Between Trust and Doubt

1411 Words
“Okay ka lang ba diyan?” Tanong ni Primrose kay Hannah na nilingon ang dalagang nasa likod nang sasakyan. Nakalabas na sila noon sa presinto. Papunta sila noon sa bahay nil ani Ryner. Simple lang napatingin si Ryner sa rearview mirror para sulyapan ang dalaga sa likod nang kotse marahan itong napapahawak sa pasa nito sa gilid nang labi at mata. “Sa hospital ba tayo?” Tanong ni Ryner saka tumingin kay Primrose. “Huwag.” Wika ni Hannah na tumingin sa dalaga. Sabay namang nakatinginan sina Ryner at Primrose dahil sa gulat. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Ryner. “I mean, ayokong makita nila ako nang ganito.” Wika pa nang dalaga. “Isa pa hindi naman ----” “Isama nalang natin siya sa Bahay natin.” Wika ni Primrose saka tumingin sa binata dahil sa sinabi ni Primrose napatingin sa kanya si Ryner. Nakatitig lang siya sa asawa. Isa ito sa mga katangian kung bakit natatakot siyang ma-take advantage nang ibang tao si Primrose. Lalo na ni Hannah dahila alam niya ang nakaraan nila hindi siya kampante sa gustong mangyari ni Primrose. “Okay lang ba?” tanong ni Primrose. “Iniligtas naman niya ako. Gusto kong----” “Mas maiging sa hospital siya----” “It’s Okay, Prim. Hindi na natin dapat pilitin si Ryner.” Wika pa ni Hannah. Prim? Tanong nang utak ni Ryner. Talagang mabilis siyang naging komportable. Wika pa nang isip niya. Napatingin si Ryner sa mukha nang dalaga. Nakita niyang bigla itong nalungkot. At ang makitang tila malungkot ang dalaga isang bagay na hindi kayang tiisin nang Binata. “Fine. Sa palagay ko hindi naman masama. Para matulungan mo na rin siyang gamutin ang mga pasa niya.” Wika ni Ryner. Dahil sa sinabi niya biglang umaliwalas ang mukha ni Primrose at ngumiti. Dahil sa ngiting iyon ni Primrose. Hindi mapigilan nang binata na hindi mapangiti. “Ang babaw mo.” wika nang Ryner habang nakangiti at kinusot ang buhok nang dalaga isang matamis na ngiti lang ang tugon ni Primrose. Nasanay na siya sa ganoong gestures ni Ryner at pamilyar iyon sa kanya kaya madali siyang naka adjust. Sa likod naman nang Sasakyan nakatingin lang si Hannahsa kanila. Nang makarating sila sa bahay nila ni Ryner. Sinabi ni Primrose kay Hannah na maupo munat at kukuha siya nang first aid kit. Agad namang tumalima si Hannah habang si Ryner naman ay sinundan ang asawa. “Mag-usap nga tayo.” Wika ni Ryner saka pinigilan ang dalaga sa pagkuha nang first air kit sa cabinet. Napatingin naman ni Primrose sa Asawa. “Bakit?” Innosenteng tanong nang dalaga. “Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang isama siya dito. Hindi ba masyado kang nagiging mabait. Kakakilala mo lang sa kanya hindi -----” “You sounded like, hindi ka nagtitiwala sa kanya. Sa palagay mo mabait naman si Hannah. At isipin mo. sino naman ang tutulong sa ‘kin nang mga sandaling iyon. Babae din siya pero hindi siya natakot na harapin ang mga lalaki. Tingnan mo ang nangyari sa kanya. Makokonsensya ako kung ----” “Masyado kang madaling magtiwala alam mo ba yun.?” Wika ni Ryner saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Napatingin naman si Primrose sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon si Ryner at kung bakit tila wala itong tiwala kay Hannah sa palagay naman niya mabait ito pero bakit hindi tila hostile ito sa presensya ni Hannah. “Alam mo, ngayon ko lang napagtanto na masyado kang----” “Wala lang akong tiwala sa mga taong sa palagay hindi mapagkakatiwalaan.” Wika ni Ryner. “Alam mo bang dahil siyan sa ugali mong yan. Hindi ko alam kung dapat matuwa ako o dapat matakot. Lapitin ka sa mga taong mabilis mag disadvantage sa kabutihan mo.” “You sounded like----” “I am not sounding anything.” Wika ni Primrose saka napasimangot. Saka napatingin sa suot ni Ryner. “Teka nga. May laro kayo ngayon diba? Anong nangyari?” tanong nang dalaga. “Ano sa palagay mo?” balik na tanong nang binata. “Namimilosopo ka ba? Nagtatanong ako.” “Hindi ako makakapaglaro dahil sa injury ko. Tapos biglang nakatanggap ako nang tawag mula sa presinto. Akala ko kung may nangyari nang masama saiyo.” Wika nang binata saka inihilig ang ulo sa balikat nang dalaga. “I was worried sick. Akala ko kung anon ang nangyari saiyo.” Wika ni Ryner na dahilan para lalo siyang mabigla. “Pasensya na.” mahinang wika ni Primrose. Saka naman tumayo nang maayos si Ryner at napatingin sa dalaga. “Kailangan ko nang balikan si Hannah. Hindi ka na naman babalik sa stadium diba? Magbihis kana. Dito na din natin patulugin ngayon gabi si Hannah ha?” anang dalaga. “Sige, sige ikaw nang bahala.” Wika nang binata. “Anong gusto mong hapunan?” Tanong ni Ryner. “Dahil sa nangyari ngayon, nakalimutan kong hindi pa pala tayo kumakain.” Wika nang Binata. “Ikaw ba ang magluluto?” tanong nang dalaga. “Mag order nalang tayo----” “Hindi ko gustong kumakain nang ibang pagkain ang asawa ko. Luto ko lang ang pwede mong kainin.” Wika nang binata saka kinusot ang buhok nang dalaga at mabilis na nagpunta sa silid nila. Pinamulahan naman nang pisngi ang dalaga dahil sa ginawa ni Ryner. “Anong nangyari saiyo? Bakit pulang-pula ang pisngi mo?” tanong ni Hannah nang lumapit siya sa dalagang nakaupo sa sofa. Dahil sa hiya napahawak siya sa pisngi niya. “W-wala ito.” nag-aalangang wika nang dalaga. “Heto.” Anang dalaga at inilapag ang kit sa mesa. “Dito kana magpalipas nang gabi. Sinabi ko na kay Ryner. May guest room naman dito.” Wika pa nang dalaga. “Hindi mo naman----” “Masyado nang malalim ang gabi. Isa pa, dahil ikaw ang nagligtas sa akin. Dapat lang na suklian ko ang kabutihan mo.” wika nang dalaga. “Salamat.” Wika ni Hannah na ngumiti. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Primrose sa dalaga. Matapos ding makapagluto nang pagkain si Ryner saka naman Isinama ni Primrose si Hannah sa komedor. Doon natigilan si Hannah nang makita ang Binatang si Ryner na nakasuot nang Apron. Hindi siya makapaniwala na nag sikat na Ace player nang baseball isang house husband at pinagluluto pa nang pagkain ang asawa. Napatingin siya kay Primrose. Hindi niya maiwasang hindi mapaisip na napaka swerte nang dalaga. Jackpot siya sa asawa. Hindi lang Magandang lalaki at sikat na atleta talagang maasahan pa sa kusina. Sa isip noon ni Hannah. Gusto rin niya nang ganoong lalaki sa buhay niya. Maalaga at talagang ipinapakita ang pagmamahal niya. “Bakit?” tanong ni Primrose nang mapatingin sa dalagang natigilan. Napatingin din naman si Ryner sa dalaga at doon lang niya napagtanto na nakatingin ito sa kanya. Doon lang din niya napansin na Nakita siya nitong nakasuot nang apron. Bukod kay Primrose. Wala pang ibang taong nakakita sa kanya sa ganoong ayos. Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Pero wala naman siyang pakiaalam kung anong iniisip nang iba tungkol sa kanya. Si Primrose lang naman ang mahalaga sa kanya. Hindi siya nabuhay sa pangalawang pagkakataon para isipin ang mga pangmamata nang iba. Minsan na siyang nabigo na protektahan ni Primrose at hindi niya balak nang ulitin ang pagkakamaling iyon. “Nabigla lang ako sa Nakita ko. Kilala kasi si Ryner na----” “Dahil ba isa akong national player hindi na ako pwedeng magsuot nang apron o magluto?” Tanong nang binata. “No, I don’t mean that. Nakakabilib lang. Hindi lahat nang lalaki gagawin yan.” wika pa ni Hannah na makikita ang paghanga sa mga mata bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ni Primrose. At para bang may kung anong kirot sa dibdib niya dahil sa Nakita. “Kuting.” Wika nang binata nang mga sandaling iyon ay hindi namalayan ni Primrose na lumapit sa kanya, marahan nitong pinihit ang ulo niya paharap sa kanya. “Kuting?” mahinang tanong nang dalaga. Ang tawag na iyon bakit parang pamilyar sa kanya. It sounded familiar. Hindi niya alam kung saan niya iyon narining. “Kumain na tayo. Bago lumamig ang pagkain.” Wika nang binata. “Ah- Oo.” Wika nang dalaga saka humarap kay Hannah saka inakay ito papalapit sa mesa at pinaupo. Tahmik lang na sumunod si Ryner sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD