A Kiss to Remember

1403 Words
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Ryner nang dumating at maabutan si Primrose na nasa kusina at naghahanda nang hapunan. Naglakad ang binata papalapit sa dalaga matapos niya ilapag ang dalang bag. “Nagluluto nang hapunan.” Simpleng wika ni Primrose at inilapag sa mesa ang dalang niluto. “Pero hindi mo----” “Hindi naman ako papayag na ikaw ang maging tagaluto dito. Bilang a-asawa mo, responsibilidad kung gawin iyon. At hindi naman ako ang babaeng pinangakuan mo na gagawin mong prinsesa. Ayoko ding tinatratong espesyal. Hindi ako komportable.” Wika nang dalaga. “Alam mo bang gusto nang mga babae na tratuhin silang prinsesa nang asawa nila. Ikaw lang yata ang nakilala kong hindi komportable---” “Well, Save your princess treatment sa babaeng gusto mo.” Ngumiting wika nang dalaga. Nakatitig lang si Ryner sa dalaga. Saka dahan-dahang naglakad papalapit dito. Natigilan naman si Primrose nang biglang huminto sa harap niya ang binata at hinawi ang buhok sa noo niya Ang lalo pa niyang ikinagulat at nang biglang siyang gawaran nang halik sa noon ang binata dahilan para matigilan ang dalaga. Saka napatingin sa binata. “What----” “Reward.” Wika nang binata at ngumiti. “Gutom na ako kumain na tayo.” Wika nang pa nang binata saka naupo. Ang dalaga naman ay biglang napahawak sa noo niya. Nang napahawak siya sa noo niya bigla siyang may nakitang pamilyar na pangyayari. It was also the same, someone kissing her forehead sabay sabing reward iyon. Napatingin siya sa binata. Anong ibig sabihin nang Nakita niya? Sino naman ang lalaking iyon. Bukod ba kay Zayne na ipinagkasundo sa kanya nang kanyang ama may iba pa siyang nakilalang lalaki. “Oh, Bakit ka pa rin nakatayo diyan?” Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. Hindi naman nakapagsalita si Primrose. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit pakiramdam niya, pamilyar ang bakit kilos ni Ryner sa kanya. Mahina siyang nagtanong, "Sino ka ba talaga?" naisatinig ni Primrose. Hindi na niya nagawang itago ang katanungan na iyon sa loob niya. Dahil sa mga nangyayari wala siyang ibang gustong malaman ngayon kung kilala ba niya ang binata. Napatingin naman si Ryner sa dalaga. “Your actions. Hindi ko maintindihan. Pero parang---- It’s Strange. Pero pamilyar. You seemed to -----” “Hindi mo ba Talaga ako naaalala?” Tanong ni Ryner sa dalaga. Napakunot nang noo naman si Primrose dahil sa sinabi ni Ryner. Ibig bang sabihin nito magkakilala sila? Pero bakit hindi niya naalala ang binata? “Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo ako naalala. Maraming pagkakataon na makilala natin ang isa’t-isa.” Wika nang binata. “Maupo kana, at Samahan mo akong kumain.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga at hinatak para maupo. Hindi naman tumutol ang dalaga. Maraming katanungan sa isip nang dalaga at gusto niya iyong mabigyan nang kasagutan. Hindi niya alam kung si Ryner ba ang taong magbibigay sa kanya noon. “Ma--- Mama.” Mahinang ungol nang dalaga habang natutulog. At dahilan sa ungol na iyon nang dalaga. BIglang nagising si Ryner. Napatingin siya sa dalaga. Napansin niya na tila nananaginip nang masama ang dalaga. Napansin din niya ang pagtulo nang mga luha nito. At mukhang sa panaginip nang dalaga, muli nitong Nakita ang mama niyang namatay limang taon na ang nakakaraan. “Hey.” Wika nang binata saka tinapik ang balikat nang dalaga para gisingin ito ngunit hindi nagising si Primrose. Maya-maya hinawakan ni Ryner ang kamay nang dalaga para pakalmahin ito ngunit nabigla siya nang biglang hawakan nang dalaga nang mahigpit ang kamay niya at braso at tila hindi na gustong pakawalan. “It’s okay. Everything’s going to be okay. Hindi mo nakailangang isipin ang nakaraan.” Masuyong wika ni Ryner saka pinahid ang luha nang dalaga. Marahang binawi nang binata ang kamay niya sa dalaga saka tumabi sa pagkakahiga nito kinabig ang dalaga papalapit sa kanya na tila yakap na niya ang dalaga habang tinatapik ang balikat nang dalaga para pakalmahin ito. “It’s okay. Simula ngayon hindi kana dadalawin nang mga masasamang panaginip.” Sambit nang binata na patuloy ang pagtapik sa braso nang dalaga habang yakap ito. Maya-maya ay unti-unting kumakalma ang dalaga bumalik sa pagkakatulog. “Pinangako kong poprotektahan kita sa pagkakataon na ito. At hindi ako sisira sa pangako ko sa pagkakataon ito.” “Zayne!” gulat na wika ni Primrose nang biglang dumating sa bahay nil ani Ryner si Zayne. Naghahanda sila noon ni Ryner para sa pagpunta sa Stadium. Nangako siya sa binata na manonood nang laro nito. At bago pa sila makaalis isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Hindi lang siya ang nagulat maging si Ryner at bahagyang nabigla nang makita ang kapatid na dumating. “Nabigla ka yata, Taksil kong kapatid.” Wika pa ni Zayne habang nakatingin kay Ryner. “Ang lakas nang loob mo na kalabanin ako at pakasalan ang babaeng ipinagkasund sa akin? Bakit? Sa anong dahilan?” tanong ni Zayne sa binata. Hindi naman maintindihan ni Primrose ang sinasabi ni Zayne. Bakit sa tunog nang pananalita nito, parang wala itong alam sa nangyari. “Zayne-----” “Wala akong ipapaliwanag saiyo. At hindi rin kita kinakalaban.” Wika ni Ryner sa kapatid. “At anong ibig sabihin nang ginawa mo? Sinabi ko saiyong E- delay ang kasal habang wala ko. Pero nalaman ko nalang na pinalitan mo ako sa kasal ko. Anong tawag mo sa ginawa mo?” Tanong ni Zayne. “Anong sabi mo?” Gulat na tanong ni Primrose saka tumingin kay Ryner. Lalo niyang hindi maintindiha ang nangyayari? Anong dahilan ni Ryner para pakasalan siya? “I have my reasons.” Wika ni Ryner sa dalaga. “Sure you do. Bakit hindi mo ipaliwanag sa amin ang ginawa mo?” Ani Zayne. Hindi naman bumaling si Ryner sa kapatid at nakatingin lang ky Primrose. Hindi niya alam kung papaano sisimulan ang pagpapaliwanag sa dalaga. “Trust me. I did this----” “Trust? Paano?” anang dalaga at lumayo sa binata nang tinangka nitong hawakan ang kamay niya. Nagagalit siya kay Ryner dahil hindi nito sinasabi sa kanya ang totoong nangyayari. At kung may rason ito kung bakit nagpanggap itong replacement husband. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito. “Isa lang ang gusto kong mangyari at iyon ay ang protektahan ka. Kung nagsinungaling man ako saiyo. Iyon ay dahil, mahalaga ka sa akin. Ayokong mawala ----” “Huwag mong subukang paikutin ulit ako sa palad mo. Hindi ko alam kung bakit ka nagsinungaling at kung ano ang dahilan mo----” “Dahil ayokong may mahalagang tao sa buhay ko ang mawala nang wala---” “I will only ask this once. And I want you to answer me honestly.” Agaw nang dalaga. “Who are you?” "This time," Ani Ryner sa mahina ngunit matibay na tinig, “Even if you’ve forgotten me, I’ll never let you go again. Ito ang binitawan kung pangako.” Wika nang binata. Nakatingin siya nang derecho kay Primrose. Pangalawang pagkakataon niya ito. Pangalawang buhay para itama ang pagkakamali niya. Sa nakaraang buhay niya, Hinayaan niya si Primrose na maikasal kay Zayne sa pag-aakalang makakabuti ito sa dalaga gayong kinalimutan na siya nito. Dahil sa nangyaring Aksidente sa dalaga five years ago, nakalimutan siya nito at kung ano ang mga pinagsamahan nila. Ginamit ni Zayne amg nangyari para magawang pakasalan ni Primrose at maging bagong CEO nang Prism and Pearl. Pero hindi naging maganda ang naging buhay ni Primrose sa kamay ni Zayne. He was cheating on her, Sinubukan niyang bawiin si Primrose sa kapatid pero dahil sa kasal ito kay Zayne wala siyang nagawa. Hanggang sa humantong sa pagkakaroon nila nang alitan ni Zayne which causes his Death. Akala niya. Katapusan nan ang lahat at hindi na niya magagawang iligtas ang babaeng pinakakamahal mula sa kamay ni Zayne hanggang sa magising siya sa araw mismo nang kasal ni Zayne at Primrose. Totoong naaksidente si Zayne, sa nakaraang buhay niya. Na delay ang kasal dahil sa askidente ni Zayne. Him, waking up exactly the day of her wedding ay isang malaking pabor kay Ryner. Nagkaroon siya nang pagkakataong magpanggap na Replacement Husband. Iyon lang ang naisip niyang paraan para mailayo ang dalaga kay Ryner. Wala siyang pakialam kung isang Replacement Husband ang tingin ni Primrose sa kanya. He can live with that. Ang hindi niya kayang tanggapin ay ang muling makitang masaktan si Primrose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD