Chapter 6
Naglalakad si Leah sa pasilyo ng Unibersidad ng makita niya si Tristan na naglalakad papalapit sa kanya .
Is he coming towards me?
Nagpalinga-linga si Leah dahil baka nagkakamali lang siya .
Never nangyari na nag usap sila sa campus dahil baka may makapag report sa magulang nito.
Tumigil si Tristan sa mismong harapan niya saka sinunggaban ang kamay niya at hinila siya papasok sa isang bakanteng silid.
"Tristan! What are you doing ? Baka may makakita sa'tin!"
Nag aalalang saway ni Leah dito.
Imbes na sumagot ay isinandal siya nito sa dingding at tinitigan ng matiim habang nakatukod ang kamay nito sa dingding.
"Why don't we go on a date officially?" Sabi nito na ikipinanlaki ng mata ni Leah.
"A-ano?" Animo nabingi siya sa tinuran nito.
How about his family?
Inulit nito ang sinabi habang nakangiting nakatitig sa kanya.
"I said , bakit hindi tayo lumabas publicly and officially?"
" Akala ko ba hindi natin..." Hindi natapos ni Leah ang sasabihin ng ilapat nito ang hintuturo sa mga labi niya para patahimikin siya.
"They already know na may relasyon tayo .. wala ng dahilan para ilihim ang lahat ." Putol ni Tristan sa sasabihin niya.
Napasinghap si Leah sa gulat .
"P-pano?"
"Basta .." Sabi ni Tristan at ginagap ang kamay niya.
"Ngayong alam na ni Mommy ang tungkol sa atin , it's time to show the world that the most beautiful woman is mine."
Naguguluhan man ay di maiwasang mamula ng mukha ni Leah sa sinabi nito.
Hindi niya alam kung matutuwa siya o matatakot dahil hindi pa niya naaamin sa ina ang tungkol sa kanila ni Tristan.
Hindi siya sigurado kung anong magiging reaksiyon nito.
Itinulak niya si Tristan para makaalis na sa lugar na iyon pero di ito natinag.
"Napaka bolero mo talaga .. let me pass already mahuhuli ako sa klase ko Mr .Montemayor !" Asik niya rito kahit sa totoo lang ay tagos hanggang buto ang kilig niya.
"Hmmmmn..A password is required Miss Gonzaga. " pang aasar pa nito.
"Anong password pinagsasabi mo diyan?" Kunot noong sabi niya dito.
Ngumuso ito .
"Ano yon?" Pagmamaang maangan niya.
Inulit nito ang senyas .
"Ano nga kasi yon?"pigil ang tawang sabi niya rito.
Imbes na sumagot ulit ay hinapit siya nito sa beywang at saka binigyan ng isang mapusok na halik.
Nanlambot ang tuhod ni Leah kaya napakapit siya sa damit nito.
Kinagat kagat nito ang labi niya na animo nanggigigil.
Isang ungol ang kumawala sa mga bibig niya .
Idinikit nito ang ibabang parte ng katawan sa kanya at napasinghap siya ng maramdaman niya ang katigasan nito .
Natauhan si Leah ng magsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa katawan niya .
"Tristan wait .. nasa school tayo ."
Hinihingal na saway niya rito.
"Hmmmn .. "tanging isinagot nito bago isinubsob ang mukha sa leeg niya .
"You smell so good." Anito bago dinampian ng mainit na halik ang leeg niya.
Napasinghap si Leah at itinulak ito ng bahagya.
"T-tama na baka biglang may pumasok dito , ano ka ba?"
"Okay ..okay .." Sabi nito bago kumalas sa pagkakahawak sa kanya .
"Aantayin kita sa gate mamaya ha.. 5:00 ako mag aantay duon."
Napakagat labi si Leah bago tumango.
"Okay .. pero hanggang 8:pm lang tayo , kasi umuuwi si Inay galing sa mansiyon ng quarter to 9."
"Yess .. finally ,di na natin kailangang mag tago pag lalabas."
Anito na may pagsuntok pa sa hangin.
Inirapan niya naman ito ng nakangiti .
-------
Animo kay bagal ng oras sa klase ng hapong iyon .
Hindi mapakali sa upuan si Leah at panay ang tingin niya sa orasan.
Kaya naman ng tumunog ang bell ay isa siya sa mga naunang lumabas ng room at nagmamadaling naglakad papunta sa gate .
Hindi niya narinig ang pagtawag ni Elmer sa kanya .
Napakunot noo naman si Elmer ng mapansing nagmamadali si Leah . Hinabol niya ito hanggang sa may gate ngunit ng tatawagin niya na ulit ito ay may humintong kotse sa harapan nito .
Bumukas ang pinto at bumaba si Tristan, kinuha nito ang bag ni Leah at ginawaran ng halik sa pisngi.
Nakita niya kung papaanong ngumiti ng matamis si Leah dito habang namumula ang mukha.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya.
Para siyang ipanako sa kinatatayuan habang unti unting dinudurog ang puso niya .
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganung sakit sa dibdib.
Nag uumapaw ang selos na nararamdaman niya ngayong may kasamang lalaki si Leah.
Ilang saglit din siyang nakatayo lang doon habang tinatanaw ang papalayong sasakyan , bago siya naglakad na bagsak ang mga balikat.
--------------
Samantala, hindi matatawaran ang saya ni Leah at Tristan habang magkasama silang nag iikot sa isang parke habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
Kakagaling lang nila sa panunuod ng sine at pagkain sa isang fast food restaurant.
Naisipan nilang maglakad lakad sa Park ng may maisipang itanong si Leah sa kasintahan .
" Pano nga pala nalaman ni Senyora Matilda ang tungkol sa'tin?" Nagtatakang tanong niya rito.
Bumuntong hininga ito .
"Nakita tayo ni Rebecca kahapon.
Siya ang nagsumbong kay Mommy."
Napatigil si Leah sa paglalakad .
Oh my God.
Muntik niya ng makalimutan si Rebecca, ang babaeng gustong ipakasal ng mga magulang nito dito.
"W-what happened then?"
Ngumiti ito ng pilit at hindi makatingin sa kanya .
"Nagalit si Mommy .. but I told her na ikaw ang mahal ko at hindi si Rebecca kaya wala silang magagawa para magkahiwalay tayo."
Natahimik si Leah .
Alam niyang hindi siya matatanggap ng Senyora. Kilala itong matapobre sa lugar nila .
Ginagap ni Tristan ang kamay ng kasintahan .
" Pangako ipaglalaban kita , gagawin ko ang lahat para matanggap ni Mommy at Daddy ang tungkol sa atin."
Ngumiti ng pilit si Leah.
Tsaka hinaplos ang buhok ni Tristan.
"I love you .." matiim niyang sabi dito.
Ngumiti naman ng matamis si Tristan at hinalikan siya sa mga labi.
"I love you too ." Seryoso nitong tugon .