Chapter 4

1396 Words
Elara's POV Mukhang mabait naman ang Ina ni Señorito Nicolai kasi palangiti. Natutuwa daw siya sa akin dahil parang wala daw akong malay sa mga bagay-bagay tapos ang ganda-ganda ko daw na dalaga. Kaya lang nahihiwagaan daw siya sa aking pagkatao,pero ipinagtapat ko naman sa kanya na lumaki ako sa Gubat at malayo sa ganitong kapaligiran ang kinalikhan ko. Tumawa lang sa akin si Madam at kakaiba daw akong dalaga, pero gusto niya daw ako. Panay pa ang Ingles sa akin kahit hindi ko naman maintindihan ang halos lahat ng sinasabi niya. "Yaya Dalia, ikaw na po ang bahala sa bago nating kasambahay", aniya Madam Editha" "I will go upstairs. Si Yaya Dalia na ang bahala sayo", paalam sa akin ni Madam. "Salamat po, Madam", nakangiti kong sabi sabay yuko sa kanya. "Ako nga pala ang mayordoma ng Mansion na ito, Iha. Aling Dalia na lang ang itawag mo sa akin", nakangiting sabi ng may edad na matanda sa akin. "Magandang Hapon po Aling Dalia. Ako nga po pala si Elara" "Ang ganda naman ng Pangalan mo, Iha. Kasing ganda ng iyong pagmumukha. Saang lugar ka ba galing at Ano ang Apelyido ng mga magulang mo ? Malay mo malapit pala tayong magka mag-anak" "Salamat po, Aling Dalia.Sa Gubat po ako lumaki tapos hindi ko po alam kung ano ang Apelyido namin", malungkot kong pagkakasabi na sobrang ikinabigla ni Aling Dalia. "Kawawang bata naman pala ito. Paanong wala kang Apelyido at sa gubat ka lumaki? Para ka palang si Tarzan na lumaki sa gubat", "Ganoon na nga ho, Aling Dalia", sagot ko kasi alam ko ang kwento ni Tarzan. "Oh siya ihahatid na muna kita sa Maid's Quarter para makita mo ang iyong magiging kwarto. Mamaya na tayo mag usap tungkol sa iyong buhay" "Simula ngayon ay dito kana matutulog at bibihis, Elara. Napakalaki ng Mansion kaya tig iisa ng kwarto ang mga katulong dito. Wag kang mag-alala dahil katabi mo lang ang kwarto ko", saad ng Mayordoma matapos naming makapasok ng Maids Quarter. Namangha ako sa hitsura ng aking magiging kwarto. Ang ganda tapos ang laki. Yong bahay kubo namin ay kasing laki ng isang silid na ito. "Mamaya ay bubuksan natin ang aircon para naman masarap ang tulog mo" Napaisip tuloy ako kung ano ang Aircon. Paano sasarap ang tulog ko dahil sa Aircon? "Hindi mo alam kung ano ang Aircon? Sabagay baka wala noon sa gubat. Nakikita mo ba yang nakadikit sa Wall? Aircon ang tawag dyan. Mamaya ay bubuksan natin para lumamig ang buong kwarto mo, Elara", nakangiti niyang sabi sa akin nang mapansin na hindi ko alam kung ano ang Aircon. Napangiti na lamang ako at napatango. "Hindi ka lang pala Misteryosa, isa ka ding inosente na bata", dagdag pa ni Aling Dalia. Iniwan na muna ako ni Aling Dalia sa aking silid dahil may gagawin pa siya sa Kusina. Bukas na bukas daw ay tuturoan niya ako kung paano ang galawan dito sa loob ng Mansion. Nilagay ko ang aking Bag na banig sa Katre at saka naupo. Napangiti ako dahil sobrang lambot ng aking hihigaan. Sa sahig na kahoy kami natutulog sa kubo kaya matigas iyon at masakit sa katawan samantalang ang higaan ko dito ay sobrang lambot. Tumayo ako at saka tumalon-talon sa malambot na Katre. Ang saya-saya ko, pero maya-maya pa ay napaupo ako ng maalala sina Itay at Inay. Nangungulila ako sa kanila. Kumusta na kaya sila sa Gubat. Kumain na kaya sila? Babalikan ko sila kapag nahanap ko na ang aking tunay na mga magulang. Hindi ako galit kina Itay at Inay dahil kinuha nila ako mula sa aking tunay na mga magulang. Hindi ko naman alam ang tunay na kwento kung bakit ako napunta sa kanila.Mas pinili kong tumakas kaysa ang tanongin sila Inay sa totoong nangyari kasi alam kong kukulongin lang nila ako kapag nagtanong ako. Napakurap ako ng biglang may kumatok sa pinto ng aking Silid. "Ikaw ba yong bagong katulong? Pinapatawag ka ni Señorito Nicolai sa kanyang kwarto", seryosong saad sa akin ng isa pang katulong na sa tingin ko ay nasa trenta pa lamang ang edad. Walang galang ang isang katulong na ito ahh. "Ako nga pala si Maria Clara, pero hindi ako mahinhin. Isa akong babae na wild at magaling sa kama", pagpapakilala niya sa akin habang may nginunguya sa bunganga. Parang siga pala itong si Maria Clara at mukhang mapusok ang katawan. Matipid akong ngumiti at nakipag kamay sa kanya. "Ako po pala si Elara" "Owws.Ang ganda ng name mo kasing ganda ng mukha mo,Gurl. Para kang Dyosa ng kagubatan. Wag kang matakot sa akin dahil mabait ako. Sadyang ganito lang ako magsalita at gumalaw. Nga pala, yong hardinero dito na makisig ay kasintahan ko. Wag mo na lang sabihin sa ating Amo kung ayaw mong mapaalis kami dito sa Mansion", Napatango na lamang ako kahit nagugulohan ako sa pinagsasabi niya. "Makakaasa ka, Maria Clara" "Good. Simula ngayon ay magkaibigan na tayo. Sasamahan na kita sa kwarto ni Señorito kasi masyadong malaki ang Mansion. Baka maligaw ka pa", aniya sa akin. Kakaiba ang katulong na ito, pero mukhang mabait naman siya. Habang papaakyat ng hagdan ay napapaisip ako kung bakit pinatawag ako ni Señorito Nicolai. May nagawa ba akong mali para ipatawag niya.tanong ko sa isip. "Nandito na tayo. Kumatok kana lang. Babye! ", paalam niya sa akin. Biglang bumilis ang tib0k ng aking puso habang nasa harapan ng pinto ni Señorito Nicolai. Nanginginig ang aking kamay na kumatok. "Come in", aniya Señorito. Binuksan ko iyon at yumuko nang makapasok na ng kanyang silid, pero bigla akong nanginig dahil sa sobrang lamig ng silid ni Señorito. Ano ba itong kwarto ni Señorito bakit ang lamig-lamig. Ano ba ang meron dito. "Are you okay? ", tanong niya kaya napa angat ako ng tingin at nakita ko si Señorito na nakaupo sa isang sulok habang may hawak na alak. Ingles na naman iyon kaya napatango na lang ako. "Ang lamig po pala ng Silid nyo, Señorito.Madami po bang Multo dito dahil ang lamig-lamig?", garalgal kong sabi habang napapahaplos sa braso. "Tinatakot mo ba ako, Nanny Elara? Walang multo dito " "Hindi po, Señorito.Ang lamig po kasi kaya mga Multo ang una kong naisip kung bakit", "Naka On ang Aircon ng kwarto ko kaya malamig" Aircon? Alam ko na. Yon yong sinabi ni Aling Dalia na bubuksan niya sa aking silid mamaya. Kaya pala ang lamig-lamig dahil nakabukas iyon. Ibang klase talaga ang buhay sa labas ng gubat. Madaming bagay na hindi ko alam na meron pala. "Lumapit ka sa akin, Nanny Elara" "Po? Bakit po,Señorito? "Basta. Lumapit ka sa akin" Hindi ko alam kung bakit ako pinapalapit ni Señorito sa kanya, pero sinunod ko na lang. "Maupo ka sa Sofa", utos niya sa akin. Naupo naman ako doon kasi yon ang kanyang pinag-uutos. Lahat ng ipag uutos ni Señorito Nicolai ay susundin ko kasi malaki ang utang na loob ko sa kanya. "Gagamotin ko ang mga sugat mo sa tuhod pati sa paa", aniya sa akin dahilan para pagmulhan ako ng mga pisngi. "Po? Wag na po,Señorito. Ako na lang po ang gagamot sa sarili kong mga sugat. Hahanap po ako ng halamang gamot bukas sa likod ng Mansion", pag awat ko sa kanya. "Wag mo akong pipigilan. Sino ba ang Amo sa atin? Lahat ng gusto kong gawin ay hindi ka pwedeng pumigil.Isa pa, I have medicine here. Anong halaman ang pinagsasabi mo dyan?", naiinis niyang sabi sa akin, pero laking gulat ko ng bigla niya akong binuhat papunta sa Lamesa. "Señorito, masyado po akong mabigat para buhatin nyo", pag angal ko ngunit napaupo niya na ako sa Lamesa. "Ayan. Hindi ko na kailangang lumuhod sa sahig para magamot ang mga sugat mo", aniya Señorito. Napatitig ako sa kanyang mukha at hindi na lang umimik. Hinayaan ko siya sa ginagawa, pero napangiwi ako sa sobrang sakit nang may inilagay siya sa aking mga sugat. Sobrang lapit na lapit na namin sa isat-isa. Amoy na amoy ko ang bango ni Señorito.Nahiya tuloy ako sa aking sarili dahil parang ang baho-baho ko. Napatitig ako sa kanyang mukha. Ang gwapo-gwapo ni Señorito. Tanging siya lang ang nakita kong gwapo simula noong nakalabas ako ng gubat. Kakaiba kasi ang karisma na hatid niya.Ang lakas ng tib0k ng dibdib ko dahil sa ginagawa para gamotin ang aking mga sugat .Parang nagugustohan ko na si Señorito Nicolai. wika ko sa Isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD