Chapter 26: Calling
Grey’s POV
Hay sa wakas! Tapos na ang unang linggo ng klase. Pero nakakalungkot rin kasi tapos na ang unang linggo ay ‘di pa rin umuulan. Grabe na talaga ang pagbabago ng panahon ngayon. Parang summer pa rin. Climate change is real!
Naibigay na rin pala sa amin ang mga transcript namin ng Grade 11 para makapag-apply kami sa mga universities. Buti na lang at lahat ng grades ko ay line of nine kaya naman labis ang tuwa at galak na nadama nila Ate Linda, Kyle, at Jen. Kasama na rin ang buong tropa. Magsabi lang daw ako kung ano ang gusto ko at ibibigay nila. Nakarating ‘yun sa foundation namin at sobrang saya rin nila para sa akin. Pero wala akong sinabi kung ano ang gusto ko. Ewan ko ba kung bakit, siguro wala lang talaga akong ibang gusto kundi ang makuha ang kaniyang matamis na oo. Joke. Pero pwera biro, hindi ko alam kung ano pa ang gusto ko.
Nung pag-uwi namin ko sa bahay galing sa school ay naabutan kong nanonood ng balita si Ate Linda.
“At sa wakas ay idineklara na ng PAG-ASA ngayong araw na ang araw na ito ay ang OFFICIAL RAINY SEASON. Samantala naman ay may namataang bagyo sa 450 km east southeast ng Calatagan, Batangas. Nakataas ngayon ang signal number 1 sa CALABARZON.” Report mula sa balita sa TV.
"Ibig sabihin mataas ang chance ngayong araw na uulan?" tanong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko si Deign.
Grey: Deign free ka ba today?
Deign: Ahhh sa hapon lang. Kasi mamaya magdi-dinner date kaming dalawa ni Mommy.
Grey: Ahhh so pwede ka ba mamayang 1:30 PM?
Deign: Yah. Bakit? Anong meron?
Grey: Manlilibre ako.
Deign: Talaga?! Bakit?
Grey: Manlilibre ako kasi mataas grades ko at nasa top ako. Tapos wala lang din. Gusto lang kita makasama.
At eto na naman po ako sa mga bagay na bigla kong nasasabi.
Deign: Wew. Gusto mo lang ipagmayabang sa akin yang grades mo, eh.
Grey: Sus, anong ipagmamayabang ko sa ‘yo kung sobrang mas matataas naman ang grades mo kumpara sa akin. Sige hihintayin kita mamayang 1:20 sa tapat ng bahay niyo.
At ibinaba ko na yung phone. Pagkatapos ay pinuntahan ko na si Ate Linda para magpaalam na aalis ako.
"Ate! Pwede po ba na mag-pareserve ka po dun sa restaurant natin ng table for 2?" tanong ko.
"Bakit anak?" tanong ni Ate sa akin.
"May meeting lang po kami. Doon na lang siguro kami."
"O sige. Anong oras ba?"
"1:30 PM po today."
“Sige ako na ang bahala. Tatawagan ko na.”
“Thank you, Ate!” At nginitian ko siya sabay umakyat ulit ako sa kwarto ko para maghanda at mag-ayos ng susuotin.
Deign’s POV
Pagkatawag ni Grey ay nag-ayos na agad ako ng sarili ko. Pumili na ako ng damit na isusuot ko. Nabigla ako sa yaya niya sa akin. Ngayon niya lang ginawa ‘yun. Yung yayain ako habang wala kaming pasok. Kasi madalas ay naggagala kami kasama si JV after class every Friday.
Kaya todo halungkat ako sa closet ko. Sumagi lang sa isip ko na dapat ay magsuot ako nang maganda. Na paghandaan ko ito kahit na hindi ko alam kung para saan. Ang napili ko ay yung white na cocktail dress na bigay sa akin ni mama.
So naligo ulit ako. Pagkatapos nun nagbihis na ako at nag-ayos na ng buhok. Sakto 1:20 na kaya lumabas na ako ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay may nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kulay White yung sasakyan. Kasing puti ng dress na suot ko. Matapos kong makita iyon ay naglakad ako papalapit dun sa may sasakyan. At pagkalapit ko ay biglang umandar na lang ito at umalis.
"Paasa naman oo oh! Ang ganda na ng paglakad ko ehh."
Pag kaalis nung sasakyan ay may dumating naman na blue na sasakyan at saktong pumarada ito sa tapat ng bahay namin at saktong sa tapat ng kinatatayuan ko.
Biglang may bumukas na pintuan at nakita kong si Grey yung bumaba ng sasakyan. Ngayon ko lang siya nakitang ganitong kabihis na bihis. Nakataas ang buhok at litaw na litaw ang nunal niya sa noo. Napaka gwapo niya. At lalo pang lumutang ang kakisigan niya dahil sa suot niyang gray na checkered na polo.
Naramdaman kong nagba-blush na ako.
"Aba bihis na bihis tayo ngayon ahh. Ang pogi mo sa suot mo." At lalo pa akong nagblush.
"You're so beautiful with your white dress." Sabi ni Grey.
Hala! Mahuhulog na ata ako! Saluhin mo ako Grey!
At hinawakan na niya ang kamay ko at inilalayang pumasok sa loob ng sasakyan.
"Ikaw ang magda-drive?" tanong ko kay Grey.
"Yup." Sabay pakita niya sa akin ng student's driver's license niya sa akin.
"Nako! Wala na talaga akong masabi sa'yo."
Habang nag-d-drive si Grey ay pinipigilan kong mag-blush at pinipigilan kong mapatitig sa kaniya dahil napansin kong patanaw tanaw siya dun sa rear view mirror. Hindi ko na talaga mapigilang mapatingin sa kaniya dahil ang hot niya tignan habang nagdadrive siya. Para na siyang isang ganap na lalaki. Tapos nakashades pa siya habang nagdadrive. Hay heaven... Ito na ang pagkakataon ko. Manlilibre na siya. The first move is mine.
At nakarating na kami sa pupuntahan namin. Inakala kong sa mall kami pupunta pero hindi pala. Ngayon lang ako nakapunta sa restaurant na ito. Kung titignan mo sa labas ay mukhang napakamamahalin dito at paano pa kaya yung loob edi super ganda na doon.
"Bakit dito tayo kakain?" tanong ko.
"Bakit, san mo ba gusto?"
"Bakit ako ang tinatanong mo eh ikaw naman ang manlilibre."
"Eh yun na nga eh. Leave it to me." Sabay nag 'bang-bang' siya.
Oh no! Ang cute niya don. Nako sasabog na ata itong puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Grabe ka na Grey! Makakaganti rin ako.
At pumasok na kami sa loob ng resto. At di nga ako nagkamali na super ganda sa loob. Sobrang kintab ng turqouise na tiles at ang pagkakaayos ng buong resto ay vintage hollywood. Ang lakas maka A Walk to Remember.
"Mr. Grey! Your reservation is a table for two. This way please." Sabi nung waiter.
Ahhhhhh! Ang gugwapo ng mga waiter dito. Puro kamukha ni KJ. At lalo pa akong nagblush. Ewan ko ba kung bakit di pinapansin ni Grey yung pagbablush ko. Pero mabuti na rin yon at least di kami awkward.
At nakarating na kami sa table namin at sabay upo.
"Here's the menu ma'am and sir." Sabay bigay nung menu list sa amin nung waiter. "Just call me up if you're order is ready." At sabay alis yung waiter.
"Pano mo nalaman ang lugar na'to?" tanong ko kay Grey.
"Kami ang may-ari nito."
"Talaga?! Weh, di nga?"
"Kami nga." Sagot niya. "So ano bang gusto mong kainin?"
"Quarter pounder with cheese at bacon with fries."
"Yun lang?"
"Aba edi dagdagan mo pa ng salmon, steak at baby back ribs."
"Dessert?"
"Krushers na lang wag na dessert."
"Okay." At tinawag na ni Grey yung waiter at sinabi na niya ang order namin.
"Kanina pa ako nagtataka. Diba manlilibre ka? Bakit kailangan ganito?" sabi ko.
Napatingin ako sa labas. Umuulan na pala. Ewan ko ba pero biglang kinabahan si Grey. Para siyang naiihi na hindi naman.
"Ay nako sabi ko na nga ba uulan eh. Ang init init sa labas." Dagdag ko.
"May gusto sana akong sabihin sa iyo." Sabi ni Grey.
"Ako rin may sasabihin sa iyo." Sabi ko.
At nagsimula na akong kabahan.
"Tungkol saan ang sasabihin mo?" tanong ko kay Grey.
"Eh ikaw tungkol ba saan sasabihin mo?" binalik niya ang tanong sa akin.
"Ikaw ang una kong tinanong ah."
"Eh sagutin mo muna tanong ko sa'yo." Sabi ni Deign. "Sabihin mo na kasi."
Hindi ako makaimik. Grabe na yung kaba sa loob ko.