Unexpected Announcement

1288 Words
Chapter 3 Araw ng sabado . Sumama si Leah sa ina patungo sa Mansiyon ng mga Montemayor para tulungan ito sa mga labahin nito. Abalang-abala siya sa pagsasampay ng mga nilabhan nila ng may marinig siyang boses sa likuran niya. "Excuse me miss." Sabi ng maarteng boses ng isang babae. Lumingon si Leah para tingnan kung sino ang nagsalita . Nagulat siya dahil iyon ang babaeng kasama ni Tristan sa school nung nakaraang araw . "Yes po ma'am?" Sagot niya dito. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa at tumaas ang maninipis nitong mga kilay. "Are you one of the maids here? Parang ngayon lang kita nakita." May pagtatakang tanong nito. Napatikhim si Leah sa pagkabigla. "Uhmm.. tinutulungan ko lang po ang ina ko sa paglalaba ." Paliwanag niya rito. "Ahh so katulong ka nga rito?" Tanong nito. Ilang saglit bago nakasagot si Leah. "Parang ganun na nga po .." "Okay .. pakikuha nga ako ng orange juice ,dalhin mo sa pool ha." Sabi nito na tumalikod at di inantay ang sagot niya. Napamaang na lang si Leah sa pagtitig sa papalayong pigura nito. Napabuntong hininga na lang siya . Pumunta siya sa kusina. Nakita niyang abala ang mga katulong sa pagluluto pati na ang kanyang ina na dapat ay labada lamang ang dapat na trabaho . "Oh anak .. ano't naparito ka sa kusina? Natapos mo na ba yong huling labahan?" Takang tanong ng kanyang ina. "Konti na lang po inay ." Sagot niya dito at dumiretso sa paggawa ng orange juice. "Para kanino yang ginagawa mong juice? Nauuhaw ka ba?" "Hindi po sakin to nay .. kay Ma'am Rebecca po ito." Paliwanag niya. "Nakilala mo na pala ang bisita ni Senyora Matilda .." Nabiglang sabi nito. "Oo nay .. inutusan niya akong ihatid ito sa pool ." Sabi niya. "Pero ,hindi mo naman gawain yan anak , akin na yan at ako na ang maghahatid.." sabi ni aling Myrna sa anak . "Wag na po inay .. mukhang busy po kayong lahat eh . " pagtanggi niya sa alok nito. "Oo nga anak .. may salu-salo daw mamaya dito . May darating pa atang mga bisita ang senyora ." Wika nito. "Sige po Inay .. ihahatid ko lamang po ito." Ani Leah . "Sige anak .. salamat ha'?" "Walang anuman po inay'" nakangiti niyang sabi dito. ------------ Kanina pa umiiwas si Tristan sa babaeng kanina pa dumidikit sa kanya . "What do you think of this dress Tristan?" Malambing nitong tanong sa kanya . Lihim na napabuntong-hininga si Tristan . "Uhhhm .. it's okay I'd guess." Walang ganang sagot niya dito. Naaasar siya sa kaartehan ni Rebecca pero hindi niya maipakita ito dito . Siguradong magsusumbong ito sa mommy niya . Binalaan siya ng mama niya na dapat ay pakisamahan niya ng maayos si Rebecca. Maganda si Rebecca pero palagi itong may makapal na make up sa mukha at napakaarte . Hindi katulad ng isang babaeng gustong-gusto niya. Napangiti siya ng lihim . Nahuli ni Rebecca ang ngiti niya akala nito ay nasisiyahan siyang kasama niya ito. Ibinaba nito ang hawak na magazine sabay sabing.. "Why don't we hangout tomorrow morning? It's Sunday right?" "Sorry pero may lakad ako bukas" Tanggi niya sa alok nito . Magkikita sila bukas ng kasintahan niyang si Leah . Nagulat siya ng paglingon niya ay nakita niya ang kasintahang papalapit sa pool. May hawak itong baso ng orange juice. Dumistansiya siya kay Rebecca at umupo sa gilid ng pool . Nagkatitigan sila ni Leah ngunit nag iwas ito ng tingin. "Heto na po ang juice niyo ma'am" sabi nito kay Rebecca at inilapag ang dala sa katabing mesa ni Rebecca. "Finally .. kanina pa ako nag aantay sayo . Ba't ngayon mo lang nahatid ?" Masungit nitong sabi kay Leah. Tumiim ang bagang niya. "Pasensiya na po kayo ma'am.. May tinapos lang po ako." Nakayukong paliwanag ni Leah. Magsasalita pa sana ulit si Rebecca ng di na makatiis si Tristan. "Cut it out Rebecca. Hindi namin katulong si Leah dito . I don't know kung bakit siya ang inutusan mo pero it would have been nice if you just said a thank you." Inis niyang sabat . Napamulagat si Rebecca sa winika niya. Pati ang nakayukong si Leah ay napaangat ang tingin . "But ... " Sasagot pa sana si Rebecca ng magsalita siya ulit. " It's okay now Leah .. you can go now. Thank you." Sabi niya kay Leah. Tumango ito at tumalikod para umalis. "I'll get going now .. may gagawin pa ako ." Baling niya kay Rebecca at iniwan itong nagpupuyos sa galit. ---- Hindi makapaniwala si Rebecca na kagagalitan siya ni Tristan dahil lamang sa isang hamak na katulong. Inis niyang ininom ang baso ng juice habang nag iisip . Hindi siya tanga . There's something going on sa tinginan ng dalawa kanina. At first time niyang makagalitan ni Tristan. It wasn't like it was the first time na nakita siya ni Tristan na nagsungit sa isang tao . Nanliliit ang mga mata niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong anino ng lalaki. Hindi siya makapapayag na may ibang makakuha kay Tristan. "He is mine and mine alone." Sa isip-isip niya. And tonight will be the start of claiming him. Napangiti siya ng maisip ang bagay na yon. ------------ Abala ang lahat ng gabing iyon. Halos hindi magkaugaga sa mga gawain ang mga katulong ng mansiyon . Pati si Leah na dapat ay uuwi na ay kinailangang tumulong para mapadali ang mga gawain. Isa siya sa mga nag serve ng pagkain sa marangyang hapag kainan . Nakaupo na ang mga bisita ng pamilya Montemayor. Nandoon ang mag asawang Matilda at Robert Montemayor kausap ang isang babae at lalaking mag asawa . Naroon din si Rebecca na mas lalong gumanda sa suot nitong eleganteng evening gown . Katabi nito sa upuan si Tristan na napakakisig sa suot na formal attire. Sinusundan siya ng tingin ni Tristan pero umiiwas siya ng tingin dito. Sa ganitong pagkakataon ay ramdam niya ang layo ng agwat nila. Nagliligpit si Leah sa mga pinagkainan ng biglang tumayo si ang ama ni Tristan. Nagsalita ito habang may hawak na kopita ng alak . "Family and friends.. Uhmm.. Inimbitahan ko kayong lahat ngayong gabi para saksihan ang engagement ng aking unico hijo sa anak ng pinakamatalik kong kaibigan , si Rebecca Punzalan." Nakangiti nitong anunsiyo . Nagulat ang lahat . Pero ang higit na mas nagulat ay si Leah at Tristan. --------- Napalingon si Tristan kay Leah. Nakita niyang nanginginig ang mga kamay nito . Akmang hahakbang na siya para puntahan ito ng sumigabo ang palakpakan sa paligid. Walang nagawa si Tristan lalo na nang kumapit sa braso niya si Rebecca ng nakangiti. Sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ng kasintahan. He wanted to run to her and explained na wala siyang kaalam alam sa mga mangyayari sa gabing iyon. 'No .. this can't be happening. Sigaw niya sa isipan . He can't believe that his parents would make a decision nang hindi sumasangguni sa kanya . It was his life at stake for Christ sake. "Let's all give them a toast my friends!" Masigla pa ring anunsiyo ng ama niya . Wala itong kaalam alam sa nagdurugong puso ng anak. "Smile Tristan, they are all looking at us." Nakangiting bulong ni Rebecca . Lumingon siya dito . "Alam mo ang tungkol dito?" Manghang tanong niya. Ngumiti lamang ito ng matamis. Isa-isang naglapitan ang mga tao para i-congratulate silang dalawa. Hindi alam ni Tristan kung papano lumipas ang gabi ng hindi siya nag walk out sa kasiyahang iyon. Isang bagay lang ang tumatak sa isipan niya . Ang sakit sa mukha ni Leah ng marinig nito ang anunsiyo ng ama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD