Lahat nang mga empleyado na nasa labas nang Building nang Cristobal Firm ay nakatingin kay Primrose at sa kasama niya, napansin ni Primrose na na kay Ryner ang lahat nang tingin nila lalo nan ang mga kadalagahang nandoon. Sino ba naman kasi ang hindi hihinto kung ang isang matangkad at gwapong binata ang nasa harap nila. At aminado naman si Primrose na talagang agaw pansin si Ryner. Matangkad at Makisig at bukod pa doon Magandang lalaki. May narinig nga siyang isang grupo nang mga babae na dumaan sa harap nila napatingin kay Ryner at nagtatalo pa kung sino ang kahawig nito. Kung si Steve Rogers ba o si Clark Kent. At dahil sa sinabi nang mga dalaga napatingin si Primrose dito na napansin naman ni Ryner dahilan para mapatingin ang binata sa kanya.
“Hanggang kailan mo ba ako titingnan na para mong kinukwestyon ang pagkatao ko?” tanong nang binata sa dalaga na napapangiti saka kinuha ang dala niyang bag na may lamang mga sketches niya. Nagtatrabaho siya sa Jewelry design company nila bilang isang Intern Designer. Ang Prism & Pearl Deisgn ay isang sikat na Jewelry design firm sa Asia. May jewelry store din sila sa mga Shopping Mall na pagmamary-ari nang magulang ni Ryner. At ito ang dahilan kung bakit malapit ang mga magulang nila at nagkasundo na ipakasal ang mga anak nila. It’s all about business Expansion.
“Teka---” wika nang dalaga na biglang hinawakan ang braso nang binata nang mapansin itong naglakad patungo sa pinto nang building. Hindi n anito hinintay ang sagot niya sa tanong nito at agad nalang na nagdesisyon na maglakad patungo sa building.
“Bakit?” tanong ni Ryner na huminto at humarap sa dalaga.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Primrose sa binata.
“Ihahatid kita sa Opisina mo?” balik na tanong nang binata na tila nagtataka sa tanong niya.
“Bakit?” Tanong nang binata.
“Anong bakit?” Balik na tanong nang binata.
“I mean, hindi mo na ako kailangang ihatid. Alam ko naman kung papaano pumunta sa opisina ko. And ------ ” Natigilan wika nang dalaga. Nakatitig lang si Ryner sa dalaga na tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“Masyado kang nakakahatak nang atensyon. Imagine kung ----”
“Iyan lang ba nag pinoproblema mo?” Wika nang binata na naglakad.
“Teka lang----” habol nang dalaga. “Kung magsalita ka parang hindi malaking problema----” biglang natigilan ang dalaga nang biglang huminto si Ryner at humarap sa kaya. Ang isa pang dahilan kung bakit siya biglang natigilan ay ang biglang paglapit nang mukha nito sa mukha niya sa sobrang lapit pwede nang magkadikit ang mukha nila at bukod doon. Bigla ding uminit ang pisngi niya. Dahil sa gulat? Hindi niya alam. Maging ang dibdib niya bigla ding kumabog nang bigla.
"Oh, it’s fine. My heart’s got a VIP pass for one person only—too bad she hasn’t even noticed I exist. Honestly, it’s impressive at this point!" Nakita niyang sumilay sa labi ni Ryner ang isang makahulugang smirk bago ito lumayo sa kanya at tumayo nang maayos.
“Bakit hindi ka magpakilala sa kanya?” tanong nang dalaga. “Alam mo hindi naman ako magiging handlang sa inyo. Kung babalikan mo siya----”
“I’ll do that. Sa tamang panahon.” Wika nang binata. “Sa ngayon, Pumasok kana sa loob at baka mahuli ka. Kailangan ko na ring pumunta sa practice.” Wika nang binata.
“Practice?” tanong ni Primrose. “Ah, sa baseball” wika nang dalaga.
“Yes. Wala ka bang gagawin ngayong linggo?” Tanong nang binata. Umiling naman ang dalaga.
“That’s great. Then pwede kang manood nang laro ko.” Wika pa nang binata.
“I’d love that.” Nakangiting wika nang dalaga. Bigla siyang na excite nang marinig ang tungkol sa laro nang binata. Hindi maintindihan ni Primrose pero sobrang tuwa ang nararamdaman niya nang marinig ang ideya na manood nang laro. Alam niyang hindi naman siya ang taong mahilig sa mga Sports pero bakit siya excited sa ideyang manood nang baseball.
“I’d love to see you watch my game.” Wika pa nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo niya na dahilan para matigilan ni Primrose at heto na naman ang dibdib niya kumakabog na parang gustong lumabas sa dibdib niya. Bakit ganito ang reaksyon niya sa gesture ni Ryner?
“M-mabuti pa, papasok na ako.” Wika nang dalaga saka kinuha sa kamay ni Ryner ang bag niya. “Hindi mo na ako kailangang sunduin mamaya.” Wika pa nang dalaga.
“Alam mo ba kung paano umuwi sa bahay?” tanong ni Ryner sa dalaga.
“Don’t worry, Makakauwi ako.” Natatawang wika nang Primrose sa binata. Simple ngiti lang ang tinugon ni Ryner sa dalaga.
“Ingat ka!” kumaway na wika ni Primrose saka naglakad papasok sa building. Nakangiti lang si Ryner na inihatid nang ang dalaga papasok. Hanggang sa hindi na niya matanaw ang dalaga.
“Oblivious girl.” Wika ni Ryner habang nakatingin sa dalaga. “Don’t worry. Hindi naman ako nagmamadali. Gaya nang sinabi ko. Sa pagkakataong ito, poprotektahan na kita. This time, Sisiguraduhin kung, sapat na ang pagmamahal ko para pangalagaan ka. Pangakong hindi ka na masasaktan nang kahit na sino man.” Wika nang binata habang nakatingin sa loob nang building.
“Prim, sabihin mo, sino ang kasama mong gwapong lalaki kanina?” Tanong nang iang katrabaho ni Primrose. Kakarating lang niya doon sa loob nang opisina nila at kakalapag lang niya nang bag niya nang lapitan siya nang mga katrabaho niya. Pinalibutan kaagad nang mga ito ang desk niya at lahat nagtatanong sa kung sino ang Binatang naghatid sa kanya.
“Grabe, Walang salitang pwedeng mag describe sa angkin niyang-----”
“Bakit? Are you thinking he is a god-----” natigilang wika nang dalaga nang makitang sinasabi nang mga mukha nang mga ito na tila diyos nang kagwapuhan at kakisingan ang binata. Parang sa isip nang mga ito tinalo pa nito si Hercules at Achilles sa angking kakisigan.
“Ang OA niyo ha.” Natatawang wika nang dalaga.
“Wait, I think I know him.” Wika pa nang isang dalaga habang nakatingin sa cell phone niya. Napatingin naman ang lahat dito lalo na si Primrose.
“He is Ryner Mitchels, Ang sikat na Ace player nang National Baseball team. At bukod doon, Isa din siya sa mga tagapagmana nang isang malaking kompanya at chain of malls.” Dagdag pa nito.
“Imagine, a national player at isang tagapagmana. Swerte nang magiging asawa niya.” Wika pa nang isa. “Teka nga, bakit ka niya inihatid?” Tanong pa nito. Napatigin naman ang lahat sa dalaga. Dahilan para matigilan din si Primrose. Paano naman niya sasabihin sa mga ito na asawa niya ang binata.
“No Way!” wika nang dalaga na nakatingin pa rin sa cell phone niya saka tumingin kay Primrose. “Asawa mo siya?!” bulalas nito saka iniharap sa kanila ang cell phone kung saan may article tungkol sa kasal nila.
Dahil sa sinabi nito lahat napatingin sa article saka bumaling kay Primrose nap uno nang pagtataka.
“Kaya pala siya naghatid saiyo.” Dismayadong wika nang isang dalaga.
“Mukhang wala na tayong pag-asa sa kanya. Swerte mo naman Prim.” Wika pa nang isa. Simpleng ngiti lang ang tinugon nang dalaga. Hindi niya alam kung maswerte ba siyang maituturing. Wala naman siyang maipintas sa binata pero hindi naman niya alam kung anong ugali meron ito.
“At bakit kayo nag-uumpukan diyan wala ba kayong gagawin?” Inis na wika nang isang dalaga na dumaan sa desk ni Prim. “Hindi dahil sa kasal mo kahapon, papayagan na kitang mag slack off. May mga deadlin tayo Prim.” Wika pa nito Bago bumaling sa mga babaeng ka trabaho nila. “At kayo? Ano pang ginagawa niyo? Balik sa trabaho!” gigil na wika niya.
“Yes, Miss Pearl.” Wika pa nang mga ito saka isa-isang umalis sa desk ni Primrose dahilan para maiwan ang dalawa.
“Ipinagmamayabang mo na ba sa kanila na napangasawa mo ang isa sa mga anak nang Carter? Alam din ba nil ana isang replacement husband ang asawa mo?” wika ni Pearl. “Hindi ka dapat maging mayabang kung ang pinakasalan mo ay sang lalaking wala namang maitutulong saiyo.” Wika nang dalaga saka iniwan si Primrose. Napabuntong hininga lang ang dalaga nang iwan siya ni Pearl. Si Pearl ang anak nang papa niya sa unang asawa nito. At hindi sila magkasundo, lalo na at hindi nito gusto na pinakasalan nang papa nila ang mama niya nang mamatay ang mama nito. Iniisip ni Pearl na inagaw nila nang mama niya ang papa nila. Hindi nalang siya sumasagot sa pagtataray nito at sinusubukang intindihin ang kapatid niya.