A friend

1352 Words
Chapter 2 Palinga-linga si Leah sa canteen sa loob ng school campus. Hinahanap ng mga mata niya ang anino ng kasintahang si Tristan . Hindi niya nakita kanina ang sasakyan nito sa garahe ng mga ito ,she thought that he is already at the school by now. Pero ni anino nito ay di pa niya nasisilayan . Hindi rin siya pwedeng magtanong sa mga kaibigan nito dahil baka kung anong isipin ng mga iyon lalo na at walang nakakaalam ng relasyon nila kundi sila lamang dalawa. Abala siya sa pag-iisip kung kaya't di niya namalayan ang paglapit ng kaibigan at kababata niyang si Elmer. "Hoy! Ang lalim ng iniisip natin ah?" Panggugulat nito sa kanya. Muntik ng mabitawan ni Leah ang hawak niyang mga libro. "Ayy kabayo !" Inirapan niya ang kaibigan . "Hay naku ..magkakasakit ako sayo sa puso." Inis niyang sabi dito. Tumawa lang ito habang sinusundan siya papunta sa isang upuan sa sulok ng canteen. "Ano ba kasing iniisip mo at nakatulala ka? Ang aga-aga pa eh pinapagod mo na ako kakapatakbo sa isip mo." Pang-aasar nito . Umaktong nasusuka si Leah sa sinabi ng kaibigan. "Excuse me 'noh .. masisira brain cells ko pag ikaw laman ng utak ko!" Nasaktan naman sa sinabi niya si Elmer ngunit hindi nito ipinahalata iyon. Sa halip ay humalakhak ito . "Grabe ka naman Miss.Gonzaga .. Masyado mo namang dinudurog ang puso ko.." Sagot niyo na may pagsapo pa sa dibdib. Natawa din si Leah sa kaartehan ng kaibigan . Maya-maya ay nagkagulo sa loob ng canteen . "Sino yon ?" Bulong ng isang estudyante. "Ewan di ko kilala . Parang ngayon ko lang nakita yan dito sa school natin." Sagot ng kasama nito. "Wow ,ang ganda naman ng kasamang chicks ni Tristan. " Napalingon sa may pinto si Leah ng marinig iyon. Nakita niya ang papasok na si Tristan kasama ang isang babaeng matangkad at animo modelo sa ganda at porma ng kasuotan . Nagtama ang mga mata nila ni Tristan pero nauna itong nag iwas ng tingin. Dumako ang tingin ni Leah sa babaeng katabi nito sa paglalakad. Ngayon niya lang nakita ang babaeng iyon pero halatang close ito kay Tristan dahil naka angkla pa ang mga kamay nito sa braso ng kasintahan niya. May kung anong kirot na naramdaman si Leah sa dibdib niya . Nagseselos siya sa nakita pero wala siyang magawa dahil nangako sila ni Tristan na walang dapat makaalam ng relasyon nila. Nagbaba siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagbuklat ng librong hawak niya. Hindi niya napansin ang nagtatakang mukha ni Elmer sa reaksiyon niya pagkakita kay Tristan. Nakakunot ang noo ni Elmer . Iniisip niya kung anong nangyari sa tinginang iyon ni Leah at Tristan. May napansin siyang kakaiba sa mga ito lalo na at hindi na gaanong kumikibo si Leah pagkatapos nun. Something doesn't feel right. Gayunpaman ay hindi niya na lang kinulit ang kaibigang si Leah . Matagal na silang magkakilala at magkaibigan nito kaya't alam niya na kung may bumabagabag dito. Tinitigan niya ang maamong mukha ni Leah . Napakaganda talaga nito kahit na walang ni anumang kolorete ang mukha nito . Maganda ,mabait at matalino . Iyon ang mga katangiang mas lalong nagpaibig sa kanya dito. Napabuntong hininga si Elmer . Ilang taon na rin niyang kinikimkim ang nararamdamang iyon para sa kaibigan ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon dito . Kuntento na lamang siyang pagmasdan ito pag magkasama sila. Pero ,pangako niya sa sarili na balang-araw ay masasabi niya rin kay Leah ang nilalaman ng puso niya. -------- Sabay silang umuwi ni Elmer pagkatapos ng klase nila . Nagpasalamat siya dito sa paghatid sa kanya . "Salamat nga pala sa paghatid Elmer ha .. " "Walang anuman .. kahit araw-arawin pa natin to '.." nakangiti nitong tugon. "Halos araw-araw mo naman talaga akong hinahatid noh'.." Nakaingos niyang tugon dito. Napakamot ito sa ulo . "Oo nga noh' .. " Natawa siya sa kaibigan . "Kaya hindi ka magkaka gf niyan , iisipin ng mga babae mag syota tayo kasi palagi tayong magkasama sa school at uwian .." Pagbibiro niya dito . "Okay lang .. ikaw na lang liligawan ko pag nagkataon." Seryoso ang pagkakasabi ni Elmer sa mga salitang iyon kaya napatulala si Leah dito . 'Is he serious?' Tanong niya sa isipan ng biglang humagalpak ng tawa si Elmer. "Ahhahaa.. your face!" Anito habang hawak ang tiyan sa pagtawa. Napasimangot si Leah dito at umaktong sisipain ito pero mabilis itong umilag habang tawa pa rin ng tawa . Nahawa si Leah sa tawa nito kaya naman ay pareho na silang tumatawang dalawa . "Ikaw talaga ,puro ka kalokohan!Maiwan na nga kita diyan at kailangan ko pang puntahan ang Inay sa mansiyon para tulungan." Sabi niya rito ng mahimasmasan at tumalikod na para pumasok sa bahay . "See you tomorrow Miss.Gonzaga" pahabol nito bago ito naglakad pauwi. Napapailing na lang si Leah . Akmang bubuksan niya ang pinto ng bahay nila ng biglang may humablot sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Nalunod ang tili na muntik niya nang mapakawalan. "Sssshh .. it's me." Sabi ng isang pamilyar na tinig. Kinagat niya ng marahan ang palad nito . "Ahhh .. " impit nitong sigaw habang iwinawagayway ang mga kamay. "Serves you right ... bleeeh" pang-iinis niya kay Tristan ,hindi pa rin nawawala ang malakas na kaba ng dibdib niya. Tumawa ito at hinapit siya sa beywang . "I miss you .." wika nito sabay dampi ng isang halik sa kanya. Sinimangutan niya ito . "Hmmp.. hindi iyon ang nakita ng mga mata ko kanina.." Kumunot ang noo nito . "What do you mean?" Pagmama-ang maangan nito. Itinulak niya ito para kumawala sa yakap nito . Wala ang kanyang ina dahil nasa mansiyon ito sa ganitong oras pero mas maigi ng mag-ingat dahil baka may kahit bahay na makakita sa kanila. "Sino yong kasama mo kanina sa school?" Pasimple niyang tanong dito bago tuluyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod ito sa kanya. "Hmmmn .. that was Rebecca, anak ng best friend ni Mommy ." Inilapag ni Leah ang dalang mga gamit sa eskwelahan . Paglingon niya ay nakatayo lamang si Tristan sa gitna ng kanilang maliit na sala at sinusundan siya ng tingin. " Ahhh .. close kayo?" Tanong niyang hindi tumitingin dito ng diretso. "Medyo ." Maikli nitong tugon ,lumapit ito sa kanya at umupo na ng kusa sa sofa. Hindi mawari ni Leah ang kirot na gumuhit sa dibdib niya ng maalala ang babae kanina . Kumpara dito ay wala siyang panama. Sa porma at estado ng buhay ay napakalaki ng agwat nila. Tumango -tango na lang si Leah dahil hindi niya alam ang isasagot sa sinabi nito. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Tristan na nakangiti. "Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Takang tanong niya dito. "Ngayon ko lang kasi nalaman na mas maganda ka pala pag nagseselos .." may panunudyo nitong tugon. "Excuse me noh! Di ako nagseselos!" Bulalas niya dahil nagulat siya ng mahulaan nito ang nararamdaman niya. Tumawa lamang ito at hinapit siya sa beywang para mapaupo sa kandungan nito. Nag-init ang mukha ni Leah dahil dun . "Dapat pala matagal na kitang pinagselos .. "pagbibiro pa nito. Hinampas niya ito sa mga braso at nagkunwaring naiinis. Hinuli naman nito ang mga kamay niya at hinalikan iyon. Napatayo si Leah ng makita ang orasan sa dingding. Malapit na ang oras ng pag uwi ng kanyang ina. Siguradong malaking gulo pag naabutan sila nito. "You need to go na .. pauwi na si Inay pag ganitong oras." Pagtataboy niya dito. "Okay .. pero isang kiss muna." Wika nito at walang sabi-sabing tumayo at binigyan siya ng isang mapusok na halik sa mga labi. Walang nagawa si Leah kundi ang magpa ubaya . Iniyakap niya ang mga braso sa batok nito . Nahimasmasan si Leah ng pisilin nito ang kanyang dibdib. "Tristan !" Saway niya rito. "Okay ..okay.. " Nakangisi lamang nitong sagot. "Magkita tayo sa Linggo ng umaga dun sa ibabaw ng burol .." Sabi nito bago tumalikod at hindi na inantay ang sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD