Chapter 1

2448 Words
Chapter 1: Change   Grey’s POV   “Nanakawan mo pa ang mga miyembro ko?” pagalit na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.   Nakaluhod siya habang hawak ng dalawang tao ko ang braso niya. May dugo na rin siya sa may labi at mukhang ang tapang pa rin. Gigi lang itsura niya. Halos masira na siguro ang mga ngipin niya dahil sa pagkaka-clench nito. Nakayuko lang siya pero kitang-kita ko ang bibig niya.   Tumingala siya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya na halos matakpan ng magulo niyang buhok o ‘di kaya ay napakahaba lang ng bangs niya.   “Hindi nga ako ang gumawa!” sigaw niya sa akin.   “Aba, magsisinungaling ka pa!” Sabay amba ko sa kaniya ng aking kamao na isusuntok ko sa kaniyang mukha. “Hindi ka namin titigilan hanggat nandito k asa paaralan na ‘to. Tandaan mo, magsumbong ka man, hinding-hindi ka makakatakas sam ga galamay ko! Umamin ka na!”   Nang malapit ko na siyang masuntok— buti na lang ay napatigil agad ako ilang milliseconds bago tumambad ang kamao ko sa mukha niya— ay tsaka bumuka ang kaniyang bibig.   “A-“ pagsasalita niya.   “Ano! Sino!”   “Kailangan ko ng proteksyon mula sa kaniya. Aamin na ‘ko. Mas malaki ang grupo mo sa kaniya. Kailangan ko ng tulong mo.” Kumpirmasyon ng kaniyang pag-ako sa ginawa niya at na may nag-utos lamang sa kaniya.   “Gusto kong manggaling mula sa ‘yo. Sabihin mo na.”   Ngayon pa lang ay nanggigigil na ‘ko. Hindi ko mapigilang hindi maisarado ang kamao ko at maisuntok sa kung sino man. Para bang nalipat sa akin ang pakiramdam na naramdaman nitong lalaki kani-kanina lamang.   “Si Elixir po,” wika niya na may halong takot at panginginig.   At naging malinaw na ang lahat sa akin. Yung mga gulong nangyayari sa grupo namin ay siya ang may kagagawan. Hindi niya talaga kami tinitigilan. Hindi rin namin siya tatantanan. Kailangan malaman niya kung saan siya lulugar. Hindi ako papayag na may maaagrabyadong tao ko. Sabi nga sa law of inertia, if a body is at rest or moving at a constant speed in a straight line, it will remain at rest or keep moving in a straight line at at constant speed. In short, walang mangyayaring gulo kung walang nagsisimula ng gulo.   “Sige, palabasin niyo na ‘yan. Hindi pa natin mapagkakatiwalaan ‘yan. Ang payo ko sa ‘yo, mag-iingat ka na lang.” Pagbabanta ko sa kaniya.   “Sabi mo tutulungan mo ako!” wika niya habang hinihila siya palabas pero nagpupumilot siyang manatili. “Bitawan niyo ‘ko! Napakasinungaling mo!”   Tumalikod na lang ako at lumabas sa exit sa nasa likuran ng aming hideout— isang maliit na warehouse na hindi na ginagamit ng mga magulang ko.   Nakapapagod ang gabing ito. Kailangan pa kasing dumaan sa sapilitan ang mga bagay-bagay na pwede naman sanang sa una pa lang ay ayos na. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao. Kailangan pang mapahirapan o masaktan muna tapos bibigay din naman sa huli.   Paglabas ko ng warehouse ay sumakay ako sa Honda Click 150i na motorsiklo ko. Kulay itim ang kulay nito. Ayos na rin naman para sa baguhang nagmomotor. Tsaka napabili na rin naman agad dahil ayoko na ng may naghahatid at sundo pa sa akin. Ginamit ko na tuloy ang ipon ko. Sa susunod na lang siguro ako bibili ng gusto ko talaga.   Pagkauwi ko ay bumungad agad si Ate Linda na inaabangan ako sa sala. Siya na ang kasama ko sa paglaki. Sa kaniya ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko. Parang si Ate na nga ang tumatayong magulang ko.   “Jusko po, bata ka. Anong oras ka na naman umuwi! Paano kung naabutan ka na naman ng magulang mo na wala ka pa?” Pangaral ni Ate. “Saan ka na naman ba nanggaling?”   “Ate, kakain na po ako. ‘Wag niyo na intindihin sila Mommy. Wala pa naman sila. As usual.”   “Sige, sige. Ipaghahain na kita. Magpalit ka na ng damit mo. Maglinis ka na rin pala ng katawan. Buong araw kang nasa labas.”   Umakyat na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw. Parang hindi ko alam ang gagawin ko. Siguro dala lang ng pagod. Hindi ko alam kung bakit tinitignan ko ang buong kwarto ko. Sobrang linis naman at maayos. Pero bakit parang pakiramdam ko ay may kulang or something na hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.   Naligo na lang ako at doon nagmuni-muni. Ang lamig ng tubig na lumalabas sa shower. Kahit papaano ay nagagawa nitong huwag ako mag-isip.   “Alexa, play “So What” by Anti-Nowhere League.”   Sinasabayan ko lang ang up-beat na musika. Akala mo ay parte ako ng banda at may performance pa. Parang nalimutan ko na rin agad ang nangyari sa buong araw.   “Who cares, who care about you? You! You!” Pagsabay ko sa tugtog at tapos ay nag-i-imaginary electric guitar at maya-maya ay drummer.   Biglang may narinig akong kumatok kaya naman napatigil agad ako at nagsabon na ng katawan.   “Grey, nakahain na sa baba. Dalian mo na diyan, ah,” sabi ni Ate.   “Sige po! Susunod na ‘ko!”   Dinalian ko na magkuskos para makapagbanlaw kaagad. Sa ilang minuto lang ay nawala ang bigat na nararamdaman ko. Kung pwede lang ay ‘wag na ‘kong lumabas ng kwarto ko. Na dito na lang ako habambuhay. Dito mag-aaral at magtatrabaho. Nandito ang peace of mind ko. Nandito rin ang kalayaan ko.   Pero wala naman sa akin ang desisyon. Edi, mas mabuti pang gawin ko ang gusto ko sa labas. At least doon, nasunod ang magulang ko sa gusto nila pero ako ang nasusunod sa gusto kong gawin habang nasa labas.   Nagbihis na ako at bumaba para kumain. Nagulat ako nang makita kong nakaupo na sa hapagkainan sila Mommy at Daddy at ipinaghahainan siya ni Ate.   Dapat pala ay hindi na lang talaga ako bumaba. Dapat pala naniniwala ako sa kutob ko.   Wala na akong choice kundi umupo at sumabay sa kanila dahil nakita na nila ako. Nawala bigla ang maganda kong mood.   “Bakit ngayon ka lang bumaba para kumain? Hindi magandang laging gabing-gabi ka kakain.” Pangaral ni Mommy sa akin.   Pero bakit ginagawa niyo? Tapos araw-araw pa, eh, masama pala.   Gusto kong isagot sa kaniya ‘yan pero syempre ay hindi ko magagawa. Pero tama naman ako ‘di ba? Pagsasabihan ako pero ginagawa rin naman nila. Anong point? They can’t do what they preach.   “Sagutin mo ang Mommy mo. Tinatanong ka nang maayos.” Nasa mahinahon pang sabi ni Daddy.   “May ginawa lang pong school work. Tinapos ko lang po.” Sagot ko habang nakayuko at pinaghihimay ang manok gamit ang kutsara at tinidor ko.   “Ayos na ba ang mga gamit mo para bukas?” tanong ni Daddy.   Sumubo muna ako ng ulam at kanin at pagkatapos ay dahang-dahang nginuya ang pagkain. Alam kong naghihintay lang sila sa sagot ko. Habang tumatagal ay nagiging iba ang ihip ng hangin. Uminom ako ng tubig para lalong tumagal.   “Ayos na ba ang mga gamit mo? Kunpleto na ba?” Ulit niyang tanong sa akin.   “Ok na po. ‘Wag niyo ng intindihin. First day pa lang naman. Wala namang dapat dalhin,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kahit kanino sa kanila at habang patuloy na naghihimay ng manok.   “Anong oras na ang pasok mo?” Si Mommy naman ang nagtanong.   Hindi ko mapigilang mainis. Like can they stop acting this way? It is making me feel so uncomfortable and nauseous. Like, just stop it. I cannot deal with it.   “7 am po.” I lied.   Mas ok na yung maaga akong umalis dito para mauna akong umalis ng bahay sa kanila. Tapos may oras pa ‘ko para sa ibang bagay bago magsimula ang klase ng 8 am.   “Si Kuya Raymond mo na ang maghahatid sa ‘yo.” Pilit ni Mommy. “Ate Cindy, 6 am mo gisingin si Grey, ah. He shouldn’t be late on his first day.” Bilin niya.   “Mi, ok na po ako. Hindi na ‘ko dose o trese. May alarm naman po sa phone ko at may alarm clock din po ako. Kaya hindi na po kailangang si Ate pa ang maggising sa akin. Tsaka may motor na po ako ‘di ba? Kaya ko na po ang sarili kong makapasok bukas.”   “Just to make sure that you’ll wake up early. Ipagpilitan mo na namang kaya mo magising pero 10 am ka na babangon. Is that right? You have to have the sense of being a professional. You’re not getting any younger. Life outside school is not as easy as you think.” At nagsimula na pong maglitanya si Mommy.   “And that’s why I am trying on my own to do things that shouldn’t be asked anymore to someone to take care of other than me.”   “Grey.” Singit ni Daddy sa amin ni Mommy. Napatigil agad ako sa pagsasalita dahil ang malalim na may diing boses na iyon ay hudyat na hindi na maganda ang naririnig ni Daddy.   “Alright. Do things on your own,” Mommy said while still baffled at my answer a while ago.   Natuloy na ang awkward at deafening na katahimikan na kanina ay pinipilit kong mangyari pero pinutol ko dahil hindi ko rin magawang inisin si Daddy.   Tinapos ko kaagad ang pagkain ko at umakyat na ‘ko kaagad. Narinig ko pang nag-good night sa akin si Mommy habang paakyat ako pero hindi ko siya binati pabalik.   Nag-toothbrush na muna ako at muling naghilamos. Nakatingin lang ako sa salamin sa loob ng cr.   “You can prove it to them.” Kausap ko sa sarili ko.   Pero muli kong naalala ang nangyari kanina na inamin nung lalaki na si Elixir ang may pakana ng mga nangyayari. Actually, gusto ko munang malimutan ‘yun para makatulog nang maayos. Pero nag-cellphone muna ako.   May mga messages pala si Kiel.   Kiel: Grey, nalaman na ni Elixir na alam mong siya ang may pakana. Bumalik yung lalaki sa kaniya. Ewan lang kung saan na pupulutin ‘yun. ‘Di kasi nag-iisip. Isipin mo inamin sa boss niya na pinagkanulo niya siya. Napakawalang utak.   Hindi na lang ako nag-reply sa kaniya. Naglaro na lang ako ng mobile legends. Hintayin ko na lang ma-lowbatt ang phone ko tapos tsaka na lang ako matutulog. Dalawang game na lang siguro ‘to.   Talo parehong game. Buti na lang ay nag-classic ako sa isa. Mas lalo lang tuloy uminit ang ulo ko. Nag-charge na lang ako ng phone at pagkatapos ay nag-alarm.   Binuklat ko ang luma kong journal nung nasa Grade 8 pa ako.   “Naiiyak ako na wala akong nagagawa para sa sarili ko, sa sitwasyon ko na hindi ko magawang alisan para maging ako.   Aaminin kong naiinggit ako lagi sa ibang tao na nagagawa nilang maging sila sa harap ng pamilya nila o di kaya ay kahit na malayo sila sa magulang nila.   Kung tutuusin ay gusto kong mapalayo pero mahal ko rin ang magulang ko. Marahil ay mas mahal ko sila kumpara sa sarili ko.   Ayokong makulong sa ganito habang buhay. Pero wala akong magawa. Sobrang takot ako sa maraming bagay. Takot akong masaktan nang pisikal at emosyonal. Takot akong mapalayas o itakwil. Takot akong hindi matanggap. Takot akong wala akong masasandalan kapag ang mga bagay-bagay ay hindi umayon sa ninanais ko.   Nananalangin ako nang taos-puso sa Panginoon at nananalig na bigyan ako ng kalayaan. Kalayaan sa sarili at ang magmahal. Ang alam ko lang ngayon ay may paraan at pag-asa. Hindi ko pa man alam ngayon pero isang araw ay darating din.”   Parang namanhid na lang ako. Ganun pa rin pala ang sitwasyon ko magmula noon. Parang wala na akong takas. Hindi bale na lang. Kung ganun lang din naman, gagawin ko na ang gusto ko.   Nagpatugtog na lang ako sa vinyl player ng classical music para maging mapayapa ang isipan ko at makatulog ako nang mahimbing.   Kinabukasan ay nagising na lang ako sa malakas na katok sa pinto ni Ate.   “Sir, gising na po! Mag-6:00 na!” Sabay paulit-ulit niyang katok.   Sumabay pa ang alarm ko sa ingay ng katok at boses ni Ate. Ayoko sanang mainis kay Ate dahil alam kong napag-utusan lang siya ni Mommy pero nakakabad trip na agad ang umaga. Paggising pa lang ay ang ingay na.   “Gising na po ako! Susunod na ‘ko pagkaligo ko.”   “Ok sige!”   Umupo ako sa kama at medyo bangag pa ako. Unang araw ng klase, let it be exciting. Buong taon ulit tayong may ganap.   Nabuhayan ako bigla. Bumangon na ako at nag-ayos ng kama. Inihanda ko na ang uniform ko at tsaka ako naligo. Pagkababa ko ay nasa baba na rin sila Mommy. Mukhang plano na nilang sabayan ako mag-agahan kahit pa hindi naman sila usually dito kumakain sa dining area. Nagkakape muna sila madalas sa kwarto tapos madalas din ay nagpapaakyat na lang ng pagkain.   Pero as usual ay medyo mindali ko ang pagkain. Inabutan lang ako ng pera ni Daddy tapos binitbit ko na ang shoulder bag ko at lumabas ng bahay. Narinig ko na lang si Mommy na nagsabi ng good luck daw sa first day ko.   Ini-start ko na ang motor at nag-suot ng helmet. Ang araw ay sumisikat na at napakaaliwalas ng kalangitan. Buti at may nagpapaganda ng umaga.   Umarangkada na ako at dumiretso muna kina Kiel, sa aming tambayan na iba pa sa warehouse.   Pagkarating ko roon ay nandun na sila. Kasama si Kiel, Rence, at Royce. Mga puro naka-clean cut na at never mo talaga silang mapapalagay ng wax o kung ano man sa buhok.   Bumaba ako sa motor at nagtanggal ng helmet.   “Ang aga natin, ah. Anong meron?” tanong ko sa kanila.   “Ganun pa rin naman. Kaso alam mo na ba na hindi ka na namin kaklase?” wika ni Rence sabay lakad papunta sa akin. Hindi pa rin talaga ako sanay sa tangkad niya.   “Ano? Paano nangyari ‘yun?” Gulat ko.   “Ginalingan mo ata masyado last year.” Sagot ni Royce sa tanong ko.   “Alam mo ba kung anong section ka na?” tanong sa akin ni Kiel.   “Ano?”   “1.”   Hindi ako makapaniwala.   “Niloloko niyo lang ako, eh,” sabi ko habang nangingiti dahil mukhang trip na naman ako ng mga loko.   “Edi tara. Tignan natin ang listahan sa school. Doon na muna tayo tumambay sa may plant box.”   Dali-dali kaming sumakay sa kaniya-kaniya naming motor at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD