Chapter 22.2: Senior Year
Grey’s POV
First day of classes as Senior. 2-peat na kami ni Deign. This will be our second year na magkaklase. Hindi ako makapaniwala na nasa section 1 pa rin ako. Nabago ang buhay ko. Sobra. Naging inspirasyon ko siya. Nahahawa ako lagi sa kasipagan niya. Kaya naman nahawaan ko rin ng kasipagan sina Kiel, Royce, at Rence.
Hindi ko rin inaasahan na darating sa punto na ang organization namin ay as in naging foundation na. Brotherhood pa rin naman pero wala na yung mga gulo-gulo. Napahamak na roon si Deign. Naging punterya siya ng kabilang grupo. Siguro sa susunod ay ikukwento ko ang nangyari.
Two years ko na siyang katapat ang bahay. I mean, tanaw ko ang dorm niya mula sa dorm ko. Napilit ko ang mga magulang ko na makitira na ako kina Kiel. Wala silang nagawa kung hindi pumayag. Doon siya kina JV tumutuloy. Magkatabi lang sila ng kwarto.
Pero pagkatapos ng isang sem namin nun ay nakahanap na ng permanenteng bahay sila Deign kaya naman naglipat ulit sila. So naglipat na ulit ako. Bumalik ako sa bahay namin.
Naging ka-close ko na rin ang mga kaibigan niya. Pero si Belinda ay bumalik na sa province nila para magbakasyon pero hindi na siya bumalik dito. Kailangan daw siya ng mga magulang niya roon. Nalungkot talaga sila Deign sa balitang ‘yun. Pero wala naman silang magagawa kundi tanggapin ‘yun.
Two years na kaming magkaibigan at two years ko na ring itinatago sa kaniya ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Naalala ko pa nga nung Grade 11 ako, nagdasal ako kay Lord na kapag nanatili kami ni Deign na magkaklase ay liligawan ko na siya. At ito na yun! Gagawin ko na ang pangako ko sa sarili ko. Kaya nga lang ang problema ay hindi ko alam kung paano. Paano sasabihin? Paano manligaw? Saan? Kailan? At marami pang katananungan. Mas lalo ko na atang hindi magagawa dahil mas hectic ang schedule naming ngayon at 7 AM to 4 PM pa pasok namin.
Bahala na. Hindi ko rin naman sigurado kung magagawa ko. Ika nga nila ay may first time sa lahat ng bagay. Ito na ‘yun. Pero wala akong alam. Again, bahala na.
Tumunog ang ring tone ng cellphone ko kaya nagising ako.
"Ano ba'to ang aga-aga tumatawag." Reklamo ko.
Simula pa lang ng araw ay bad mood na kaagad ako. Napatanggal tuloy bigla ng muta at nasilaw sa liwanag ng phone screen.
Pero nung makita ko kung sino yung tumatawag ay agad akong nagising. As in gising na gising. Dinilat ko agad ang mata ko and sinagot ko agad yung tawag. Nawala agad sa isang iglap ang pagka-bad mood ko.
"Hello Deign!" Masayang bati ko sa kaniya. "Good morning sa 'yo!"
Ang saya na ng umaga ko kahit di pa man nagsisimula. Marinig ko lang yung boses niya ay buo na ang araw ko. Pero since magkaklase ulit kami, ABA! ‘Di na ako a-absent. Pero aaminin ko na nahirapan ako nung una. Wala talaga akong mahabang atensyon sa klase. Sa kaniya lang. Joke.
"Ay good morning rin!" bati niya. Halata kong nakangiti siya.
"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko. ‘Di ko napigilang maging masaya.
"Uhmmm itatanong ko lang kung sasabay ka ba sa amin?"
"Ay oo naman!" kaagad kong sagot. Hala! Anong oras na ba? At tumingin ako sa orasan sa may itaas ng aparador ko. "6:09 AM! Ang aga grabe!" Pero okay na ‘yun.
"So... hihintayin kita dito sa tapat ng bahay mga 6:20 ah."
"6:20!?" sabi ko. "6:30 na lang pwede?"
May sasakyan kami. May motor din ako. Pero since katabi na lang namin halos ang bahay nila ay sumasabay na ako sa kanila. Alam niyo naman. Para-paraan.
At oo, tinulungan ko sila na malapit sa amin makalipat. Nitong huli na lang niya nalaman na nasa parehong village na kami.
“Hala, patay kakabangon ko pa lang.” Kausap ko sa sarili ko.
Nagmadali agad akong tumayo at pumunta ako papalapit sa banyo.
"6:25 na lang kasi maaga pa pasok ng Mommy ko, eh."
"Oh sige, sige!" At binaba ko na yung telepono.
Kinuha ko ang tuwalya ko at nagmadaling maligo, nagtooth brush at nagbihis. Dali dali akong bumaba ng hagdanan at pagbaba ko ng hagdanan ay nakita kong sarado pa ang mga ilaw.
"s**t! Ang aga ko kasing nagising."
At biglang bumukas yung ilaw sa sala at kusina.
"Oh anak ba't ang aga mo ngayon?" tanong sa akin ni Ate Linda.
"Uhm... May flag cem po kami. Pwede po paki bilisan po yung pagluluto?" At sabay tingin ko sa relo ko.
Tsk. 6:19 na!
“Sorry, Ate, ah. Nagmamadali kang talaga. Ibabaon ko na lang po ‘yan.”
As usual, nasa kung saang lupalop na ulit ang mga magulang ko. Ayokong umaasa sa pera nila. Pero kapag sa foundation, ayos lang. Mas mabuti pang napupunta sa iba at natutulungan ang ibang tao. Aanhin ko ang sobrang daming pera kung sapat na naman ang mga binigay nila dati.
At salamat kay Ate dahil binilisan niya ang pagluluto. Pero syempre ay hindi na ako nakakain. Dumiretso na agad ako kina Deign tutal ay kapit bahay lang namin sila.
“Good morning!” hingal kong sinabi habang naghihintay siya sa may pinto ng sasakyan.
“On time, naks.” Puri niya sa akin.
“Ako pa ba?” Pagyayabang ko.
“Sige tawagin ko lang si Mommy.”
As usual, si Tita ang nagmamaneho. Wala naman silang driver hindi tulad namin.
Hinatid na kami ni Tita papunta sa school. Una munang nagpabili si Deign ng pancakes para sa kanila ni JV. So nag-drive thru kami. Pero sabi niya ay bababa na lang daw siya.
Habang nasa sasakyan kami ay di kami nag-uusap. Yung parang awkward kami na hindi naman. Nagpababa si Deign sa tapat ng isang fastfood chain. Niyaya ko siyang samahan ko na siya pero she refused to. Sinabi ko rin na hihintayin na lang namin siya pero sabi niya mauna na lang kami. So sinabi na lang ni Deign kay Tita na ideretso na ako sa school.
Nakakapang-guilty tuloy dahil nasa sasakyan na nga nila ako, ako pa ang nag-ala prinsipe at siya ang maglalakad na lang.
Pagpasok ko sa classroom ang bumungad agad sa akin ay si JV. Si JV, as you all know ay ka-2-peat ko rin. Kaibigan ko na siya at kaibigan niya rin si Deign. Ipinapakila ko lang ulit sa POV ko para part na rin siya ng buhay ko.
If I may describe him, siya yung parating parang clown sa buong klase. Kaya naman buti na lang at kaklase ko ulit siya. Magiging sobrang saya na naman ng buong taon ko bilang senior.
“Oy! Ang aga mo ngayon ahh." Pambungad sa kaniya ng kaklase namin. “Anong meron ngayon? Bakit hindi ka nagpa-late?”
"Ehh nakakainis kasi si mama. Nangagarag siya at tsaka gusto ko maunahan ko si babe ko." Sabi niya.
"Eh maaga ba namang papasok yang 'babe' mo?" tanong sa kaniya ng kaklase namin.
"Nagchat na kami sa sss kagabi, noh. Nag-usap kami na maaga kaming papasok kasi i-ce-celebrate namin ang 2 years of loving naming dalawa.
"Oo nga pala 2-peat na kayo." Sagot ng kaklase namin.
"Ay oo nga pala. Okay na yun. Magcelebrate na lang din kayo ng 2 years of loving niyo ni Deign sa kung saan" sabi niya.
Biglang ako ang naging kausap niya.
"Celebration of loving talaga?" tanong ko.
"Aba malamang. Bakit? Di mo ba mahal?" Tanong ni JV.
At biglang may narining kaming mga yapak.
"Ay andiyan ka na pala Deign! Ang aga mo rin ah." Sabi ni JV.
"Oo nga, ehh." Sabay ngiti niya. "Good morning sa inyo!"
"Good morning rin!" sabay na bati namin ni JV.
"Nag-usap kayo ni Grey na maaga kayong papasok ngayon, noh?" sabay tapik sa balikat ko ni JV.
"Ah, hindi ahh. Yung Mommy ko kasi sa George Town pumapasok. Napakaaga ng pasok, 7 AM din. Kaya naman sabi ni Mommy na sumabay na lang daw ako para ‘di sayang sa gas at pamasahe." Paliwanag ni Deign. "Pero actually sabay kaming pumasok ni Grey. Bumaba lang ako dun sa may kanto para bumili ng pancake natin. Tapos naglakad na lang ako papunta rito."
"Ah kaya!" sabi ni JV at sabay tingin sa akin. “Pancake? Yehey!” Sabay inabot sa kaniya ni Deign ang isang lalagyan.
Naalala ko na naman tuloy yung tumalon na pancake sa may pedestrian lane. Natawa na lang tuloy ako bigla.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"Well... Pinag-uusapan pa ba ang oras ng pagpasok?" tanong ko.
"I have nothing to say. I invoke my right against self-incrimination." Sagot ni JV at sabay ngumiti kaming tatlo.
"Incrimination. Talaga. Hah." Sabi ni Rob na nasa likod niya lang.
"Tse!" sabay irap ni JV "Talk to your face."
Makalipas ang ilang minuto...
"Ay! Nandiyan na si babe ko!" medyo pasigaw na sinabi ni JV. "Hello JC!"
Si JC ay kaklase rin namin last year. Transferee siya last year dahil ayaw niya raw mag-senior high sa lugar nila.
At ‘Yan ang pinapaulit-ulit sabihin sa akin ni JV, na bagay daw sila kasi JC ang pangalan niya. Dahil kapag gagawan daw sila ng Love team ay J-V pa rin daw ang pangalan. Oooopps, ‘di ko pala nabanggit sa inyo. Hindi naging si Ivan at JV. Hanggang doon lang sila.
"Oy JC! Happy 2nd anniversary!" sinigaw ni JV.
Si JC naman ay nagmadaling lumakad papunta sa upuan niya at ‘di pinansin si JV. Para bang wala siyang nakita. Pero habang nagmamadali siyang maglakad ay nakangisi siya. Siguro may trip na naman ‘to.
"Oy anong problema mo?" tanong ni JV. "Nakasimangot ka na lang parati." Sabay kanta niya.
"Ikaw!" sagot ni JC. "Bakit mo ba ako pinahihirapan nang ganito? Wala naman akong masamang nagawa sa iyo sa loob ng dalawang taon, ah."
"Bakit ako? Anong meron sa akin? ‘Di ba dapat masaya tayo kasi pangalawang taon na natin ‘to. Tsaka anong pinahihirapan. Nagdadrama ka na naman, ahh. Gusto mo lang ng kiss ko, ehh." Sabay kindat niya kay JC.
"Anong dalawang taon?" tanong ni JC. "Kay Grey na lang mukhang gusto niya." Dagdag ni JC.
"Ay ano ka JC? Ayoko nga. Sa 'yo na lang." sabi ko.
"Dalawang taon ng pagmamahalan JC. Da. La. Wang. Ta. On, JC." Sagot ni JV.
"Nagkakamali ka, JV. Baka dalawang taon ng pagiging magkaklase?"
"Ay nako! Ganun na rin yun ano ka ba."
"Real talk." Singit ni Deign.
At napatawa si JC.
"De joke lang yun. Pero wala talagang tayo, ehh."
"Alam kong may amnesia ka. Tutulungan kitang maalala ang lahat. Ipapaalala ko sa 'yo ang lahat-lahat. Ang mga pinagsamahan natin sa bahay niyo, sa kuwarto mo, at sa kama." Sabi ni JV.
"YUCK!" sabay naming sinabi ni Deign.
"Kaya ‘wag ka ng malungkot, JC." Sabi niya. "Gusto mo ba sayawan kita."
At sumayaw nga siya. Kaso nga lang sexy dance na pambabae. Di ko alam kung mandidiri ako o kung ano pero lahat kaming mga nasa room ay nagsitawanan na lang. Pagkatapos nun ay hinaplos ni JV ang buhok ni JC.
"’Wag ka nang malungkot, ahh. Ako na ang bahala sa pagpapaaral ng kapatid mo, ng nanay mo, at ng tatay mo."
"Ano ka ba? Tapos na sila mag-aral." Sagot ni JC.
"Buti naman. ‘Di na ko gagastos. Ikaw na lang pagkakagastusan ko."
Hay nako. 'to talagang si JV puro kalokohan. Dalawang taon na ‘yang ganiyan kay JC at every year pa nga ay palala nang palala. Pero ‘pag sa akin naman ay puro pang-aasar lang ginagawa niyan.