Chapter 41: Semi-bonding
Deign’s POV
Starting-to-become-special day
Pagkatapos namin kumain ni Luke ay umalis kami ng bahay. Sumakay kami sa kotse niya at siya ang nagdrive.
"Teka. Nasa Pilipinas ba tayo o hindi?" tanong ko kay Luke.
"No we're not. We're in United States."
At napaWOW ako. Is this real? Hindi ba ako nananaginip? Nasa America ba talaga ako? At kinurot ko ang sarili ko.
"Aray!" wika ko. "Di nga ako nananaginip!"
At tumingin lang ako sa mga tanawin. Kumbaga sa Pilipinas ay parang nasa probinsya kami. Napakaganda nung beach na nadaanan namin. Parangg gusto ko tuloy biglang magswimming.
"San mo nga pala ako dadalhin?" tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Suplado!" sabi ko sabay taas ng kilay ko.
"Can you please stop asking questions." Pakiusap ni Luke.
"Aba! Tong taong to!" Grrrrrrr...! Nakakapanggigil siya ah!
At nakarating na kami sa kung saan niya man ako balak dalhin.
"Tailoring shop?" tanong ko. "Anong gagawin natin dito?"
"Your father gave me a favor. He wants me to bring you here so that your uniform will be sewed already." Paliwanag sa akin ni Luke.
"Marunong ka ba magtagalog hah?" tanong ko sa kaniya. "Kasi kung oo wag mo ng pahirapan ang sarili mo at kausapin mo na ako ng matino!"
"I can't." sagot niya.
"Pero naiintindihan mo ako. Yung totoo? Wag ka ng magsinungaling pa."
"Nasanay lang kasi ako to use English as my language here." Paliwanag niya. "Hayaan mo. You'll get used to it someday. Masasanay ka rin mag-english."
"So ibig sabihin Pilipino ka?" tanong ko.
"Yup. Half. My mother is a Filipina while my father is an American citizen."
At pinasukatan na ako ni Luke sa mananahi.
"29 ang waist line ko?!" muntik na akong mapasigaw. "Kailangan ko ng magpapayat nito."
"Your waist line is just fine." Sabi ni Luke. "It's just normal."
"San na ba ako mag-aaral?" tanong ko kay Luke.
"Sa West University na tayo mag-aaral." Sagot niya.
"Ikaw din?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil dun din siya mag-aaral.
"Ano nga palang course mo?"
"Ah ang course ko ay Architecture."
"Buti naman at ganun" At akala ko pati ba naman sa course parehas kami eh.
Pagkatapos namin dun ay nilibot ako ni Luke. Pumunta kami ng park. Nag-ocean adventure kami at pagkatapos ay dumiretso kami sa mall. Pagkatapos nun ay umuwi na kami at nagpahinga na ako.
Ang saya pala niyang kasama. Napakagalante, gentleman, maalalahanin at maalaga. Ang swerte ko pala sa fiance ko. Medyo ngayon ko lang napansin yung kagwapuhan niya.
Kinagabihan habang kumakain na kami ng hapunan ni Luke ay dumating na si papa.
"How's your day Daddy?" tanong ko sa kaniya at sabay lapit ko sa kaniya at niyakap ko siya. "Tara Dad, let's eat!"
"How about you? How's your day?" tanong sa akin ni Daddy.
"I'm okay! My day was fine." Sagot ko.
"Did Luke took care of you the whole day?"
"Yes Dad! He's very great in taking care of me."
"Mabuti naman kung ganon." Wika ni Daddy. "So how's your uniform?"
"Tinatahi pa lang po." Sagot ko.
At nagpatuloy na kami sa pagkain. Ewan ko ba kung naninibago lang ako pero parang may something eh. Parang may mali.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog.
First day of classes. Freshman. College <3 !
Nagising ako dahil sa nakakairitang tunog ng alarm clock ko. Pagkatingin ko sa alarm clock ay 5:00 AM pa lang naman eh 7 naman ang pasok ko so medyo umidlip muna ako saglit. Nagising na naman ako dahil sa alarm clock. 5:30 na so nagmadali na akong bumangon. Naligo na ako at nagbihis ng aking bagong bago at napakagandang uniform. Ang itsura ng uniform ko ay parang nung sa mga business executives. Syempre kailangan pormal kami sa klase.
So bumaba na ako at nagbreakfast.
"You look so matured with your uniform." Puna sa akin ni Luke.
"You too! You look like a real man." Trying hard ako sa pag-eenglish. "By the way. Ilang taon ka na ba?"
"Kaka-18 ko lang nung June." Sagot niya. "Let's go now! We might get late."
Sumakay na kami sa sasakyan ni Luke at umalis na kami. In fairness naman sa akin di na ako naiinis sa pag-eenglish niya at mas sanay na akong mag english. Di na ako nino-nose bleed kapag nag-uusap kami ng straight english. Yah! I'm so good now in speaking in english.
Pagkarating namin sa university ay di ko mapigiling kabahan and at the same time ma-excite. New classmates, new professors, new school, new hang-out places, and new me.
Pagpasok namin sa loob ng university ay grabe, kakaiba ang pakiramdam. Parang punung puno ng iba't ibang uri ng tao. Sosyal, maarte, b***h, mean, mahinhin, makadiyos, gangster, maskulado, patpatin, mataba, mahaba ang buhok, maigsi ang buhok, kalbo, balbasin, at simpleng tao. Siguro nasa sosyal ako na level. 'Cuz yeah! I'm so fab. Wait may kasama bang feelingerang tao. Ako yata kauna unahan.
"So text me your schedule later so I can fetch you because we have different class schedule."
"Okay." At nauna ng pumunta sa kaniyang klase si Luke.
Habang naglalakad ako ay may mga babaing nagmamadali maglakad at sinasadya nilang banggain ako.
"Anak naman ng tinapa oh! Madapa sana kayo!" sigaw ko.
"Are you alright Miss?" tanong sa akin ng isang lalaki.
"Yes I'm fine. Thank you." Sagot ko. At natitigan ko siya sa mukha. Hindi ko talaga siya kilala.
"May I know your name?" he asked again. "If you don't mind."
At inisnab ko na siya. Sus! Alam ko na yung mga galawang ganon. Aalamin pangalan mo tapos susundan ka tapos hihingin number mo tapos yayain kang lumabas tapos magiging kayo. Nako, nako, I have no time for that. Study first.
At pumasok na ako sa aking first class.
Aba nga naman ang tadhana! Tignan mo nga naman. Kaklase ko yung nagtatanong sa akin ng pangalan kanina. At mukhang ka-course ko pa siya.
Pagkatapos nung una namin klase ay nilapitan niya ako.
"Hep! What are you trying to do? Are you flurting with me?" tanong ko.
"No I'm not! I just want to be friends with you." Sagot niya.
"See!" sabay taas ko nung kanan kong kamay na may singsing. "I am already engaged."
"So what? Does that matter if you want to be friends with someone?"
At napa-isip ako. Oo nga naman. May point siya. Eh kung pagkakaibigan lang pala edi ayos lang.
"I have just one condition." Sabi ko.
"What is it?"
"Do not fall in love with me."
"Okay fine. I promise not to fall in love with you."
At may bigla akong naalala. Pero napakavivid. Basta ang nakikita ko lang ay may dalawang taong nag-aaway tapos yung babae sabi niya ay promises are meant to be broken. At hindi ko na lang yun pinansin since di ko rin naman maintindihan.
"I am Gale Espinosa." Pagpapakilala niya. "I'm also a Filipino."
"Weh! Paano mo nalamang Pilipino ako?" tanong ko. "By the way I am Deign Torres. Nice to meet you." Pagpapakilala ko at nagshake hands kami.
"Nice to meet you too." Sabi niya. "Ewan ko ba. Halata lang siguro sa kilos at hitsura mo."
Nung nagshake hands kami ay parang nakuryente ako ng slight. Di ko alam kung bakit. Binitawan ko na lang agad ang kamay niya.
"So where do you live?" tanong sa akin ni Gale.
"Villa Caravaggio." I answered.
And nag ring na yung bell at oras na ng second class namin.
"Let's go!"
During breaktime ay pumunta kami ni Gale sa cafeteria.
"So what food do you like?" Tanong niya. "Do you eat sour foods?"
"Yeah. I like sour foods."
At bumili siya ng ulam para sa aming dalawa.
"It's alright. Do not pay me." Sabi niya. "It's my treat for you."
"Thank you!" nagpasalamat ako.
At siya ang naging kasama ko sa buong araw. Kacourse ko nga siya. Nakasama ko siya sa lahat ng subjects ko. Napakabait niyang kaibigan. Ewan ko ba dun eh parang nagiging buntot ko na siya. Kung nasaan ako nandun din siya. Parang anino ko na siya. Hindi na kami mapaghiwalay.
Tinext ko na kay Luke yung schedule ko. Ngayong araw ay pwede na akong makauwi ng 3:00 PM. So sinundo ako ni Luke ng 3:00 PM. Mas maaga pa pala ang uwian nila kaysa sa amin pero sila whole week may klase pero ako every Friday ay free ako.