“Zayne!” gulat na bulalas ni Primrose nang biglang salubungin isang malakas na suntok ni Zayne si Ryner. Kakatapos lang noon nang event at ang naiwan nalang sa loob nang ball room ay ang pamilya nila. Akala niya kinakausap lang ni Ryner ang mga magulang nito kasama si Zayne pero ganoon nalang ang gulat nila nang marinig ang isang malakas na lagabog. At dahil sa lakas nang ginawa ni Zayne napaatras pa si Ryner at tumama sa isang mesa dahilan para mabuwal ang upuan doon. Agad namang napatingin sa dalawa ang lahat. Nang makita ni Primrose ang nangyari agad siyang lumapit sa dalawang binata. Muli sanang susugurin ni Zayne si Ryner pero bigla siyang pumagitna. “Ano bang problema mo?” asik ni Primrose kay Zayne. Napatingin siya sa mga magulang ni Zayne walang ginawa ang mga ito at hinayaan l

