Fate or Deception?

1121 Words
“Hindi ka ba sasagot?” Tanong ni Primrose na bumaling sa noon ay tahimik na si Ryne. Parang ang lalim nang iniisip nito. Maging si Zayne ay nakatingin lang sa binata. “Hindi niya magawang sumagot dahil wala naman siyang ibang dahilan kundi ang agawin ang kung anong akin.” Wika ni Zayne. Napatingin naman si Primrose sa binata. Gusto niyang malaman kung bakit nagpanggap ang binata at kung bakit parang tila nakikilala niya ang mga kilos nang binata. “Huwag mo nalang siyang intindihan. Baka nag-iisip pa siya sa pwede niyang gawing rason.” Wika ni Zayne saka bumaling kay Primrose. “Come with me.” Wika ni Zayne saka hinawakan ang kamay nang dalaga. Sabay namang napatingin sa kamay niya na hawak ni Zayne si Primrose at Ryner. “Sumama? Saan?” Tanong nang dalaga saka pasimpleng binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Zayne. “Pupuntahan natin ang mga magulang natin. They need to know, na kailangang ipawalang bisa ang kasal mo kay Ryner. Hindi naman siya ang dapat pinakasalan mo.” Wika nito saka bumaling kay Ryner. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo o kung anong plano mo. Pero hindi ako papayag na sirain mo ang mga nakatakda sa akin. Sinabi mong hindi ka naghahabol sa pera nang pamilya namin hindi ba? Kaya mong mabuhay sa paglalaro mo nang walang kwentang baseball. Pero nang makakita ka nang pagkakataon para sirain ang mga pangarap ko.” Wika ni Zayne saka hinawakan ang kamay nang dalaga na dahilan naman para mabigla si Primrose at mapatingin sa kamay ni Zayne. “Tayo na.” wika pa nito saka walang paalam na hinila ang dalaga papalayo kay Ryner. Taka namang napalingon si Primrose sa binata. Wala ba itong gagawin at basta nalang tatayo doon at hahayaan silang umalis? Iyon ang nasa isip niya habang nakatingin sa binata. Nakatayo lang ito at hindi lumilingon sa kanila. Naguguluhan ang dalaga sa nangyari. Lalo na sa motibo ni Ryner na magpanggap na replacement husband niya. At ngayong, bumalik si Zayne wala bai tong gagawin? Kahit naman nagpapanggap lang silang mag-asawa o isang kontrata lang ang kasal. Mag-asawa naman sila. Hahayaan lang ba nito na ilayo siya ni Zayne. Wala bang kwenta ang sinabi nitong "This time, even if you’ve forgotten me, I’ll never let you go again.” Sinungaling. Wika nang isip ni Primrose habang hinahayaan lang niya si Zayne na akayin siya. Hindi siya nanlaban. At parang nawalan na din siya nang ganang lumaban o magtanong pa. Dinala siya ni Zayne sa bahay nang mga magulang nito kung saan nandoon din ang ama niya. “Anong ibig sabihin nito Zayne? Bakit mo kasama si Primrose?” Tanong nang papa niya nang dumating sila. Mukha naging ito ay nagtataka din sa mga nangyari. Sino ba namang hindi. Bigla nalang susulpot si Zayne at bigla siyang kinuha mula kay Ryner na parang isang bagay lang. “Nakakapagtaka bang kasama ko ang dapat sana ay asawa ko?” Sakristong wika nang binat. Napatingin naman ang ama ni Primrose sa kanya. Hindi lang kumibo ang dalaga. “Alam mong ikinasal na si Primrose sa kapatid mo. Bakit kayo magkasama?” Anang ama ni Zayne sa Binata. “Kasal? Pinalitan niya ako sa kasal ko nang hindi nagpapaalam sa akin. Ang sabi ko sa kanya e-delay niya ang kasal hanggang sa gumaling ako. Pero bakit siya nagpanggap na parang patay ako at hindi na makakabalik.” Gigil na wika ni Zayne. “Ano naman ang gusto mong mangyari?” Tanong nang ama ni Zayne. “Ipawalang bisa niyo ang kasal nila at pakakasalan ko si Primrose ang orihinal na kasunduan ang gusto kong mangyari. At dahil hindi naman ako ang pinakasalan ni Prim, hindi muna mag -iinvest ang Kompanya sa Prism and Pearl.” Wika nang lalaki dahilan para mapatingin ang ama ni Primrose sa binata maging si Primrose ay napatingin din dito. Sa pagkakaalam niya, gustong makapasok sa global market nang Prism and Pearl at dahil globally known ang pamilya nang mga Carter, kailangan ng papa niya ang impluwensya ng mga ito para mapasok ang global market. Kahit naman kilala sila sa Asia sa kanilang mga ginagawang jewelry, ipa pa din kung malakas din ang impact nila sa global market at iyon ang gusto nang papa niya. “Wala as kasunduan natin ang ganito Bernard.” Wika nang papa niya saka tumingin sa amak ni Zayne. “Wala nga. Wala din sa kasunduan na kailangan nang replacement husband. At kung---” biglang naputol na wika ni Zayne nang biglang agawin ni Primrose ang kamay niya. Taka namang napatingin nang binata sa dalaga. “Sinong may sabing magpapakasal ako saiyo.” “Anong sabi mo?” Gulat na wika ni Zayne. “Bakit? Nahulog ka na ba sa mang-aagaw kong kapatid? Kaya ba----” “Hindi ako isang bagay na pwedeng niyong gawin ang ano mang gusto niyo.” Wika nang dalaga. “Primrose----” putol na wika nang papa niya. “Anong sinabi nang walang kwenta kong----” “That’s the problem. Wala siyang sinasabi. Ayoko nang ganito na para akong puppet na gusto niyong pasunurin sa ano mang gusto niyong mangyari.” “Pero alam mong----” “Alam kong ikaw dapat ang pakasalan ko. At hindi dahil gusto ko pero dahil gusto nang pamilya natin. Kung ipapawalang bisa ko man ang kasal ko kay Ryner, hindi ibig sabihin dahil magpapakasal ako s aiyo. Sa ngayon wala akong ibang gustong mangyari kundi ang makalayo sa inyo.” Wika ni Primrose saka tumingin sa papa niya. “I am sorry to disappoint you.” wika nang dalaga sa papa niya hindi naman ito nakapagsalita. Wala ding nagawa ang mga ito nang biglang lumabas ang dalaga at naglakad papalayo. “Victor, hindi ko gusto ang inaasal nang anak mo. Hindi ba niya alam na ang pera nang pamilya ko ang magkakaahon sa problem ana kinakaharap nang kompanya niyo? Wala yata siyang ideya sa nangyayari.” Wika ni Zayne na humarap sa ama ni Primrose. “Hayaan mo at kakausapin ko siya. Wala lang siyang alam sa nangyayari. Wala pa kaming sinasabi sa kanya. Masyadong idealistic ang batang iyon. Pero alam ko namang kapag ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyayari. Hindi naman niya matitiis ang kompanya.” Wika pa nang ama ni Primrose. “Siguraduhin mo lang dahil alam mo kung ano ang mangyayari sa business niyo.” Wika pa nang binata. Hindi naman sumagot si Victor. Alam niyang kailangan niyang kumbinsihin sni Primrose na si Zayne ang pakasalan. At alam din niyang hindi ito nagbibiro sa sinabi nitong pwedeng mangyari sa kompanya nila. Pinaghirapan niyang itayo ang kompanya niya at hindi siya papayag na sa isang iglap lang bigla itong maglalahong parang bola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD