Stranger Yet Familiar

1099 Words
Hindi na napigilan ang pagpapakasal ni Primrose sa anak nang business partner nang papa niya. Kahit pa sabihing replacement husband lang ito. After their wedding agad siyang isinama nang binata sa bahay nito. “Feel at home. Ito na rin ang magiging bahay mo simula ngayon.” Wika nang binata saka hinubad ang suot niyang putting coat. Napatingin naman si Primrose sa paligid. Napansin niya ang mga trophy sa na nakadisplay at medals. Umagaw din sa atensyon niya ang isang bola nang baseball na naka display habang nakalagay sa loob nang isang glass box. Taka siyang napatingin sa binata. “Bakit ka ganyan makatingin?” Tanong nang binata na humarap sa dalaga. Hindi maintinihdan ni Primrose pero bakit pakiramdam niya pamilyar sa kanya ang lalaking ito hindi lang niya mawari kung bakit ang alam niya ngayon lang niya Nakita ang lalaki. “Sayo ba ang mga ito?” tanong ni Primrose sa binata. Napatingin naman ang binata sa mga trophy na nakadisplay. “Yeah.” Simpleng wika nang binata. “I didn’t know na isang atleta pala ang kapatid ni Zayne. Well, hindi ka rin naman niya naikukwento.” Anang dalaga. “Dahil, hindi naman kasi kami malapit.” Simpleng wika nang binata. “I am curious. Anak ka nang may-ari sa pinakamalaking shopping mall sa bansa. But you are----” “It’s because I made a promise.” Wika nang binata na hindi na pinatapos ang sasabihin nang dalaga at tila alam kung anong gustong sabihin nang dalaga. “Kaya lang, nakalimutan na niya ako.” Wika pa nang binata saka kinuha ang kanyang coat. “Maliligo lang ako. Gusto ko nang magpahinga.” “Teka-----” habol nang dalaga sa binata. Bigla namang natigilan si Ryner saka humarap sa dalaga. “Bakit?” Tanong nang binata na lumingon sa dalaga. “Saan ako matutulog?” tanong pa nang dalaga. “Iisa lang ang silid dito. So malamang, doon tayo sa silid ko matutulog.” Wika pa nang binata. “Iisa lang? Pero akala ko ba-----” “Don’t worry, tumutupad naman ako sa pangako. Isa pa, mag-asawa tayo hindi naman siguro masama kung sa iisang higaan tayo matutulog. Don’t worry. Hindi kita gagalawin ng walang pa hintulot mula saiyo.” Wika nang binata aka pumasok sa loob nang silid. Iniwan din nitong nakabukas ang pinto. Pasimple namang sumilip ang dalaga sa silid. Kinakabahan siya. Matutulog siya katabi nang isang estranghero. Kahit naman sabihing asawa niya ito ngayon lang niya Nakita ang binata. Baka mamaya, may iba itong motibo kung bakit siya nito pinakasalan kapalit nang kapatid nito. At hindi rin niya maintindihan kung bakit walang nag sasabi sa kanya kung ano na ang kalagayan ni Zayne matapos ang aksidente o kung magpapakita ba ito sa kanya? Ano ang iniisip nito ngayon. Lalo na kapag nalamang ikinasal na siya sa iba. Okay lang kaya dito na sa kapatid siya nito naikasal? Ang daming tanong sa isip niya at hindi niya alam kung mabibigyan bai yon nang sagot. “Ano yan?” takang tanong ni Primrose nang ilapag ni Ryner sa side table isang isang bason ang gatas taka siyang napatingin sa binata. “Nahihirapan kang matulog kapag hindi ka nakakainom nang gatas. Kaya naman, ipinagtimpla na kita. Inumin mo nan ang makatulog ka.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa kabilang bahagi nang kama. Sinundan niya nang tingin ang binata. Tama ang sinabi nito. Talagang nahihirapan siyang matulog at ang pag-inom nang gatas ang nakakatulog sa kanya para makatulog. Hindi niya maintindihan. Bakit alam iyon nang binata. Hinulaan lang ba biya? “Huwag mo na akong titigan. Inumin mo na yan. At matulog kana.” Wika nang binata na nahiga sa tabi niya saka tumalikod sa kanya. Kahit nagtataka, marahang kinuha nang dalaga ang basong may lamang gatas saka ininom. Matapos inomin. Ilang sandali siyang nagbasa nang aklat at nang makaramdam na tila inaantok na siya saka siya nahiga. Taka siyang napatingin sa binata. “R-Ryner--” Mahinang usal nang dalaga. Isang ungol lang ang tinugon nang binata. “Tulog ka na ba?” tanong nang dalaga. “Baka hindi ka makatulog dahil bukas ang ilaw----” “Leave it like that. Hindi ka makakatulog nang nakapatay ang ilaw. I’ll be fine. Matulog kana.” Wika nang binata na hindi humarap sa kanya. lalo namang nagtaka ang dalaga. Mukhang maraming alam ang binata tungkol sa kanya. Hindi naman lihin na hindi siya nakakatulog pag nakapatay ang ilaw. May takot siya sa dilim dahil sa nangyari sa kanya noon. Bigla siyang na guilty, ang binata pa ba ang mag-aadjust sa kanya? okay lang ba dito na gawin iyon? Nakatulugan na niya ang kakaisip sa kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ryner at kung bakit tila parang alam na alam nito ang lahat tungkol sa kanya. Nang magising ang dalaga, Napansin niyang wala na sa kama si Ryner. Mukhang maagang nagising at binata. Bigla siyang na guilty dahil siya ang asawa nito dapat siya ang maaga na gumising para maghanda nang agahan nito. Kahit naman hindi totoo ang kasal nila, may reponsibilidad pa rin siya bilang asawa nito. Agad na bumangon ang dalaga saka nag mamadaling lumabas nang maisip na baka nandoon pa ang binata babawi nalang siya at ipaghahanda ito nang almusal. Nang lumabas siya nang silid. Biglang natigilan ang dalaga nang makita si Ryner na kusina na nakasuot nang casual na damit at tila aalis ito papunta sa trabaho sa ibabaw nang damit nito ay ang apron. “Good morning, Mabuti at gising kana mag-almusal na tayo.” Wika nang binata saka tumingin sa kanya at ngumiti. Marahang naglakad ang dalaga papalapit sa binata lalo siyang natigilan nang makita ang nakahain sa hapag. Lahat nang iyon mga gustong-gusto niyang kinakain tuwing agahan, Fried rice at hinog na mangga. Taka siyang napatingin sa binata. Hindi naman siguro nagkataon na alam nito ang mga bagay na iyon tungkol sa kanya. Ang paginom niya nang gatas bago matulog, Ang pagnanatiling bukas nang ilaw. At ngayon ang paborito niyang pagkain sa umaga. “Maupo kana, maaga pa ang pasok mo ngayon hindi ba.” Wika nang binata na pinaghila siya nang upuan. “I didn’t know na ma----” “Marunong akong magluto? Well, I had to. Dati sinabi ko na magbubuhay prinsesa ang babaeng pakakasalan ko.” Wika nang binata at ngumiti. “It’s unfortunate.” Wika nang dalaga saka naupo. “Unfortunate? Why?” tanong nang dalaga. “Dahil sa iba ka ikinasal. I’m sorry.” “Huwag kang humingi nang sorry. Wala ka namang ginawang masama. Ganoon lang siguro Talaga ang buhay.” Sagot naman ni Ryner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD