Third Person POV Kinabukasan ay maagang nagising si Elara para ipagluto ng agahan ang kanyang Señorito. Saglit lang na kumain si Nicolai, pero bago umalis ay pinaalalahanan siya ni Elara tungkol sa Cond0m. "Wag nyo pong kakalimutang bumili ng pampaswerte para sa akin, Señorito. Ingat po kayo! Seeyah later po!", masaya at kumakaway na wika ni Elara sa binata. Napatigil si Nicolai at napaharap sa dalaga. "Ibang pampaswerte na lang ang bibilhin ko. Hindi na iyon" "Ayy. Wala ka talagang isang salita, Señorito" Napakamot ng ulo si Nicolal na tila namomoblema sa dalaga. "Sige na. Bibilhan kita. Mamaya pala ay pupunta dito si Maria Clara para dalhin ang mga damit at gamit mong naiwan sa Mansion. Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako", bilin ni Nicolai sa dalaga bago tuloyang lumaba

