Chapter 19: Surprise
Deign’s POV
Mga 6:20 pm na dumating si Ivan. Ipinasok ko siya dun sa napakalaking kahon na ginawa ko.
Well, ganun talaga para bongga ang gifts, surprises, and the celebration. Buti nga kasiya siya. Kaya nga lang nakaupo lang siya. Sobrang effort na nun sa kaniya. Hindi naman sila magjowa pero payag siya sa mga pakulo namin.
Para hindi siya mahirapan ay hindi ko muna nilagay yung takip nung kahon tapos nakatayo lang muna siya.
Kinagabihan, mga 7 pm na dumating sina JV.
Patay ang lahat ng ilaw tapos nagtatago kami sa isang kwarto. Tapos si Ivan naman nakatago lang dun sa kahon sa may salas.
Si Belinda naman ay sumunod sa kwarto para magtago rin. Iniwan nilang mag-isa si JV.
In-on ko na yung switch ng mga ilaw sa may front yard.
Hindi siya christmas lights pero parang christmas lights kaso mas malalaki. May mga fairy lights din sa paligid. Sobrang pinaghandaan namin itong pa-18th birthday namin sa kaniya. Kami kasi next year pa. Ang aga niyang nag-aral.
Tapos sumunod yung switch naman sa loob ng bahay.
"Oh, guys! Pagbilang ko ng tatlo, game na." sabi ko.
"One, two, three!" Biglang lahat kami nagmadaling lumabas nung kwarto.
Lahat kami: ako, si Belinda, Mommy, ilang mga kamag-anak, Tita, at Tito ay sabay-sabay kaming bumati.
"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY JV!" sabay may nagpaputok nung confetti and nagsaboy ng mga napulot na confetti.
Grabe sobrang ganda ni JV. Alam kong pinapangarap niya ang ganitong celebration. Yung mukha niya as in na-transform. Putok ang blush on tapos ang pula ng lips niya tapos kilay on flick. Yung dress niya sobrang simple rin pero bagay na bagay sa kaniya. Wala na ‘kong masabi pa.
Naiyak si JV.
"Thank you guys! Grabe kayo." Patuloy siyang humihikbi.
Nilapitan namin siya.
"Don't cry na anak." Sabi ni Tita kay JV.
Pinunasan ni Tito yung luha niya.
"Sige ka masisira yung make-up mo." Sabi ko. "Ang ganda mo bakla. Iba ka na! Nagbago ka na." sabay tawa ko.
"Tara dun muna tayo sa sala. May surprise pa kami sayo." Sabay ngisi ni Belinda.
"Hala, ano yan? Nakakakaba naman." Sabi ni JV.
"Basta. Wait ka lang." sabi ni Belinda.
So lahat kami ay pumunta sa sala.
"Anong napapansin mo JV?" tanong ko.
"May malaking kahon." Sagot niya. "Hala! Anong laman niyan?" tanong niya.
"Dali buksan mo na." excited na sabi ni Belinda.
Dahan-dahang lumapit si Ella sa kahon. Tinanggal niya yung takip.
"Surprise!" masayang sinabi ni Ivan.
"Akala ko ba hindi ka makakaputa?" tanong ni JV.
"So invited talaga siya JV?" tanong ni Belinda.
"Friend ko rin naman siya, ah." Sabay belat ni JV.
"Jusko ang harot mo, bakla." Sabi ko. "Oh siya simulan na ang masayang programa."
So ayun unang nagsalita si Ivan matapos niyang mag-abot ng flowers kay JV.
"Before anything else maupo ka muna dear Princess." Sabi ni Ivan.
"Ay hala ano yan? Isang linggo pa lang magkakilala, oh." Asar ni Belinda sa kanila.
"Nako, maharot talaga. Matinik. Wit wiw." 'di ko nagawang sumipol. Natawa na lang ako sa sarili ko.
“Una sa lahat nagpapasalamat ako na nakilala kita. Nagpapasalamat ako na sinusuportahan mo ‘ko sa mga hangarin ko sa buhay at sa bayan. Salamat kasi 'di mo lang alam pero sa tuwing napupuri mo ko ay tumataas lalo yung paghahangad ko na gumawa ng pagbabago. Salamat at naging kaibigan kita. Ang ganda mo." mensahe ni Ivan.
"Kaibigan lang ba talaga? Nako baka ka-ibigan." Sabi ko.
Hindi ko inaasahan na ganun na pala sila ka-close sa isa’t isa. Ang speed talaga!
"Sana maging successful ka sa buhay mo tapos lagi kang mag-iingat at nawa'y patuloy kang i-guide ni Lord. Thank you sa lahat-lahat. Happy happy birthday!" Sabay niyakap ni Ivan si JV.
"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEE!" sabay-sabay kaming lahat pwera yung magulang ni JV.
Sumunod na nagmensahe ay si Belinda.
"Nako bakla ka talaga." Biglang tumigil si Belinda.
"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" sabi ko.
"Hindi ‘wag ka nga, Deign." Sabay huminga nang malalim si Belinda. "Ano, bes, salamat sa lahat-lahat. Simula nung araw na ni-recruit mo ako sa pagkakaibigan niyo tapos simula nun ay naging mga kalog na bakla na tayo. Thank you sa pagiging magaling kong love guru. Sa tuwing may shineshare ako sayong problema ay napapagaan mo yung loob ko. Salamat sa pagsasamang puno ng kaguluhan." Natawa si Belinda. "Salamat sa lahat ng tawanan ganun, sa lahat ng mga pinagsamahan natin mula sa umpisa tapos pati dun sa pagkilatis mo sa mga boylets ko. Thank you kasi walang sawa mo ‘kong sinusuportahan tsaka ikaw talaga yung nagpapa-intact sa squad natin, yeah. Sobrang thank you talaga sa lahat-lahat lalo na sa love and friendhip." At naiyak na si Belinda. "Basta promise ko sa ‘yo kung ano man ang mangyari ay nandito pa rin ako. Chat mo lang ako, tawagan mo, basta kontakin mo lang ako. God bless pala and take care always. Happy birthday ulit!"
Mahigpit na nagyakapan sina Belinda at JV. Medyo naiyak ako dun sa sinabi ni Belinda at syempre nakakahawa naman kasi na may umiiyak.
Sumunod naman ay ang number one cousin niya na si Beauty.
"Well I will keep this short and simple. Let me start saying happy birthday to you JV babes!" Sabay tumawa silang dalawa ni JV. "De joke lang. Ako mag-e-english? I'll try. Chos." Tumawa ulit si Beauty. "Gusto rin kitang pasalamatan sa lahat-lahat. Salamat sa pagsama mo sa ‘kin sa paghahanap ng boylets tapos pati na rin sa pag-mo-motivate sa akin parati. Thank you for being always there tsaka salamat kasi naging close tayong magpinsan. Tsaka nasabi na nila lahat, eh. Na-record ko naman yung kanila so ulit-ulitin mo na lang. De biro lang. So ayun happy happy birthday ulit at sana mahanap mo na si forever mo achuchu."
Syempre hindi naman ako magpapahuli.
"Pwede bang ano letter na lang? Basahin mo na lang." sabi ko.
"Hindi magmessage ka. Ang daya mo." Belinda.
"Sige na nga." Sabi ko. "Ano bakla... Eh nakakailang long message na ‘ko sa ‘yo. Taon-taon na lang kapag birthday mo ta’s tuwing Christmas. So ayun katulad ng sinasabi ko sa ‘yo, happy birthday, bakla! Ew ang tanda mo na naman. Mas lalo ka tuloy nagmumukhang labandera ko." Sabay tawa ko. "Hindi joke lang. Syempre ikaw ang pinaka-love kong yaya ko." Tumawa ulit ako. "Joke lang ulit bakla ikaw naman 'di na mabiro. Ano, syempre thank you kasi for one another year eh 'di ka pa rin nagsasawang dumikit sa aking tabi tapos mas naging solid yung friendship natin kahit na alam kong ipagpapalit mo ko kay Ivan ‘pag nagkataon."
"Oy hindi, ah." Singit ni JV.
"Sus hindi daw. Pero ayun nga basta alam mo namang mahal na mahal kita. Para na tayong kambal nako. Basta lagi lang din akong nandito and ayan oh magkapitbahay tayo starting next week. Di bale ilang lakad mo lang paglabas mo sa dorm eh nandun lang ako. Bulabugin mo lang ako." Napansin kong umiiyak si JV so naiyak din ako. "’Wag ka nga, bakla. Tumigil ka. Dapat masaya tayo ngayon." Niyakap ko si JV. Sobrang mahigpit. "Happy birthday ulit! Mwah."
Sumunod na nagmensahe yung Mama at Papa ni JV.
"Anak happy birthday!" bati ni Tita kay JV. "Ano patuloy ka lang maging isang responsableng tao at wag kang makakalimot sa itaas. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo."
"Anak ang mahihiling na lang namin sa 'yo ng Mama mo eh yung maka-graduate ka at magkaroon ng magandang buhay. We love you anak." Niyakap nila Tito si JV.
"Oras na para sa kainan!" biglang sinabi ni Belinda.
"Alright! Gutom na gutom na ‘ko." Sabi ni Beauty.
"Edi tara na sa dining table." Sabi ko.
So ayun sabay-sabay kaming kumain at sobrang saya. Ang ingay-ingay namin tapos panay ang asar nina Belinda at Beauty kina JV at Ivan. Grabe halos 'di na nga ako makasubo ng pagkain ko, eh.
"Tita pa’no na po ‘yan ‘pag nalaman niyo pong sila na ni Ivan?" tanong ni Beauty.
"Ay nako aral muna. Dapat maka-graduate muna hanggat maaari pero kung nandiyan ang pagmamahal eh hindi naman ako hahadlang. Basta priorities first. Nandito naman kami ng Papa niya para gumabay." Sagot ni Tita.
"Eh ayun naman pala eh. Edi Tito ano pasado po ba si Ivan?" tanong ulit ni Abie.
"Malalaman natin yan. Kikilalanin pa natin si Iho. Basta ang payo ko lang eh ‘wag magmamadali." Sagot ni Tito.
"Nako tigilan niyo na nga kami ni Ivan." Sabi ni JV. "Magkaibigan lang naman kami ni Ivan kaya chill lang tayo guys."
Nagpatuloy ang kainan at ang mga halakhakan. Tapos ayun inilabas na ang liquor. Nakailang sip lang ako. 'Di naman ako palainom. Tuwing may okasyon lang talaga.
"Salamat JV sa pag-imbita." Sabay yakap ni Ivan kay JV.
"Walang anuman. Salamat at nakarating ka."
"Tsaka ano pakisabi na rin pala kay Tita na ang sarap ng mga niluto niya."
"Ay aba Tita na pala ang tawag, ah." Sabi ko.
"Ah sige, sige makakarating."
"Salamat ulit." Sabi ni Ivan.
"Salamat din!" Balik ni JV.
So after nung masayang dinner ay nauna na si Ivan. Kaming apat naman ay tumuloy na sa kwarto ko.
Nagpalit muna kami ng pajama party outfit namin. Kasama na rin namin si Beauty.
"Oy bakla ano ba talagang meron sa inyo ni Ivan?" tanong ko sabay higa sa kama.
"Wala. Magkaibigan lang." sagot ni JV. "Oh ano bang gusto niyong panoorin?"
"Mga bakla may sasabihin ako sa inyo." Medyo utal na si Beauty nang slight dahil naparami yung inom niya nung liquor. "Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon para sabihin ko sa inyo 'to. Sorry JV kung masisira ko man yung gabi mo."
"Hala ano ba yan bakla?" tanong ni JV kay Beauty.
"Nakakakaba ka naman." Sabi ni Belinda.
"Tungkol ba saan yan?" tanong ko.
"Kasi aalis na kami." Biglang naiyak si Beauty.
"Oy anong aalis kayo? Ba't ka umiiyak?" tanong ni JV.
Niyakap ni JV si Beauty. Pinakalma namin siya.
"Ok lang sabihin mo na. Makikinig kami." Sabi ko kay Beauty.
Hinintay naming lahat na magsalita si Beauty. Sobrang nagulat siguro si JV dun sa sinabi ni Beauty na aalis na sila.
"Kasi hindi ko alam na tinuloy pala nila Mama yung pag-a-apply nila ng petition nila para sa visa. Tapos ayun nakuha na nila yung result and naka-ready na pala ang lahat. Ako na lang ang hindi. I mean 'di ako handa na aalis na kami sa Wednesday." Nagulat si JV.
"Wednesday!" sigaw ni JV.
"Grabe apat na araw ka na lang dito?" sabi ko.
"Ang bilis naman. ‘Wag ka na lang sumama. Hati-hati kami sa pambayad mo sa lahat." Sabi ni JV. "Ang biglaan naman kasi niyan."
"Wala naman akong magagawa, eh. Naka-ready na lahat tapos kung sakali na hindi ako sasama edi ako lang ang maiiwan tapos baka matakwil pa ko nang 'di oras." Patuloy ni Beauty.
"Eh pa’no na yung pag-aaral mo rito?" tanong ko.
"Nag-file na sila ng transcript for transfer. Kasi sa US summer pa naman dun. Akalain mo ba naman na nakaapply na ‘ko sa ilang schools dun. Kaming lahat na magkakapatid." Sagot ni Beauty.
"Eh bakit ba hindi nila sinabi sa 'yo?" tanong ni Belinda.
"Kasi alam nilang ayaw ko. Pero ngayon since wala na nga akong magagawa edi sasama ako." Naiyak ulit si Beauty.
Lahat kami hindi maka-react. For sure nabigla si JV.
"Susulitin natin ang mga huling araw mo rito." Sabi ni JV
"Kahit mag-ldr pa tayo ok lang yan. Basta ang closeness natin ay matatag na. Para sa ‘yo rin naman yan, eh. Iisipin ko na lang na pagbalik mo rito ay kaya mo na kaming ilibre sa mamahaling lugar. Be positive lang tayo." Sabi ni JV.
"Walang makakatibag sa atin."
Nagyakap-yakap kaming lahat. Nag-iyakan na rin kami.
"Ilagay mo kami sa bagahe mo isama mo na lang kami." Pagapatawa ni Belinda.
"Hindi ano kunwari na-kidnap ka na lang sa araw na aalis na kayo." Suggestion ni JV.
"Baliw." Sabi ni Belinda.
"Papasabugin na lang namin yung eroplano na sasakyan niyo." Sabi ko.
"Isa ka pang loka-loka." Sabay tawa ni Belinda.
"Eh, ‘wag ka na kasi sumama." Sabi ni JV.
"Hindi talaga pwede, bakla. Maghihirap ako mag-isa rito. Mamaya makita niyo ‘ko pulubi na ‘ko na namamalimos sa harapan niyo." Napayuko si Beauty. "Sobrang ma-mi-miss ko kayo."
Grabe hindi ko na alam. Sobrang sumasakit ang ulo ko sa mga kaganapan. Halo-halo na yung emosyon ko.
"Ma-mi-miss din kita, Beauty." Napaluha si JV. "Kasi naman ano ba ‘yan matagal akong 'di makakamove-on niyan."
"Grabe talo pa yung mga breaking news sa balita." Sabi ko. "Nabigla mo si JV dun, ah. Akala ko kung ano na yung sasabihin mo."
"’Wag mo kaming kakalimutan kapag umalis ka na ah. ‘Wag kang mag-alala susundan ka namin dun." Sabi ni JV. "Nako tama na ang lungkot-lungkot na ‘yan. We are happy for you Jackie dahil yah US girl ka na rin nako! Basta nako kami ang ‘wag mong kakalimutan."
"Hindi ko pa naman last day nako. Pag-graduate ko uuwi ako, I promise." Sabay nagtaas ng kanang kamay si Beauty.
"Hihintayin ka namin. Kaya ‘wag kang paasa, ah. Ang dami naming umaasa." Sabi ni Ella.
"So ano na ang movie na papaoorin natin?" tanong ko. "Tara inom pa. Joke kayo lang pala."
Nag-movie marathon kami and yah sila inom-inom pa. Ako patikim-tikim galawan lang. Ayoko talaga ng nalalasing, eh.
So ayun mas naging madaldal na kami then maya-maya ayun natulugan na nila ako
So ako natulog na rin ako. Pero hindi ako makatulog. Nanatiling dilat lang yung mga mata ko habang nakahiga. Hindi ako mapakali. May bumabagabag pa rin sa isip ko.
Siguro yung nangyari kanina. Binabagabag ako ng konsensiya ko. Haaaaaaay... hanggang dito ba naman kinukulit ako nung Mr. FC na yun.
Biglang nag-ring yung phone ko.
"Hala alas dos na pala." Sabay binuksan ko na yung inbox.
Mommy: Dear, we're fixing all our things later. We will go tonight to the condo. When you get ready later just wait for me. Sweet dreams, Hon.
So ayun nagreply ako
Me: Yes Mommy. Love you! Ingat po kayo.
Hay maaga pa ko bukas. Tapos practice pa sa hapon. Haaaaay... magiging busy bukas ang aking buhay. Iba talaga kapag sikat. Puno ang sched. Charot!
Tumayo ako at pumunta sa may bintana ng kwarto ko. Binuksan ko yung bintana.
Ang lamig, sobra. Nanginginig ako.
Napatingin ako sa ulap.
Hay, ang ganda talaga ng sky. I always feel comfortable and light. Sobrang nakakapagpagaan ng loob. Kaso eto yung ayoko. Nagiging emosyonal ako.
Hay ayan nag-isip-isip na naman ako. Dinama ko lang yung malamig na hangin.
Hindi ko ma-process ang mga nangyayari. Tapos yung mga magulang ko pati yung bahay namin... Lahat mawawala or malalayo na sa akin.
Pa’no ko sila mapapanatili? Pa’no ko patuloy na mapapanatili yung mga taong nandito pa? Pa’no kung pati sila mawala na? Hay tama na Deign. Maaga ka pa mamaya.
So ayun sinarado ko na yung bintana at bumalik na ‘ko sa pagkakahiga ko
"Oh bakla ba't gising ka pa?" tanong ni JV.
"Hindi ako makatulog eh." Sagot ko.
"Teka mag-cr lang ako, ah."
"Sige sige."
Pagkabalik ni JV galing sa CR ay tinabihan niya ako.
"Ano ba’ng iniisip mo?" tanong niya.
"Yun na nga, eh. Hindi ako sure kung anong dahilan ba't 'di ako makatulog. Siguro dahil sa nangyari kanina."
"Ano ba’ng nangyari kanina?" tanong niya.
"Eh kasi ano kung ano-anong nasabi ko kay Mr. FC. Nasaktan ko ata feelings niya."
"Hala nako. Humingi ka na ba ng tawad?"
"Hindi nga, eh. Pero balak ko siyang kausapin mamaya."
"’Wag mo nang balakin. Kausapin mo na."
"Sabagay mag-pa-practice naman kami mamaya, eh."
"Oh siya itulog mo na lang ‘yan."
"Oo na bakla. Matutulog na po."
"Good night!" sabay pikit ni JV.
"Good night!"
And natulog na ‘ko.