Chapter 5

1480 Words
Elara's POV Ramdam ko ang pag init ng aking mga pisngi ng biglang hawakan iyon ni Señorito Nicolai. "You have a beautiful face, and I should treat your wound here", aniya sa akin. Napapiyok ako dahil Ingles na naman ang kanyang lengwahe. Napangiwi din ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang kirot ng mga sugat ko sa aking mukha. "Don't worry. The pain will disappear once I"ve treated it", dagdag niya pa. Kailangan ko atang mag-aral pa ng wikang Ingles na malalim para maintindihan ang lahat ng sinasabi ni Señorito.Sumasakit ang ulo ko sa kanyang pinagsasabi. Sinasadya niya bang mag Ingles para hindi ko maintindihan? Saka bakit niya ako ginagamot? Ganito ba siya sa lahat ng mga Binibini na kanyang kilala. "Salamat po,Señorito. Katulong nyo po ako at hindi nyo dapat ginagawa ito sa akin. Nakakahiya po" "I told you.Gusto kitang gamotin at hindi ka pwedeng umayaw", salubong ang mga kilay niyang sabi. "Pacensya na po, Señorito. Hindi na po mauulit. Lahat po ng gusto nyo pong gawin sa akin ay hindi ko na tatanggihan", desido kong sabi. Ang hirap magpakabait sa harapan ni Señorito, pero kailangan hanggat hindi ko pa nahahanap ang tunay kong mga magulang ay susundin ko ang mga gusto niya. "Are you sure? Lahat ng gusto ko ay gagawin mo. Whaf if halikan kita ngayon. Papayagan ka ba? Lalong bumilis ang kaba ng aking dibdib dahil sa sinabi ni Señorito. Nakatitig pa siya sa akin habang sinasabi iyon. Berhin pa ang aking mga labi at katawan kaya hindi maari na angkinin niya iyon ng ganoon na lamang. "Hindi po maaari ang gusto nyong mangyari Señorito. Kabilin-bilinan ng Inay na wag akong magpapahalik at magpapahawak ng katawan hanggat hindi pa ako Kasal" "21st Century na ngayon kaya pwede ka ng makipaghalikan sa nobyo mo kahit hindi pa kayo Kasal. Isa pa nag si- s*x na ang mga magkasintahan ngayon kahit hindi pa kasal" Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang seks na kanyang sinasabi. "Hindi po talaga maaari lalo at hindi naman po tayo mag Nobyo" "Tumatanggi ka? Paano kung yon ang gusto kong gawin sa mga labi mo ngayon? " "Ganoon na nga po, Señorito. Isa pa bakit nyo naman po ako hahalikan? Iniibig nyo na po ba ako kaya gusto nyong angkinin ang aking mga labi" Ngumisi si Señorito sa akin. "You are different among women, Nanny Elara. You are beautiful, innocent, and mysterious. I can't wait to have your heart and soul", Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa pinagsasabi ni Señorito na hindi ko maintindihan kung ano. "Basta hindi po pwedeng maglapat ang mga labi natin kung hindi tayo umiibig sa isat-isa", paninindigan ko pa. "Ang akala ko ba ay gagawin mo ang lahat para sa akin? Napaisip tuloy ako. Sinabi ko nga iyon kay Señorito at sa aking sarili na lahat gagawin ko para sa kanya. Kailangan ay panindigan ko iyon. "O-opo. Gagawin ko po lahat ng gusto nyo. Hahayaan ko din po kayong gawin sa akin ang mga gusto nyong gawin, pero may hihilingin po sana ako. Pwede po bang bukod sa libreng tirahan at pagkain ay bigyan nyo din po ako ng Pera? Kunti lang po kasi ang mga damit na aking dala at gusto ko po sanang bumili. Saka gusto ko din pong bumili ng mga libro para mas matuto sa wikang Ingles. Hindi ko po kasi maintindihan ang mga sinasabi nyo. Sumasakit ang ulo ko" Natawa si Señorito sa aking mga sinabi dahilan para magpakita ang kanyang Dimple sa kanang pisngi. "Nagbibiro lang naman ako tungkol doon sa Halik. Wag kang mag-alala, sasahodan kita bilang katulong. Sasamahan din kitang bumili ng mga Damit at Libro sa Linggo" "Po? Sasamahan nyo ako? Baka maaabala ko pa kayo, Señorito. Sina Aling Dalia at Maria Clara na lang po ipapasama ko sa akin" "Tumatanggi ka na naman? Gusto kitang samahan at hindi ka pwedeng tumanggi sa gusto kong gawin" Napatango na lang ako kasi parang nagagalit na si Señorito. "We are done. Nagamot ko na lahat ng mga sugat mo", dagdag pa niya. "Salamat po,Señorito." aniya ko,pero nanlaki ang aking mga mata ng bigla niya akong binuhat pababa ng Lamesa. Kaya ko namang bumaba,pero inalalayan niya pa ako. Napayuko na lang ako at naghihintay ng sasabihin ni Señorito Nicolai. "Kumuha ka ng ice sa baba para sa alak na iniinom ko", utos ni Señorito, pero napaisip ako ng sobrang lalim. Kukuha daw ako ng eyes sa baba para sa kanyang alak. Kaninong mata ang kukunin ko para ibigay kay Señorito? "Eyes po ba ang kukunin ko, Señorito? ", pag ulit ko pa. "Oo. Bilisan mo, Nanny Elara" "Kaninong mga mata po ang kukunin ko,Señorito.Isa pa bakit kailangan nyo ng mata para sa alak? Aswang po ba kayo. Hindi ko po pwedeng gawin ang pinag-uutos nyo. Hindi po ako mamatay tao para dumukot ng mga mata para sainyo", mataas ang boses kong saad sa kanya. "What? Are your crazy? Yelo ang pinapakuha ko sayo, hindi mga mata. Pambihira,ang hirap mong kausap! Napatakip ako ng bunganga at napakamot ng ulo. "Yelo? Ano pa ba iyon,Señorito? " "Ang lakas talaga ng tama mo sa utak. Sabagay, walang yelo sa Gubat. Nevermind, kay Yaya Dalia na lang ako magpapakuha mamaya", naiinis na sabi ni Señorito. "Paumanhin po, Señorito. Ang dami ko pa pong hindi alam. Hayaan nyo po, mag-aaral po ako at magpapaturo sa ibang katulong", aniya ko na tila nahihiya sa kanya. "Maupo kana muna dahil madami akong itatanong sayo" Naupo ako sa kanyang harapan at napakiyom ng mga hita dahil naka bestida lamang ako. Ano kaya ang mga itatanong ni Señorito sa akin? "Tell me, what is your plan? Hayss,kailangan pala ay tagalog dahil hindi mo masyadong naiintindihan. Ako pa talaga ang mag a-adjust para saiyo", naiinis niyang sabi. Hindi na lang ako umimik at napatitig na lamang sa kanyang mukha dahil nalulutang ako sa kanyang pinagsasabi. "Ano ang pinaplano mo. Sabihin mo sa akin? "Po? Wala naman po akong pinaplano, Señorito" "Bakit ka tumakas sa mga magulang mo. Di ba sabi mo ay ipapaliwanag mo sa akin ang lahat kapag tinulangan kitang makatakas sa gubat? Napaisip ako. Hind ko pwedeng sabihin kay Señorito na tumakas ako dahil nalaman kong Ampon ako at hahanapin ko ang tunay kong mga magulang.Baka pagtawanan lamang ako ni Señorito kasi paano ko naman mahahanap ang aking mga magulang gamit lamang ang isang kwentas at panyo. "Benyte uno na po ang edad ko ngunit sa Gubat lang umikot ang aking mundo. Ayaw akong payagan ng aking mga magulang na makalabas ng kagubatan kaya tumakas na lang po ako" Naniningkit ang mga mata ni Señorito sa akin na tila nakukulangan sa aking paliwanag. "Dahil lang sa hindi ka pinapayagan makalabas kaya ka tumakas? Kawawa naman ang mga magulang mo dahil iniwan mo ng basta-basta. Dapat pala ay hindi kita tinulongan na maka-alis doon" "May iba pa po akong dahilan, pero hindi ko po pwedeng sabihin sainyo, Señorito" "Dahil sa sinasabi mo ay mas lalo akong nagdududa sa totoo mong pakay. Ni hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba yang sinasabi mo" "Mabuti po akong tao, Señorito. Kung may rason man kung bakit ako nandito ay hindi po iyon laban sainyo" , aniya ko dahil parang ayaw akong pagkatiwalaan ni Señorito. Para sa kanya ay isa akong tao na walang kakilanlan. Napabuntong hininga si Señorito at napadikwatro "Sa Gubat ka nga ba talaga lumaki na kahit isang beses ay hindi nakalabas ng kakahuyan? Parang ang hirap kasing paniwalaan na isang kang taong gubat dahil ang kinis-kinis at puti mo" "Hindi po ba pwedeng maging makinis at maputi ang taong gubat? Kaya nga po ganito ako kaputi dahil doon lamang ako nakakulong sa loob ng dalawang dekada. "Hindi ako masyadong naiinitan dahil bihira ako isama sa palayan at taniman nila Inay at Itay" "Okay.Bakit ka kinukulong ng mga magulang mo?" "Dahil ayaw nila akong mawala sa kanila. Ganoon po sila ka strikto sa akin lalo na kung ang paglabas sa Gubat ang pinag-uusapan. Nasasakal na po ako sa kanilang ginagawa kaya tumakas na lamang ako" "Napapaisip lang din ako kung bakit walang Apelyido ang pamilya mo. Hindi ka naman Espiya ng mga kalaban naming Kumpanya di ba?", tanong ni Señorito sa akin habang matalim na nakatitig. "Hindi po, Señorito. Maniwala po kayo sa akin" , aniya ko nang bigla siyang tumabi sa aking kinauupoan. Nagdikit ang aming katawan ni Señorito. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kiliti at mas lalong kiniyom ang aking mga binti. Hinawakan ni Señorito ang aking mukha at inilapit niya ang kanyang mukha. Grabe ang kab0g ng dibdib ko dahil doon. Para nang sasabog. Ang landi-landi pala ni Señorito.Hahalikan niya ba ako? Napapikit na lang ako ng mga mata at hinihintay ang mga labi niya na dumikit sa mga labi ko. Wala na akong pakialam sa bilin ni Inay. Sobrang gwapo at bango ni Señorito para tanggihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD