusto niyang bilhin. Ang sagot lang ng bata ay toys. Tuwang-tuwa rin ang mga magulang niya. Ang saya nila tignan. Grabe, paubos ko na ang shake ko pero wala pa rin si JV. Naiimbyerna na ‘ko, ah. Pero matapos kong higupin ang huling lagok ng buko shake ay may bumatok sa akin. “Hoy! Anong sina-sight mo diyan?” tanong sa akin ni JV. “Aray ko naman! Ako na nga naghintay, ako pa ang nabatukan. Dapat ikaw ang binabatukan, eh. Tsaka sina-sight ka diyan? Ubos ko na ‘tong buko shake ko at ngayon ka lang nakarating,” litanya ko sa kaniya. Edi natameme si bakla. ‘Di niya talaga kaya ang power ng talak ko. Sorry not sorry, char. “Pasok na tayo sa loob para naman ‘di na uminit ulo mo. Wala atang epekto ang buko shake.” Biro niya sa akin. Naka summer outfit pa rin si JV. Naka shorts tapos unbuttoned navy blue polo shirt. Then hindi papakabog ang mima mo, naka boat shoes din siya o kung ano mang tawag dun. Basta ang alam ko lang ay yung parang sa Sperry. Tumayo na ‘ko mula sa pagkakaupo ko at humawak sa braso ni JV. “Ang fresh, ah. Saan umawra yan?” Biro kong tanong sa kaniya. “Umawra agad? Hindi ba pwedeng fresh lang talaga at mabango. Malay mo today at dito ko na mahanap ang aking forever! Pasok na tayo sa loob!” “Masyado mong inaabangan, lalong hindi ‘yan darating. Chill ka lang kasi. ‘Wag mo hanapin.” Payo ko sa kaniya. “Ito naman ang patola. Hindi ba pwedeng mag-happy crush? Ikaw ang tatandang dalaga niyan kasi ang taas ng standards sa boys. Ganda ka ghorl?” “Well, basta naniniwala ako na darating din ‘yan sa tamang panahon.” Sagutan at chikahan lang kami mula sa entrance tapos pumila at kinapkapan kami ng guard at tinusok ang bag namin hanggang sa nakapasok na kami sa loob. Ang daming baong kwento ng isa’t isa. Mukhang mamamaos pa tayo bago pa man mag first day ng klase. “Oh, sa’n tayo unang pupunta?” tanong niya sa akin. Grabe ang daldal naming dalawa. Akala mo mga 'di nagsama ng ilang taon. Pero sobra kong na-miss 'tong si JV. Kahit na nung last week lang ay gumora kami sa EK. Kahit na halos one year ko pa lang kaibigan si JV, parang ang tagal tagal na naming magkakakilala. "Tara, tara! Dali maglibot muna tayo.” Yaya ko sa kaniya. “Ngayon lang tayo nakarating sa lugar na ‘to, oh. Mamaya na tayo mamili. Mag pictorial pa tayo.” “So saan nga?” muli niyang tanong. "Oy gusto kong mag-ice cream. Tapos parang gusto ko rin ng pizza. Pwede rin ang shake ulit kasi parang bitin yung kanina. Ay joke milk tea na lang pala then takuyaki balls. Or baka gusto mo mag fast food na lang tayo." Paglilista ko. “Lilibre mo naman ako ‘di ba?” "Yung totoo? Ano ako? Sugar daddy mo? Ang daming gusto, ah. Bilhan na lang kita ng kwek-kwek diyan." "Ay basta milk tea na lang tayo." Suggest ko. "Oh edi tara na. Infinitea? I heart? O Zentea?". "Ehhh teka bili muna tayo ng mga bibilhin natin para chikahan na lang tayo mamaya," sabi ko. "Ay tama yan para wala na tayong iintindihin." Dagdag niya. "Para lafang na lang ng lafang mamaya." Sabay tawa niya. "Oh tara na gora na sa nbs." Habang naglalakad kami papunta sa nbs ay may napansin kaming lalaking medyo napagkakaguluhan. "Hala sino yun? Pasikat si kuya, ah," sabi ko. "Ayun oh may karatulang nakasabit sa kaniya." Pansin ni JV. "Hala anong nakalagay 'di ko mabasa eh." Sabay tanaw nang maigi ni JV sa karatulang nakasabit sa lalaki. "La-hat ta-yo po-s-si-sib-leng-drug-pu-sher. Ayun lahat tayo posibleng drug p****r ang nakalagay." Basa ni JV. "Ay wow. Tapang naman pala that boy." Pamumuri ko. "Hala! Kaklase ko dati yan!" sabi ni JV. "Si Royce yan. Elementary ko nakilala tapos ewan na lang anong nangyari sa kaniya ngayon." Napalapit sa amin si kuya at napansin niya ako. "Shet fafa..." mahinang sinabi ni JV "Oy bakla ano yan." Sabay tawa ko. "Pinagnanasaan mo na agad grabe ka. Pero may itsura nga ah. Yie may forever na siya!" "Oy! JV!" bati ni Royce sa kaniya. "Naks iba na talaga pagiging makabayan natin ah." Ang pambati ni JV. "Ganun talaga 'pag may pakialam." Sabay ngiti niya. "Siya nga pala. Ito si Deign." "Oy naks best friend goals na. Nice to meet you!" At nakipagkamay ako sa kaniya. "Grabe Bakla may humor pa at halatang mataas ang confidence at pinaglalaban ang tama." Bulong sa 'kin ni JV. "Ay ano hinahangaan mo na ngayon. Kanina attracted ka lang ah.” Kutya ko kay JV. "Ganun talaga haaaaay hala true love na ba 'to?" "Hala tumigil ka nga diyan. Ni hindi nga kayo close tsaka ilang minuto mo pa lang nakakasama, oh." At patuloy na tumitig si JV kay Royce. "Oh sige mag-iikot ikot pa ko ah. Para sikat de joke." Sabay tawa ni Royce sa amin. Sabay nagpatuloy siya sa paglalakad. “GRABE JACKIE! DI MO NAMAN SINASABI NA MAY BEBE KANG KAKLASE DATI." Sabay hampas ko sa braso ni JV "Ay grabe siya mapanakit talaga, oh.” Reklamo niya. "Hala dali anong pangalan niya sa social media? I-istalk ko na yan mamaya." Pagmamadali ko kay JV. "Ay nako Deign... Kanina lang ang taas ng standards mo, ah." Sabay tawa ni Abie. "Nako ikaw na nga ang bumingwit baka may iba pang makasungkit." At patuloy siyang tumawa. "Oy ‘di pwede. Pabebe dapat tayo." "Hala ano Maria Clara lang ang peg. Sus 2016 na ‘no? ‘Di na uso yan." Paliwanag ko sa kaniya pero pinupush ko lang talaga siya. "Hay nako ‘ di na naman ako makaka-move on nito.” "Nako ang harot talaga." Sabay tawa ko. "Ano nganga na tayo? Tara na!" Yaya ko. "Nako parang siya 'di maharot. Ang dami-daming pinapaasa nako." Balik sa akin ni JV. "Ay hiya naman ako sa master sa pagpapaasa. Two years nang nililigawan, oh." Sabay tawa naming dalawa. "Eh syempre dapat prepared na. Walang ganiyanan. No pressure dapat." Paliwanag ni JV. "Edi kayo na may love life." Sabay simangot ko.. At sa wakas ay napilit ko na siyang maigalaw ang mga paa niya. Ang bibilis kapag usapang love life. Pagkarating namin sa loob ng nbs ay naglibut-libot na kami para mamili ng mga kailangan tsaka trip naming bilhin. Napunta ako dun sa notebooks/papers section. Naghahanap ako ng notebook binder. Tapos si JV naman ay nasa mga libro. And speaking of love life... SHOCKS! May poging papalapit sa 'kin! Feeling ko same height lang kami. Pero yung mata niya ang gandang titigan... Dark brown ang kulay tapos moreno. HALA BAKA MAY ABS! Chos true love hanap ko 'di pang one night stand.Good girl po ako. Studies first bago boys. Sabay kaming humawak dun sa nag-iisang notebook binder ng isang specific brand. "Ako ang nauna rito!" sabi ko. Aba syempre 'di ako papayag na basta-basta na lang akong aagawan. Lalaban ako, ‘no. Minsan na ‘kong naagwan... At nung panahon na ‘yun wala akong nagawa.... Hay nako tama na ang drama. Past is past. Aba parang tinitigan pa ata ako. Well 'di ko naman kasalanang maganda ako at kahali-halina. "Oh ano 'di mo pa rin ba bibitawan? Akin na!" muli kong sambit. "Pero isa na lang 'to eh,” sagot nung lalaki. "Oo nakikita ko nga," sabi ko. "Kaya akin na." "Alam mo pwede namang makiusap nang maayos, eh. Sayang naman yang ganda mo kung ganiyan ‘yang ugali mo." "Aba! Eh nauna naman talaga akong dumampot nito, eh. Tsaka hello close ba tayo para maging mabait ako sa ‘yo? Ano, dapat ba feeling close parati? 'Di lahat ng tao aayon sa gusto mo at 'di lahat ng tao dapat makiayon sa gusto mo." Nainis lang naman ako nang slight. "Ikaw na ang nagsabi. 'Di tayo close para maging mabait ako sa ‘yo at 'di lahat aayon sa gusto mo." "So anong pinaparating mo? Hah." "Sa ‘yo na ‘yan. 'Di ko naman inaangkin,ah. Tsaka walang umaagaw nito sa ‘yo,” wika niya habang tinitignan ako nang masama. "Eh bitawan mo na kasi. Pasensiya na." Sabay binitawan na niya yung binder. "Salamat!" at nginitian ko siya sabay alis ko. Hinanap ko si JV. Kala mo kung sino. Ibibigay din naman pala ang dami pang sinasabi. Nako nakakapang-init ng dugo, ah. Napasama pa ako. Sabi nang good girl ako eh. Ganun talaga ako sa mga hindi ko kilala. Please bear with me. Wala akong tiwala sa strangers. Masyado na ‘kong nadala sa past. Hay, lagi na lang bumabalik ang past nakakainis na, ah. "Uy, Deign nakuha mo na yung kailangan mo?" tanong ni JV. "Yah I got it na. May ganap kanina friend," chika ko sa kaniya. "Hala ano yun?" Napatingin siya sa akin at binitawan ang hawak niyang libro. "May gwapo kaso inaway ako." "Kwento na kasi nako,” iritable niyang sabi. "Ayun kung ano-ano sinabi niya. Kasi naman inagaw niya yung nag-iisang binder na nandun tas ayun na." "Bakit ano ba sabi?" tanong niyang muli.. "Sayang daw yung ganda ko like ang pangit daw ng ugali ko." "Ay aba grabe si kuya ah." Napataas ang kilay ni JV. "Kala mo naman kilala ka niya or kilala mo siya. Nasa’n ‘yan at nang maabangan.” "Yun na nga eh. Eh ayun lalo ko pang natarayan nung sinabihan niya kong ako na raw ang nagsabi na 'di aayon lahat sa gusto ko. Grabe sinungitan din ako after like sabi niya wala naman daw umaagaw sa ‘kin nung notebook at wala naman daw umaangkin. Pero beh ayaw niyang bitawan yung binder. Nakakapanggigil, ah." "Nako hayaan mo na yan, bakla. ‘Wag ka nang paapekto diyan kay kuya. 'Di ka naman niya kilala, eh." Sabay hagod niya sa balikat ko nang paulit-ulit. Tama si JV. Ba’t ba ‘ko magpapaapekto dun eh ‘di nga niya ‘ko kilala. Tama na Deign. Move on na. Matapos naming mamili ay dumiretso kaagad kami sa Milk Tea House. Habang nasa milk tea house kami ay sobrang napasarap ang aming kwentuha. Ang dami naming pinag-uusapan. Minsan nonsense madalas may sense naman. Biglang nag-ring yung phone ko. "Teka ah sasagutin ko lang yung tawag." Pagpapaalam ko sabay tayo ko at lumabas ako ng milk tea house dahil ang lakas ng tugtugan. Si Mommy yung tumatawag. "Hello Mommy! Ba’t ka po napatawag?" tanong ko. "Deign, your scholarship has been granted! You will be an SA so you must have your assigned office by tomorrow. Congratulations ‘nak! I am proud of you." Sobrang na-shock ako grabe. As in WAAAAAAAAAAA! TOTOO BA? SCHOLAR NA ‘KO? OH MY! 'Di ako makapaniwala. DEIGN IKAW BA YAN? "Ok, ok Mommy I'll go now. Thanks for the news. Love you!" "I love you too sweety. Take care! And get home early.” "Yes Mommy bye!" "Bye!" At ibinaba ko na ‘yung telepono. Dali-dali akong pumasok sa loob at sobrang di ko mapigilan yung kasiyahan ko. "GIRLS!!!! WAAAAAAAAAAH!" sabay hampas ko kay JV. "Aray naman. Ang bigat mo!" reklamo niya. "Ano ba yun? Anong meron?" iritableng tanong niya sa akin habang iniinda ang pagkakahampas ko sa braso niya. "Na-grant yung scholarship ko!" "Oh my Bakla! Congrats!" Biglang ang ganda ng mood niya. "Hala sayang nag-book na ako ng ride tapos parating yung driver ng Grab. Sabi ko hanggang 5 pm lang ako, eh,” malungkot na sabi ni JV. "Hala ako rin. Uuwi na ako. Baka gabihin pa ko, eh. Makikisabay ako sa ‘yo hanggang sa terminal." "Sayang gusto ko pa naman sana na mag-samgy tayo kaso ang tagal na pala nating nakatambay and more reason pa to celebrate.” "Well, ok lang ‘yun. Nalibre mo na naman ako tapos may forever ka pang nakita." Sabay tawa ko sa kaniya. “Ikaw din naman. Baka si Mr. Sungit na ang para sa ‘yo.” "Ok wala na. Tara una na tayo." Sabay tayo ko at sumunod si JV. "Tara labas na tayo." Yaya niya. So ang nangyari ay hinintay muna ako ni JV na makasakay dahil paparating pa lang naman ang Grab driver niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD