Chapter 23

900 Words
Chapter 23: First Day Deign’s POV Pagkatapos maglambingan nina JV at JC ay nilapitan ako at tinabihan ako ni Grey. Hay! Nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha. Sa loob ng isang taon, hindi ko akalain na magiging sobrang close kami. Na magkakaroon pala ako ng feelings sa kaniya. Hindi ko naman masabi kung magkaibigan lang ang tingin niya sa amin o iba. Pero hindi ako nag-a-assume. Para walang aasa. Kaso kada may haharot sa kaniya ay hindi ko mapigilang malungkot o mainis. Ang tagal na mula nung unang kwestiyunin ko ang sarili ko sa nararamdaman ko sa kaniya. Wala namang first move ang kahit sino sa amin. Kaya hindi ko na lang ine-entertain. Pero aaminin ko na I am so frustrated. Puro na lang ako signs para sa kaniya. Bigla akong kinabahan. Bumilis bigla ang heart beat ko. Ano kaya ang sasabihin niya? Ano kaya ang gagawin niya? Gustong-gusto ko na siyang makausap pero wala naman akong sasabihin sa kaniya. NAIINIS NA RIN AKO SA KANYA! Napakamanhid niya! Ewan ko ba kung nagtatanga-tangahan lang siya o sadyang tanga lang. Ang torpe-torpe niya! Nako ‘pag ako nakahanap ng bago bahala siya. "Uy Grey! Long time no see!" sabi ko kay Grey. "Parang kanina lang di tayo nagkita, ah." "’Di, biro lang." sabay ngumiti ako. At ito na naman siya. Natunganga na naman. Lagi na lang siyang ganito. Tinititigan niya ako parati. Ugh! Tama na Grey, nakakatunaw! So nagtitigan na lang kaming dalawa. Lagi kaming may mga ganitong moments. Kaya mapapatanong ka na lang talaga hindi ba? Ano na ba talaga ang meron? Tapos titigil ka na lang ulit mag-isip kasi baka ikaw lang ang nakakaramdam at nasa utak mo lang lahat. "Oy ano na? Nganga?" tanong ko pero patuloy pa rin siyang nakatitig sa akin kaya naman hinampas ko ang balikat niya. "Uy! Tama na ang pagpapantasya." Gusto ko sanang dugtungan ng 'mo sa akin' pero ‘di ko ginawa. Baka kung ano pa ang isipin niya. "Bakit ka nga pala nandito?" "Edi para mag-aral." sagot ni Grey. "Malamang! Bahala ka nga diyan." sabi ko. At tumayo na si Grey at bumalik na sa upuan niya. Nakakainis naman kasi yung taong ‘yun. Lalapit pero walang sasabihin. Parang ako lang. Kaya naiinis din ako sa sarili ko, eh. Lagi na lang nasasayang ang mga pagkakataon. DENSE! Nakaramdam ako ng panghihinayang at kalungkutan. Dalawang taon na akong parang ewan na nagpaparamdam sa kaniya. Hindi ba halata? Masyado ba sigurong light ang mga hints ko? ‘Di ba kapansin-pansin? Alangan namang ako ang magtapat. Boys should always do the first move pero bakit parang ako lang ang nagmu-move. Hay nako! Mga lalaki nga naman. Lagi kong naiisip yung mga pwedeng mangyari kapag kami na. Lagi kong naiisip yung mga gagawin namin kapag kami na pero parang hanggang panaginip na lang ata lahat. Alam kong hindi dapat kasi sinasaktan ko lang ang sarili ko sa ganung pag-iisip. "Uy bakit parang ang lalim ng iniisip mo diyan?" tanong sa akin ni JV. "Uy! Nandiyan ka pala. May ikukwento ako sa 'yo." "Tungkol naman saan? Tungkol pa rin ba kay Grey ‘yan?" tanong ni JV. "Oo, eh." Sagot ko. "Game! I'm listening." Sabay harap niya sa akin at itinigil niya ang ginagawa niya. "Ang hirap umasa! Paano ba ‘ko titigil umasa? Dapat ba tanungin ko na siya?" "Ito naman dito pa talaga sa room natin ‘yan pinag-usapan. ‘Wag! I mean dapat, hindi nagtatanong ang mga babae sa lalaki. Kung hindi pa rin niya pansin yung mga ginagawa mo edi ibaling mo na sa iba ang atensiyon mo, yung mga nasa paligid mo lang. Huwag mo nang sayangin ang mga effort mo sa kaniya. Pero sa panahon ngayon ay kahit sino na ang pwedeng mag-first move. Pero nakakababae yung lalaki ang haharot sa ‘yo. Ayie!” "Eh paano kung mahal pala niya ako?" "Kung mahal ka niya edi sana kayo na. At kung mahal ka niya edi sana ‘di ka nahihirapan nang ganito." "Ano na ang gagawin ko?" "Get over with him. Tutulungan kita." "Pa’nong tutulungan?" "Papasayahin kita. Tutulungan kitang makalimutan siya." "Wait! May feelings ka ba sa akin?" tanong ko. "Wala ah! Tutulungan lang eh may gusto na agad sa'yo." Sagot ni JV. “Bakla, bakit naiisip mo pa ang mga ganiyan. Kakadiri ka naman.” Sabay tawa naming dalawa. "Nako salamat talaga friend! Maasahan ka talaga! Ang laking tulong ng mga advice mo! Sabi mo ‘yan, ah, tutulungan mo ako." Sabay yakap ko sa kaniya. Nakita kong nakatitig sa aming dalawa ni JV si Grey. Bigla siyang nagdabog at lumabas ng room. "Anong meron dun?" tanong ko kay JV. "Ewan ko. Malay ko dun." Sagot niya. "Kasi nakita ko siyang nakatitig sa atin at naging galit yung mukha niya nung niyakap kita." "So? Ano ngayon?" "’Di kaya nagseselos siya?" "Paano mo naman nasabi? Selos agad?" "Kasi nga nagalit siya. Nagdabog." Sagot ko. "Ahhhhh." "Ok! Sign na ito. ‘Di ako titigil." Sabi ko. "Per-" putol na sabi ni JV. "Tama! ‘Wag mong itigil." "Ahhh, friend THANK YOU TALAGA!" sabay yakap ko ulit sa kaniya. “Ang gulo ko ba? Kanina pinapatigil kita sa pag-move na ‘yan tapos biglang pinu-push kita na ‘wag tumigil.” “Actually, oo nga, ‘no? Huwag kang balimbing nako. Tsaka parang huwag na lang pala. Siya na ang bahala. O kaya maghintayan na lang kami forever.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD