"Anong na naman ang ginagawa mo dito?” wika ni Ryner nang magtungo sa baseball field niya ang ama niya kasama ang loyal na kanang kamay nito. Ang kapag gustong mag-isip ni Ryner at gustong mag practice nang pitching doon lang siya nagpupunta. At nang mga sandaling inyon, bawal pa siyang mag pitch dahil sa sprain nang kamay niya at para hindi siya ma nag ni Peter hindi siya nag punta sa Headquarters nila kundi sa baseball field na pinagawa pa niya.
Simula nang matulog sa kanila si Hannah hindi na siya mapakali lalo pa at alam niyang naging malapit na rin si Primrose sa dalaga. Hindi niya alam kung anong mga magbabago sa mga mangyayari ngayon. At ang mas inaalala niya ay ang kaligtasan ni Primrose. Kapag sinabi ba niya sa asawa na layuan ang dalaga dahil wala siyang tiwala dito makikinig ba ito sa kanya? Wala naman din kasi siyang mga pruweba na masama ito.
“Miyembro ka nang angkan nang mga Carter. Ewan ko ba siyo at hanggang ngayon humaling na humaling ka pa din sa baseball! Ano namang mapapalo mo diyan? Mabibigyan ka ba niya nang kayamanan?” wika nang ama ni Ryner. Napatingin ang binata sa ama niya.
Simula pa nang mapunta siya sa poder nito hindi na nito gusto ang paglalaro niya nang baseball lalo na at miyembro na siya nang pamilya nito. Simula nang iniwan siya nang mama niya sa pangangalaga nang ama niya. Sinabi na nito sa kanya na ayaw nito nang mga sports. Gusto nitong maging tutok sila sa pag-aaral kung papaano palalaguin ang Negosyo nila. Ang ama niya at Zayne. They are a good duo pagdating sa Negosyo pero siya? Wala siyang interes sa ganoong bagay. Mas gusto niya ang sports at simula bata pa siya pangarap na niyang makapaglaro sa major league. Na hindi naman impossible dahil may talento din naman siya sa baseball. Kaya lang ang isang malaking tutol sa mga pangarap niya ay ang ama niya.
“Hindi naman siguro kayo nagpunta dito para sa bagay na iyan.” Wika pa nang binata. “Dati ko nang sinabi wala nang magpapabago nang isip ko ito ang----”
“Ano itong nababalitaan kong sinabi mo sa publiko ang tungkol sa asawa mo? Nakita pa siya nang mga taong nagpunta sa laro mo.” anang matanda.
“Wala naman masama kung nagpunta siya sa laro ko. Asawa ko naman siya at may Karapatan siyang gawin ang gusto niya.” Anang binata.
“Asawa? Baka naman nakakalimutan mong si Zayne dapat ang asawa niya. Ano bang pumasok sa utak mo at inagaw mo ang pakakasalan nang kapatid mo? Ubos na ba ang babae sa mundo.” Wika pa ni sa binata.
“Pakakasalan? Seryoso bang pagpapakasal ang gusto niyang mangyari? Kung ganoon. Bakit siya inabutan nang madaling araw sa isang bar habang nakikipagharutan sa isang babae. And the reason why he got into an accident ay dahil naging pabaya siya. Isusumbat mo rin ba sa akin ang ginawa kong pagpalit sa pwesto niya? Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.” Anang binata.
“Prim deserves to be happy. At hindi iyon sa piling ni Zayne. Hindi siya handang maging isang asawa. Sa palagay niyo ba, kapag kasal na sila ititigil na niya ang ginagawa niya? Anong gusto mong----”
“Hindi mo na problema yun. Pumayag ang ama ni Primrose na ipakasal siya -----”
“Kung hindi iyon problema sa kanya. Pwes sa akin. Malaking problema yun. Importante si Primrose sa akin. At hindi ako papayag na masaktan lang siya ni Zayne. Maraming pwedeng pakasalang ibang babae si Zayne kung gusto niya ng business empire---” putol na wika nang binata.
“Matagal mo nang alam na ang Prism and Pearl ang isang kompanyang gustong makuha nang kapatid mo. Hindi ba dapat tinutulungan mo siya? Bakit ka kumikilos nang taliwas sa angkan natin.” Hindi naman agad na sumagot si Ryner. Ito ang malaking pagkakamali niya noon. Sa pag-aakala niyang tumutulong siya hindi na niya napansin na nasaktan na pala si Primrose. At hindi na ulit siya papayag na mangyari iton.
“Makipaghiwalay kana sa dalagang iyon. Kung ayaw mong masira ang pamilya natin.”
“Pamilya?” Sakristong wika nang binata saka tumingin sa ama niya. “I don’t know about that.” Anang binata. “Kung pamilya ang turing mo sa akin. Irerespeto niyo ang naging desisyon ko. Asawa ko na si Primrose. Hindi ko babaguhin iyon. And I know she feels the same way. I am sure hindi rin niya gustong makasal sa lalaking hindi niya gusto. O dahil lang sa isang kasunduan.”
“And you think gusto ka niya?” tanong nito. Hindi naman nagsalita si Ryner. Ano bang nararamdaman ni Primrose sa kanya? Dapat ba niyang bigyan nang pag-asawa ang sarili niya na balang araw pwede siyang mahalin ni Primrose.
“Hindi ka makasagot dahil alam mong----”
“Even If she don’t at this time. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya rin ako.”
“You sounded so desperate.” Napangiting wika nang matanda sa anak. Pero ang totoo. Sa isip ni Ryner, desperado din ang tingin niya sa sarili niya desperadong mailigtas si Primrose at masigurong magiging ligtas ito. Wala siyang nagawa sa nakaraang buhay niya. At hindi na iyon mangyayari ngayon. Iyon ang sinisigurado niya sa sarili niya.
“Listen to what I am saying, Young Man. Kapag nalaman nang publiko na inagaw mo ang mapapangasawa nang kapatid mo Magiging isang malaking kasiraan ito sa pangalan mo. Ano nalang ang sasabihin nila?”
“Wala na akong pakiaalam sa sasabihin nang iba. Si Prim lang ang mahalaga sa akin ngayon.” Anang binata.
“Masyadong matigas ang ulo mo, Ryner. Huwag mo akong kakalabanin. Alam mo ang kaya kong gawin.” Wika nang ama niya.
“Alam ko kung anong kaya mong gawin. Pero hindi na ako ang dating Ryner na walang kayang gawin para sa taong mahalaga sa kanya. Kahit ikaw pa o si Zayne. Hindi niyo makukuha si Primrose sa akin.” Anang binata at tumingin sa ama niya.
“Dati wala akong nagawa. Pero ngayon hindi ko hahayaang may gawin kang masama sa mga Taong mahalaga sa ‘kin. Dahil ako mismo ang makakalaban mo.” dagdag pa nang binata.
“Pinagbabantaan mo ba ako?” Asik nito.
“Bakit naman kita pagbabantaan? But dare to touch her and you’ll see.” Wika nang binata saka nilampasan ang ama saka naglakad papalabas nang field. Bigla siyang nawalan nang gana. Alam niyang dahil kay Zayne kaya ito nagpunta doon. Kahit noon paman talagang si Zayne na ang pinapaburan nito.