The truth

1011 Words
Chapter 5 Dakong alas tres na ng hapon ng magdesisyon silang bumaba ng burol. Magkahiwalay na umuwi si Tristan at Leah para maiwasan ang mata ng mga tao. Pagdating sa mansiyon ay hinanap niya agad ang ina sa hardin ngunit wala ito duon. Nakita niya ang isa sa mga kasambahay at tinanong ito. "Nakita mo ba si Mommy ,Aling Rosita?" Magalang niyang tanong dito. "Naku Senyorito , nakita ko siyang umakyat kanina kasama si Senyorita Rebecca na umiiyak." Nababahalang sabi nito . Kumunot naman ang mga noo niya . Nagpasalamat siya dito at umakyat na sa taas . Kumatok siya sa pinto ng kuwarto ng mga magulang niya bago pumasok at duon ay nakita niya si Rebecca na nakaupo sa paanan ng kama habang inaalo ng kanyang ina. "What happened?" Takang tanong niya sa mga ito. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa , ang mata ni Rebecca ay puno ng luha samantalang galit ang mababakas sa mukha ng kanyang ina. "You !!!" Asik ni Senyora Matilda ng galit itong lumapit sa anak at binigyan ito ng isang malakas na sampal. Nagulat si Tristan. Hindi siya agad nakapagsalita . It was the very first time na pinagbuhatan siya ng kamay ng ina . Sapo ang pisnging nasampal ay nagpalipat lipat ang nagtataka niyang mata sa dalawang babae. "What did I do?" Mas lalo namang umusok sa galit ang ina niya. "What did you do ?! Huh! I can't believe na makukuha mo pa akong tanungin ng ganyan!" Sigaw nito at itinuro si Rebecca. "Look what you've done ! Kelan ka pa nakipaglandian sa anak ng katulong natin!" Nanlaki ang mga mata niya. "H-how did you know?" Gulat niyang tanong . "So ,totoo nga ang sinabi ni Rebecca na nakita ka niyang nakikipagharutan sa hampas lupang nilalang na yon!" Nanggagalaiti nitong sigaw. Tiningnan niya si Rebecca ng naniningkit ang mga mata. 'So it was her . Mas lalong lumaki ang disgusto niya dito. Ibinalik niya ang tingin sa ina at saka sinabing. " Yes Mommy.. kasintahan ko si Leah at nagmamahalan kami." Malumanay niyang sagot dito. Napasinghap ang dalawang babae , napahawak si Senyora Matilda sa dibdib nito na animo nahirapang huminga. "How could you do this to us ! Ang dami daming babae diyan na higit pa sa hampas lupa---" Hindi naituloy ni Senyora Matilda ang sasabihin ng pinutol ni Tristan ang litanya niya. "Enough Mommy! Hindi ko hahayaang lapastanganin mo ang babaeng mahal ko . Leah ang pangalan niya at hindi hampas lupa!" Inis niya nang sagot dito. Hindi niya mawari kung bakit parang hirap itong banggitin ang pangalan ng kasintahan niya. "I don't care who she is ! I want you broke up with her! Engage ka na kay Rebecca at walang dapat humadlang dun!" Anito at nilapitan si Rebecca na tahimik pa ring umiiyak . "She is the perfect woman for you, not just some stupid good for nothing b***h!" "No Mommy! Diyan ka nagkakamali. I alone knows who can make me happy . I alone knows that Leah is the right one for me at walang makakapaghiwalay saming dalawa! Not even this stupid engagement!" Galit niyang sagot dito bago tumalikod at pabalibag na isinara ang pintuan ang kuwarto. Naiwang nakaawang ang labi ni Rebecca at Senyora Matilda habang nakatitig sa nilabasang pinto ni Tristan. "It was all that b***h's fault! Just wait and I'm going to make her regret for even assuming that she can take part in this family!" Nangangalit ang bagang na pangako ni Senyora Matilda sa sarili habang hinahaplos ang likod ni Rebecca. Nakangiti naman ng palihim si Rebecca. Napatunayan niyang tama ang hinala niya sa dalawa , at hahayaan niyang si Senyora Matilda na mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang mga ito . After all , Tristan is hers alone. ------------- Kinabukasan sa mansiyon ng mga Montemayor. Abala si Aling Myrna sa pagsasampay ng humahangos na lumapit si Aling Rosita. "Hoy Myrna ! Ipinapatawag ka daw ni Senyora Matilda." Natatarantang sabi ni Aling Rosita. Takang nagtanong si Aling Myrna dito. "Huh? Bakit daw? " Napaisip siya kung anong nagawa niyang mali. "Hindi ko rin alam .. basta puntahan mo na alam mo naman yon pag magalit.." wika nito. Sumunood siya sa katulong na nauna nang naglakad papasok ng bahay . Pagdating sa sala ay nakita niya ang amo na nakaupo duon at inaantay siya. "Pinapatawag niyo daw po ako Senyora?" Wika niya . Tumayo naman ang Senyora at walang sabi-sabing binigyan siya ng isang malakas na sampal. Nagulat si Aling Myrna, pati ang katulong na si Aling Rosita ay napasinghap sa nakita . "Hindi ko ho alam kung anong kasalanan ko, pero hindi ho ata tamang pagbuhatan niyo ako ng kamay." Pigil ang galit na sagot niya sa amo . "Sigurado kang hindi mo alam? Oh ikaw ang nag utos sa anak mo?" Sagot ni Senyora Matilda. Kumunot ang noo niya . Papanong nadamay ang anak niya sa usapan. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. " Iniisip niyo bang mag-ina na mapapabilang kayo sa alta sosyedad namin kung lalandiin ng anak mo ang anak ko?!" Nanlaki ang mata niya. "Ano ho ang ibig niyong sabihin?" "Wag ka nang mag maang maangan pa Myrna. May nakakita sa anak mo na nakikipaghalikan sa anak ko kahapon! Hindi ko alam kung anong klaseng putahe ang inialay ng anak mo kay Tristan para patulan siya nito !" Nanlilisik nitong sigaw. Napaatras si Aling Myrna at hindi alam ang isasagot . Totoo ba ang sinabi ni Senyora Matilda? Hindi siya makapaniwala dahil kilala niya ang anak . Matalino ito at hindi ito gagawa ng ganung bagay. "B-baka nagkakamali lang ho kayo Senyora.." litong sagot niya dito . "Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong anak ?! Lumayas ka dito at wag ka nang babalik . Hindi ko na kailangan ang serbisyo mo . Gusto ko pagbaba ko ay hindi na kita makikita pa." Pagtatapos nito at iniwan siyang nakatulala sa sala. Lito ang isip na umuwi si Aling Myrna. Hindi niya lubos maisip kung papaanong hindi niya napansin na may karelasyon na ang anak na si Leah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD