Elara's P.O.V "Paano nangyari na ang katulong na yan ang kapatid ko na matagal ng Patay? Ano ba ang magpapatunay na isa ngang Salcedo ang babaeng yan? ", galit ng tanong ni Ravenna. "Wag na tayong mag eskandalo dito, Ravenna. Kapatid mo si Elara, at kailangan mong tanggapin ang katotohanan" , sagot ni Chairman Ramon. Este ng Daddy ko? Paano ko ba siya tatawagin? Nagugulohan ako sa mga nangyayari. Paano nangyari na sila pala ang tunay kong mga magulang? "Halika na muna anak. Puntahan natin ang Mommy mo", anyaya ng Ama ko sa akin. "Sumama ka din Ravenna dahil gising na ang Mommy nyo. Ito ang unang araw na mabubuo tayo", dagdag pa ni Chairman Ramon. Tatawagin ko na ba siyang Daddy o Chairman Ramon pa din? Medyo naiilang pa kasi ako, pero kung totoo man na sila ang aking mga magulang a

