Napaawang ang labi ni Pearl dahil sa narinig at napadako ang tingin sa pinanggagalingan nang boses nang bidder. At doon Nakita nang lahat si Ryner ang sikat na baseball player in his suit looking so handsome and stunning na nakatayo sa pinto. Hindi makapaniwala ang lahat sa narinig. Maging si Primrose na nandoon ay napaawang ang labi dahil sa narinig lalo na nang makita ang binata na dumating. Saving her face from humiliation. Lahat nakatingin kay Ryner. Nagtataka at nabibigla sa sinabi nang binata. May narinig pa si Primrose na nagtanong kung nasa matinong pag-iisip ang binata. Bakit naman nito kukunin ang kwentas na iyon, bidding at 500,000 at that. Lahat hindi makapaniwala sa narinig. Nakatingin ang lahat sa binata habang naglalakad ito papunta sa unahan, Habang naglalakad ang may n

