Chapter 1

1390 Words
Elara’s POV “Sabi ni Inay at Itay ay wag akong lalayo sa kubo kasi mapanganib ang gubat. Kailan kaya ako makakakita ng ibang tanawin bukod sa mga Puno at mga hayop na nakikita ko dito”, bulong ni Elara sa sarili habang umiitak ng kahoy. “Elara! Mag tatanghalian na tayo. Mamaya mo na yan taposin”, sigaw ni Inay Nenita sa akin. “Halika kana, Anak. Kumain na tayo”, sigaw naman ni Itay sa akin. Napangiti ako at masayang binitiwan ang Itak sabay takbo papasok ng aming Kubo. “Ang sarap naman po ng ulam natin”, nakangiti kong sabi habang sinasandokan na ako ni Itay ng pagkain. “Paborito mo ang Tinolang manok kaya nagkatay ako para sayo, Anak”, aniya ni Itay Domeng. "Kumain ka ng mabuti ha" "Opo, Inay. Kumusta po ang lakad nyo kanina.? Maganda po ba ang Bayan?", hindi ko maiwasang itanong kasi gustong-gusto ko ng makapunta doon,ngunit biglang nagbago ang wangis ni Inay dahil sa tanong ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang magtatanong sa akin patungkol sa labas" "Paumanhin po, Inay" "Kumain na lang tayo. Wag nang sumimangot Nenita at natatakot si Elara", aniya Itay. Napangiti si Inay at ginulo-gulo ang aking buhok. "Iniisip ko lang ang kaligtasan mo anak kaya hindi ka namin pinapalabas ng iyong itay dito sa Kubo. Isa pa madami ka namang libangan dito sa gubat di ba? Nga pala may binili akong mga libro sa bayan para mabasa mo", nakangiting sabi ni Inay. "Naiintindihan ko po, Inay. Maraming Salamat po sa mga libro. Babasahin ko po agad", aniya ko sabay subo ng kanin. "Kumain lang tayo at lumalamig na ang pagkain", wika naman ni Itay. Pagkatapos kumain ay napaupo ako sa ilalim ng Puno ng Narra. Napapaisip talaga ako kung bakit hindi ako sinasama nila Inay at Itay sa Bayan. Sa edad kong beynte uno ay hindi pa ako nakakalabas ng gubat. Buong buhay ko ay dito lang umiikot. Kasama ang mga kahoy at ibat-ibang uri ng mga hayop. Gusto kong mag-aral kung saan pwede akong magkaroon ng mga kaibigan kaso ayaw nila Itay at Inay. Pwede naman daw ako matutong magsulat at magbasa sa loob ng aming tahanan. Mabuti na lang at nandyan si Bebang. Ang kaibigan ko na pumupunta lang dito sa aming tambayan tuwing linggo. Kung hindi pa naligaw noon si Bebang dito sa gubat ay hindi ako magkakaroon ng kaibigan. Sa totoo lang ay lihim ang aming pagkakaibigan kasi magagalit sina Itay at inay kapag nalaman nila na nakikipag-usap ako sa ibang tao. Lagi kasing bilin ni Inay na wag akong makikipag-usap sa ibang tao lalo na kung hindi ko daw kilala. Sinubukan kong lumabas ng Gubat noon ngunit nabigo ako dahil nahuli ako ni Itay. Isang daan na hampas ng sinturon ang inabot ko kay Itay ng mga oras na iyon. Natatakot ako na mangyari ulit yon kaya hindi ko na inulit ang paglabas ng gubat. Gustohin ko man ay hindi maaari. Napabuntong hininga ako at napatingala sa langit. "Sana ay pumayag na sila Inay at Itay na makalabas ako dito sa Gubat", bulong ko sa sarili. Maya-maya pa ay tinungo ko na ang aming Kubo nang mula sa kalayoan ay nakikita kong seryoso na nag-uusap sina Inay at Itay. Nagtago ako sa isang sulok para marinig ang kanilang pinag-uusapan "Beynte uno na si Elara. Siguro naman ay pwede na natin siyang isama sa tuwing lalabas", aniya Itay samantalang si Inay ay sunod-sunod na napailing. "Alam mo naman ang rason kung bakit hindi natin siyang pwedeng isama sa labas. Paano na lang kung may makakita sa kanya at kunin sa atin? "Ano ka ba, Nenita. Hindi iyon mangyayari. Naawa lang ako sa anak natin kasi buong buhay niya ay dito lang sa gubat. Napaka inosente niya sa mga bagay-bagay" "Anong hindi mangyayari? Anumang oras ay pwede siyang kunin sa atin. Binigay ng langit si Elara sa ating buhay kaya lahat ay gagawin ko para hindi siya makuha ng iba.", aniya Inay. Sumimangot ako ng marinig ang mga sinabi ni Inay. Ibig sabihin ay wala talaga silang balak na makalabas man lang ako dito kahit isang beses man lang. Napaisip tuloy ako kung bakit ganoon na lamang ako pinoprotektahan ni Inay. Parang mali ang gusto niyang gawin sa akin habang buhay. Mahal niya ako ngunit kinukulong nila ako sa maliit ng mundong ito. Napabuntong hininga ako at nakinig ulit sa kanilang usapan. "Alam ko kung paano tayo lumuhod sa panginoon para bigyan ng Anak ngunit wag naman nating ipag kait sa kanya ang ganda sa labas ng gubat na ito", pabulong na wika ni Itay. "Ngayon mo pa talaga sasabihin sa akin yan,Domeng? Matapos ang dalawang dekada nating pagtago sa kanya? Paano na lang kapag nawala sa atin si Elara? Wala tayong kakayahan na magkaroon ng anak kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa atin", matigas at pabulong na sabi ni Inay na sobrang tumagos sa aking Puso. Namalayan ko na lamang ang mga luha na tumulo sa aking mga mata. Nanglulumo ako sa aking narinig. "Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan, Nenita. Maging ako ay natatakot na baka isang araw ay mawala sa atin si Elara, ngunit naawa ako sa kanyang kalagayan. Nagkaka edad na ang anak natin. Karapatan niyang makita kung ano ang buhay sa labas ng ating gubat na tahanan. Halos dalawang dekada na ang lumipas sa tingin ko ay hindi na siya hinahanap ng kanyang tunay na mga magulang", wika ni Itay dahilan para lalo akong manglumo at mapaluha ng sunod-sunod. Napaupo ako sa sulok at napahawak sa aking dibdib dahil sa mga narinig na hindi ako tunay na anak nina Inay at Itay. "Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ako papayag na makalabas si Elara ng Gubat na ito. Kaya nga tayo tumira sa gitna ng Kagubatan para maitago at maprotektahan ang ating anak. Isa pa, paano ka makakasigurado na hindi na siya hinahanap ng kanyang tunay na mga magulang? Mayaman at makapangyarihan sila at madaming kayang gawin para mahanap ulit si Elara", naluluhang wika ni Inay. Tumayo si Itay mula sa kinauupoan at saka niyakap si Inay. "Tahan na, Nenita. Patawarin mo ako sa aking mga sinabi. Wag kang mag-alala hindi mawawala sa atin si Elara" Pinunas ni Inay ang mga luha at napayakap na din kay Itay. Samantalang ako ay nalulunod na sa mga luhang lumalabas sa aking mga mata. Halos hindi na ako makahinga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi alam kung paano haharapin sina Inay at Itay. Tumayo ako at maingat na lumayo sa aming bahay kubo. Halos madapa ako nang makarating sa Puno ng Narra at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Ito na ang pinakamasakit ng araw para sa akin, ang malaman na hindi sila Inay at Itay ang aking tunay na mga magulang. Kaya pala ganoon na lamang nila ako ikulong dito sa Gubat. Natatakot sila na baka matagpuan ako na aking tunay na mga magulang. Kaya kong tiisin ang buhay dito kahit gustong-gusto ko ng makalaya dahil mahal na mahal ko sila, pero ang malaman ang katotohanan ay hindi ko kayang indahin ang sakit. Humagulhol ako ng pagkalakas-lakas dahil sa sobrang bigat ng aking kalooban. Halos mag halo na ang aking mga luha at sipon dahil sa aking pag-iyak. Matapos kong mailabas ang lahat ay bumalik na ako sa aming tahanan kahit hindi ko alam kung paano haharapin sina Itay at Inay. Nadatnan ko sila na tila nag-aayos ng mga sarili para umalis. "Mabuti at nandito kana, Anak. Aalis muna kami ng Itay mo" , saad ni Inay. "Bibisitahin lang namin ng Inay mo ang mga pananim", aniya Itay. Napatango na lamang ako at hindi umimik bago sila umalis. Nang makita kong papalayo na sila ay agad akong pumanhik ng kahoy na hagdan papasok ng aming Kubo. Hinanap ko ang kaban na kahoy na kabilin-bilinan ni Inay na wag ko daw bubuksan. Sa unang pagkakataon ay susuwayin ko ang bilin ni Inay. Bubuksan ko ang kaban dahil may gusto akong malaman. Nang mabuksan ko na iyon ay agad kong napansin ang isang kwentas. Antigo ang Kwintas na hugis Puso at may letrang naka-ukit doon. Agad-agad ko iyong kinuha at nilagay sa bulsa. Maaring isa ito sa susi para mahanap ko ang aking tunay na mga magulang. "Tatakas ako ngayong araw", wika ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD