Elara's POV
Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa aking mukha. Hinarang ko ang isang kamay dahil sa sobrang liwanag, ngunit napangiti ako ng mapagtanto na isa itong senyales na nakalabas na kami ng Gubat.
"Fvck, you"re so heavy", naiinis niyang sabi sa akin matapos akong bumaba mula sa kanyang likod. Hindi ko siya pinansin dahil inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Napangiti at napanganga ako ng makita ang mga kakaibang gusali sa di kalayoan.Ngayon lang ako nakakita ng mga ganoon.Drawing lang sa mga libro ang nakikita kong mga gusali at sobrang kakaiba pala iyon kapag sa totoo mo na nakikita. Ang lalaki tapos iba-iba ang hitsura.
Kung mayroon sana kaming Television sa Kubo ay baka magkaroon akong idea kung ano ang mga hitsura nila kaso wala naman kaming kuryente doon. Ilaw sa gasera lamang ang nagsisilbing liwanag sa aming madilim na gabi.
Napangiti ulit ako at lumanghap ng hangin dahil sa wakas ay malaya na ako mula sa gubat.
"Nandito na pala kayo, Señorito Nicolai. Kumusta po ang pang ha-hunting nyo? , magalang na tanong ng boses. Napatingin ako kung sino ang may nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko ang may edad na lalaki na papalapit sa aming kinaroroonan.
Señorito Nicolai pala ang tawag nila sa lalaking tumulong sa akin.Wala naman sigurong masama kung Señorito Nicolai din ang itawag ko sa kanya.
"Okay lang naman po, Manong Tiryo. Madami akong nahuli, pero iniwanan ko lang sa gubat" , sagot niya nang makalapit na ang matanda.
"Aalis na po ba tayo,Señorito? Hinahanap na po kayo sa Mansion", wika pa ng Matanda.
"Pasabi kay Mommy na pabalik na tayo", sagot niya sa kausap.
"May kasama po pala kayo, Señorito.? Isasama po ba natin siya sa Mansion?
"Oh. I almost forgot. Hindi po, Manong Tiryo. Iiwanan na natin siya dito", wika niya sa kausap dahilan para mapahawak ako sa kanyang kamay.
"Sasama po ako sainyo.Hindi ko po alam kung saan ako pupunta", maluha-luha kong pakiusap.
Napayamos siya ng mukha at naiinis na napatitig sa akin.
"I am not your Hero, Miss? God, I don't even know you name", namomoblema niyang sabi nang bigla ulit umalingawngaw ang boses ni Itay na tinatawag ang aking pangalan.
"Elara!!", sigaw niya habang tanaw na tanaw namin sa di kalayoan na kakalabas lang ng Gubat. Umukit ulit sa aking mukha ang takot.
"Please, isama nyo po ako. Ayaw ko pong makuha ulit ni Itay", nanginginig sa takot kong pakiusap dahil papalapit na si Itay sa amin. May dala-dalang itak na nakasuot sa kanyang tagiliran.
Ang buong akala ko ay nakatakas na ako, pero nasundan pa pala kami ni Itay.
"Fvck! I am in trouble. Get in the Car! Hurry!", sigaw niya sa akin ngunit hindi ko naman iyon maintindihan.Buti at naalala ko yong mga drawings na pinag-aralan ko noong bata pa ako. Alam ko na kung ano ang Car. Sasakyan iyon sa tagalog.
Napansin ata ni Manong na nagugulohan ako sa mga sinasabi ng kanyang Señorito Nicolai kaya tinulongan niya ako na makapasok ng sasakyan. Mabuti na lang at pinabuksan niya ako dahil hindi ko alam kung paano buksan ang pinto noon.
Nang makapasok na kami lahat ay agad na pinaharorot ni Manong ang Sasakyan. Napasigaw pa ako dahil unang beses kong makasakay doon. Natatakot ako kasi sobrang bilis ng patakbo.
Kalabaw lang kasi ang nasasakyan ko noon pa man. Hindi mabilis at kailangan mo pang paluin sa pwet para lumakad.
"Elara! Wag mo kaming iwanan ng iyong Inay!", sigaw ni Itay habang tinatanaw kami papalayo. Napatingin ako sa likod at sunod-sunod na napaluha ang aking mga mata. Kitang-kita ko kung paano napa luhod si Itay sa kalsada habang tinatanaw kami na palayo ng palayo sa kanyang kinaroroonan
Napagahulgol ako sa nasaksihan. Ang bigat bigat para sa akin na iwanan sila, ngunit kailangan kong maging matatag. Babalikan ko sila kapag maayos na ang lahat.Kailangan kong mahanap ang aking tunay na mga magulang kaya kailangan kong lakasan ang aking loob.
"Ito ang tissue. Ipunas mo sa iyong mga luha. Do I need to talk tagalog all the time for you? ", naiinis niyang wika sa akin sabay abot ng kulay puti na tissue daw ang tawag.
Bigla tuloy akong namula dahil sa ginawa niya.
"Salamat po, Señorito Nicolai", magalang kong wika ng sadya niyang ikinabigla
"Did I heard it right? Tinawag mo akong Señorito Nicolai?
"O-opo. Simula ngayon ay pagsisilbihan ko kayo, Señorito. Kahit ano pong ipag uutos nyo sa akin ay susundin ko. Malaki ang utang na loob ko sainyo. Kung wala kayo ay baka nahuli ako ni Itay pabalik ng Gubat", seryoso kong pagkakasabi sa kanya na kasalukuyang katabi ni Manong sa unahan ng sasakyan.
" God, I don't even know your name tapos gusto mong manilbihan sa akin?
"Name? Pa-pangalan po ba? Ako po si Elara", pagpapakilala ko sa kanya.
"Surename? ", napapahilot sa sintido niyang tanong habang si Manong ay abala sa pagmamaneho.
Napaisip ako kung ano ang ibig sabihin ng Surename sa tagalog.Buti na lang at naalala ko kaso wala naman akong Apelyido.
"Wala po akong Apelyido, Señorito. Elara lang po ang pangalan ko"
"Seriously? may mga magulang ka, pero wala kang apelyido? "
"Wala po talaga, Señorito", aniya ko.
Ilang beses ko tinanong sina Itay at Inay kong ano ang Apelyido namin ngunit ang sagot nila sa akin ay wala daw kaming apelyido. Nagalit pa nga sa akin kasi paulit-ulit na ang tanong ko sa kanila.
"Ibig sabihin ay wala kang kakilanlan? Do you have ID's and Birth Certificates? ", tanong niya sa akin na hindi ko maintindihan kong ano yon.
"I guess, wala nga kasi paano ka naman magkakaroon kung wala kang apelyido. ", dagdag niya pa sa akin.
Nanahimik na lang ako kasi hindi ko masyadong naiitindihan ang pinagsasabi niya. Halos bago sa aking pandinig ang mga salita na kanyang binibitiwan.
Niyakap ko ang aking Bag na banig at napatingin sa labas ng bintana. Napapangiti ako dahil sa aking mga nakikita. Ganito pala kaganda sa labas ng kagubatan. Ang daming mga bahay tapos ang gaganda pa. Madami ding mga tao na abala kung saan-saan. Buong buhay ko ay sina Itay,Inay ,at Bebang lang ang mga tao na aking nakikita. Ngayon ay ang dami na.
Maya-maya pa ay pumasok ang sasakyan sa isang malaki at kakaibang bakod. Natulala ako at napabilog ang aking bunganga nang makita ang Napakalaking Bahay. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa sobrang laki at ganda noon.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong. Lumabas ako habang yakap-yakap ang Bag na banig at napatingala sa napakalaking Bahay. Napapaisip tuloy ako kung ano ang hitsura sa loob noon.
Napakurap ako nang biglang magsalita si Manong.
"Ito ang tsinelas para sayo, Iha. Hindi ka pwedeng pumasok ng naka Paa"
"Sa-Salamat po", sagot ko sabay suot noong tsinelas na binigay niya.
Lakad-takbo akong nakasunod kay Señorito papasok sa loob. May mga sumalubong sa aming mga naka uniporme na sa tingin ko ay mga katulong ng malaking bahay na iyon.
"Good Afternoon,Señorito Nicolai", bati ng mga iyon habang nakayuko. Ginaya ko ang ginawa nila kaya yumuko din ako at bumati ng "Magandang Hapon po", aniya ko habang halata sa kanilang mukha ang pagkabigla nang makita akong kasama ng kanilang Señorito
"Good Afternoon", aniya Señorito sa mga ito.
Nang makapasok na kami ay sobrang namangha ako sa ganda ng Loob. Para akong nanaginip sa kakaibang nakikita. Para siyang Palasyo sa mga fairytale na nababasa ko sa libro.
Napakurap ako nang makita ang isang babae na medyo may edad na ngunit maganda pa rin na papalapit sa amin.
"You are here, Iho. Kumusta ang Hunting? Did you enjoy?", wika ng babae na sa tingin ko ay Inay ni Señorito.
Ngumiti si Señorito at saka Humalik sa pisngi ng kanyang Ina, ngunit hindi pa man nakakasagot si Señorito sa tanong niya ay nagulat ito ng mapansin ako.
"Oww, Is this the new Maid of our Mansion?. How old are you, Iha? ", mga tanong niya sa akin, pero hindi ko masyado maintindihan kasi Ingles iyon. Napayuko na lang ako at binati siya.
"Magandang hapon po, Madam. Kumusta po kayo?" ,wika ko dahilan para mapangiti siya sa akin.
"Oww, I like this new Maid. She looks innocent and mysterious", dagdag pa ng Ina niya.
"You are right, Mommy. She is the new Maid"
Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko masyado maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.
"Sakto po dahil kakaalis lang ng dati nating katulong kaya siya na muna ang kapalit", dagdag pa ni Señorito dahilan para mapaangat ako ng mukha at mapangiti.
Malawak ang aking mga ngiti dahil magiging Katulong na ako ng Mansion na ito. May matutulogan, makakain, tapos baka bigyan pa nila ako ng Pera.
Salamat po Ama at hindi nyo ako pinabayaan. pasasalamat ko sa isip.