Elara's POV Habang nasa sasakyan ay masaya kaming nag-uusap ni Sir Jaxon. Gwapo, Mabait, at masaya siyang kausap. "Pwede ba kitang yayain na lumabas minsan?", tanong ni Sir Jaxon. "Oo naman po. Payag po ako dyan" "Ibig kong sabihin ay pwede kitang ligawan? Nabigla ako sa kanyang tanong. "Hindi ko po alam, Sir Jaxon. Bakit nyo po ako liligawan? Ni hindi nyo nga po alam kung saan ako nanggaling, at anong klaseng pamilya ang aking pinanggalingan" "I know. Hindi na yon mahalaga sa akin Elara. Gusto ko kitang ligawan", desidido niyang sabi. "Hindi ko po alam ang isasagot sainyo, Sir Jaxon. Pwede naman po siguro na maging magkaibigan muna tayo" Ngumiti siya sa akin. "Oo naman. Basta kung may ibigay man ako sayo ay tanggapin mo lang palagi ha? " "Sige po. Basta wag po kayong umasa ng

