Chapter 2

1348 Words
Elara's POV Pumapatak ang aking mga luha habang gumagawa ng liham. Ayaw kong mabaliw sina Inay at Itay kakaisip kung bakit ako umalis. Kailangan ko pa ring sabihin sa kanila ang aking nalaman at rason kung bakit ako magpakalayo-layo. "Pag nahanap ko na ang tunay kong mga magulang ay babalikan ko kayo, Inay ay Itay", bulong ko sa sarili habang tinutupi ang kapirasong papel. Nang mailagay ko na ang kunting damit at gamit sa aking Bag na banig ay dali-dali akong lumabas ng aming tahanan. Bago tuloyang umalis ay napalingon muna ako sa Bahay kubo kung saan umikot ang aking buhay sa loob ng dalawang dekada. Hindi ko maiwasang mapa-iyak habang nakatingin sa aming munting tahanan. Parang ayaw kong umalis, pero kailangan dahil walang mangyayari kong mananatili ako dito habang buhay. Kailangan kong matagpuan ang aking tunay na mga magulang. Isa pa, gusto kong maranasan kong ano ang buhay sa labas ng Kagubatan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at paano mabubuhay mag-isa na walang gabay at kalinga ng aking mga magulang. Sabagay, beynte uno na ako at gagawa ako ng paraan para kumita ng pera para mabuhay ko ang sarili. Pinahid ko ang mga luha at saka kumaripas ng takbo papalayo ng aming tahanan.Buo na ang loob ko na harapin ang panibagong mundo na naghihintay sa akin sa labas ng kakahuyan. Nadapa ako sa ginta ng kagubatan dahil sa pagmamadali. Napangiwi ako sa sakit dahil nasugatan ang aking mga tuhod. Nang sa tingin ko ay malayo na ako sa aming kubo ay napa upo na muna ako sa isang malaking puno. Matapos ang isang minuto na paghinga ay tumakbo ulit ako ng pagkabilis-bilis. Ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay ang makalayo kina Itay at Inay kahit hindi ko alam kung saan ba talaga ako papatungo. Nasusugatan na ako dahil sa mga kahoy at halaman na nakaharang sa aking dinadaanan. Napatigil ako at napatakip ng aking mga teynga nang marinig ang isang malakas na putok. Napaupo ako at napaiyak dahil sa takot.Putok ba iyon ng baril? Wala namang baril si Itay kaya malayong siya ang may kagagawan noon. "Nice Shoot, Nicolai!!", wika ng boses na dumagundong matapos ang putok. Napaangat ako ng mukha at hinanap ang pinang galingan ng Boses. Sunod-sunod akong napalunok nang makita ang isang pigura ng lalaki sa di kalayoan habang may hawak-hawak na sandata.Nakaramdam ako ng takot, ngunit dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakangiti ang lalaki at hawak-hawak ang isang ibon na kanyang binaril. "Ba-Bakit mo pinatay ang ibon?" , nauutal kong tanong sa kanya. Namula ang aking mga pisngi ng bigla siyang napatingin sa akin.Parang tumigil ang mundo ko ng mga oras na iyon.Ang gwapo gwapo niya at ang lakas ng karisma. Nangungusap ang kanyang mga mata sa ganda. Makapal ang mga kilay at mahahaba ang pilit-mata. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang mga labi.Ang ganda ng kanyang mga ngiti dahil sa mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Agaw pansin din ang kanyang dimple sa kanang pisngi na lumalabas lang sa tuwing ngumingiti. Lahat ba ng tao sa labas ng Kagubatan ay kagaya niya na sobrang nakakahumaling ang anyo? Sunod-sunod akong napalunok habang nakatitig pa rin sa akin ang estranghero. Napatakip ako ng katawan gamit ang dala kong bag na banig matapos niya akong kilatasin mula ulo hanggang paa. Naka bestidang puti lamang ako at kitang-kita ang hubog ng aking katawan. Ganoon kasi ang aking kasuotan. Palaging puting bestida ang sinusuot ko habang nakalugay lang ang aking mahaba at medyo kulot na buhok. Napakiyom ako ng mga paa dahil wala akong tsinelas at may mga sugat na akong natamo mula sa pagtakbo ng pagkabilis-bilis. "Sino ka? ", kunot-noo niyang tanong at saka itinutok sa akin ang dala-dala niyang baril. Bigla akong napa-atras at nabitiwan ang aking dala-dala dahil sa takot. "Wag. Wag nyo po akong babarilin", nanginginig kong paki-usap habang nakaharang ang aking mga kamay sa mukha ko. Napapikit ako ng mga mata dahil sa takot na baka bawian niya ako ng buhay. "Buksan mo ang iyong mga mata", utos niya sa akin. Sinunod ko ang kanyang utos kahit takot na takot ako sa kanyang panunutok ng baril sa akin. Nakaramdam ako ng ginhawa matapos niyang ibaba iyon. "Sa-salamat po, Ginoo. Maari nyo po bang ituro sa akin ang daan pa---- Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla akong makarinig ng sigaw. Binalot ako ng takot matapos mapagtanto kung kaninong boses iyon. "Elara! Bumalik ka dito! Hindi ka makakatakas sa amin ng Inay mo!!", sigaw ni Itay na umalingawngaw sa kagubatan. Napaluhod ako sa lalaking kaharap ko "Tulongan nyo po ako, Ginoo.Hindi ako maaring madakip ni Itay. Baka mapatay niya ako sa parusang ibibigay sa akin.", pakiusap ko habang umiiyak. "Hindi kita kilala kaya bakit kita tutulongan?Isa pa, bakit mo tinatakasan ang iyong mga magulang?" "Pakiusap, Ginoo. Ilayo nyo muna ako sa kagubatan na ito at ipapaliwanag ko sainyo ang lahat", nanginginig sa takot kong pakiusap. "Can't help you with that, but maybe someone else around here can. I am here to hunt birds, not to help someone", malamig niyang sabi. Hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang sinabi dahil iba ang lengwahe, pero natitiyak kong ayaw niya akong tulongan. Napa-angat ako ng mukha at nagmakaawa pa sa kanya. "Tulongan nyo po ako. Kailangan kong makalabas ng gubat na ito. Papalapit na po si Itay para kunin ako kaya tulongan nyo po akong ituro ang tamang daan palabas", umiiyak kong pakiusap. "Stand-up", utos niya sa akin. Nagdadalawang isip ako kung tama ba ang pagkaka intindi ko sa sinabi niya kaya tumayo na lamang ako. "Akin na yang bag mo", malamig niyang wika. Kinuha ko ang Bag na banig mula sa baba at ibinigay iyon sa kanya. Napatitig na lamang ako sa gwapo niyang mukha. Naiinis ata siya sa akin, pero gusto niya akong tulongan. "Hayys bakit wala kang tsinelas? Tatakbo tayo ng mabilis, pero baka masugatan ka lang", naiinis niyang sabi. Hindi ako naka imik dahil nanatili akong nakatitig sa kanyang mukhang nang bigla ko ulit marinig ang sigaw ni Itay. "Elara! Bumalik ka sa amin ng Inay mo! Hindi ka pwedeng lumabas ng gubat!", Nag-aalala akong napatingin sa dako kung saan galing ang boses ni Itay. Nanginig lalo ang aking katawan dahil sa takot.Nangungusap akong napatitig sa lalaki habang tumutulo na naman ang aking mga luha. "Kailangan ko ng umalis. Pakiusap, ituro mo sa akin ang tamang daan palabas. Malapit na si Itay" , pakiusap ko sa kanya. "Piggy back ride. Ikakarga kita para hindi masugatan ang mga paa mo", wika niya sa akin sabay talikod na para bang hinihintay niya akong kumapit sa kanyang likod. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng "Piggy back ride" kasi ngayon ko lamang iyon narinig. "Paumanhin, pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng iyong sinasabi", nagugulohan kong wika. "Ano ba yan. Sumakay kana sa likod ko dahil malapit na sa atin ang Itay mo!", mataas ang boses niyang utos. Bigla kong naalala ang nilaro namin ni Bebang kung saan pinasan niya ako patalikod. Agad akong lumapit sa likod niya para magpakarga. "Hawakan mo itong Hunting gun ko" Kinuha ko naman iyon at saka inayos niya ang pagkaka-karga sa akin. Bigla akong nakaramdam ng init sa katawan matapos dumikit ang aking malulusog na dibdib sa kanyang matigas na likod. Ngayon ko lang ito naramdaman at para bang may kiliti iyong dulot sa aking katawan. "Are you okay there? ", tanong niya, pero hindi ko naman iyon maintindihan kaya hindi na lang ako umimik. "Okay. Hindi mo naiintindihan? Aalis na tayo kaya kumapit ka ng mahigpit", aniya ng lalaki. "Elara!! Nasaan kana ba, anak?", sigaw ulit ni Itay dahilan para kumaripas na ng takbo ang lalaki habang karga-karga ako sa kanyang likod "Kumapit ka ng mabuti" "Sa-Salamat kasi tinutulongan mo ako", bulong ko sa kanya. Alam kong mabigat ako, pero nagawa niya pa ring tumakbo ng mabalis habang nasa likod ako. Gagawin ko ang lahat para sa lalaking ito. Hindi biro ang tulong na binigay niya sa akin para matakasan si Itay at Inay. Kahit ano pa yan ay pagsisilbihan ko siya. wika ko sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD