Chapter 18: Good Friends
Deign’s POV
Pinuntahan ko si Belinda sa may Ylagan Hall nung vacant period na namin. Tabi kaming umupo sa may likuran nung hall. May paikot sa hall na mauupuan dun na may mga halaman na nakatanim. Parang pant box pero nakapalibot sa buong Ylagan hall.
"Oy bakit hindi ka sumasagot?" tanong ni Belinda sa akin. “Nauna na ‘ko rito pagkatapos ko bumili sa cafeteria.”
"’Di ba nga na-confiscate yung cellphone ko. Kasi naman dinaldal ako ni Mr. FC. Edi hindi ko na nabasa yung message ni JV. Eh sa sobrang gusto ko nang mabasa edi ayun nilabas ko yung phone ko tapos nahuli ako." Paliwanag ko. "So mamaya kakausapin ko na siya na sa may gate ko pa rin siya hihintayin. Kahit na wala ka ay itutuloy pa rin namin. Kasi sayang ang plano ganun. Pero baka umayaw pa rin siya. Tignan natin mamaya.”
"Ok sige." Sagot ni Belinda.
"At eto pa ang isa pang balita. Feeling ko nabulilyaso na yung actingan natin." Sabi ko.
"Bakit naman? Anong nangyari?" tanong ni Belinda.
"Dahil na naman kay Mr. FC." Sagot ko.
"Nako ah hindi na ko natutuwa sa taong yan. Bakit ba? Anong nangyari?" wika ni Belinda.
"Kanina pumunta raw sa room si JV nung time na tayong dalawa ang magkasama tapos si Mr. FC yung nakausap niya. Ang sabi ba naman, ano, magkasama raw tayong dalawa tapos mukhang nagpunta raw sa cafeteria. Edi ayun baka pinuntahan tayo sa cafeteria." Kwento ko.
"Sa tingin mo ba nabuko na tayo?" tanong ni Belinda.
"Hindi ko sure. Baka napakinggan tayo or baka naghihinala na siya. Basta ewan ko. Pupuntahan ko siya. Ta-try kong isalba."
"Mabuti pa nga. For sure nasa plant box lang yun." Sabi ni Belinda. "Nako ‘pag nasira 'tong plano, ano na ang gagawin natin mamaya?" Sabay tanong niya.
"Edi tuloy pa rin pero hindi pa rin ibubunyag yung malupit na sikreto." Sagot ko.
"O sige, sige. Just go with the plan, ah." Paalala niya
"Tara labas na tayo." Yaya ko. “Balik na tayo sa room or daanan ko muna si JV.”
“Ikaw ang bahala.”
Umalis na kami sa Ylagan Hall. Naabutan namin sa plant box si JV na nag-iisa at mukhang napakalungkot ng awra niya.
"Ano mauna na ako sa room. Ikaw na bahalang kumausap, ah." Sabi ni Belinda.
"Ok kaya 'to." Sabi ko.
Huminga muna ako nang malalim tapos napahinto ako ng mga ilang segundo bako ko siya nilapitan. Kinakabahan talaga ako.
Lumapit na ako sa kaniya. Bigla siyang tumayo tapos ay akmang aalis.
"Bakla sa’n ka pupunta?" tanong ko.
Nako eto na nga ba ang sinasabi ko. Humanda talaga sa ‘kin 'yang FC na yan. Nasayang pa yung acting-acting ko. Grabe 'di ko na talaga alam. Basta nako galit ako sa kaniya.
Hindi sumagot si JV. Hinawakan ko siya sa braso niya.
"Oy bakla anong meron?" tanong ko ulit.
"Bakit kayo magkasama ni Belinda?" tanong niya. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.
"Kailan? Saan?"
"Grabe bakla nagmamaang-maangan ka pa diyan."
"Bakla nag-usap lang kami." Paliwanag ko.
Sana masalba ko pa yung plano. Please Lord.
"Pero masaya kayo. Tumatawa pa. Tapos ang saya-saya niyo pa." Humarap sa akin si JV.
"Hindi kami masaya. Nag-uusap lang kami. Syempre gusto ko rin namang maayos 'to kasi para sa ‘yo na rin."
"Alam ko na lahat bakla. Na trip niyo lang ang lahat. Na hindi naman talaga totoong nag-aaway kayo."
"Umamin na sayo si Belinda?" tanong ko.
"Hindi. Ayun nag-ro-roleplay pa rin siguro siya. In character pa rin siya."
“Bakla, sorry na. Pang-surprise lang sana namin sa ‘yo. Kaso wala na. Sinira nung walang hiya na ‘yun."
"Naiintindihan ko naman, eh. Salamat sa effort. Kahit na naging absent ako sa ilang subjects natin. Nako bakla balak niyo pa kong paiyakin, ah." Sabay ngumiti si Ella.
“Sorry na. Wala namang ganap, eh. Hindi maaapektuhan ang grade mo niyan. Dito lang kami.”
“Alam ko naman ‘yun. Tsaka ayos lang. Pero kung may na-miss talaga akong gawain, lagot kayo sa akin.”
"So hindi ka na galit?" tanong ko. "Ngumingiti ka na."
"Hindi naman ako nagalit, bakla. Natawa nga ako, eh. Sinakyan ko naman yung trip niyo. Galing mong umarte, ah. Paniwalang-paniwala mo ako ah."
"Syempre bakla dapat pang best actress ang acting-an." Tumawa kaming dalawa. "Grabe kaya awang-awa kaya ako sa ‘yo."
"Grabe ka, eh. Pero seryoso ang totoo nung away pakulo niyo, ah."
“Edi kailan mo nalaman na loko lang lahat?” tanong ko.
“Nung kay Grey nga. Pero ‘wag mo na siya sisihin.”
Hay, eto na. Wala na talaga. Sira na ang plano. Pa’no na kaya 'to? Pa’no na yung mamaya?
"Tara puntahan na natin si Belinda sa room." Sabay hila ko kay JV. "Ibuking mo na sila. Kunwari galit ka. Lokohin natin dali."
"Ay gusto ko yan, bakla. Tara na. Ibabalik ko sa kaniya lahat. Tapos ikaw humanda ka rin nako. ‘Pag ako nakaganti sayo hmmm." Pagbabanta ni JV.
"Sige ah hihintayin ko ‘yan." Sabay taas ko ng kilay sa kaniya.
Lumakad na kami papunta sa room. Hinanap namin si Belinda tapos nilapitan namin siya.
Kunwari, ano, down ako tapos yung tipong malungkot na hindi na alam ang gagawin.
"Alam ko na ang lahat." Pambungad ni JV.
Ang lakas makateleserye ng ganap niya.
Tumingin sa 'kin si Belinda na takang-taka. Sumisenyas-senyas pa siya. Ano raw ang nangyayari. Hindi niya raw maintindihan.
"Alam na niya." Bulong ko.
"Wala na alam mo na. Haaaaaaaay! Sayang. Bugbugin na nga natin yang Mr. FC mo." Sabi ni Belinda.
"Teka magagalit pa dapat ako, eh." Singit ni JV.
"’Wag na. Pampahaba lang ‘yan ng storya. Kain na lang tayo ulit." Yaya ni Belinda.
So ayun sinabayan na naming kumain si JV dahil naudlot ang pagkain niya.
After namin kumain ay dumiretso na ‘ko sa library tapos silang dalawa naman ay nag-cr na muna. Maghahanap na agad ako ng table namin since ang daming gumagamit ng library.
Mas sinungitan at inisnob ko pa si Mr. FC. Pwede naman kasi sana niyang sabihin na hindi niya alam o wala siyang alam.
"Uy sorry na. Hindi ko naman alam, eh." Nilapitan pala niya ako. Ang lakas ng loob, ah.
"’Wag ngayon. Wala ako sa mood. Tigilan mo ko." sabi ko.
"Sige. Pasensiya na ulit." Lumayo na lang siya.
So after one hour ay lumabas na kami ng library.
Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako para maihanda ang bahay at baka marumi pa. So si Belinda ay hinintay na makakuha muna ng gamit si JV mula sa dorm nila. Tapos susunduin sila ng sasakyan nila Belinda. At doon na niya sisimulan ang plano. Mukhang hindi na namin mahihintay ang gabi dahil sira na rin naman ang plano. We will just go all in.
Well, syempre dapat bongga ang birthday celebrant. Mula sa suot hanggang sa make up and everything. Si Belinda, ayun, magaling mag-braid and stylist din. Tapos ang kapatid naman niya ang magaling mag-make up. Kasama na rin yung mga ahitan ng kilay ganun and some other art.
Ako naman, ako ang bahala dun sa mga palamuti sa bahay. For a week ay pinagtutulungan namin ni Mommy ang pagplano at paglalagay ng mga palawit, poster, mga halaman, tapos mamaya ay yung lobo. Tutulungan ko yung Mama at Papa niya dahil pupunta rin sila sa bahay. Nasabihan na kami ng Mama niya dun sa gc. Pero bago ang lahat may kikitain muna akong tao.
Pumunta na ‘ko sa may gate ng school.
"Hala ang tagal naman nun. Akala ko nauna na siya."
Maya-maya ay may papalapit na lalaki. Si Mr. FC.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Hingal niyang sinabi.
"Oh, problema mo?" sabi ko.
"Yung Library ID mo naiwan mo so hinanap kita." Sabay abot sa kin nung ID.
"Yun lang?" tanong ko.
"Oo."
Nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"Wala man lang thank you?"
Aba ang lakas.
"Thank you sa pagsira nung surprise namin. Ayan, masaya ka na? Eto gusto mo ‘di ba mukha akong dragon parati. Pwes! Ayan solved ka na ba?"
'Di siya makasagot.
"Umalis ka na nga sa harapan ko. Handa naman akong tulungan kang umamin, eh."
"Umamin na ano?"
"Umamin sa tunay mong pagkatao. Hindi mo naman ako kailangan away-awayin para lang masigurado mong hindi ko ipagkakalat yung totoong pagkatao mo."
"Hindi kita maintindihan."
"’Di ba bakla ka? Oh edi tara i-announce na natin para hindi mo na ko guluhin pa. Panira ka, eh."
"Grabe ka. Ang sakit mo magsalita. Nag-sorry naman ako, ah. Tsaka hindi ko rin naman alam ‘yun at lalong hindi ako bakla." Sabay alis niya.
Nasampal ko ang sarili ko.
Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi na ikaw yan Deign. Ang rude mo na masyado. UGHHHHH Humingi ka ng tawad.
Gusto ko sana siyang habulin at kausapin pero dumating na yung inaantay ko. ‘Pag nagkita na lang kami bukas kakausapin ko siya. Sobrang disappointed ako sa sarili ko.
"Oy Deign bakit mo ‘ko pinapapunta dito?" tanong ni Ivan.
Hala baka nasaktan ko talaga yung feelings niya. Sobrang ang sakit mo magsalita, Deign. Bakit ba ang sama-sama mo sa kaniya? Mabuti naman siya sayo, ah. Nitong huli nga lang.
"Uy! Ano na?" tanong ni Ivan.
"Ay, sorry. Ano, pwede bang isasama ka namin sa bahay namin? Isa ka sa mga surprise namin ganun. After ng hapunan ano pwede ka na umuwi." Paliwanag ko.
"Ok lang sa 'kin. G ako."
"Ok. Thank you!" sabay ngiti ko. "Pero syempre dapat naka-costume ka. May coat ka ba or anything formal or semi-formal?"
"Meron naman."
"Text na lang kita sa address ng bahay namin. 5 pm dapat nandun ka na, ah."
"Sige. Makakaasa ka."
So ako pumunta na ko sa bahay namin para tulungan na sila Tito't Tita sa mga iniwan ni Mommy na hindi natapos.
Nag-ayos muna kami nung bahay tapos ayun decorations and all. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nagawa ko kanina. Yung mga nasabi ko kay Mr. FC kanina.
Ang tabil kasi ng dila mo, Deign. Nako humingi ka talaga ng tawad sa kaniya.
So ayun prepared na yung mga pagkain tapos maayos na rin ang lahat. Sila JV at Belinda na lang ang hinihintay pati si Ivan na pinapapunta namin.