Third Person P.O.V. Ipinagtapat ni Elara sa Nobyo ang tunay niyang dahilan kung bakit siya tumakas ng gubat. Nagulat si Nicolai dahil ang akala niya ay tunay na mga magulang ni Elara ang tinakasan nila sa kakahuyan. "Tutulong ako para mahanap ang iyong mga magulang, Baby", wika ni Nicolai sabay yakap sa Nobya. Uuwi na muna si Elara sa Apartment nila ni Bebang dahil kinaumagahan ay papasok na sila sa trabaho bilang Sales lady sa Mall. "No need to work, Baby. Ako na ang bahalang magtrabaho para sayo", aniya Nicolai. "Hindi pwede na i-asa ko ang lahat sayo.Kailangan ay tumayo pa rin ako sa sariling mga paa" "Kung yan ang gusto mo ay doon na lang kayo sa restaurant ko magtrabaho ni Bebang" "Baby?", malambing na wika ni Elara kaya malawak na napangiti ang binata sa sobrang kilig. Ito k

