Chapter 25: Signs
Deign’s POV
Pagkagising ko ay ang una kong inatupag ay yung sss ko. Binuksan ko kaagad yung account ko at binati ko si JV.
“HAAAAAAPPPYYYYY BBBBBIIIIIIRRRRRTTTTDAAAAAAYY JAAAYVEEEEEE!!!!! *insert balloons here* Stay strong kayo ni JC.”
Ayan ang pinost ko para sa kaniya. Grabe, parang kailan lang nung ginawan namin siya ng surprise debut. Nakaka-emotional tuloy bigla. Ang saya-saya namin nung panahong iyon. Naalala ko rin tuloy si Belinda. Nakaka-miss siya. Sana ay ayos lang siya at masaya. Sana magkita ulit kami sa susunod.
At biglang ni-like na ni Jayvee yung post ko sa timeline niya at nag-comment siya ng “thank you very much *insert kiss mark*”
"Ay oo nga pala. Ma-post nga yung picture namin ni Grey." At sabay post ko nung picture namin as status.
So papuntang school ay syempre as usual ay kasabay namin ulit si Grey. Ganun pa rin. Hirap kaming mag-usap. Ano nga naman ba dapat ang pag-usapan namin?
Pagdating namin sa school ay agad kaming nag-ayos. Naglagay kami ng lobo sa buong classroom at sinarado na namin ang ilaw at ang pinto at nagstay kami sa 2nd floor. Kinuntsaba na lang namin si Kuya Guard na i-text kami kapag nandiyan na siya.
After ilang minutes ay nag-text na si Kuya Guard.
"Guys! Nandiyan na daw siya." sabi ko. "punta na tayo sa classroom."
At pumunta na nga kami sa classroom.
Pagpasok namin ay nakita namin si Jayvee na natutulog sa desk niya.
"Okay guys! 1! 2! 3! Go!"
At kinantahan na namin siya ng Happy Birthday, Maligayang bati, at ng happy birthday in Nihonggo.
"Hala guys! Maraming salamat sa pag-aabala." Tuwang tuwa si JV.
"Syempre ikaw pa! Kaibigan ka namin, eh." sabi ni Grey.
"At wait! There's more!" sabi ko.
At ibinigay na namin ni Grey yung regalo namin sa kaniya at ipinasok na rin sa loob ng room yung dalawang layer na cake.
"Maraming maraming maraming maraming salamat talaga sa lahat-lahat!!!" napakasayang pasasalamat ni JV. "Ano? Bubuksan ko na ba 'tong regalo niyo?"
"Ikaw bahala." sabi ni Grey.
"Sige buksan mo na." sabi ko.
"I-blow mo kaya muna yung candle." sabi ni Grey.
"Mabuti pa nga." sabi ko.
At binlow na ni JV yung candle at pagkatapos nun ay binuksan na niya yung regalo.
"Nako salamat sa regalo niyo. Bagay na bagay talaga kayo!" sabi ni JV.
At nagkaroon na naman ng saglit na katahimikan.
"Tara! Kainin na natin yung cake." Yaya ni Grey.
***
Grey’s POV
At habang kumakain kami ng cake ay nag-usap kami ni JV.
"Uy ano? Sasabihin ko na ba? Tatanungin ko na ba siya?" tanong ko kay JV.
"Hingi ka na lang ulit ng sign kay Lord. Yung kapag nadulas ka aaminin mo na. Yung mga ganun ba." Suggetion niya.
"Oo nga ‘no!"
"Anong aaminin?" biglang tanong ni Deign.
"Ah aaminin na sa'yo ni -" putol na sabi ni JV.
"Ang ingay naman ng mga tao ngayon." Sabi ko. "Ah wala yun. ‘Wag mong intindihin yung sinabi ni JV."
At nanahimik na lang si Deign.
So humingi ulit ako ng sign kay Lord. Kapag umulan ay aaminin ko na sa kaniya ang lahat. Ang simple hindi ba? Pero what are the chances na umulan kapag magkasama kami randomly. At least, alam ko sa sarili ko na gagawin ko one of these days dahil hindi imposible.
***
Deign’s POV
Naalala ko tuloy yung coversation namin ni Daniel.
Si Daniel nga pala yung kaibigan ko na hindi ko madalas nakakausap in person pero ang daldal namin sa chat parati. Kaklase rin namin siya pero hindi ko nalalapitan madalas dahil syempre sila JV at Grey ang kasama ko. Naging close kami dahil sa mga groupings.
Deign: Uy friend may something akong naramdaman kanina nung nasa mall kami ni Grey.
Daniel: Ano naman yun?
Deign: May sparks! Tapos kinilig ako nung nagwink siya sa akin. Nako grabe naging kamukha niya tuloy yung sa K-drama na Pinocchio yung lalaki dun.
Daniel: Bakit di mo na lang siya layuan at tuluyang kalimutan.
Deign: Bakit ko naman gagawin ‘yon?
Daniel: Para ‘di ka na mahirapan pa at sigurado akong ‘di ka magiging masaya sa kaniya.
Deign: Teka! Ano ba ang nangyayari sa iyo hah?
Daniel: Nagkakaganito ako dahil sa iyo.
Deign: Dahil sa akin?
Daniel: Buong dalawang taon naging love adviser mo 'lang' ako. Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo na I like you at kamakailan lang naging I love you na iyon pero simula nang dahil diyan kay Grey ay nabaliwala na ang lahat. Na friendzoned na lang ako.
Deign: May gusto ka sa akin? Kaya pala pilit mo kaming pinaglalayong dalawa.
Daniel: Oo meron! Inaamin ko! Alam ko pagkatapos nito ay mag-iiba na ang lahat. Ang pakikitungo mo sa akin at ang pagkakaibigan natin ay masisira na. Ang tagal kong nagpakatanga sa 'yo. Pero buti na lang at kaya kitang kalimutan. Makakalimutan din kita. Buti na lang at hindi tayo nag-uusap nang madalas sa personal.
At binaba na ni Daniel ang telepono.
All this time itinatago niya lang ang lahat sa akin. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung mapagkunwaring tao. Pero naaawa ako para sa kaniya. Natiis niyang lahat ‘yun. Siya ang isang patunay ng isang tunay na kaibigan. Handang itago o baliwalain ang nadarama para lang hindi masira ang pagkakaibigan. Pero naka-relate ako sa kaniya dahil ganun din ang ginagawa ko kay Grey. Kinikimkim ko lang ang lahat. Paano kung isang araw ay matulad na lang ako sa ginawa ni Daniel.
At kinagabihan ay nagdasal ako kay Lord.
"Lord. Kapag nanlibre si Grey, ako na ang gagawa ng first move."
At natulog na ako pagkatapos ko magdasal.