Chapter 42

1011 Words
Chapter 42: What Are Friends For? Deign’s POV Normal Day in my Calendar of Events Kinabukasan sa school... Agad akong nilapitan ni Gale. "Hello friend!" masayang bati niya. "Do you have powder?" tanong niya. "Yes I have." Sagot ko. Sabay kuha ko sa bag ko nung pulbos at binigay ko sa kaniya. "Girl! May concert ang 5SOS sa September!" tumili siya. "Kailangan nating makapunta." Ahhhhhhhh!!!! May concert daw ang 5SOS! Oh, my Luke Hemmings. "Sige game ako diyan!" "And wait there's more! May concert din si Taylor sa September!!!!" "Aba! Kapagsinuswerte ka nga naman." Sabi ko. "Pupunta tayo ahh!" "Basta libre mo!" sabi ni Gale. "Yun lang!" At tumawa kaming dalawa. Nung mga oras na iyon ay I sense something fishy. Parang may nag-uumpisa ng umalingasaw. At pumasok na kami sa first class namin. Katabi ko si Gale sa lahat ng klase namin at napansin kong meron siyang tinititigan. One time sa Marketing class namin ay nakita ko siyang tulala. So tinignan ko kung saan siya nakatingin. Pagkakita ko ay nakatingin siya sa kaklase naming gwapo. "Aba te. Umiinit dito sa classroom. Nakabukas ba talaga yung aircon?" sabay paypay niya. At pinagpapawisan na si Gale. Para bang sa isip niya ay hinuhubaran na niya yung lalaki. "Oy! Ano na 'yang iniisip mo?" tanong ko. "Ay wala! Iniisip ko lang yung sagot sa tanong ni sir." "Hindi mo makikita ang sagot sa kaniya." "Malay mo ibulong niya." Kinilig si Gale. "Eh wala namang tinatanong si Sir eh!" "Ganun ba? Akala ko nagtatanong siya. Panay uga kasi ng ulo niya eh." Natawa ako. "Kasi naman kapag nagsasalita 'So you are passing your paper tomorrow', sabay alog ng ulo. Kulang na lang ipalit ko na yung ulo niya dun sa bulaklak sa plants vs. zombies eh." Paliwanag niya. "Tignan mo naman oh. Kamukha na niya tuloy yung kabayo sa MV ni Taylor. Panay ang pagnguso." "Wag mong ibahin yung topic!" sabi ko. "Bes. Wag kang maoofend ah. May itatanong ako sa'yo." Mahina kong sinabi. "Ano 'yon?" tanong ni Gale. "Kasi napapansin kong pinagpapawisan ka sa lalaki at ang mga type mo lalaki." "Diretsuhin mo na kasi ako friend." "Bading ka ba?" bigla kong tanong. "Oo friend eh. Pero wag kang maingay ah. Kapag bading ka kasi dito mas lapitin ka ng bullying." "Sayang ka naman! Ang gwapo gwapo mo pa naman!" "Nako ewan ko nga eh. Nung bata kasi ako lagi akong binibilhan ng mommy ko ng barbie dolls tapos lagi niya akong binibilhan nung mga damit pamalit para sa mga dolls. Binilhan niya rin ako ng kitchen set, parlor set, at make-up set. Pagkatapos nun ay nahilig naman ako sa pag-aayos ng buhok, dress, gowns, nail art, heels, at mga pageant like Miss Universe." “Ah kaya pala!" sabi ko. "San ka ba lumaki? Sa Pilipinas o dito?" tanong ko. "Dito." Sagot niya. "At ikaw lang ang nakakaalam nito. Since birth tinatago ko na'to sa lahat ng tao. Pero alam din naman ng family ko." "Eh malamang expected na nila yun." "Siguro nga." Sabi niya. "Uy secret lang yun ah!" "Ako pa! I can keep secrets. Cross my heart hope you die." "Bakit ako?" tanong ni Gale. "Hope to die kasi." "Alangan namang ako ang mamatay. Ayoko nga no." sagot ko. "Tignan mo oh. Ikaw na nga nagsabi eh." "Hay nako!" sabay hawi niya ng buhok niya. "Pwede ba akong sumama sa'yo sa bahay niyo?" "Bakit naman? Ano namang gagawin mo sa amin?" tanong ko. "Wala kasi akong kasama sa bahay. My parents are both in their business trip so there's no one left in the house." Paliwanag niya. "Okay sige." Pagkatapos ng last subject ko ay nagtext si Luke. Hon. I can't fetch you today because I still have two more subjects to take up this day. I'm so sorry. Just take a taxi if you're going home na. Nakibasa si Gale ng text. "Hon?!" tanong niya. "So 'yan ba yung fiance mo?" "Yup. Hindi niya raw ako masusundo so magtaxi na tayo." "Nabasa ko nga. May mata ako no." "Bakit, sinabi ko bang wala?" At pumara na ng taxi si Gale at umuwi na kaming dalawa sa bahay. "Shet! Di mo naman sinabing nakatira ka pala sa palasyo!" malakas na sinabi ni Gale. "Anak ka ba ng may-ari dito?" "Yup." Sagot ko. "May problema ba?" "Akala ko kasi kabayo ka dito tas natutulog ka sa kwadra." Sabay tawa ni Gale. "Aba! Ako pa nilait mo ah!" "Syempre joke lang!" bigla niyang sinabi. " Ito naman di na mabiro." "Tara pumasok na tayo sa loob." Pagpasok namin sa loob ay halos mapalaglag yung panga ni Gale sa sobrang pagkamangha niya. "Your house is very elegant, wonderful, and very rich." Describe ni Gale. "Kayo ba talaga may ari nito? Napakayaman niyo talaga kung ganon!" "Kami nga! Kulit nito ah." Sabi ko. "Oh, ano ng gagawin natin? Ano na'ng gagawin mo dito?" "Kasi naisip ko lang naman talagang tumambay dito. Kesa naman sa bahay na nganga ako all day. At least dito may makakausap ako noh." Paliwanag ni Gale. "So kausap lang pala hanap mo. Bibigyan kita ng limang piso at lumabas ka na rito para bumili ng kausap mo!" sabi ko. "So harsh mo naman teh!" "Biro lang din." Sabay peace sign ko sa kaniya. "May naisip na ako!" "Ano naman yun?" tanong sa akin ni Gale. "Siguro magswimming na lang tayo." "Wag na. Yung naisip ko na lang." Sabi ko. "Eh ano nga kasi yun. 'Tong labanos na 'to." "Ang naisip ko kasi, magmovie marathon tayo." "Ay nako teh! Nandito ako para magsaya." Sabi ni Gale. "Alam ko na! Gawin na lang natin yung ginagawa ko kapag nabobored ako. Lalagyan kita ng make up!" At nung sinabi niya yun ay may naalala na naman ako. Sumakit ng konti ang ulo ko pero hindi ko 'yon pinahalata kay Gale. "Magmomodel modelan tayo!" "Hindi na tayo bata Gale." Sabi ko. "Marami pa namang ibang pwedeng gawin ah." "Tong kala mo kung sinong napakaganda, napakaarte! Ako rin naman lalagyan mo no." paliwanag niya. "Sino magiging judge?" tanong ko. "Yun lang." "I can be your judge!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD